DEIMOS TATLONG taon ang lumipas nang umalis ang pamilya Cruz patungo sa Amerika. Sa totoo lang, mahirap. Hindi ko alam kung paano hawakan ang relasyon namin ni Phobos na hindi akma ang oras sa pagitan naming dalawa. Sa bawat tawag, hindi puwedeng walang humihikab dahil sa antok at pagod. Ilang beses na kaming sinubukan ng tadhana, pero nilalabanan namin iyon. Mahal namin ang isa't isa at paninindigan namin iyon. Sa tatlong taon na lumipas, marami akong nalaman. Katulad ng may kasintahan si Kuya Grey sa kapwa niya lalaki, ang kapatid ni Ate Katleya na isang modelo, si Kuya Blackarlito. Bukas ang relasyon nila sa publiko at kinilig ako sa pag-amin nilang dalawa. Ginawa iyon ni Kuya Black sa kanyang i********: account. Napangiti ako nang maalala iyong caption nito. "Hey, guys! I will tell