(Areza's POV)
It was too quick, I just found myself lying in his arms. Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin habang nakakapit naman ako sa mga bisig niya. He looked so tamed and innocent.
"Are you okay?" he asked.
Pakiramdam ko parang mahuhulog ako sa isang malalim na bangin. Triple ang kabog ng dibdib ko, and mas lalo pa itong bumibilis habang tumatagal.
Heto pa rin kami at nakakulong sa kwartong ito. We only have 10 minutes left. Nauhaw lang naman ako kaya kumuha ako ng tubig at hindi ko sinasadyang madulas at masalo ni Reeve.
"Areza?"
For a second, I feel secured, I felt safety in his arms. Pakiramdam ko hindi ako masasaktan pag siya ang kasama ko.
No, Areza! You shouldn't feel that. Mabilis kong itinayo ang sarili ko at kumawala sa bisig niya.
NO STRINGS ATTACHED...
Nakasaad yan sa kontrata na mag-uumpisa sa pagitan namin next week. Ako lang naman ang nakakaalam sa pagitan naming dalawa because I saw his profile. Maliban doon ay wala na siyang dapat malaman pa tungkol sa'kin. Sapat nang kilala niya ako bilang si Areza Mendez. No more, no less.
Inayos ko na lamang ang sarili ko at tumayo na.
“Ayos ka lang?” tanong niya ulit noong humiwalay ako sa kanya.
“Yup.” I faked a smile.
Pagkatapos noon ay muli na naman kaming na tahimik na dalawa. Marahil dahil ayaw niyang masira ang atmosphere kaya tumahimik nalang din siya. Pero pagkalipas ng limang minuto ay may inilabas siyang isang pouch.
“Pwedeng magtanong. Ano yan?” Tinuro ko ang pouch na hawak-hawak niya.
Mabilis niya naman itong itinago pero nahagip ng mata ko ang locket na sinisilip niya.
“Wala," seryoso niyang tugon.
He looked strange. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at parang napalitan ng guilt. Sino kaya ang nagmamay-ari ng kwintas na 'yon? Bakit niya inilabas? Mayron kaya siyang gustong sabihin sa'kin?
“Mr. Reeve, naranasan mo na bang magmahal?” Bigla ko nalang natanong out of nowhere na alam kong ikinagulat niya. "Naisip ko kasing gawin makabuluhan ang ilang minuto kaya naman mas maganda siguro kung magkwekwento ka," nakangiti kong sabi dito.
Muli akong umupo sa kabilang dulo ng kama. Nakatingin lang siya sa'kin. He looked puzzled.
Nabigla ba talaga siya ng sobra sa tanong kong 'yon at natameme siya?
“Yes kay A—” saglit lang siyang tumingin sa akin tapos ay mayroon siyang ipinakitang locket. "Sa may-ari nito."
I smiled at him, kahit pa may hawig sila ng Reeve na kilala ko ay alam kong hindi siya 'yon. It's confirmed dahil wala naman akong ganoong locket. Magkapangalan lang talaga sila.
“How's sweet."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Buti pa siya naaalala ang babaeng minahal niya, ano? At tinago niya pa ang gamit nito dahil sa sobrang pagmamahal niya.
Muli akong napatitig sa kanya. It means he's one of those depressed and frustrated clients na nagrerent ng mga babae to divert thier emotions and to feel alive again. Sila ang mga lalaking binabalik ang confidence nila by being superior to someone. Sayang lang, because he's already successful when it comes to his career. Napakabata niya pa naman sana. He can search for a decent and wealthy woman to marry.
Pinanood ko lang siya habang nagsusulat ng kung ano sa mesa ng kwarto. "Mr. Reeve anong sinusulat mo? Bawal ang vandalism sa VIP room na ito. Sisingilin ka nila for damage."
"How much? Barya lang naman siguro ang hihingin nila, di'ba?" Dinedma niya ang sinabi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Hindi barya ang one hundred thousand!"
He ignored me. Napalunok nalang ako nang mapansin kong tapos na siya sa kanyang sinusulat. Nagligpit na siya at biglang tumayo.
"Maliit na bagay," sabi nito saka tumawa.
“Come on! Don't worry!"
Bigla niya akong hinila sa kamay kaya napatayo ako at napasunod sa kanya. Hindi nalang din ako nagsalita.
Ano ba 'yong sinulat niya? Kailangan ko lang ng piece of mind, gusto kong mabasa 'yon kaya pinigil ko ang pwersa niya at hinila ang table.
