DEIMOS
HABANG tahimik na nagbabasa ng sarili kong istorya. Tumunog ang phone ko, senyales na may abiso mula sa social media accounts ko. Tiningnan ko ito, si Phobos. Pumunta ako sa balcony ng bahay, nandoon siya sa aming tindahan. Suot niya ay puting sando at spongebob na boxers. Mahilig sa pabakat ang kaibigan ko. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko.
"Bakit?" sigaw ko sabay pakita sa cleavage ko. Sports bra kasi ang suot ko at kulay pink pa ito. Gusto ko lang ipagmayabang.
"Yucks," napangiwing sabi ni Phobos. Nabasa ko iyon sa bibig niya.
"Grabe siya!" sigaw ko. Kinuha ko ang nakasabit na sweat shirt sa gilid ng balcony at sinuot ito.
"Halika rito," utos nito.
Parang kagabi lang kalilipat lang nila tapos ngayon ang lapit na namin sa isa't isa. Nakatutuwang isipin na ang turingan naming dalawa ay parang higit pa sa taon na magkakilala.
"Ikaw ang pumunta rito!" sigaw ko.
"Nahihiya ako!" sagot nito.
"Walang tao!"
Umiling ito na parang isang bata. Ang arte naman! Tumalikod na ako at ako na ang bumaba para puntahan siya.
Pagdating ko sa tindahan, napangiti agad ito. Inabutan niya ako ng ice tubig. Ganito pala iyong istilo ng mga lalaking hindi biniyaan ng magandang buhay. Pero para sa akin, saludo ako sa kanya. Kasi kung ibang lalaki iyon? Bibili talaga iyon ng softdrinks para masabihang sweet.
"Salamat," sagot ko. "Ano pala ang gusto mo? Ako?"
Ngumuso ito. "Babasahin ko lang ang gawa mo." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Naramdaman ko rin ang mabilis na pagdaloy ng dugo ko. Nahihiya na ako.
Ininom ko muna ang ice tubig na binigay nito at pinakalma ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano siya tanggihan. Pakiramdam ko, isa siyang kritiko. Baka masaktan ako sa sasabihin niya, fragile pa naman akong tao kahit makapal ang mukha ko.
"I can be your critic," anito. Muntikan ko pa natapon iyong tubig mula sa bunganga ko. Hindi nga ako nagkakamali. He's a critic.
"Huwag na, baka masasaktan lang ako," sabi ko. Totoo naman, e.
"Paano ka mag i-improve kung sa akin pa lang, natatakot ka na? Kaibigan mo ako, 'di ba? I will help you to grow and be better. Malay mo, may maitutulong ako sa iyo. Sana."
"Fine. Sa bahay niyo na lang tayo, baka pag-usapan tayo rito. Guwapo ka pa naman at ang ganda ko. Match made in heaven pa naman tayo."
"Puwede," nakangiting sabi nito.
Pagpasok ko sa bahay nila ay dumiretso na ako sa sofa na kung saan ginawa niyang higaan. Niyakap ko ang unan niya na sa palagay ko ay kakalaba lang, amoy fabric kasi. Nasa kabilang sofa naman siya at sinimulan nang binasa ang istoryang ginawa ko.
Minuto ang lumipas. Ibinalik na niya ang phone sa akin. Pagkatapos, bumalik na siya sa kinauupuan niya at tiningnan ako.
"Ano?" tanong ko kahit kinakabahan na ako. Parang may tambulero na nagtatambol sa puso ko.
"Actually magaling ka." Napawi ang pangamba ko. "Pero may iilan ka lang na mali sa paggamit." Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. "Iyong raw, daw, rin, din, roon, at doon mo," seryosong anito.
Napabangon naman ako dahil sa sinabi niya. "Paano pala gamitin iyon?"
"You can use rin, roon, raw kapag ang final sound nang sinundan na salita ay vowels like A, E, I, O, U and semivowels like W and Y. Halimbawa, halika rito at hindi halika dito. Sa 'D' naman ay consonant ang final sound. Halimbawa, nahulog daw at hindi nahulog raw."
Napangiti ako matapos niyang magpaliwanag. Ngayon, naintindihan ko na ang tamang paggamit nito. Tama nga siya, hindi ako mag-i-improve kung matatakot ako sa pintas.
"Ano pa?" tanong ko sa kanya. Alam kong marami pa akong pagkukulang na napansin niya.
"Iyong action tag at dialogue tag, hindi mo alam kung paano ang tamang paggamit."
"Paano pala?"
"Dialogue tag ay iyong mga sabi niya, sigaw nito, aniya, wika ni, anito..." Lumapit siya sa akin at tumabi. Napatingin naman ako sa bakat niya na mukhang nakatingin sa akin. "Tingnan mo ito," anito.
"I hate you!" Sigaw niya.
"Saan ang mali riyan?" tanong ko. Pakiramdam ko, walang mali sa ginawa ko.
"Instead of big letter 'S' sa sigaw na salita dapat maliit na 's' ang ginamit mo dahil dialogue tag siya. Always remember, small letter ang gagamitin kapag dialogue tag kahit ano pang punctuations ang ginamit mo maliban sa tuldok."
"Ah." Napakamot ako sa ulo. "Ganoon pala. Pero ano iyong action tag?"
"Ito." Pinakita niya sa akin.
"Storm!" Pagtawag ko. Hinabol ko siya.
"Ah. Dapat maliit ang titik p?" tanong ko.
"Yes. Tama ka. Pero kung action tag ang gusto mong matutunan, puwedeng hindi na isali iyong pagtawag ko..."
"Storm!" Hinabol ko siya.
Napatitig naman ako sa kanya. Ang galing niya. Sa sandaling kasama ko siya, may natutunan agad ako sa kanya.
"Thank you, Phobos."
"No problem. Pero all and all, nice content. Magaling ka. Mag-ingat ka lang sa minor errors, 'wag mo lang damihan dahil magiging major na iyon. Anyways, gusto mo bang turuan kita mag show don't tell?"
"Show don't tell? Ano iyon?" takang tanong ko. Nagsimula na akong maingget sa nilalang na ito. Ang dami niyang alam. Sobra. Ako ba ang writer o siya? Sana lahat talaga.
"When you say show don't tell ang dapat mong gawin ay gawin mo 'wag mong sabihin."
"A-ano?" naguguluhan kong tanong.
Kinurot niya ang pisngi ko. "Ang cute mo, Deim."
"Small thing, my Phobos," sabi ko sabay kurot din sa pisngi niya. Gusto ko lang gumanti para sweet. Malay nating may chemistry.
"Makinig ka, show don't tell, halimbawa, napakaganda niyang babae. Yes, maganda ang babae, pero dahil hindi mo siya ginamitan ng show don't tell, hindi ma-identify ng readers kung ano'ng klase meron ang mukha nito. Instead of napakaganda niyang babae, dapat ang sabihin mo." Nilingon niya ako at seryosong nakatitig sa akin. "Si Deimos ay isang napakagandang babae. Mula sa kanyang bilugan na mga mata na parang nangungusap, agaw atensyon pa rito ang kulay tsokolate nitong balintataw. Ang ilong niya ay napakatangos. Maganda rin ang kilay nito, makapal. Ang kanyang mga pilik-mata naman ay natural ang haba at maganda ang kurba. Ang kanyang matambok na pisngi ay mamula-mula." Hinawakan niya ang nunal ko sa ibaba ng aking kaliwang mata. "Biniyaan din siya ng isang nunal na lalong mas nagpapaganda sa kanya." Ibinaba niya ang kanyang tingin papunta sa aking labi. Natulala naman ako dahil sa malagkit niyang titig. "Ang labi niya ay kulay rosas na pinapangarap ng karamihan na mahalikan." Ngumiti ito. "Ang ganda mo."
Inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Nakaiilang siya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.
"Ganoon pala iyon. Salamat."
Napatayo ako nang bumukas ang pinto. Pumasok ang magulang niya kasama ang kapatid nitong babae. May dala itong isang bayong na puno ng iba't ibang klase ng gulay. Nakikita ko ang dahon ng petchay at kangkong.
"Hi sa inyo," pagbati ko.
May gulat naman sa mga mukha nila. Baka nagulat sila kung bakit magkasama kami ng anak nila. Masyado kasing mabilis ang pagkakaibigan namin.
"Ma, si Deimos, kaibigan ko na. Isa lang pala ang magiging unibersidad namin kung papalarin akong makakapasa roon," anang Phobos.
"Yes po, Ate. Magkaibigan na po kami," sagot ko.
Napangiti ito. "Masaya ako dahil may kaibigan na ang anak ko rito."
"Hindi po kayo tutol sa relasyon namin, Ate?"
"Relasyon?!" gulat na sigaw nilang tatlo na bagong dating.
"Bilang magkaibigan. Status: friends," natatawa kong sabi.
"Akala ko boyfriend at girlfriend," aniya.
"Ma, grabe ka," anang Phobos.
Tiningnan ko ito. "Ayaw mo akong maging girlfriend? Ang ganda ko kaya."
"We are friends. Hanggang doon lang iyon," paliwanag nito.
"Okay. Basta bawal ang mahulog sa isa't isa, ha?" paalala ko. Inirapan ko ito. "Ang ganda ko pa naman, malaman."
"Deal. Friends forever."
Inabot ko ang kamay ko. Nang mahawakan niya ito. "Friends with benefits forever," sabi ko.
Napailing ito. "Ang kulit mo talaga."
"Sanayin mo na ang ugali ko." Binulungan ko ito. "Nag adjust nga ako sa pabakat mo."
Agad ba naman ito tumakbo sa kuwarto nila kaya napahalakhak na ako sa katatawa. Paglabas niya, jersey shorts na ang suot niya.
"Grabe ka!" singhal nito. Magkasugat pa ang kilay nito.
Hindi na ako sumagot at tumawa na lang. Nakatatawa talaga ang reaskyon niya. Ang inosente. Wala pala talaga siyang kamalayan sa pabakat niya. Normal lang iyon para sa kanya. Pero iyong makukulit kong mga mata ay mapapatitig talaga.
"Deimos, 'di ba? Dito na tayo kumain, magluluto ako ng gulay," sabi ni Ate.
"Kumakain ka ng gulay?" tanong ni Phobos. Inilapit pa niya talaga ang mukha niya sa akin.
Tiningnan ko ito. "Oo, naman. Mahilig nga ako sa talong. Rawrrrr." Nilingon ko si Ate. "Sige po. Pero magluluto muna ako sa bahay." Muli kong tiningnan si Phobos. "Samahan mo muna ako."
"Hindi ba magagalit ang magulang mo?"
"Mababait iyon kahit mukhang pera. Tara na."
Pagdating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina. Pinaupo ko naman siya sa gilid habang naghihiwa ng mga sangkap.
Nilingon ko siya. "Gusto mong maki-WiFi?"
"Puwede?"
"Oo naman. Sabihin mo na rin sa kapatid mo. Mukhang aabot naman iyon sa bahay niyo."
Napangiti ito. "Sige. Salamat. Ano ang password?"
"ILOVEYOU, capslack. Walang space," sabi ko.
"Kung ita-type ko ito. Puwedeng I love you too ang ilalagay ko?" nakangiting anito.
Napatawa naman ako sa banat niya. Para kasing sira. Akala niya yata kikiligin ako. Hindi ako marupok.
"Connected na?" tanong ko.
"Oo. Salamat. Alam mo, ang ganda ng bahay niyo. Sana magkakaroon din kami nang ganito."
"Hindi 'yan imposible. Matalino kang tao, magsumikap ka lang."
"Oo, naman. Alam mo, mayaman ang pamilya ng Mama ko."
"Talaga? Pero bakit ganyan ang buhay niyo? Nagrerenta at nagtitinda sa palengke?"
"Hindi tanggap ni Lolo ang relasyon na meron si Mama kay Papa. Kaya iyon, itinakwil nila ito. Ano ang mas nakamamangha? Ipinaglaban ni Mama si Papa. Hindi na bale mawala sa kanya ang lahat. Doon ko nasasabi, hindi lahat kayang kontrolin ng pera. Dahil kung saan masaya ang puso mo, doon ka talaga."
"Pero—tanggap ba kayo ng Lolo niyo?" tanong ko.
Ngumiti ito. "Hindi. Kami ang bunga sa pag-ibig na tinutulan nila kaya malabong matanggap nila kami."
"Kaya pala sa una pa lang, napansin ko na ang ganda na meron ang Mama mo. Iyong kutis niya ay may bakas ng yaman. Pero nakabibilib si Ate, ha."
"Kaya nga. Nasa sinapupunan pa niya ako nang pinalayas siya."
Natulala ako sa sinabi nito. Paano nakayanan ng isang magulang na itakwil ang anak na nagdadalang tao? Ang tindi ng galit na meron sila, nagmahal lang naman sana ang anak nila. Hindi ko mapigilan na maawa sa kaibigan ko.
"Okay lang 'yan. Nandito ako, Phobos. Handa akong maging Lola mo."
Napatawa ito. "Baliw ka talaga. Maghiwa ka na nga."
"Bakit ka tumatawa? Seryoso naman ako, ah? Tsk!"
Nagsimula na akong maghiwa. Pumasok naman sa aking isipan kung ano ang apelyido ng Mama niya sa pagkadalaga.
Nilingon ko ito. "Ano ang middle name mo?"
Umiling ito. Ayaw niyang sumagot. Napanga-nga naman ako nang maalala ang middle initial niya sa sertipiko niya.
"D!" pasigaw kong sabi.
"Paano mo nalaman?" tanong nito.
"Certificate mo. Phobos Hematite D. Cruz."
Kinuha niya sa kamay ko ang kutsilyo at siya na ang nagpatuloy sa paghiwa. Wala siyang reaksyon sa huling sinabi ko? Hindi niya ako sasagutin.
"Iniidolo mo ang isa sa pinsan ko. You introduced him to me when we were at the cafeteria," bungad niya sa katahimikan.
Matapos niyang sabihin iyon. Napa-isip ako kung sino. Sa pagkakatanda ko, grupo ni Ate Katleya ang ipinakilala ko sa kanya. Posible kaya na isa roon ang pinsan niya?
Katleya Yellownora Marie C. Quizo, hindi si Ate Katleya.
Pierce Blue X. Montenegro, hindi si Kuya Blue.
Jeygreen Xris S. Gutierrez, hindi si Kuya Green.
Wait...
Zyrielle Grey...
Ano nga ang apelyido ni Kuya Grey? W-wait! Ah!
"De Elleonor?" patanong kong sabi.
Nilingon ko siya at napangiti ito. Ano ang ibig sabihin ng ngiti niya?Magpinsan sila ni Kuya Grey?
"Nasa lahi namin, 'di ba?" nakangiting tanong nito.
Itinikom ko na lang ang bibig ko. Totoo naman kasi iyong sinabi niya. Kaya pala maihahalintulad ko ang kaguwapuhan niya kay Kuya Grey. Magpinsan pala sila. Tama nga siya, nasa lahi nila ang magandang mukha.
~~~