DEIMOS ISANG buwan ang lumipas matapos isinugod sa hospital si Ate Carla. Napag-alaman namin na mayroon itong Adult Acute Lymphoblastic Leukemia o kanser sa dugo. Napasuri na siya ng magulang ko sa isang espesyalita kaya kahit papaano ay nasimulan na ang paggamot dito. Nasa bahay na lang si Ate Carla at si Kuya Emilyo na lang ang nagtitinda sa palengke. Mabilis lang kasi manghina si Ate dulot ng sakit niya. Naawa nga ako minsan kapag masaksihan ko ang pananakit ng likuran at ulo niya. Si Phobos naman ay alam kong sinusubukan niyang magpatatag, hindi na siya nagpapakitang umiyak sa harapan ko, pero alam ko ang sakit sa mga mata niya. Saksi rin ako sa pag-aalala ng mga magulang ko sa kalagayan ni Ate Carla, pero alam ko na ngayon pa lang ay nag-aalala na sila tungkol sa gastusin. May pera k