Napatutop ako sa bibig ko nang makita ko kung ano ang nakasulat sa mesa.
AREZA AND REEVE'S 30 MINUTES LOVE MAKING.
"MY GOSH! ANONG LOVE MAKING?" Sinamaan ko siya nang tingin. Putek! Nag-iwan pa ito ng remembrance na siguradong mababasa ni Desiree.
Muli kong sinilip ang phone ko to check Desiree's text. She's texting me simula noong lumabas kami sa VIP room na 'yon at dahil doon ay nawala na ako sa sarili ko. Wala na akong ginawa kung hindi magreply sa kanya.
‘Areza, sa Wednesday ka na mag-uumpisa with your new client. Okay? Are you having fun?'
Naririnig ko ang tawa niya kahit text lang ang natatanggap ko from her. Her wickedness at ang ganid sa mga mata nito habang hawak hawak ang downpayment for the session. She's so evil! I thought it would start next week pero mas pinaaga niya pa.
'How many days will the contract last?' I replied. Nakakunot na ang noo ko dito, nakakainis talaga ang matandang hukluban na ito.
'Secret.'
Sh*t! Napamura ako, mabuti nalang at hindi masyadong malakas.
"Ang galing ni Sir, di'ba?" Naputol ang inis ko sa sinabi nang waitress sa tabi ko. Nakafocus ako sa pakikipagtext habang sila tuwang-tuwa sa pinapakinggan nila.
May guest band ba ang party?
Narinig ko ang malakas na palakpakan galing sa center stage. Nakita ko doon ang lampas sampung taong nakasuot ng black suit. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 25 to 40 ang mga ito. Mukhang mga business tycoons, mayayaman at mukhang politicians pa ang iba. I know she's there. Kaya pala sya nagtext sakin. Damn, that cunning insane step mother!
Humarap nalang ako sa mesa para kunin ang juice ko. Pampawala ng stress ito.
Iinom na sana ako nang mayroong tumayo sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko si Reeve na nakapamulsa.
"Do you like it?" He smiled.
Napalingon ako kay Claire dahil bigla itong humagikgik. Nagumpisa na ang tukso ng mga kasama ko sa mesa. Ano kayang nangyayari sa mga 'to?
"What do you mean?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ako na ang unang nagtanong kung ano ang tinutukoy niya dahil wala akong idea.
"May suot ka bang earpods? You didn't hear me?" napuno nang pagtataka ang mukha ni Reeve.
Umiling lang ako.
Napakunot noo siya. Wala naman talaga akong alam sa sinasabi niya. Ayokong ring magsingaling kapag sumagot ako ng 'oo.'
"Wala ka talagang narinig?"
“Wala," I answered him directly.
Tinanggal niya ang mga kamay sa bulsa at tumingin ng diretso sa akin. Napalingon pa ako kay Claire dahil bigla niya akong kinurot.
At this moment, feeling ko nasa hot seat ako. "Hindi mo talaga ako narinig? Damn, woman!" inis na sabi niya.
Nagpaatras na lamang ako sa upuan ko when he suddenly kissed me in the cheeks.
“That's your punishment for not listening to my song!”
"Bastos!" For the second time nasampal ko siya pero in public na ngayon.
For some reason, tinitigan ko lang siya at hindi na ako nagsalita. Napakagat-labi ako dahil napakaseryoso ng titig niya sa'kin while holding his face. Nakita kong bumakat dito ang palad ko, namumula na at kitang-kita ito dahil sa maputing kutis niya. Napalakas yata ang sampal ko sa kanya.
Hindi pa rin napuputol ang titig nito sa'kin, iyong tipong parang lalamunin na niya ako ng buhay sa mga titig niya.
Ako ba ang may kasalanan sa mga oras na ito?
May mali ba akong nagawa?
He repeated his hobby of fixing his damn hair. I could feel his warm breath when he gave me a deep sighed.
“I like strong girls. Alam mo ba 'yon?” he groaned.
Naging seryoso na naman ang boses niya.
"I don't care, basta—" hindi ko natapos ang sasabihin ko. Nakangisi na siya sa akin at parang punong-puno ng pangaasar ang mukha niya.
Gosh! Ano ba talagang nagawa kong mali sa lalaking ito?
"Ano ba sa tingin mo ang sinasabi ko?"
Ibinalik niya sa akin ang tanong.
"I'm dead serious, Areza." Mas lumapit pa siya sa akin kaya napapikit na ako.
Ano kayang gagawin niya?
Will he repeat it again?
Hahalikan niya na naman ba ako?