Kabanata 21 DEIMOS "Xiantiago, follow me," sambit ng professor namin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan siya palabas ng classroom. Huminto siya sa isang sulok na walang mga estudyante. Kinabahan tuloy ako. "Yes, prof.?" tanong ko. "May napansin lang ako... Bumababa iyong mga grades mo. Baka masyado kang focus sa pagsusulat at nakalimutan mong nag-aaral ka pa. You're a graduating student. Papayag ka bang maiwan sa kanila?" "Sorry. Babawi po ako." "May dalawang buwan ka pa. Prove yourself. Hindi ikaw 'yan. May problema ka ba? Sabihin mo sa akin, makikinig ako." Umiling ako. "Wala po. Nahihirapan lang talaga ako." "Sige. Bumawi ka. Sayang." Tinapik ako nito bago umalis. Sumandal ako sa pader at nagpakawala nang malalim na hininga. Panibagong problema muli ang sumibol. Tatl