DEIMUS
"Deim, tara na!" sigaw ni Phobos.
Isang buwan na ang lumipas mula nang sumapit ang kaarawan ni Phobos noong July 7, 2020. Isang buwan na rin sila naka-destino sa lugar namin. Tatlong araw matapos iyong pagsusulit niya sa iskolarsip sa Montenegro University ay tinawagan siya ng administrasyon dahil nakapasa siya at nakuha iyong kursong gusto niya, Bachelor of Science in Secondary Education, Major in Mathematics. Hindi naman ako nagtaka roon dahil napakatalino niyang tao. Kinuha pa nga siya ni Mama bilang tutor ko at may sahod siya rito pandagdag ng baon nilang magkapatid. Nakatutuwa lang na masaksihan na nagtutulungan ang pamilya namin, iyon pala ang nagagawa ng isang matatag na pagkakaibigan. Mukhang nakikita ko na ang mangyayari sa amin sa hinaharap ni Phobos.
Sa isang buwan na lumipas, dalawang linggo ko na sinamahan si Phobos na maglako ng isda araw-araw sa loob ng subdivision namin. Napakagandang karanasan kasama ang isa sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Sa simpleng pamumuhay nila, makikita mo sa mga mata nila ang nagliliyab na pag-asa.
"Deim naman, e! Male-late na tayo!" muling sigaw nito.
"Kainis ka talagang bata ka!" bulong ko sa hangin.
Dahil sa inis ko, lumabas ako sa balkonahe na ang tanging suot pang-itaas ay pulang push-up bra. Nang makita niya ako ay agad itong napayuko. Tinakpan pa niya ng kanyang dalang libro ang kanyang mukha. Nagmistulang multo tuloy ang dibdib ko. Tumakbo naman ako pabalik ng kuwarto dahil baka may ibang makakakita pa sa akin. Napahawak na ako sa dibdib dahil naninikip na ito sa pagpipigil ko ng tawa. Sa isang buwan na magkakilala kami ni Phobos, iyong pagiging inosente niya ang laging ginagamit kong pang-aasar sa kanya.
"Baliw ka ba!" inis na sigaw nito. Sa lakas ng boses niya, sigurado akong nagsiliparan ang mga humming birds sa puno ng bakanteng lote sa gilid ng bahay namin.
Ngayon, nakikita ko na sa isipan ko ang paglaki ng ugat niya sa leeg at pamumula ng mukha. Magkasalubong ang kilay nito habang napakamao. Ganoon kasi siya kapag napipikon. As if naman kaya niya akong suntukin? Nangyayakap, oo. Ganoon kasi siyang klaseng lalaki, pikoning marupok.
Habang naglalagay ng liptint sa labi ko, walang tigil pa rin ako sa pagtawa. Ikaw talaga ang araw ko, Phobos.
"Tama na, self," pagpigil ko sa sarili ko.
Matapos kong magpaganda, isinuot ko na ang napakagandang uniporme ng Montenegro University. Dahil natapos na akong mag almusal kanina, dumiretso na ako sa labas.
Pagbukas ko ng gate.
"Sira ulo ka ba!" isang malakas na sigaw ang bungad nito sa akin. Walang araw na hindi ako nasisigawan nito dahil sa kabaliwan ko.
Nagkibikit balikat na lang ako sabay dila sa kanya. Napailing na lang siya habang umuusok sa inis. Para siyang isang guwapong halimaw kapag nagliliyab sa galit.
"Akin na ang bag mo," maawtorid na anito.
Ewan ko ba sa batang ito. Hindi naman sana mabigat ang bag ko pero gusto niya na siya ang laging magdala nito. Nagmamatigas ako minsan, pero magtatampo naman, kaya hinayaan ko na lang.
Pumara na kami ng traysikel nang may dumaan. Pagsakay namin, agad nagtilian ang dalawang babae nang makita ang mukha ni Phobos. Muli silang napasigaw nang nginitian sila nito.
Dahil nasa likuran kami, sa amin nakaharap ang dalawang babae.
Hindi ba sumasakit ang leeg nila?
"Phobos, dumaan ka sa bahay mamaya, ha? Bibili ako ng isda na kasing presko mo," ani ng isang babae, ang tapat na suki namin ni Phobos.
Tumango lang si Phobos bilang sagot niya. Humarap na ito sa akin at tinitigan lang ako. Pasensya na kaibigan dahil hindi ako mabibighani sa kaguwapuhan mo. Magsawa ka lang sa katititig sa akin.
Napangiti naman ako nang may naisip na kabaliwan. Inilagay ko ang kamay ko sa bandang dibdib ko at kunwaring tatanggalin ang botones sa uniporme ko.
"Umayos ka nga!" sigaw nito.
"Aray ko. Tenor ka boy?" sabi ko. Ang sakit naman ng tainga ko. Ang taas ng boses.
"Lola, puno na po," biglang sabi ng driver.
Napatingin ako sa matandang naghihintay sa kalsada.
"Kuya, pasakayin mo na lang si Lola, sa kaibigan ko na lang ako uupo," sabi ko.
Huminto ang driver. "Sigurado ka?"
"Yes po."
"Saan ka uupo?" takang tanong ni Phobos.
"Kakandong sa iyo," sabi ko.
"What!?" sigaw nito.
"Bakit ang hilig mong sumigaw?! Kainis ito!"
"Babae ka!" Dahilan nito.
"But you're more than just a man," saad ko. Alam kong walang malisya sa kanya kung umupo man ako sa binti niya.
Napangiti ito. "Fine."
"Good." Tiningnan ko ang matanda. "Lola, halika na po."
"Salamat, iha," masayang sagot nito.
"Walang anuman po." Lumabas muna ako.
Nang makaupo na si Lola ay pumasok na akong muli sa traysikel at kumandong na sa kaibigan ko. Idinikit ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya habang nasa biyahe pa kami. Napailing naman ako nang makitang nagbulungan ang dalawang babae na sa harapan nakaupo. Mukhang kinain sila ng ingget, nakita ko ang panggigil ng mukha nila sa rearview mirror ng traysikel.
Bibili pa kaya ang mga ito ng isda?
"Ang bigat mo," bulong nito sa akin.
"Ano!" sigaw ko.
"Aray ko! Soprano ka girl?" natatawang tanong nito. Nakaganti rin ang baliw. Tsk!
Hinarap ko na siya para sagutin sana nang biglang huminto ang traysikel kaya nasubsub ako sa———nanlaki pareho ang mga mata namin dalawa. Walang kumurap
"Sorry. May pusa kasing biglang tumawid," sambit ni Manong.
Doon lang namin napagtanto dalawa na dumikit ang labi namin sa isa't isa. Sabay kaming bumuwag at walang kibuan. Hindi ako makapaniwala. Sa palabas lang ito nangyayari, puwede rin pala sa totoong buhay? Sa kaibigan ko pa talaga? Sinilip ng kanang mata ko si Phobos, pero iyon din pala ang ginawa niya. Nang nagtagpo ang aming mga mata, nginitian ko na lang ito para patayin ang kaasiwaan na sumibol sa pagitan namin. Pero nagulat ako sa ginawa niya, hinila niya ako papunta sa katawan niya para idikit sa dibdib niya. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"It was a dream, okay?" saad niya.
"Nightmare, please," sabi ko.
"Ang guwapo ko para maging bangungot," pagmamayabang nito.
"Oo, na." Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at pinakinggan lang ang pintig ng puso niya. Tumatakbo ba siya? May humahabol ba sa kanya?Bakit parang ang bilis ng pintig nito?
Minuto ang lumipas.
"We are here," sambit ni Phobos nang dumating na kami sa unang gate ng Montenegro University.
Ibinuka ko na ang mga mata ko. Hindi naman ako natulog. Inisip ko lang ang nangyari kanina. Hindi pa rin kasi sumagi sa isipan ko. Nakadidismaya lang dahil hindi natupad iyong ipinagdarasal kong french kiss sa unang halik ko.
Bumaba na kami at dumiretso na sa loob. Hindi na ako pumunta sa convenience namin dahil baka mahuli na kami sa aming mga klase.
"Wala ka bang balak magpakilala kay Kuya Grey?" Pagpatay ko sa katahimikan. Para kasi kaming mga pipi rito. Hindi dapat kami magpapaapekto sa isang halik lang. Wala kaming kibuan.
"Para saan pa? Hindi kami tanggap ng pamilya nila..."
Naputol iyong pag-uusap namin nang marinig ko ang tumatawang boses ni Ate Katleya. Napalingon kami sa kanila na ngayon ay nasa likuran namin.
"Yellownora! Hihintayin mo ako o kakantutin kita!?" sigaw ni Kuya Blue na nagpatawa sa akin.
"You can't f*ck me because you love me as your best friend. Kaya iiwan na kita! Bleh!" sagot ni Ate Katleya at nagsimula na itong tumakbo. Nang nadaanan niya kami. "Hi, lovebirds."
Ang ganda niya at ang bait pa. Pinansin niya kami ng kaibigan ko.
"Ikaw!" sigaw ni Kuya Blue na mabilis nahabol si Ate. Niyakap niya ito patalikod at kinarga. Nang nagpumilit si Ate Katleya na bumaba ay pinaikot-ikot ito ni Kuya.
Tiningnan ko si Phobos. "Ang suwerte ni Ate Katleya."
Bigla ako nitong niyakap patalikod. Ang mga kamay niya ay nakagapos sa tiyan ko. Gusto kong kumalas dahil nakaiilang pero mas hinigpitan niya lang ang pagyakap. Ipinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko.
"Ayaw kong magselos ka sa pagkakaibigan na meron sila. You have me, Deim. Sa iyo lang ako," bulong niya.
"Bitawan mo nga ako, Phobos. Maraming estudyante, oh."
"Ayaw ko."
"Phobos..."
Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
"I love you, best friend," sabi nito.
"Idiin mo pa. Ah!" pag-ungol ko dahilan para bumuwag ito.
"Ano ba, Deim!" inis na sigaw nito.
"Ayaw mo kasing umalis. Ang laki kaya ng puso mo, naramdaman ko sa likuran ko."
Hindi ito makapagsalita at namumula na naman ang mukha. Mukhang pinaglihi talaga siya ni Ate Carla sa kamatis.
Nginitian ko na ito.
"I love you too, best friend," natatawang sabi ko.
~~~