DEIMOS Nandito ako sa bahay at humihiga sa kama. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang saya. Ipinakilala kasi kaming dalawa ni Phobos kanina ni Kuya Grey sa mga kaibigan niya. Niyakap pa ako ni Ate Katleya at hindi mawala sa ilong ko ang amoy niya. Para talaga siyang isang Diyosa. Hindi nakasasawang titigan. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi pa sila nahulog sa isa't isa ni Kuya Blue. Kaming dalawa nga ni Phobos, buwan lang ang lumipas at may umamin na. Ang tatag lang nilang mapagtanggi. Nandoon pa kaya si Kuya Grey sa bahay ng kasintahan ko? Bumangon ako sa hinihigaan ko at pumunta sa balkonahe. Nandoon pa nga ang sasakyan niya. Nakatutuwa lang iyong dala ni Kuya, isang maleta na punong-puno ng mga magagandang damit. May isang salita siya, nangako kasi siya kahapon na bigyan niy