DEIMOS SAMPUNG ARAW na ang lumipas nang hindi ako pinapansin ni Phobos. Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya sa akin dahil sa nasabi ko. Sinubukan ko naman magpaliwanag sa kanya pero sarado talaga ang tainga niya para pakinggan ang sasabihin ko. Sa sampung araw na iyon, gabi-gabi siyang nasa bahay pero hindi bilang ang kaibigan ko, kung hindi ang tiyutor ko na binibigyan ng sahod ng magulang ko. Hindi na rin niya ako sinasama sa paglalako ng isda tuwing hapon. Sa paaralan naman, sa bawat oras na magkasalumuha kami ay parang hindi niya ako kilala. Ang sakit lang na naging ganoon siya dahil sa masasakit na salita na nabitawan ko sa kanya. Tama nga ang kasabihan, na ang salita ay ang pinakamapanganib na sandata. Nandito ako sa bahay ngayon, iniinom mag-isa ang pulang alak na nasa loob