KABANATA 2

2206 Words
DEIMUS NANDITO ako ngayon sa Montenegro University. Pagpasok ko pa lang sa gate, nakita ko na ang dalawa sa hinahangaan ko rito; sina Ate Katleya at Kuya Blue. Matalik na magkaibigan silang dalawa pero hindi ko mapigilan na kiligin sa kanila. Sana sila na talagang dalawa ang para sa isa't isa. Sobrang bagay nila. Sa narinig kong balita, ang kasintahan ni Ate Katleya ay ang kambal ni Kuya Blue na si Kuya Red, na sa kasamaang palad, pumanaw na. Ang sabi nila, napakabait daw ng taong iyon. Pero wala na tayong magawa dahil binawi na ang buhay niya ng Panginoong Diyos, ang siyang lumikha. May your rest in peace, Kuya Red. Habang tinitignan silang dalawa, napahawak ako sa dibdib nang masaksihan ang pag-akbay ni Kuya Blue kay Ate Katleya. Napaka-sweet niyang lalaki. Aaminin ko, stalker ako ng dalawa. May natapos na nga akong istorya na sila ang bida. Ewan ko ba, mas gumagana ang utak ko kapag silang dalawa ang iniisip ko. Kahit mag best friend lang sila ay iba iyong tama nila sa buhay ko. "Ouch!" sigaw ko. Natumba ako dahil sa sobrang katangahan. Nakatuon lang kasi ang atensyon ko sa dalawang taong hinahangaan ko. Agad akong tumayo dahil wala ako sa istorya ko. Nasa realidad ako, walang mag-aabot ng kamay sa akin at iyon ang magiging prince charming ko. Pero laking gulat ko nang may kamay na nakapatong sa balikat ko. Pagtingin ko, napayuko ako, si Kuya Grey, ang isa sa best friend ni Kuya Blue. "Mag-ingat ka next time." Tinanggal nito ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko at tumakbo. Mukhang hahabulin niya sina Kuya Blue at Ate Katleya. "Ikaw ang mag-ingat, Kuya," sigaw ko pero hindi niya iyon narinig. Si Kuya Grey ang pinakaguwapo sa kanilang magbarkada. Iyong mukha niya ay maihahalintulad ko sa bagong kaibigan kong si Phobos. Kaibigan talaga? Mukhang doon din naman kami mapupunta. Uunahan ko na lang ang tadhana. Dumating na ako sa classroom. Pagka-upo ko, pinalibutan agad ako ng dalawa sa kaklase ko. Mukhang magtatanong muli sila tungkol sa istorya na ginawa ko. "Deim, bakit hindi nagkatuluyan sina Ice at Storm?" naluluhang tanong ng isa kong kaklase, si Mary. "Kaya nga. Grabe ang sakit!" dugtong ng isa, si Joy. Napahawak pa ito sa dibdib niya na kunwari nasasaktan talaga siya. "Kasi hindi talaga sila ang para sa isa't isa," sagot ko. Totoo naman, e. Sa mundong ito, hindi lahat mayroong happy ending. Sanayin na natin ang sarili natin. "Grabe ka naman. Book 2, please. Justice naman. Ang sakit talaga! Titigan mo pa ang mga mata ko. Ikaw ang may gawa nito!" gigil na sabi ni Joy. Namumugto nga talaga ang mga mata niya. Ang cute. Napangiti na lang ako. "You know me. Wala sa vocabulary ko ang book 2. Pero abangan niyo ang next story ko. Papasukin ko na ang mundo ng erotica." Nagbago ang itsura ng dalawa. Kung kanina, ang lungkot nila, ngayon ay hindi na matikom ang kanilang mga bibig. Mukhang hindi na sila makapaghintay. Nakikita ko sa mga mata at ngiti nila. Tiningnan ako ni Joy. "Kaya mo ba? Paano mo iyon gagawin? May experience ka na ba?" "Kaya nga, Deim," ani Mary. "Hindi ko kailangan ng karanasan. Tamang isip lang kay crush?" sagot ko. Tumawa ang dalawa. Kahit ako ay napatawa na lang din sa sagot ko. Napatikom ang bibig ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang tanong nila kanina. Paano ko kaya iyon sisimulan? Hindi na bale na nga! As long as kaya ko pang mag-isip, magagawa ko iyon kahit wala akong karanasan sa bagay na iyon. Nangako na ako sa sarili ko na gusto kong mag-explore para may maibigay ako na bago sa mga mambabasa ko. They deserve something new from me. Tanghali na, papunta na ako ngayon sa cafeteria. Makikita ko muli ang grupo ni Ate Katleya. Ang sarap lang nilang tingnan. Para kasi silang mga artista na mas pinili ang tahimik na buhay. Habang tahimik na naglalakad, napataas ang kilay ko nang may pinagkakaguluhan. Naririnig ko ang tili ng mga sopranong babae. Sila Kuya Blue kaya iyon? Napatakbo ako roon sa grupo ng mga tao. Dahil matangkad ako, agad kong nakita kung sino ang pinalibutan nila, si Phobos. Tama! Nakalimutan kong pupunta pala siya rito dahil mag-a-apply siya ng scholarship. At sabi niya kanina, maghihintay siya sa cafeteria. Ang bata ko pa para maging makakalimutin. "Future!" sigaw ko. Sa lakas ng boses ko, napalingon silang lahat. Hindi ko pinansin ang mga matatalas na tingin sa akin ng mga tao. Bagkus, nagsimula na akong humakbang papunta sa kinatatayuan ng lalaking sinadya ko. Nanatili pa rin ito sa posisyon niya kanina. Hindi man lang gumalaw. Mannequin ba siya? "Future, nandito ka na pala," bungad ko. Napabuntong hininga ito. "Mabuti naman dumating ka na. Hindi ako makadaan, pinalibutan nila ako." "May bibig ka, 'di ba? Simple excuse is enough." "Nahihiya ako. Kinunan pa nila ako ng litrato." "Fine," bulyas ko. Nag-isip ako ng paraan para magsi-alisan ang mga babaeng nakapalibot sa amin ngayon. Tumikhim ako. "Girls and gays, meet my boyfriend, Phobos." "B-boyfriend?" pabulong na tanong ni Phobos. Inirapan ko ito. "Huwag ka ng mag-react, nakababa ng self-esteem." Muli kong tiningnan ang mga babae. "Please, respect his privacy. Every inch of him is mine." "Ay. Taken." "Alis na nga!" "Akala ko, single!" "Gasgas na pala." Matapos ang bulung-bulungan ng mga estudyante ay hinayaan na nila kaming dalawa. Umalis na sila. Tiningnan ko na ang kaibigan ko. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Though, hindi ko natikman iyong ngiti niya, pero feeling ko, matamis. Hinawakan ko ang kamay niya. In all fairness, malambot ito. Hindi mukhang sadsad sa trabaho. Tiningnan ko siya. "Ito ba iyong ginagamit mo?" Namumula ang mukha niya na nagpatawa sa akin. Ang guwapo niyang marupok. Mayakap nga. "Don't move, Phobos. Gusto ko lang yakapin ka." "F-for what?" nauutal niyang tanong. Naririnig ko sa boses niya ang hiya. "Inamoy lang kita, mabango ka. Nakadagdag iyon sa kapogian mo." Bumuwag na ako sa pagyakap at kitang-kita ng mga mata ko ang pagngiti niya. Nanggigil ako sa kaguwapuhan niya. Iba iyong aura niya, nang-aakit. Nakalalandi. "Phobos, sagutin mo ako, ito ba iyong ginagamit mo." Paghawak ko muli sa malambot at maugat niyang kamay. Nangangamatis muli ang mukha niya. Ang sarap niyang asarin. Ngayon pa lang, nararamdaman kong birhen pa siya. Naiilang kasi sa ganitong bagay. "S-sa ano?" nahihiya niyang tanong. Kunwari pa ito na hindi alam ang tinutukoy ko. "Sa pagkain. Ito ba ang ginagamit mo? Ikaw, ha... Iba nasa isip mo noh?" Umiling ito. "Tara na nga. Ang kulit mo." "Ano? Love mo ako?" "Tsk!" Pagpasok namin sa cafeteria, agad kong inilakbay ang mata ko sa puwesto ng barkada ni Ate Katleya. Napangiti naman ako sa nakita ko, sinubuan ni Kuya Blue si Ate Katleya. Kaibigan lang ba talaga silang dalawa? Sa mga kilos nila, iba talaga. "Sana lahat," sabi ko. "Sino ang tinitingnan mo?" tanong ni Phobos. Umupo na kami sa bakanteng upuan. "Sila." Pagturo ko gamit ang nguso ko. "Sino ang sila?" "Iyong magandang babae, si Ate Katleya at iyong katabi niya, si Kuya Blue, anak ng may-ari ng university na ito. Tapos iyong dalawang lalaki na nakatalikod, sina Kuya Grey at Green. Alam mo, kilalang-kila ko silang lahat, sila kasi iyong iniisip ko sa tuwing nagsusulat ako." "Nagsusulat ka?" manghang tanong nito. "Yes. Pero average pa lang ako. Inaaral ko pa kasi ang mga techniques." "I can be your reader," anito. "Nagbabasa ka? Pero ano, don't expect too much. I'm not an expert, libangan ko lang ito," sabi ko. Natakot tuloy ako. Matalino pa naman ang nilalang na ito. Baka tuksuhin ang mga errors ko. "Okay lang. Mag order na muna tayo? Nagugutom na kasi ako." "Okay." Tumayo na ako. Nandito na kami sa harapan ng cashier. Dahil mapagmasid ako, sinilip ko iyong laman ng pitaka niya na ngayon ay tinitingan niya. Nakalulungkot dahil dalawang daan na lang ang pera niya. Kawawa naman ang batang ito. Ang mahal pa naman ng tinda rito. Tumingin siya sa akin. "Tubig na lang pala ang sa akin." "Ate, bigyan mo siya ng pagkain. Iyong kinain ko kanina," bungad ng isang lalaki. Napalingon ako at laking gulat ko, si Kuya Blue. Hindi ako makapagsalita. Ang guwapo niya sa malapitan. Ang lakas ng dating. Now I know, why everyone's here is stupidly in love with him. "Huwag na po," nahihiyang sabi ni Phobos. "Huwag na po mukha mo. Ate, bigyan mo siya," maawtoridad na sabi ni Kuya Blue. "Salamat, Kuya," sagot ni Phobos. "Salamat mo mukha mo. Kumain ka nang mabuti. Tayong mga pogi, bawal magpapagutom." Kinuha niya ang catsup at umalis na ito. "Ang bait ni Kuya Blue, 'di ba?" sabi ko. Bihira na lang ngayon ang katulad niya. "Kaya nga. Hulog ng langit. Kulang pa naman sana ang pera ko," pag-amin ni Phobos. "Ano? Hulog ng langit ako sa iyo?" "Ang saya mong kasama." Tinanggap na niya ang bigay na pagkain ng Ate. "Ano? Gusto mo akong mapangasawa? Joke. Ate, ganyan din akin." Naglalaway na tuloy ako sa pagkain niya. Napakabango kasi nito. Nang maka-order na ako ay bumalik na kami sa table kung saan kami nakaupo kanina. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami dalawa at seryoso sa ginagawa namin. Pero dahil sa curiosity ko, tinitigan ko siya at hindi ko mapigilang mapangiti. Ang hinhin niya, para siyang dalagang pilipina kung kumain. Sa bawat pagnguya niya, lumalabas pa ang malalim nitong buloy. Napatigil sa pagkain ang binatang tinititigan ko. Namumula ang mukha nito. Naiilang siya. "Kumain ka na," sambit nito. Kinagat ko ang labi ko sa harapan niya. "Kinain na nga kita sa isipan ko. Itlog mo na lang ang itinira ko. Rawr." Bigla ba naman itong binilaukan. Agad akong nataranta at pinainom siya ng tubig. Lumapit naman ang ibang estudyante para tumulong. "Okay lang ako, salamat," marahang sabi niya. Tiningnan niya ako. Nagsalubong ang kilay nito. "Papatayin mo ba ako, ha?" "Grabe ka. Nag-uusap lang naman tayo. Ang sensitive ng throat mo. Pasipsip nga," pang-aasar ko. "Deimos, kumakain pa tayo," seryosong anito. "Oo. Kakain na ako. Pikunin nito. Gusto ko lang naman maging source of happiness mo. Kung ayaw mo, edi 'wag," sabi ko sabay tayo. Agad akong umupo. "Joke." Muli na itong napangiti. "Hindi ka talaga nawawalan ng kalukuhan." "Ano? Gusto mo akong anakan?" Napailing na lang ito at hindi napigilan ang pagtawa. Muli na akong kumain, pero napatigil ako sa pagsubo nang pumasok ang dalawang babae na sa tingin ko, nilalandi si Kuya Blue. Sina Ate Trixie at Selena, sila iyong babae na iba makatitig kay Kuya Blue. Ang lagkit! Kulang na lang ay maghubad silang dalawa. "Bakit ganyan ang mga titig mo?" biglang tanong ni Phobos. Napansin niya yata ang pagbago ng itsura ko. "Iyong dalawa, nilalandi si Kuya Blue," inis na sabi ko. Nilingon ito ni Phobos, napangiti pa ito. Mukhang nagandahan siya sa dalawang higad. Napalunok pa ito ng laway na parang naglalaway. "Psst," pagtawag ko. "Ang ganda nila. Sobra," malanding sabi niya. Kulang na lang ay umungol siya. Alam kong maganda ang dalawang iyon. Pero hindi makatarungan ang panglalandi nila kay Kuya Blue. Inaakit nila ito. Alam ko ang history ni Kuya, pero nagbago na siya. Iyon ang napag-alaman ko. Napatingin si Ate Selena kay Phobos na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa kanya. Tumayo ang balahibo ko nang lumapit ito. Ano ang binabalak nila? "Hi, puwedeng maki-upo?" tanong ni Ate Selena. "Bes, come here," pagtawag niya kay Ate Trixie. Umupo na rin si Ate Trixie. Mas maganda nga sila sa malapitan. Ngayon, hindi ko masisisi si Phobos kung bakit ito parang tinitigasan. Lalaki siya at ang kahinaan ng mga lalaki ay ang mga magagandang babae. Pero maganda rin naman ako, ha? Bakit iba iyong tingin niya sa akin kumpara sa dalawa? Nakatatampo. "Freshmen kayo?" tanong ni Ate Selena. Nakangiting tumango si Phobos. "Oo." "Ang guwapo mo. Magaling ka ba?" diretsong tanong nito. Napataas ang kilay ko. Tiningnan ko si Phobos na ngayon ay naninigas at hindi makagalaw. Mahina nga siya pagdating sa mga katulad na babae nina Ate Selena at Trixie. "Mauna na kami," sabi ko. Hinila ko si Phobos. "Tara na." "Ang pagkain ko," pag-aalala nito. "Huwag kang mag-aalala." Tiningnan ko si Ate Selena at Trixie. "Pakakainin kita," pasigaw kong sabi. "Enjoy sweethearts," saad naman ni Ate Trixie. Nagtawanan ang dalawa. Nakaiinis sila! May balak pa yata silang landiin itong kaibigan ko at hindi ako papayag doon. Nang makalabas na kami ng cafeteria. Tinanggal ni Phobos ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Bakit ba?" tanong niya. "Manhid ka ba?!" pasigaw kong sabi. "A-ano?" "Nagseselos ako!" sigaw ko. "Joke. E, kasi naiinis ako sa kanila. Nilalandi ka nila." Ngumiti ito. "Nakatutuwa nga." "Ikaw, ah! May tinatago ka pa lang landi!" Tumawa lang ito. Bigla ba naman niya akong inakbayan. Natulala naman ako, ganito kasi iyong isang eksena sa istoryang ginawa ko. Napatingin ako sa kanya at ang lapad ng ngiti niya. Napangiwi naman ang mukha ko nang may nakitang paminta sa ngipin niya. Mukhang galing sa adobo na kinain niya kanina. Tinanggal ko ito gamit ang hintuturo ko. "Toothpick muna bago ngiti to avoid discouragement, okay?" ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD