PRESENT DAY
DEIMOS
DALAWANG buwan na ang lumipas simula nang makita ko ang ulo ng alaga ng kaibigan ko. Pero mapahanggang ngayon, hindi na iyon mabura sa isipan ko. Minsan pa nga, napapaginipan ko pa ito. Ang nakatatakot lang ay may mga mata ito, chinito. Ganoon ang tama ng ulo ng alaga niya sa buhay ko.
Nandito ako ngayon sa maganda kong kuwarto at sinusulat ang prologue ng bagong istorya ko. Ito ay tungkol sa isang magkaibigan na inahas ang kasintahan kaya nais nitong maghiganti. Teen fiction lang sana ito, pero dahil sa mga malutong na mura ng kaibigan ko na abala sa paglalaro ng mobile legends ay naging erotic na ito.
Sa dalawang buwan na lumipas, nakatapos ako ng istorya na sekswal ang dyanra. Ang masasabi ko, mas madali para sa akin ang temang ganoon, hindi ako nahihirapan. Sa totoo lang, maraming pumapasok na ideya at tagpo sa isipan ko sa usaping ganoon. Una na rito iyong ulo ng ahas ni Phobos. Ewan ko ba, kahit ginugulo nito ang isipan ko, pagdating naman sa pagsusulat, iyon ang madalas na pumapasok. Maaaring iyon na rin ang naging inspirasyon ko.
"Panget, critic, please," hiling ko sa best friend ko na napaka-supportive sa pagsusulat ko.
"Mamaya na, attack pa ako!" sigaw nito.
Wow!
Dahil sa inis ko, hinablot ko ang telepono nito at tinapon sa kama. Nakaiinis kasi! Hindi man lang ako magawang lingunan. Okay lang sana kung paper works ang ginawa niya dahil maiintindihan ko iyon. Pero hindi! Mobile legends lang. Mas mahalaga ba iyon sa akin?
"Your phone has been slain," sabi ko.
"Deimos!" sigaw nito sa akin. Ang sakit tuloy ng tainga ko.
"Phobos!" sigaw ko rin. Hindi ako papatalo sa kanya, noh? Sino ba siya? Tsk!
"Oo, na. Akin na." Ibinuka niya ang palad niya.
Ibinigay ko na ang phone ko. "Good. Read it slowly, okay?"
"Okay." Inirapan pa ako nito. Bading!
Dumapa na ito sa kama ko. Ginalaw-galaw pa nito ang mga paa niya habang nagbabasa. Tumabi ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Napaisip naman ako kung bakit ang daming patay na patay sa kaibigan ko. Wala namang espesyal dito aside sa mukha niyang parang isang mito sa griyego.
Habang tinititigan siyang nagbabasa. Napakagat-labi ito at dahan-dahan na tumagilid para bumangon.
"Iihi na muna ako," anito. Tumakbo siya sa banyo. Pagsara niya ay agad niya rin binuksan. Ano iyon? Magic? "Tapos na," sabi niya ng may ngiti sa labi.
"Bilis, ah? Ano'ng ginawa mo?"
"Magsisisi ka kapag malaman mo," nakangising sagot nito.
"Fine. Naghugas ka na ba? Hahawakan mo ulit itong phone ko," sabi ko. Sa palagay ko, tinigasan ito at kumambiyo sa loob ng banyo. Lalaki nga naman. Tigasin.
"Hindi pa," natatawa nitong sagot.
"Alcohol ka na lang. Mukhang malinis ka naman."
Tumawa ito. "Ang arte mo, ha?"
Pagkatapos niyang maghugas ng alcohol ay muling tumalon ito sa higaan ko para ipagpatuloy niya ang pagbabasa sa istorya na ginawa ko.
Minuto ang lumipas...
"Sino ang iniisip mo nang ginawa ito?"
"Kusang pumasok lang sa isipan ko."
"Ang galing mo, ha. Magaling ka siguro," natatawa nitong sabi. Mapang-asar talaga.
Tumayo ako at nag-ayos ng buhok sa harapan niya. Pagkatapos, kinuha ko ang liptint sa bulsa ko at nilagyan ang labi ko. Sinilip ko ang mukha ko sa salamin na nasa harapan ko. Napangiti naman ako dahil mukha na akong tao.
Tiningnan ko si Phobos at nginitian.
"Hindi mo malalaman kung hindi natin susubukan. Maghubad ka na."
Napangiti naman ako nang makita ang paggalaw ng jersey shorts niya. Napailing na lang ako. Lalaki nga talaga ang kaibigan ko.
"Joke," natatawa kong sabi. "Miryenda na tayo sa baba," dagdag ko.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang bumangon pero bigla niya akong hinila hanggang sa nasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Narinig ko naman ang malakas nitong pintig.
"Phobos, miryenda na tayo," sabi ko ulit.
"Ikaw ang gusto kong miryenda, Deim," bulong nito.
Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Nanginginig ang mga tuhod ko. Si Phobos ba ito na kaibigan ko? Seryoso ba siya? Napanga-nga naman ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na pumasok sa loob ng damit ko.
"P-phobos," nauutal kong sabi.
"Sssh. I'm hungry. Let me eat you."
What!?
"Baliw ka na ba?" tanong ko sabay hampas sa braso niya.
"Please, Deim," bulong niya.
Matapos niyang masabi iyon, napapikit ako at hinayaan ang paglakbay ng kamay niya sa likuran ko. Hindi ako pumalag sa ginawa niya. Parang gusto ko iyong balak niyang gawin namin.
Hinalikan na niya ang leeg ko habang ang kamay niya ay abala sa pagtanggal ng suot kong bra. Nang matanggal na niya ito, hinubaran na niya ako ng damit. Gumulong kami sa higaan at nagpalit ng puwesto. Ngayon, siya na naman ang nasa ibabaw ko. Hinayaan ko nang imulat ang mga mata ko. Bumungad na sa akin ang maganda niyang mukha.
"You're much prettier when you are naked, Deim. I love..."
"Stop expatiating... Eat me," malandi kong sabi.
Bumangon na ito at hinubad ang damit niya. Ngayon, ibinida niya sa akin ang maganda niyang katawan. May anim itong manipis na pandesal na mas nagpapaguwapo sa kanya. Tama lang sa edad namin ang katawan niya.
"Can I take your shorts off?" tanong niya.
Nang tumango ako, hindi ito nagdadalawang-isip na tanggalin ang suot ko. Ang agressibo niyang matikman ako. Ganito niya ba talaga ako kagusto? Nang makita na niya ang hubo't hubad kong katawan ay napalunok ito ng laway. Napakagat labi pa ito. Makikita mo sa mga mata niya na sabik na siyang tuklawin ako. Dahan-dahan ko nang ibinuka ang dalawang pagitan ng paa ko at kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata niya. Hinawakan ko naman ang p********e ko at ibinuka iyon para makita niya ang ganda ng itsura nito. Malinis ito kaya maipagmamalaki ko ito. Bagong ahit din ito kaya kaaya-aya tingnan.
Muli siyang napalunok ng laway. Ang guwapo niyang gutom.
Ngayon, siya naman ang dahan-dahan na naghubad ng pang-ibaba niya.
"Ang laki," sabi ko nang masaksihan ito. Tama nga ang nasa isipan ko, para itong isang pipino.
Nang bahagyang hahawakan na niya ang p********e ko ay tumawa na ako at hininto na ang ginawa kong eksena sa imahinasyon ko. Napalingon naman sa akin si Phobos na kasalukuyang binabasa ang prologue ng istorya ko.
"Anong nangyari sa iyo?" mausisang tanong niya.
"Nag-iisip lang." Muli akong tumawa nang maalala ang kabaliwan ko. Tinitigan ko lang siya at ang dami na muling pumasok na eksena sa isipan ko. "Sige na, tapusin mo nang basahin 'yan. At sabihin mo sa akin kung interesting ba. You are my critic, right?"
"Not just a critic... I'm your future man," nakangising anito.
"Keep wishing, Phobos. Bibigay rin ako at magtatalik tayo. Soon."
"Deimos!" inis na sigaw nito.
"Grabe siya. Akala mo kung sino itong inosente. Malibog ka rin naman, ha!?" pagpapaalala ko.
