KABANATA 1

2082 Words
DEIMOS CARNELIAN 3 months ago ISANG napakalakas na ulan ang bumuhos. Nandito ako sa sala nang biglang tumunog ang doorbell. Napatayo ako para silipin iyon sa bintana. May babaeng nakapayong doon sa labas. Binuksan ko ang pintuan para tanungin ito. "Sino po kayo?" pasigaw kong tanong para marinig niya. Kinuha ko ang payong na nasa gilid ng shoe rack at pinuntahan na lang ito. Mukha kasing hindi niya talaga ako narinig. Hindi kasi ako nilingon. Binuksan ko na ang gate. "Hi. Ano ang sadya niyo po?" "May bakante pa ba kayong apartment doon?" Pagturo niya sa tapat ng bahay namin. May paupahan kasi ang pamilya ko ng apartment. Pagmamay-ari kasi namin ang lupang nasa tapat ng bahay namin. Ginawa naman itong paupahan para dagdag kita. "Upo, meron pa po," sagot ko. Nasa labing-walo na ako kaya sa akin na pinapamahala ng magulang ko ang paupahan. Madalas kasi silang wala sa bahay dahil abala sila sa aming convenience store sa harap ng unibersidad. "Puwede ba kami kumuha ng isa?" aniya. "Ilan po kayo lahat?" tanong ko. Baka kasi marami sila at hindi magkasya sa apartment. Good for 5 persons lang kasi iyon. "Apat kami," kaswal na sagot nito. "Sakto po. Ngayon na ba kayo lilipat, Ate?" "Oo, sana." "Okay po. Pasok na muna kayo, Ate," pag-aya ko. "Dito lang ako, nakahihiya naman," giit niya. "Kung ayaw niyo po. Bumalik na lang muna kayo roon. Susunod agad ako." Tinuro ko iyong tindahan sa tapat ng bahay namin na pagmamay-ari rin ng pamilya namin. "Sige, iha. Salamat." Tumakbo na si Ate. Pag-alis niya ay nagmadali akong pumasok sa bahay para kunin iyong susi ng apartment. Nang makuha ko ito ay agad akong pumunta roon. Ayaw ko kasing may pinaghihintay na tao. "I'm here," sabi ko. Napatingin sa akin ang isang lalaking naka-hood. Maganda iyong mukha niya. Para siyang isang Diyos ng Griyego. Sinuri ko ang mukha nito at tinitigan isa-isa. May malalim na mga mata, tsek. May matangos na ilong, tsek. Makapal at maitim na kilay, tsek. Mahabang pilik-mata, tsek. Mapula-pulang labi, tsek. May maigting na panga, tsek. He is close to ideal type of fictional character. Puwede siyang maging bida sa ginawa kong kuwento. Ngumiti ang binata sa akin, may maganda at maputing ngipin, tsek. Perfect nga ang nilalang na ito. "Iha," sambit ni Ate. Napatigil ako sa pagtitig sa binata at nilingon si Ate, ang posibleng ina nito. Maganda rin si Ate, para siyang isang Diyosa. "Sorry. Napatitig lang ako sa anak niyo. Ang guwapo lang kasi," pag-amin ko. Napangiti si Ate. "Salamat." Nilingon niya ang anak niya. "Phobos, magpasalamat ka, pinuri ka ng magandang dalaga, oh." "T.Y," sagot ng binata. "Matipid magsalita ang anak niyo po." "Madaldal 'yan. Nahihiya lang 'yan. Ang ganda mo kasing babae, iha." "At dahil sa papuri mo, Ate. Discounted kayo ng 1 peso." Napatawa ito. "Mapagbiro ka pala." Napangiti na lang ako. "Tara na po. Tingnan na natin ang buong apartment para makapagpahinga na rin kayo." Nang makapasok na kami ay agad ko itong inimbistiga. Parte kasi ito sa utos ng magulang ko. Kahit mukhang mabait sila, kailangan munang kilalanin. Sabi nga sa isang patalastas, ligtas ang may alam. "Taga saan po kayo dati?" "Sa bagong demolished na squatter sa kabilang baranggay." "Sayang po iyong alaala niyo roon, tama po ba?" "Sinabi mo pa," malungkot na sagot nito. Bakit ko ba iyon tinanong? Mukhang nalungkot tuloy si Ate. I'm too sensitive. My bad. "Anyway, 2 months advance po kami rito, Ate, tapos ang bayarin ng tubig at kuryente kayo na po ang bahala. 2 rooms po ang buong apartment na ito at may isang banyo." Ipinasyal ko ang tingin ko. "At may tamang laki rin ng sala. Feel at home po kayo rito, tapos make sure po, Ate, na magbabayad kayo sa tamang oras kasi allergy ang parents ko sa matagal magbayad. Mukha na kasi silang pera. Joke." Napatawa sila. Mukhang naging komedyante na ako ngayon, ah? Umupo ako sa sofa. "At dito po sa sofa, bawal pong umutot dito at pahiran ng kulangot. Kahit non-living thing ito, sisigaw po ito ng I cannot." Nakangiting nakatingin sa akin ang binatang mukhang pinaglihi sa Diyos ng Griyego. Ang guwapo niyang tao. Ang sarap itabi sa kama at titigan buong magdamag sabay haplos ng may dignidad. Nilingon ko muli si Ate. "Napangiti ko po ang anak niyo, baka kami po ang itinadhana." Napailing ito. "Ang kulit mong bata." "Sige, Ate, Kuya." Nilingon ko ang isa pang anak nila na babae na napakaganda rin. "And you." Inilakbay ko naman ang tingin ko papunta sa binatang hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. "And to you, my future. Mauna na ako." "Ang paunang bayad ko, iha," sabi ni Ate. "Bukas na po ng umaga. Madilim na kasi, mamalasin daw kapag tumatanggap ng pera sa gabi. Pamahiin ng pamilya kong mukhang pera, babalik lang po ako bukas. Goodnight." "Salamat, iha." "Welcome. Enjoy po kayo rito. Sa amin na lang din po kayo mag grocery, ah? Wholesale po kami." "Sige, iha." Imbes kay Ate ako tumingin. Sa anak niya lumapag ang mga tingin ko. "Bye, Phobos. You can add me on my social media accounts, Deimos Carnelian Xiantiago." Tumango ito. Nginitian ko na lang ito bago umalis. Wala lang, gusto ko lang siya maging kaibigan. Love your neigbors daw, e. I'm just being decent with angst. Pag-uwi ko sa bahay, nagmadali akong nagluto dahil uuwi na rin sa mga oras na ito sina Mama at Papa. Paborito kasi nila ang luto ko. May kapatid ako pero batugan iyon. Nandoon iyon sa kuwarto niya at abala sa kanyang vlog na kulang na lang maghubad. Katawan niya kasi iyong content niya. Palibhasa pinagpala sa pisikal na kaanyuan. Pero hinahayaan na namin iyon dahil doon naman siya masaya. Habang naghahanda sa mesa. Bumaba na ang guwapo kong kapatid sa makalat niyang kuwarto. Mukhang naamoy na niya ang niluluto ko. "Luto na ba?" tanong nito. Iyon ang papel niya sa bahay. Ang magtanong kung luto na ba ang pagkain. "Ikaw ang maghugas ng pinggan, ha!" singhal ko. Nakaiinis kasi. Dinilaan lang ako nito at dumiretso sa kinatatayuan ko. Kinurot nito ang pisngi ko. "Baby, kaya mo na iyon," anito. Napabuntong hininga na lang ako. "Oo na." "Thanks, baby. I love you." Kahit batugan ang kapatid kong si Mars Bixbite ay sobrang mahal ko iyon. Napakalambing niya kasing kapatid sa akin. Kahit dalawa lang kami, hindi siya nagkulang sa akin. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko. Siya rin iyong lalaking nagmistulang kalasag sa mga manliligaw ko. "Kuya, mukhang nandiyan na sila Mama," sabi ko. May pugak na kasi ng sasakyan. "Okay." Lumabas na ito para pagbuksan ng gate. Pagdating ng magulang ko sa loob ay agad akong nagmano. Habang si Kuya ay todo lambing sa kanila, sa palagay ko ay may hihingiin ito. Ganoon kasi iyong taktita niya para makuha iyong gusto niya. "Ma, may nagrenta na sa apartment," bungad ko. "Ang pera?" Pagbuka ng kamay niya. See? Hindi naman gaano mukhang pera si Mama. "Hindi ko pa kinuha. Gumagabi na kasi." "Sige, kunin mo na lang iyon bukas sa madaling araw." Napangiwi na lang ang mukha ko. Madaling araw talaga? Hindi ba puwedeng sa pagsikat na ng haring araw? Si Mama talaga. "Kain na muna tayo," sabi ko. Minuto ang lumipas, matapos kong maghugas ng mga pinggan. Bumalik na ako sa kuwarto para magpahinga. Kinuha ko iyong phone ko para makapag-update na sana ng bagong kabanata sa kuwento ko. Marami-rami na rin kasi ang naghihintay. Matindi na kasi ang mga kaganapan kaya nababalisa na ang aking mga mambabasa. Pagbukas ko ng WiFi, unang bumungad sa phone ko ang pangalang... Phobos Hematite Cruz Mukhang ito na iyong bagong kapit-bahay namin. I accepted his friend request na ako rin naman ang humiling. Sinuri ko na ang mga larawan niya at namangha ako sa nakita ko. His famous. Hindi na ako nagulat doon, alam kong sa panahon ngayon, sinasamba talaga ang may magandang mukha. Napangiti na lang ako sa ibang larawan niya dahil pinagmamalaki niya ang buhay nila. Ang bahay nila ay butas-butas na gawa sa amakan (woven bamboo). Pero parang gumaganda ito dahil siya ang nasa larawan. Iba talaga ang nagagawa ng may itsura. "Salamat, future." - Deimos Carnelian Xiantiago "Welcome. T.Y rin." - Phobos Hematite Cruz "For what? For calling you my future?" - Deimos Carnelian Xiantiago "Hindi. Sa Apartment." - Phobos Hematite Cruz "HHAHAHAHAH ang feeling ko. No problem. Basta magbayad lang kayo ng maayos. Tell it to my future family." - Deimos Carnelian Xiantiago "Magagawan namin 'yan ng paraan. Sige na, mag-aaral na muna ako. May exam pa ako bukas for scholarship." - Phobos Hematite Cruz "Ganoon? Fine. Punta ako riyan bukas. Kukunin ko iyong 6K." - Deimos Carnelian Xiantiago "K." - Phobos Hematite Cruz W-wait? K? Ang cool niyang tao. Sa ganda kong ito, siya lang iyong lalaking hindi masaya na kinausap ko. Mukhang allergy sa magaganda. Ang cute. Matulog na nga. Umaga na, matapos kung makapagbihis para pumunta ng school ay dumiretso muna ako sa bagong lipat para singilin ito. Pagdating ko, guwapong nilalang ang nagbukas sa akin, nakahubad pa ito ng damit at boxers lang ang suot. Maganda ang katawan, tsek. May anim na pandesal, tsek. Ibinaba ko ang aking tingin at huminto sa gitnang parte ng kanyang katawan. Napakurap ako nang tinakpan niya ito ng maugat niyang mga kamay. "Hi. I'm just checking the bulge." Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Mukhang nahiya siya sa sinabi ko. Mukhang average ang sukat nito pero malaman. As an erotic writer, open-minded ako sa mga bagay na ganito. Wala na ito sa akin. Easy! "Bakit mo ito tinitingnan?" nahihiya niyang tanong. Napatawa na lang ako kasi hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang kamay niya rito. "Gusto ko lang." Ibinuka ko ang kamay ko. "Bayad." Sinilip ko ang loob ng bahay nila. "Parents mo?" "Nagtitinda sa palengke." Napangiti ako. "Nice source of living. Siguro kung ikaw ang magbabantay, sold out ang tinda niyo." Umiling ito. "Hindi rin. Pasok ka muna." "Sige." Umupo ako sa sofa na ngayon ay mayroong makapal na kumot at malambot na unan. Pumasok muna siya sa kuwarto nila at agad rin lumabas. Napangiti ako nang makita ang pera sa kamay niya. "9K 'yan. 3 months." Pag-abot niya sa pera. Tinanggap ko. "Thank you. Dito ka ba natulog?" "Oo. Iyong kapatid kong babae lang doon sa isang kuwarto. Panget din kasi tignan na magsama kami roon. She's already 15. Dalaga na." "Oh, gentleman ka pala. Ang sarap mo siguro maging boyfriend." Tumayo na ako. "Iyang mukhang 'yan. Hindi na siguro mabilang ang babaeng naikama mo." "Grabe ka. Hindi ah! Wala kaming kama," anito. "Sad." Habang naglalakbay ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Napataas ang kilay ko nang makita ang napakaraming medalya, sertipiko, at ribbon sa sulok ng bahay. "Puwede ko iyon tingnan?" Pagturo ko sa sulok kung saan ito nakasabit. Tumango ito. Agad akong lumapit doon para tingnan. Napangiti ako nang malaman kung kanino. Nobenta porsiyento ng mga pangaral ay kay Phobos. Matalino pala ang nilalang na ito. Nilingon ko siya. "Sana all perfect; Guwapo, matalino, tapos malaki ang..." Nilingon ko siya at binigyan ng nakalolokong ngiti. "Puso." Napailing ito. "Ikaw talaga." "Oh, siya. Mauna na ako." Pinisil ko pisngi nito. "Nice to meet you, Phobos." Napangiti lang siya. Mukhang nahihiya siya. Pero sasanayin ko siya sa ugali ko. Gusto ko siya maging kaibigan. Wala naman kasi akong kaibigan sa lugar namin. "Babalik ako mamaya ha? Magpapapansin ulit ako sa iyo. Libre kita." "Sige. Maghihintay ako." "Mag-aaral muna ako." Tumalikod na ako. "Deimos," nahihiya niyang sambit. Lumingon ako. "M-mahal mo ako? Joke. Ano?" "Sa Montengero University ka nag-aaral?" Tinuro pa niya ang ID ko. "Yes. Bakit?" "Doon ako mag t-take ng scholarship." "Really? I'm sure makakapasa ka roon. Goodluck." "Magkita tayo after ng exam? Okay lang ba? Sa cafeteria nila. Exactly 12 noon." Napahawak ako sa puso ko. "Feeling ko type mo ako. Can't wait to give myself to you. Joke." "Ikaw talaga. Ang kulit mo kaya magaan ang loob ko sa iyo." "Sige na, mauna na ako." "Message kita later ha?" "Ano? Massage?" "Message," anito. "Massage?" pang-aasar ko. Tinulak ako nito palabas. "Goodbye na. Male-late ka na." Tumawa na lang ako kasi napakaasar talo nito. Sa nakikita ko, masasabi kong mabait siyang tao. Sinusubukan ko lang siya. Pero hindi siya oppurtunista. Ito ang naitutulong ng pagsusulat sa akin, to test the real people's character. Phobos Hematite is quite interesting. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD