DEIMOS
"Hi, Kuya," pagbati ko kay Kuya Grey nang dumaan ito sa gilid namin ni Phobos.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Parang wala siyang nakita. Malakas naman ang boses ko at sapat na iyon para marinig niya. Napahinto at nilingon naman ito ni Phobos habang papalayo ito sa amin. Tiningnan ko naman ang kaibigan ko at makikita mo sa mga mata niya ang nagliliyab na inis sa inasal ng pinsan niya.
"Ang yabang," anito.
"It's okay... Sikat kasi," depensa ko. Ganoon naman kasi iyong biniyaan ng kasikatan. May ugali talagang minsan hindi namamansin.
"Burahin mo nga 'yan sa mindset mo ang ganyang paniniwala. Ano ngayon kung sikat? Lahat naman tayo ay pantay-pantay. Walang sino man ang may karapatan na magmamataas. Parehas lang tayong living organism, Deim."
"Naiingget ka ba sa pinsan mo?"
"Naririnig mo ba ang tanong mo? Naiinis lang ako sa inasal niya. Tapos mukhang proud ka pa? Saan ang ingget doon?" inis na sagot nito.
"Bakit ang init ng ulo mo!" Paghampas ko sa braso nito. Naiinis na ako sa kilay niya na kulang na lang ay magsuntukan.
"Nakaiinis kasi iyong reaksyon mo! Kilig na kilig ka pa! Hi, Kuya," panggagaya nito sa boses ko.
"At iyon... Nagseselos lang pala," nakangisi kong sabi.
"Mahal kita. Ano ang aasahan mo? Gusto ko, akin lang 'yang ngiti mo," anito. "Hindi ko nga alam kung napapangiti na ba kita nang ganyan ka lapad. Tsk!"
Niyakap ko ito. "Kiss ka dede, Deim?"
"Deimos!" Pagtulak nito sa akin ng may pagmamahal.
Kinurot ko ang pisngi nito. Nakagigigil kasi. "Pumunta ka na sa classroom mo, baka mahuli ka pa. See you later."
Niyakap niya ako muli at pagkatapos hinalikan sa noo.
"Bye, Deim. I love you." At mabilis itong humakbang palayo sa akin.
"Stop flirting with other girls!" sigaw ko. Kahit alam kong hindi naman niya iyon gagawin dahil hinihintay lang naman nito ang matamis kong 'oo'.
Huminto ito at humarap sa akin. "Lalandi lang ako kapag..."
"Ano? Kapag dumami ako?"
Umiling ito. "Hindi. Kapag sinabi mong wala akong lugar diyan." Pagturo nito sa dibdib ko.
Wala nga ba?
Nginitian ko lang ito at agad nang tumalikod. Habang naglalakad, nag-iisip ako tungkol sa sinabi niya. Hinahayaan ko siyang ligawan niya ako, pero aaminin ko, hindi ko pa siya gusto. Wala pa akong naramdaman sa kanya na higit pa sa isang pagiging isang magkaibigan. Para lang siyang kapatid sa akin. Guwapo siya at mabait, pero hindi ko naman mapipilit ang puso kong magustuhan din siya.
Papunta na ako sa elevator ng building. Nang makita kong pasara na ito ay agad akong tumakbo para makahabol.
"Yes," sigaw ko nang maabutan ito. Hinihingal pa ako.
Pagpasok ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Kai at ang mukhang bago niyang biktima. Maganda rin ang mukha nito. Matangkad. Lutaw na lutaw iyong kinis ng kutis. Napatingin tuloy ako sa balat ko.
"Hi, Deim," pagbati ng babae.
Napamulat ang mga mata ko. "Kilala mo ako?"
Tumango ito. "Kai's older sister."
"Ah. Hello," tanging sagot ko. Napatingin ako kay Kai na ngayon ay napangiting tinititigan ako. "May kapatid ka pala rito nag-aaral?"
"Yes. Akala mo girlfriend ko? Iyong mga titig mong ganyan... Kilala kita, Deim," nakangiting anito.
"Deim, my baby brother likes you so much," anang babae.
"Shut up, Ate!? Kadiri ka," pasigaw na sabi nito. Sinuntok ko ito sa tiyan. "Ouch, Deim!" reklamo niya.
"Kung makatanggi ka, pasigaw talaga? Required ba iyon para sabihin sa taong hindi ka pumasa? Hindi ka lang naka isa, kumaliwa ka na. Poor boy."
"Nandiyan ang kapatid ko. Ang bibig mo!" suway nito.
"Deim, alam mo bang ilang beses ka nang iniyakan nitong si Kai," anang kapatid nito.
Napatingin ako rito at nakita ko ang hiya niya. Yumuko kasi ito at pinagpawisan. Napangiti naman ako nang malaman iyong inpormasyon na nagmula sa kapatid ni Kai.
"Ew, Kai... Weak!" pang-aasar ko.
"Tumahimik ka nga!" sigaw nito.
Bumukas na ang elevator kaya agad na kaming lumabas.
"Bye, Ate. Thank you for the information."
Matapos kong masabi iyon, nagsimula na akong humakbang palayo sa kanila.
"Deim," pagtawag ni Kai.
Nilingon ko ito. "Iyakin."
"Masisisi mo ba ako? Mahal kita!" sigaw nito.
"Saan ang mahal doon? Pakihanap sa omegle, I mean google."
"Nagkamali ako, pero pinagsisihan ko na iyon... Ikaw pa rin ang laman nito."
"Laman ng ano? Itlog mo? Juts!" sigaw ko sabay takbo. "Ouch!" Nadapa ako. Ang tanga mo, Deim. Pahiya ka tuloy.
"Karma!" sigaw nito.
Tumawa ba naman ito nang napakalakas. Umaalingaw-ngaw pa ang boses niya dahil kunti pa ang tao rito sa itaas. Napalingon ako sa kanya at parang namimilipit pa ang sakit sa tiyan nito dahil sa katatawa.
Demonyo ka talagang bata ka!
Bumangon na ako nang may lakas ng loob. Inirapan ko ito at dahan-dahan na lumapit sa lalaking pinagtawanan ako. Nang bahagyang susuntukin ko na siya ay hinablot niya ako at niyakap.
"Sorry," anito. Naramdaman ko ang katapatan sa boses niya. Mas hinigpitan niya ang pagyakap. "Give me another chance."
"Deim," sambit ng isang lalaki. Naramdaman ko ang pagkabigo sa boses nito.
Bumuwag ako sa pagkagapos mula sa mga bisig ni Kai at tiningnan ang kaibigan ko. Ang mga mata niya ay blanko. Nasaktan ako sa nakita ko. Hindi niya dapat ito maramdaman nang dahil lang sa akin.
"Phobos," sambit ko.
Humakbang siya papunta sa akin at inabot sa akin ang bag ko. Hindi ko man lang namalayan na wala pala sa akin ang bag ko. Pagtanggap ko, tumalikod na ito para umalis.
Hinabol ko ito at pinigilan. "Hindi mo man lang ba ako kakausapin?"
"Mauna na ako," sagot nito.
"Phobos naman, e!"
"Okay lang ako. Yakapin mo na siya." Muli na itong humakbang paalis.
Bumuntong hininga na lang ako at hindi na ito pinilit. Baka mas lalo lang lumala ang tampo niya sa akin at ayaw kong mangyari iyon. Nilingon ko na ang puno't dulo sa nangyari. Nakangiti ito at guwapong-guwapo sa kanyang sarili.
"Lagot ka sa akin!" sigaw ko nang buong lakas.
Pumikit ako at ibinuka ang kanang palad ko. Sa mga oras na ito, inisip kong ako si Uzumaki Naruto. Napangiti ako nang maramdaman kong may lumabas na bilog sa palad ko. Ibinuka ko na ang mga mata ko.
"Rasengan!" sigaw ko.
Tumakbo na ako na parang isang ninja papunta sa lalaking makakalasap ng galit ko. Pagdating ko sa kinaroroonan niya agad ko itong sinuntok sa tiyan.
"Urghhhhhhhhhh!" sigaw nito.
Natumba ito at napahawak sa tiyan niya. Napailing na lang ako sa saya nang makaganti sa kanya. Bumangon na siya at lumapit sa akin. Hindi naman siya galit. Mukhang natutuwa pa nga.
"Nababaliw ka na ba?" natatawang tanong ni Kai.
Hindi ko ito sinagot at gumawa muli nang panibagong rasengan.
"Raseng———." Hindi ko ito natapos dahil napautot ako.
Humalakhak naman sa katatawa si Kai. Diyos ko! Nakahihiya.
"Kadiri, Deim!" anito at muli na na namang tumawa. Ang ganda ng araw ko.
"Hey!" Pagturo ko rito. "I'm just building up the gas in my body, typically due to swallowed air: I swallow air troughtout the day, including from carbonated beverages or taking in air as I chew."
"H-ha?" tanong nito.
"Nevermind... Bakit mo ako niyakap, ha!? Nagtampo tuloy ang best friend ko!"
"Best friend lang naman pala. Bakit siya nagseselos? Sa kanya ka na ba?" Ngumisi ito. "Sino ba naman ang hindi magseselos kay Kai Felix De Guzman?" pagmamayabang nito.
"FYI, Kai. Tae ka lang ni Phobos." Inirapan ko ito.
"Grabe ka sa akin. Parang wala tayong pinagsamahan, ha?" reklamo nito.
"Ang landi mo kasi!" sigaw ko. At salamat na nasigawan ko na rin siya ng malandi. Matagal ko na itong hinintay.
"Lasing ako noon nang gusto kong may mangyari sa atin..."
"I know at 'wag mong gawin iyong excuse... Nalasing din ako, Kai, pero hindi ako nagsarili sa harapan mo. Ikaw? Ano ang ginawa mo? Lumabas ng banyo nang walang saplot? Ipinagmayabang mo pa iyong pang-bata mong ano? So yucks."
"Grade 11 pa ako noon. Mapanghusga ito..." May mga lalaking talagang hindi maamin na maliit talaga ang sandata nila.
"Nevermind. Ano ba ang gusto mo? Bakit mo ginugulo ang buhay ko? Nahihilo na ako sa pag-iintindi sa iyo," sabi ko.
"Gusto ko lang maging kaibigan tayo muli. Ibalik natin iyong dati."
"Paano, Kai? Sabihin mo. Sinira mo na iyong tiwala ko. Patatawarin kita, magagawa ko iyon. Matagal na. Pero iyong maibalik ang dati? Malabo na iyon. Kung hindi kita sinampal, gagalawin mo ako nang mga oras na iyon, 'di ba? Handa ka na, e. Nakahubad ka na! Humingi ka ba ng sorry sa ginawa mo sa akin? Wala akong natanggap! Pero ano ang ginawa mo? Nakahanap ka agad ng babaeng kayang ibigay ang sarili niya sa iyo..."
"Sorry, Deim."
"Mauna na ako," sabi ko.
Hinawakan niya ako sa braso. Tiningnan ko siya at nakita kong nagsipatakan ang luha sa mga niya. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Nasasaktan.
"Sorry, Deim. Nagkamali ako, aminado ako. Pero pinagsisihan ko iyon."
"Bigyan mo ako ng panahon makapag-isip, Kai."
Tumango ito. "Sige. Maghihintay ako."
"Salamat."
Umalis na ako at hindi na niya ako pinigilan. Ang totoo, si Kai ang unang lalaking minahal ko, pinagkatiwalaan ko. Naging magkaibigan kami at habang tumatagal, nahulog ang loob namin sa isa't isa. Nagustuhan ko siya kasi nasa kanya na ang lahat maliban sa talino. Mahina kasi ang intelektwal na kapasidad nito, pero walang problema iyon dahil handa naman akong tulungan siya sa abot nang aking makakaya. Ganoon naman kami noon, nagtutulungan. Pero isang araw, may problema siya. Naghiwalay ang magulang niya. Kailangan niya ako dahil sobrang lungkot niya. Nag-inuman kami at nalasing. Pero mas grabe lang iyong tama ng alak sa kaniya. Lumabas ba naman sa banyo ng hubo't hubad at humiling sa akin na makipagtalik sa kanya. Kahit gusto ko siya, sa mga panahong iyon, hindi pa ako handa. Sa pangyayaring iyon, doon nagsimulang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin. Hanggang sa dumating ang araw na ito, humingi na siya ng patawad sa nagawa niya. Sa totoo lang, napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin, pero ang problema ay nawalan na ako ng tiwala sa kanya.
Tanghali na, buong umaga ay wala akong gana sa klase namin. Walang pumapasok sa isipan ko kahit na isang salita sa panayam ng guro namin. Ang dalawa sa rason kung bakit ako nagkakaganito ay ang mga lalaking naging parte ng buhay ko, si Phobos na nagtatampo sa akin at si Kai na nasaktan sa binitawan kong mga salita.
"Deim, hindi ka kakain?" tanong ng isa kong kaklase. Ako na lang kasi ang maiiwan sa silid-aralan namin.
"Busog pa ako," sagot ko kahit ang totoo ay gutom na ako. Hinihintay ko lang na sunduin ako ni Phobos, pero wala siya. Hindi pa siya dumating. Ganoon ba talaga kalaki ang tampo niya sa akin?
Tumunog muli ang tiyan ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumayo mula sa upuan ko. Ayokong malipasan ng gutom. Baka magka-ulcer pa ako.
Pagdating ko sa cafeteria, pumila na ako. May kamay naman na dumapo sa balikat ko. Paglingon ko, si Kuya Grey, kaya pinauna ko na ito sa pila. Umiling naman siya habang nanatili ang dalawang kamay niya sa balikat ko.
"Ladies first," saad niya.
"Thank you," tanging sagot ko.
Tinitigan ko naman ang mukha niya. Naghanap kasi ako ng mga similaridad nilang dalawa ni Phobos sa isa't isa. Napangiti naman ako nang malaman na magkapareho sila ng mga mata, malalim.
"Ang guwapo ko, 'di ba?" anito.
Napayuko naman ako. Nakalimutan kong nakatitig pala ako sa kanya. Ano ba 'yan!
"You are pretty, ha. Ano'ng year ka na?" tanong nito.
"First year, Education student," sagot ko. Sa mga oras na ito, tiningnan ko na siya.
Napangiti ito. "Bata pa. Bawal. Sige na, hindi na lang ako pipila," sabi nito at pumunta na siya sa harapan.
Napa-isip ako. Puwede naman sana siyang sumingit pero bakit pumila pa siya sa likuran ko? Napangiti naman ako bigla nang maalala ang ganda ng mukha niya. Para nga siyang si Phobos, napakaguwapo.
"Kinikilig ka nga sa pinsan ko," bungad ng isang boses.
Nanlaki ang mga mata ko. Nasa gilid ko pala si Phobos at seryosong tinitingnan ako.
"K-kanina ka pa?" nauutal kong tanong.
"Gusto mo siya?" matigas nitong tanong.
Nainis ako bigla. Bakit ganito siya umasta?
"Kaya ka pala wala na sa classroom niyo dahil excited ka na pumunta rito para makita siya, tama ba?"
"Hinintay kita," sagot ko.
"Kung hinintay mo ako. Saan ka roon? Nandito ka, Deim, at inaabangan mo ang guwapong-guwapo sa sarili kong pinsan," inis na sabi nito.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Kung umasta ka, feeling mo, you own me. Ano ba kita?" inis kong sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumulo ang luha nito. "Tama pala... Ano pala ako sa iyo? Wala naman, 'di ba? Sorry kung umasta akong may karapatan sa iyo."
"P-phobos," nauutal kong sambit.
Ngumiti ito. "Hindi na ako mangungulit sa iyo. Sorry."
Tumalikod na ito.
"Hoy!" pagtawag ko.
Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Napakasakit sa pakiramdam na makitang umiiyak ang kaibigan mo nang dahil sa iyo. Hindi ko naman sinasadya. Pero iyon ang nararamdaman ko. Naiinis ako.
Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may strawberry tea na bumungad sa harapan ko.
"Ang lalim ng iniisip mo. Mag tea ka muna," anito.
"K-kuya Grey," sambit ko.
"Sa iyo na 'yan. Sayang ang ganda mo," anito sabay kindat.
Tinanggap ko ito. "Thank you."
"DYK, Zyrille Grey's charm is perilous?" bulong nito sa akin.
Nanlaki lang ang mga mata ko. Napatitig lang ako sa kanya habang siya ay walang tigil sa pagngiti habang tinitingnan din ako.
"Thank you for this, pero mauna na ako," pagpapaalam ko.
Tumakbo na ako palabas ng cafeteria. Bumilis kasi ang pintig ng puso ko habang kausap si Kuya. Hindi naman sana siya multo pero kinakabahan ako bigla. Napahinto ako sa pagtakbo at muling nilingon kung saan ako nakatayo kanina. Nandoon pa rin si Kuya Grey at masayang tinitingnan ako.
"Bakit siya ganyan?" tanong ko sa isipan ko.
~~~