DEIMOS "Ano'ng binabalak mo sa girlfriend ko? Bakit ganyan ka makatingin sa kanya?" inis na tanong ni Phobos. "Bakit pa ako sasagot kung alam mo naman ang sagot?" nang-iinis na sagot ni Kuya Grey. Lumabas si Kuya Grey sa counter. Lumapit siya kay Phobos. Tinitigan niya ito nang masama. Si Phobos naman ay hindi nagpapasindak sa mga titig nito. Ako naman sa kinatatayuan ko, naninigas. Hindi ko gustong mag-away sila dahil magpinsan sila. Humakbang ako palapit kay Phobos at hinawakan ito sa braso. "Tara na, bumalik na tayo sa mesa," sabi ko. Hindi niya ako pinansin at nakipagtitigan lang nang masama sa pinsan niya. Ayaw niya talagang magpatalo rito. "Zyrielle, what are you doing?" tanong ng isang lalaki. Napalingon ako rito. Tinitigan ko ang mukha nito, may hawig ito kay Ate Carla. Maa