(Areza's POV)
I know this may sound pathetic pero napilitan akong sumama kay Reeve for a walk dahil sa nagawa ko sa kanya. Hila-hila niya pa rin ang kanang braso ko at hindi niya man lang nagawang lingunin ako. He's really serious about what he said at walang halong biro ang mga galaw niya.
Sinubukan pa siyang pigilan nina Claire but he insisted. Gusto niya lang daw akong masolo kaya kelangan naming lumabas.
Everything's too dark and foggy. Hindi ko na makilala ang bahaging ito ng compound. Ilang beses na din akong nakarating sa labas ng building pero sakay ako ng kotse ni Desiree or sinusundo ako para ihatid agad sa dormitory. I wasn't given the chance to go out marahil ay dahil takot siyang hanapin ko ang Dad ko.
"Sorry, Sir. This place is off-limits. Hindi na po pwedeng lumabas si Ms. Mendez dito," Mr. Dela Vera stated sabay pigil sa'min ni Reeve.
Siya ang club manager dito at inatasan ni Desiree para masiguradong hindi makakalabas ang mga babaeng hawak niya without a contract or with a client.
Inulit niya ang banta kay Reeve. Hinawakan pa nito ang kabilang braso ko to stop us. I smirked at him. Ibig sabihin lang nito ay alam ni Desiree lahat ng mga galaw namin. Siguro tuwang-tuwa siya habang pinapanood kami ngayon.
Reeve smiled at him sabay lagay ng isang bundle ng pera sa bulsa ng uniporme nito. "Is that enough?"
"Sorry, Sir. Kelangan ko po ang trabahong ito. Bawal po talaga," he insisted.
Papasok na sana ako sa usapan pero biglang humigpit ang pagkakahawak sakin ni Reeve. May kinukuha pala ito sa bulsa niya.
"Just keep silent. Okay? I think this is enough hanggang retirement mo. Go home." Nagulat ako nang ibinigay niya lahat ng perang nasa bulsa niya.
What the heck! Nababaliw na ba siya at hindi siya gumagamit ng wallet? Napakadaming laman ng bulsa niya.
"Are you crazy? Bakit mo ibinigay lahat ng pera mo? You're unbelievable!" I blurt out.
"Why? Barya lang 'yon," napakakalmado ng sagot nito sa'kin. Naniningkit pa ang mga mata niya habang nakangiti. "Let's go? Baka mamaya may dumating pang mga security mo."
Nakarating na kami sa parking lot. Pinagtitinginan kami ng mga taong nandito pero wala akong naririnig na nagsasalita sa kanila. Pati guard ng area ay wala ding nasabi. Are they afraid of him? Siguro nga. Sino ba namang hindi matatakot sa lalaking ito? Basta-basta nalang namimigay ng pera.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad, he's looking for his car. Nararamdaman ko na din ang pananakit ng braso at mga hita ko pero hindi na lang ako nagreklamo sa kaniya.
"Ouch! My foot! Please huminto muna tayo."
Napasigaw ako nang bigla akong natapilok dahil sa paghila sa'kin ni Reeve. Napahinto naman siya sa paglalakad saka lumingon agad siya sa akin.
"What happened, Areza?"
"Natapilok ako! Hatak ka kasi ng hatak e!"
Naghahalo ang inis at pagkaasar sa boses ko.
I glared at him.
Wala siyang ibang ginawa sa'kin ng gabing ito kung hindi inisin ako. Siya ang dahilan kung kaya napilitan akong sumali sa spin the bottle, nakulong kaming dalawa sa iisang kwarto, he kissed me in front of the girls and ngayon dinala niya ako kung sa kung saan.
"Sorry na. Gusto lang naman kitang masolo at para magkahingi ako ng tawad."
"Ewan ko sa'yo." Sinimangutan ko siya. "Sorry mong mukha mo! Hindi ako mabilis magpatawad ng mga tao!"
"Okay, I'll just leave you here. Mukha namang galit ka sa'kin," aniya at naglakad palayo.
Bwisit talaga ang lalaking 'to! "Pwede mo naman yata akong tulungan sa pagtayo, Reeve?"
Nakita kong lumingon siya at bumalik sa kinauupuan ko. Inalalayan niya ako sa pagtayo pero paika-ika pa rin ako.
"W-wait! What are you doing?"
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong binuhat na para bang bagong kasal kaming dalawa.
“San mo ba talaga ako dadalhin?” I closed my eyes at huminga ng malalim. Naramdaman ko kasing nilapag niya ako sa loob ng kotse niya.
"I'll treat you for breakfast," he said at naupo na sa driver's seat. Ngayon ko lang namalayan na inabot na pala ng umaga ang party at pagtakas naming dalawa. "Bilang bayad utang mo sa'kin. Okay?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
I'm going to have breakfast with Reeve bago mag-umpisa ang session namin on Wednesday.
Nakakaguilty dahil wala siyang kaalam-alam na ako ang babaeng makakasama niya for a week or two in his place. He will used me hanggang sa mapagod at mapunan lahat ng pangangailangan niya.
Hindi ko alam kung dahil ba matalas ang peripheral vision ko kaya ramdam kong ang daming nakatingin sa'min. Tahimik man ang paligid pero ramdam ko ang pressure sa lugar na ito.
He brought me in a coffee shop and siya na din ang umorder ng makakain namin. Wala kaming imik sa isa't isa habang kumakain. Nakapagsalita lang kami nang maubos na ang dessert naming vanilla cake.
“Anong balak mo ngayon?”
“Hmm. Wala.” Nagkibit-balikat lang siya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "You just wasted your money a while ago and now sasabihin mong wala kang balak? You're insane, Mr. Reeve."
Tumingin siya sa akin. At bigla niya akong nilapitan. “Okay. Close your eyes, huwag mong bubuksan hanggang hindi ko sinasabi! Subukan mong buksan and your dead,” bulong niya.
Bakit ba ako masyadong tense?
Sinunod ko naman agad ang sinabi niya sa'kin. Takot lang siguro ako kay Reeve at sa anong pwede niyang gawin sa akin dahil sa dami ng pera niya kaya hindi sumusunod agad ako dito.
“Reeve, ta-tapos n-na b-ba?" I stuttered in tense while saying those words.
Wala akong sagot na natanggap. Naramdaman ko na lamang ang isang mabigat na bagay na nakasandal sa balikat ko.
“Now, you can open your eyes," he whispered. I slowly opened my eyes, nakita kong nakasandal ang ulo niya sa kanang balikat ko.
“Ano to, Reeve?” sabi ko with a confused look. Umaalburuto na naman ang utak ko dala ng matinding kaba.
“Stay with me like this and I'll take care of you," sabi pa niya na halos ikatunaw ko sa aking kinauupuan.
I suddenly felt a kick from his words. Ayaw atang mag sink-in sa utak ko ng mga sinabi niya.
Mabuti nalang at may lumapit sa'ming isang babae. She's pretty, sa unang tingin ay masasabi kaagad that she's a great match for him. Mayaman ang ayos nito, mukhang edukada, may magandang career and she looks dazzling with her curly brown hair.
"Who is she, Reeve?" She suddenly pointed her finger at me. "Your new girl?" Bigla siyang tumawa nang malakas, napakasarcastic ng tawa nito.
Nagulat nalang ako dahil ang dami sinabi ng babae na information tungkol sa'kin. Lahat ata ng public information ko alam niya. Pati kung saan ako pinanganak alam niya. Kahit kung saan ako nag-aral ng elementary. Is she a reporter? Stalker ko ba siya?
A minute or two umalis nalang yung babae dahil wala kaming reaction ni Reeve sa mga sinabi niya, siguro ay naasar siya sa'min. Nagkatinginan lang kami ni Reeve na para bang walang nangyari.
I couldn't take it anymore, I smiled at him. “Baliw ba 'yon?" tumawa ako nang malakas dahil hindi ko na talaga mapigilan.
Tatayo sana ako to get some tissue kaya lang 'di ko inaasahan na hahawakan niya sa braso ni Reeve. Napahinto tuloy ako.
“Let’s go," he said with a serious tone.
Oh?
Naging blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi na siya ang lalaking kausap ko kanina, para siyang ibang tao. Seryoso, tahimik at mukhang galit sa mundo.
"Reeve, okay ka lang ba?" tanong ko.
"Kanina, oo. Ngayon, hindi na," mabilis niyang sagot.
Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya. Ibang-iba na talaga ang kausap ko ngayon. Pati pagsagot niya ay nawalan na din ng sigla.
"Bakit? Anong problema?"
Nagulat ako ng bigla syang humarap sa'kin.
"Anong problema? Sh*t! Tinanong mo pa talaga?"
Napatulala ako sa kanya. Galit ba 'to?
"Reeve...B-bakit?"
And then everything freeze. Nakita ko kasing may pumatak na luha mula sa mga mata nya. Agad niyang iniwas ang mukha nya at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Nanatili akong nakatingin sa kanya, nakatulala lang ako habang nakatitig dito. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang ang sikip ng dibdib ko.
Bigla akong nahirapang huminga.
Naramdaman ko na lamang na may mainit na bagay na ring tumutulo mula sa mga mata ko.
Suddenly, he said something na mas nagpasakit pa ng dibdib ko.
“Bakit ang sakit sa puso isipin? Bakit nasaktan ako imbes na matuwa sa mga tawa mo? WHY DID YOU REMIND ME OF MY EX-GIRLFRIEND, AREZA.”