"At least hindi kita binabastos."
Napangiti naman ako roon. Tama nga siya, kailanman, hindi niya ako binastos. Kung tutuusin, ako pa itong inaasar siya sa mga usaping sekswal. Mas naging malawak kasi ang kaisipan ko rito dahil sa pagsusulat ko nang ganoong dyanra. Marami nga akong pornograpya sa aking telepono at ginawa ko iyong batayan para sa pagsusulat ko sa eksenang ganoon. Ang nakatatawa lang, kaming dalawa ni Phobos ang iniisip ko kapag sinusulat ko iyon. Wala siyang alam dito, nakahihiya rin naman kung sasabihin ko sa kanya. Baka matigasan na iyon sa harapan ko at hindi mapigilan ang sarili.
"Okay na siya. Maganda. Sino iniisip mo rito?" seryosong tanong nito.
Ngumiti lang ako at pinisil ang pisngi niya. Ngumuso naman ito at tinitigan ako. Maaaring hindi niya ako naintindihan pero bahala siya sa buhay niya.
"Kumain na tayo," pagyaya ko.
"Sa bahay na ako. Araw-araw na lang ako kumakain sa inyo. Nahihiya na ako."
"Ibang tao ka ba? Best friend kita."
"Kahit na. Hindi mo ako responsibilidad."
"Ang cute mong ma-pride. Tara na, magagalit ako," matigas kong sabi.
"Deimks sa bahay na nga..."
"Phobos, last ka na lang," pagbabanta ko.
"Okay," nakabusangot nitong sagot.
Bumangon na ito at walang ibang nagawa kung hindi sundin ang gusto ko. Sabado ngayon, pero walang tao sa bahay maliban sa aming dalawa. Nasa convenience pa kasi sina Mama at Papa habang ang kapatid ko naman ay may lakad kasama ang mga kaibigan niya.
Nasa kusina na kami ngayon at masayang kumakain. Dalawa lang kami pero grabe iyong saya namin kapag kami ay magkasama. Iba pa rin talaga kapag may tiwala at kumportable ka sa isang tao. Magagawa mo iyong gusto mo. Tumayo ako at naghanap ng panghimagas sa refrigerator. Napangiti naman ako nang may makitang pulang alak.
"There's a wine. Inom tayo," sabi ko.
"Ano'ng klaseng alak 'yan? Pula o puti?"
"Red wine."
"Huwag!" pasigaw na sabi nito.
"B-bakit?" takang tanong ko.
"Deim, red wine has proven that make women horny as it increases blood flow to her erogenous zones, in turn increasing arousal and sensitivity in the area," paliwanag nito.
Napakamot naman ako sa ulo. Napahiya ako roon. Ako pa naman ang science major sa aming dalawa, pero wala man lang akong alam sa sinabi nito.
I hate you, blood flow!
Kinuha ko muna ang telepono sa bulsa ko at hinanap sa google iyong sinabi niya. Sa paniniwala ko, hindi lahat ng matalino ay tama. Malay ko, sa mga oras na ito, mali siya. Pinindot ko na. Nang makita ko ang resulta ay napasigaw ako sa sobrang tuwa.
"Phobos, not at all! Basahin mo, hindi lahat ng red wine." Pinakita ko sa kanya ito. Binigyan ko siya ng isang ngiting tagumpay.
"Not at all nga. Pero baka 'yang red wine na nasa ref. niyo ay isa roon ang nakaka-horny," anito. Hindi ba talaga siya mauubusan ng isasagot? Tsk!
"Hindi naman ako natatakot, e. Ikaw ang kasama ko," sabi ko.
"Pero paano kung malasing din ako?" pag-aalala nito.
"Edi bakbakan na," sagot ko na nagpangiti sa kanya.
"Sige." Pagtango nito.
Tumayo naman ang mga balahibo ko sa pagngiti niya. Natakot tuloy ako bigla. Napatunayan ko pa naman na malaki iyong sa kanya. Baka mawasak itong akin at maging katulad noong sa napanood ko sa pornograpya na parang isang paniki.
Humugot ako nang malalim na hininga. "Nagbago na ang isip ko, magtubig na lang tayo..."
I'm safe!
~~~