DEIMOS "Deim," sambit ni Phobos. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay puwede malayo ang kasintahan ko sa akin. "Gusto ni Lolo sa USA ipagamot si Mama, may kaibigan kasi siyang isang magaling na oncologist doon," paliwanag niya. "Mabuti kung ganoon." Bumangon ako sa higaan at sinuot ang uniporme ko habang walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. "Tara na, mahuhuli na tayo," sabi ko. "Baliktad ang pante mo," matamlay niyang sabi. Tiningnan ko ito at 'di ko mapigilan na mapahagulgol habang tinanggal ito at inayos. "Hayaan mo lang ako. Nasasaktan lang ako dahil mahal kita," sabi ko. Tumayo siya at niyakap ako. Nag-iyakan kami at parehong dinamayan ang isa't isa. Alam kong hindi niya