DEIMOS
"Pie, tara na! Lalabhan pa natin ang mga damit natin," sabi ni Ate Katleya kay Kuya Blue na ngayon ay nakaupo sa kabilang bench rito sa field.
Nandito ako ngayon dahil hinihintay ko pang matapos ang huling klase ni Phobos. Hindi ko naman alam na tatambay rin sila rito kaya pasimple na lang akong nakikinig sa usapan nila. Ang ginagawa ko, kunwari nagbabasa lang ako ng libro pero ang totoo, nakatoon lang ang atensyon ko sa kanila. Masama itong ginagawa ko, pero sobrang hinahangaan ko talaga sila. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Sa mga narinig ko, napag-alaman kong nasa isang bubong lang sila. Mas lalo tuloy akong kinilig sa posibleng mangyari sa kanila, ang magkagustuhan sa isa't isa.
Kailan kaya iyon?
"Ano ang lulutuin mo mamaya?" tanong ni Kuya Blue. Iba iyong boses niya kapag kausap si Ate Katleya. Para siyang isang bata na humihingi ng isang kendi sa magulang.
"Iyong paborito mong kare-kare. Hindi man kasing sarap ng luto ni Lala Rosa, pero gagawin ko ang best ko para sa iyo."
"Miss ko na si Lala," sagot ni Kuya.
"Umuwi ka na kaya sa inyo? Hinahanap ka na nila," sabi ni Ate Katleya. Sa tono ng boses niya, nag-aalala talaga siya.
"Tara na," pag-iba ni Kuya sa usapan. Tumayo na rin ito at nauna nang maglakad. Bakit kaya ayaw niyang bumalik? At bakit din kaya siya umalis? Ang dami ko na tuloy katanungan sa isipan ko.
"Pie!" paghabol ni Ate Katleya.
Nang makaalis na sila, dinalaw naman ako ng antok kaya ang ginawa ko ay humarap na lang sa field. Pinanunood ko na lang ang mga atleta na naglalaro. Mabuti na lang, magagaling sila kaya natutuwa na rin ako kahit papaano.
"Enjoying the view, babe?" pang-iinis sa akin ng isang lalaki, si Kai. Ang guwapo kong manliligaw noon.
"Hindi na," sagot ko. Tiningnan ko siya. "Pumanget na nang dumating ka."
"Bitter pa rin?" nakangisi nitong tanong.
Nginitian ko ito. "Sino ba ang hindi sinagot? Am I?"
Tumawa ito. "Ako pala? Nakalimutan ko."
"Batang ama ka na ba? Makati ka, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ayaw mo kasing magpaggalaw." Tumikhim ito. "Kaya naghanap na lang ako ng iba," anito. Hindi niya sinagot ang tanong ko at ipinagmalaki pa niya ang kanyang pagiging malandi noon.
"Nice excuses." Ipinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko. "Pakyu with belat."
"Sino ka?" bungad ng isang boses na sobrang malapit sa akin.
"P-phobos." Tumayo ako at nilapitan ito. "Nandito ka na pala."
Hindi ito sumagot at tiningnan lang niya si Kai. Tinitigan ko siya at makikita mo ang inis sa mukha niya. Tumayo na rin si Kai at hindi nagpatinag sa titig ni Phobos.
"Phobos, halika na," pagpupumilit ko. Nararamdaman ko kasi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Iyan na ba ang tipo mo ngayon, Deim? Mukhang umiihi pa 'yan kapag natutulog," natatawang sabi ni Kai.
"Baka gusto mong makatulog?" sagot ni Phobos nang walang takot.
Tumingala muli ako para maaninag ang mukha ng kaibigan ko. Mukhang hindi ko na ito mapipigilan. May ugali pala siyang ganito? Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganito.
"You gave me goosebumps," pang-aasar na sagot ni Kai.
"Phobos, tara na." Hinila ko ito.
"Tuturuan ko ito ng leksyon," pagmamatigas nito. Nakikita ko ang panginginig ng kamay niya. Parang nangangati na itong manuntok.
"Phobos... Isa!" sigaw ko ng buong lakas. Napalingon ito sa akin. "Tara na."
Bumuntong hininga ito. "Fine."
Bago kami umalis, tinitigan ko nang masama si Kai. Nakaiinis talaga ang lalaking iyon. Akala mo kung sinong loyal. Mabuti na lang, hindi ko ito sinagot.
"Bakit ka ba nagkaganyan?" tanong ko habang naglalakad kami. Nag-aalala kasi ako sa mga kinikilos niya.
"Naiinis ako sa mga titig niya sa iyo. Nababastusan ako!" inis nitong sabi.
"Iniinis lang ako ng lalaking iyon. Ikaw! Bakit ganyan ka umasta?! Naisip mo ba ang scholarship mo? Makikipag-away ka dahil lang sa shallow na rason na iyon?!"
"Ikaw ang pinag-uusapan dito, hindi iyon mababaw. Lalaki ako, Deim. Alam ko ang pakay niya. Hindi mo ba napansin na unti-unting lumalapit ang kamay niya sa binti mo? O gusto mo rin iyong ginagawa niya sa iyo?!"
Napahinto ako matapos niyang masabi iyon.
"Sorry," anito.
"Mauna ka na. May gagawin pa pala ako."
Bumalik ako sa daan at hinayaan ko lang ang sarili kong maglakad. Nasaktan ako sa nasabi niya sa akin. Ano ang akala niya? Hahayaan ko ang sarili kong mabastos sa lalaking iyon?
"Deim!" Hinablot niya ang kamay ko.
"Bitawan mo ako."
"Ayaw ko!" sigaw nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Sorry na."
Hindi ko siya magawang tingnan kaya sa baba lang ako nakatingin.
"Deim. Sorry na," muling sambit nito.
"Bitawan mo ako sabi!" sigaw ko. Hindi ko pa rin siya tiningnan.
Binitawan na niya ako. Nang magsimula akong humakbang.
"Nagseselos ako! Naiinis ako! Galit ako!" sigaw niya.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad palayo sa kanya. Para saan iyong selos niya? Huwag ko na nga muna isipin iyon. Gusto kong mapag-isa na hindi siya kasama.
Minuto ang lumipas, alam kong nakaalis na ng campus si Phobos kaya uuwi na lang din ako. Pero nang dumating ako sa pinagtatalunan namin, nandoon pa rin siya at nananatiling nakatayo.
"Deim," mahinang sambit niya.
Nagsimula na akong maglakad at hindi pa rin siya pinapansin. Nang madaanan ko siya ay hinawakan niya ang braso ko.
"Bitaw," malutong kong sabi.
"Galit ka talaga sa akin? Hindi mo na ako papansinin? Sige..." Binitawan niya ako. "Go. Iwan mo ako."
"Hi, baby boy," pagbati ng isang babae.
"Ang hot mo talaga," sabi pa ng isa.
Hindi ako magkakamali, sina Ate Selena at Trixie iyon. Napalingon ako sa kanila at nanlaki ang mga mata ko nang pinisil-pisil nila ang balikat ni Phobos. Bumalik ako at hinablot ito.
"Tara na," sabi ko.
Habang naglalakad kami, hindi na ito kumikibo. Siya na ang nagtatampo sa akin ngayon? Ako dapat iyon, 'di ba?
Paglabas namin ng gate, sa overpass na kami dumaan papunta sa convenience namin. Hawak-hawak ko ang kamay niya, pero katulad nang kanina, walang kibuan. Nilingon ko siya, yumuko naman ito. Ang arte!
Pagdating namin sa convenience, kumuha ako ng vitamilk at binigyan ito.
"Thank you," mahinang sabi niya. Kahit nagtatampo siya, hindi pa rin siya makalimot na magpasalamat.
Sampung minuto kami tumambay sa tindahan bago umalis. Pagdating namin sa aming bahay, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Nagpaalam siya sa akin bago pumunta sa bahay nila, pero alam kong hindi siya okay.
"Ang arte talaga," bulong ko sa hangin.
Pumunta na lang ako sa bahay nila. Pumasok ako roon nang hindi man lang kumatok. Paglabas niya ng kuwarto, agad akong napatalikod dahil naka-boxer lang ito. Kinagat ba iyon ng bubuyog? Bakit ang laki ng bukol?
Minuto ang lumipas...
"Nakapagbihis na ako. Lumingon ka na," anito.
Paglingon ko, nakahanda na ito ng pagkain sa mesa. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Ngayon, pakiramdam ko, okay na kaming dalawa.
"Kain muna tayo," sabi niya.
"Sige," nakangiti kong sagot.
Pag-upo namin sa mesa nila, agad niya ako inabutan ng tuyo at nilagang itlog. Napakasuwerte ko talaga na meron akong katulad ng nag-iisang Phobos. Sa totoo lang, he is way better sa mga fictional character na nabuo ko sa imahinasyon ko. Iba iyong pagmamahal niya sa mga taong nakapalibot sa kanya.
"Kuha muna ako ng softdrink sa tindahan," sabi ko. Mas masarap kumain ng may pantulak.
"Tubig na lang tayo, Deim. Maalat ang toyo, acidic ang sofdrinks, UTI labas natin nito."
"Fine. Okay ka na ba?" tanong ko.
"Ikaw? Okay ka na ba?" pagbalik niya sa tanong ko.
"Bakit parang ikaw pa ang galit?" sabi ko.
"Gusto ko lang," natatawang sagot nito.
"Pero ang galing mong bumaliktad ng sitwasyon, ha? Ako dapat iyong nagtatampo, e!" sabi ko.
"Feeling ko kasi ang cute kong magtampo," nakangiting sagot nito.
"Ang panget kaya," bulyas ko. Pero tama siya, ang cute niya. Sa sobrang cute niya, gusto ko siyang bugbugin. Tsk!
"Pero sorry, Deim. Nagseselos lang talaga ako. Ayaw ko kasing may ibang lalaki na umaaligid sa iyo. Gusto ko, ako lang. Ayaw ko rin iyong mga titig niya sa iyo. Tapos ang bastos ng bunganga niya. Narinig ko iyong sinabi niya sa iyo. Doon kumulo ang dugo ko."
"Ayaw mong may ibang umaaligid sa akin? Ligawan mo na lang ako para iyong-iyo na ako."
"Puwede?" nakangiting sabi nito.
"Yucks!" sagot ko. Nagsimula na akong kumain at hindi na siya kinausap. Alam ko kasing inaasar ako nito gaya nang lagi kong ginagawa sa kanya.
"Ano ba ang hanap mo sa lalaki, Deim? Gusto ko lang malaman kong isa ka ba sa mga babaeng pisikal na anyo lang ang laging hinahanap."
"Ako?"
Tinitigan niya talaga ako habang hinihintay ang sagot ko. Ganoon ba talaga siya kagalak na ito ay malaman? Ang weird.
"Ano?" tanong niya.
"Daks..." Nagkagat-labi pa ako sa harapan niya.
Nakita ko ang pamumula ng mukha nito at ang pag-inom niya ng tubig. Mukhang may sira na talaga ang kaibigan ko. Inaasar ko lang naman siya. Natutuwa kasi ako kapag naiinis siya.
"Baliw ka ba!" sigaw nito.
"Iyong totoo? Katulad mo... Pero hindi ikaw," sagot ko.
"Bakit hindi na lang ako?" tanong niya.
"Daks ka ba?" Pang-aasar ko.
"Deim!" inis na sigaw nito. Mapapaos ka rin sa kasisigaw mo. Tsk!
Tumawa na ako. "Kasi... Best friend kita. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko. Natakot ako kung ikaw iyon. Paano kung maghiwalay tayo? Wala na nga akong boyfriend, mawawalan pa ako ng kaibigan. Murder iyon."
"Kung ako ang magiging boyfriend mo... Hindi naman kita sasaktan."
"Sana all..."
"Pero ito. Paano kung tayo talaga ang itinadhana?" tanong niya. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko.
"Magsi-s*x tayo. Doon din naman mapupunta iyon," sagot ko.
Napakamot na ito sa ulo. Ayaw ko lang kasing sagutin iyong mga tanong niya. Parang nakaiilang lang. Magkaibigan kami, hindi dapat kami mag-uusap tungkol sa tadhana na 'yan. Maliban na lamang kung ngayon pa lang ay gusto na namin ang isa't isa.
Tumayo ako at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay dahil gusto kong magkamay. Nahirapan kasi akong gamitan ng tinidor ang ulam nilang tuyo.
Habang abala sa pagsasabon ng kamay....
"Gusto kita, Deim. Araw-araw, palalim nang palalim ang pagmamahal ko sa iyo. At kapag kasama kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin ka."
Napalingon ako sa kanya sa mesa. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya dahil hindi ako sanay na ganoon siya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtayo niya sa kinauupuan niya. Kinakabahan ako. Nang marinig ko ang yabag ng mga paa niya na papunta sa akin, nanginginig na ang tuhod ko. Humugot ako nang malalim na hininga para ikalma ang sarili ko. Ngayon, naramdaman ko na ang mahigpit niyang yakap na gumapos sa akin. Pati na rin ang malaking puso niya na dumikit sa likuran ko. Pumikit ako at parang nakita ko sa isipan ko ang isang pipino na dumikit sa spinal cord ko.
Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko na palagi niyang ginagawa sabay sabing...
"I love you."
Naramdaman ko ang pagbuka ng butas ng ilong ko nang maamoy ko ang I love you niya. Ito ay may amoy ng pinaghalong itlog at tuyo dahil iyon ang kinain naming dalawa.
"Deim, I love you," muli niyang sabi. Muli ko na namang naamoy ang I love you niya.
Isn't it romantic?
~~~