Chapter 8 : Locked With Him

1000 Words
(Areza's POV) "Sinong nagsabing tapos na ang dare mo, Ms. Areza?" ngising demonyong tanong ni Ellen sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may inilabas silang white handkerchief. Tuwang tuwa silang lahat na nakapalibot sa'kin habang tinatakpan nila ang mga mata ko. Inalalayan nila ako pero ang alam ko ay papaakyat kami ng hagdan. Saglit lang din, huminto na kami. Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto. Napaupo nalang ako sa kama. Tinawag ko sila pero hindi pa rin nila inaalis ang piring sa mga mata ko. Ang tahimik sa loob ng kwarto. All I can hear is the romantic music. Muli kong narinig ang pagbukas ng pinto pero this time boses na ng mga lalaki ang naririnig ko. Napalayo nalang ako ng maramdaman kong may naupo sa kabilang bahagi ng kama. Lumubog ito kaya naman agad kong inalis ang piring sa mga mata ko. SHIT! Siya na naman? "So, it was you?" Umangat bigla ang isang kilay ko sa sinabi niyang 'yon. He seemed relax habang ako kinakabahan, may bakas pa ng ngiti ang mga labi niya. What the heck? Nadagdagan ang kaba ko ng bigla siyang pumunta ng pinto at kinatok ito nang malakas. "Ano bang gagawin namin dito, Ms?" nilingon niya ako. "How many kisses do you want or do you want us to make love?" Kinindatan niya ako. The nerve of this guy! Sinimangutan ko siya. He's really arrogant. Kung nasa tabi ko lang siya nasapok ko na ang taong ito. Di nagtagal ay sinandal niya ang likod niya sa pintuan. He combed his hair using his fingertips. Hindi ko alam pero parang nalunod ako sa ginawa niyang 'yon. I admit it. He looked stunning! Biglang bumukas ang pinto, nakatayo doon sina Elizabeth, Ellen and Claire. "Simple lang po. You and Areza will stay on this room for 30 minutes. Pagkatapos no'n, saka namin bubuksan. Feel free to do what you want. Okay ba Mr. Reeve?" Nakita ko ang thumbs up sakin ni Claire bago nila muling sinarado ang pinto. Medyo nahihirapan na akong huminga dahil sa kabang nararamdaman ko. Parang may kung anong pumipiga sa dibdib ko. I draw a deep breath. 30 minutes, mabilis lang naman 'yon. Walang mangyayari sa pagitan naming dalawa. Sigurado. Napakalumbaba akong umupo sa kabilang side ng kama habang siya naman nakaupo na din sa dulo. Mukhang hindi katiwa-tiwala na pangiti-ngiti niya sa'kin. I could see his lips teasing mine parang pinapaalala nito ang nangyari sa'min last time. Tumayo bigla ang mga balahibo ko sa katawan. "Areza? Tama ba ang pangalan mo?" Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa'kin. “I'm not expecting na dito ulit tayo magkikita and to think that you're the heiress of Mr and Mrs. Mendez.” After that he smiled at me. Isang nakakatunaw na ngiti. Kung alam lang niya na wala naman akong makukuha ni piso sa kayamanan ng Dad ko. Kung 'yon ang habol niya pwede din namang si Desiree nalang ang landiin niya. "Do you have a boyfriend?" Nabigla ako sa tanong niyang 'yon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Can I kiss you again?" Shit! Lasing ba siya at ganito ang mga pinagsasabi niya? Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan kaya naman nagawa ko nang lapitan siya. "Do you want to kiss me Mr. Fabian?" Nilapit ko ang sarili ko sa kanya. Nakita ko namang lumagkit ang titig niya sa'kin. He thought I'll kiss him but instead... I slapped him hard. 'Yon ang bagay sa mga arroganteng lalaking katulad niya. "Hindi porket good kisser ka Mr. Reeve ay magiging arrogante ka na din habambuhay. You just kissed me once and that was an accident." Tahimik lang siyang nakatitig sa'kin. I ignored his reaction, tumungo ako sa pinto at hinawakan ko ang door knob. Hindi talaga mabuksan. Asar! Inuntog ko nalang ang noo ko sa pinto ng dalawang beses. I can't stay with him for 30 minutes. Hindi ganun kahaba ang pasensya ko. "Open the door, Claire or else I’ll crush you!" Hinampas ko ng kamay ang pinto. Nagitlang ako ng lumapit si Reeve sa akin, nasa bewang ko na ang mga kamay niya. Napasigaw ako to stop him pero hindi niya ako pinansin nakangiti lang siya sa'kin. Bingi ba siya? I didn't expect that he'll behave like this. He's a total pervert! "Are you scared Ms. Areza?" Sh*t! I’m dead! Tinulak ako ng malakas ni Reeve kaya napasandal ako sa pader. He gave me a smirk at inayos niya na naman ang buhok niya. I think he’s seducing me. His trying to find my weakest point. "May chance ba ako if I'll try to seduce you now?" Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. His face is an inch farther from mine. Nakatingin lang siya sa akin like he's waiting for my answer. Nakakulong ako sa mga bisig niya. Paano ba ako makakaalis sa sitwasyong ito? Nagulat na lang ako dahil biglang may nagbukas ng pinto. "Oops, sorry!" sabi nito tapos biglang sinara ulit. Tumawa naman itong si Reeve. Akala ko ba naka lock? Eh bakit may bumukas? Mga walang hiya sila! "Put me down!" Hinampas ko siya sa likod nang bigla niya akong binuhat papuntang kama. "Anong gagawin mo sakin?! Pervert! Napakasama niyo talagang mga lalaki!" Di ko na mapigilang hindi mapasigaw at saktan siya. Tulad din siya ng ibang mga lalaki, pare-pareho sila ng habol. Nanlambot ang mga tuhod ko nang pinaupo niya lang ako sa kama at lumayo ng bahagya sa'kin. Binalot kaming dalawa ng mahabang katahimikan. Parang walang may gustong bumasag nito. Hindi nagtagal ay siya din ang unang nagsalita. "Don't worry. I'm not a pervert. I'm just testing you Ms. Heiress." he said to me with an angelic smile. Ibig sabihin ba wala talaga siyang balak sa 'kin? He's just tempted me, seduced me and made me worry for nothing? Ibang klase talaga ang lalaking 'to! Napabuntong-hininga na lamang ako para pakalmahin ang aking sarili. Akala ko matatapos na ang delubyong nararanasan ko ngayon pero bigla akong napabalikwas sa kinaroroonan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD