Chapter 7 : Truth or Dare

1000 Words
(Areza's POV) "Kanina pa kita hinihintay." I stared at the guy in front of me. Familiar ang boses niya pati na din ang kulay ng kaniyang buhok at mata. Inakbayan niya ako pero mabilis ko namang inalis ito. "Oh! Sorry, Areza. May partner ka na pala," sabi ni Erdon na bigla ding lumapit sa kinatatayuan naming dalawa. Hindi ako umimik. He's my batchmate in college, my very first session who lasted for three months. He developed nymphomania because of the depression he had from the death of his fiance. Dahil doon kinailangan niya ang serbisyo ko to heal him, emotionally, physically and sexually. Mayaman sila, anak siya ng pinakasikat na attorney sa bansa. I'm just blessed dahil hindi niya alam na ako ang babaeng nakasama niya ng ilang beses ng mga oras na 'yon. I just tapped his shoulder at lumayo na ako sa kinatatayuan nilang dalawa. I don't need to stay there baka mamaya ma-trapped pa ako sa kanilang dalawa. "ATE! SAN KA NAGPUNTA! HINANAP KA NAMIN EH!" sabi ni Claire na nakasigaw pa sa akin. "Ang lakas ng boses mo parang may microphone. Bakit ka sumisigaw? Naririnig kita! Kumuha lang ako ng juice. Ayoko nang uminom, eh!" sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Alam kong malakas ang music pero napakalakas talaga ng boses niya. "Kasi naman ate ang daming naghahanap sa'yo. Daig mo pa ang nasa wanted list na mayrong patong sa ulo. Infairness, lakas talaga ng hatak mo. Tapos kita mo yung mga lalaki doon..." tinuro niya yung nasa sulok, "Kanina pa tinatanong si Ms. Elizabeth kung darating ka daw. Gusto daw nila magpakuha ng picture at mayron daw silang dalang regalo for you. You're really famous." "Yeah. Famous nga ako. Famous wh0re. Ikaw na lang ang tumanggap ng dala nila." Minsan talaga napapangiti na lang ako sa mga lalaking ganito. Akala kasi nila ako pa rin ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng Dad ko. Wala silang idea that I'm being controlled by my stepmom. Siguro kung may suot akong mask, iisipin kong sila yung mga taong gustong makakuha ng free or cheaper session with me. It's just that I'm overprotected by Desiree kaya hindi niya hinahayaang mapunta ako sa kung sinong hindi maabot ang minimum payment na required sa contract na ginawa niya. If they want me, they should pay 250,000 pesos for a week and mas mataas pa doon kapag isang buwan. Additional services will also incur additional costs, lalo na kapag gumamit sila ng ero tools. Barya lang naman 'yon sa mga mayayamang tulad nila kaya they don't mind. "Mauuna na ako, Claire. Sinigurado ko lang naman na safe ka kaya ako pumunta dito. Nakakastress na din kasi ang atmosphere," sabi ko saka uminom muli ng juice. Bigla na lang naputol ang pag-inom ko ng hinatak ni Claire ang baso ko at nilagay ito sa malayo. "Mamaya na ate, maglaro muna tayo ng spin the bottle. Please," nakangiti niyang sabi. "Ayoko," mabilis kong sagot. "Please, Ate. Don't worry it's different from the typical game. Mas exciting ate at hindi naman bastos, eh. Slight lang." I rolled my eyes to her. "Ayoko." "Please, Ate. Please. Please," pagsusumamo nito. May kasama pang puppy eyes ang pakikiusap niya sa'kin. Kung akala niya madadala niya ako sa ganoong technique. Pwes, hindi! I didn't answered her. Denedma ko siya kaya naman mas lalo siyang lumapit sa'kin habang hawak ang bote na gagamitin sa laro. "Let's have a deal, Ate. Kung hindi tayong dalawa ang unang mapupuntahan ng bottle. Sasama akong uuwi sa'yo? Okay?" tuwang-tuwang sabi niya. Denedma ko nalang siya at tumayo ako sa kinauupuan ko. "Ayoko—" "I'll join with her." Napalingon ako dahil may biglang umakbay sakin. Tinitigan ko siya ng mabuti. My heart skip a beat. He's smiling at me. Sh*t! REEVE! I was left dumbfounded. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakaupo kasama ang mga kaibigan ni Claire. Sobrang ingay nila at tuwang-tuwa na hinihintay na matapos ang pag-ikot ng bottle. Hindi namin kasama ang mga lalaki dahil mayroon din silang sariling game. Mabuti naman. Napalingon ako at agad ding umiwas because Reeve was staring intently at me. I don't know pero parang nakikita ko talaga sa kanya ang mukha ng ex ko. Parehong pareho ang ngiti nilang dalawa. "ATEEEEE!!" napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mahabang sigaw ni Claire. Bumalik ako sa huwisyo ko at nakitang sa'kin nakahinto ang bote. Ang galing naman ng larong ito, bakit ako pa? Hindi pa rin tumitigil ang tili ni Claire. Patulak niya pa akong tinutukso. Ang sarap takpan ng bibig. "Grabe, Ate! May magnet ka talaga sa lahat ng bagay!" Tinulak-tulak ako ni Claire. Sobrang saya niya. Nakalimutan agad ang atraso? Baliw talaga! Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko na hinintay na magtanong sila at nagsabi na ako ng TRUTH. Umiling naman si Claire sa'kin. Si Elizabeth ang magtatanong sa'kin dahil sa kanya nakaharap ang pwetan ng bottle. She's smiling weirdly at me. Nakakakaba naman ang ganito. Hays. "Sino ang lalaking pinagbigyan mo ng virginity mo?" Sasagot na sana ako nang sumingit si Ellen. "May twist ang game natin guys, ha. Lahat ng sagot niyo dapat pasigaw na sasabihin." Fvck! Ano daw?! Nababaliw na ba sila? Napalunok ako ng laway. Hindi ko maiwasang hindi mamula when I asked them that I'll changed my choice. Sa DARE nalang ako. Tinapik naman ako ni Claire sa balikat nang mapansin niyang hindi ako mapakali. "Kasalanan mo 'to! Humanda ka talaga sa'king bata ka paguwi," inis na bulong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa'kin and showed me a peace sign. I draw a deep breath nang lumapit na sa'kin ang isang pheonix na may dalang tray. Nakita ko ang isang sliced lemon. Wala akong nagawa nang pinainom nila ang juice sakin. Bwisit! Sobrang pakla at asim ng lasa. "Thanks, but I need to go," mabilis kong sabi ng maka-recover na ako sa nainom ko. "Sinong nagsabing tapos na ang dare mo, Ms. Areza?" ngising demonyong tanong ni Ellen sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD