KABANATA 7

1478 Words
DEIMOS "Ang laki ng puso mo, Phobos," sabi ko na nagpabuwag sa kanya sa pagyakap sa akin nang mahigpit. Hinarap ko ito. Kailangan ko nang sapat na tapang para harapin siya. Hindi puwedeng kainin ako ng ilang at maging duwag sa kanya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Paano? Saan? Bakit?" "Paano? It happens. Saan? Every tick of the clock. Bakit? I just love you..." "Corny, ha..." Hinampas ko ang tiyan nito. "Kumain na nga tayo baka gutom lang 'yan." "Hindi mo ako gusto, Deim?" "Ssshhh. Ang ingay mo." Hinila ko na ito pabalik sa mesa. "Bahala ka." Nasa mesa na kami ngayon at tahimik na kumakain. Nakasimangot ito sa harapan ko. Napakapapansin! Parang isang bata! Ano ang gusto niya? Magkakagusto rin ako sa kanya? Hindi puwede iyon. Magkaibigan lang kami. "Umayos ka nga, Phobos! Para kang bata!" pasigaw kong sabi. Naiinis na ako sa nguso niya. Para siyang naghahanap ng gatas. Ipadede ko na lang kaya itong akin? No. "Gawan kaya kita ng bata!" sigaw rin nito. Tinusok pa nito ng hawak niyang tinidor ang tuyo na nasa plato niya. Ang buong akala niya yata hotdog ang ulam niya. Assuming! Napatawa ako. "At kailan ka natutong sumagot nang ganyan?" "Ngayon lang." Kinamot nito ang leeg niya. "I love you." "Ang corny mong bata..." "Huwag mo nga akong tawaging bata." Ngumuso na naman ito at inirapan pa ako. "Huwag mo nga akong ngusuan. Feeling mo ang cute mo niyan?" Yumuko ako. "Pero ang cute mo nga," sabi ko sabay subo ng pagkain. Napailing na lang ako nang masaksihan ang reaksyon niya. Abot langit kasi ang ngiti nito dahil sa nasabi ko. Kahit nakayuko ako, alam kong tinitigan niya ako. "Ilan ang gusto mong anak, Deim?" tanong nito na dahilan para mabilaukan ako. Agad kong ininom ang tubig sa harapan ko. "Okay ka lang, Deim?" tanong niya. Tinitigan ko ito nang masama. "Umayos ka nga! Isa ka na lang sa akin." "Nagtatanong lang naman ako, e," depensa nito. Ngumuso na naman ito. "Nakahanda na ba ang mga isda?" tanong ko. Baka nakalimutan nitong sasamahan ko pa siyang magtinda ng isda. "Nandiyan na sa balde." Tumayo ako at inilagay ko na sa lababo ang plato ko. Naghugas na rin ako ng kamay. Si Phobos naman ay sumunod sa akin. Pagkatapos niyang maghugas ng kamay ay nagsipilyo muna ito. "Sumunod ka na lang sa bahay, magbihis na muna ako." "Huwag maiksi ang suotin mo, ha?" pagpapaalala nito. Tumango ako at umalis na. Ganoon klaseng lalaki si Phobos, kahit sa pananamit ko ay pinoprotektahan niya ako. Naiinis kasi siya sa mga tambay sa lugar namin na grabe makatitig sa binti ko. Ayaw niya kasing mabastos ako at naiintindihan ko iyon dahil ganoon din siya sa kapatid niyang si Ikay. Pero iyong pag-amin niya sa akin? Hindi pa rin mawala sa isipan ko. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis. Simpleng jogging pants at puting sando lang ang suot ko. Pagbaba ko, nasa sala na ang kaibigan ko. Ang pinakaguwapong naglalako ng isda sa buong mundo. May dalawang timba ito sa gilid niya na may laman ng iba't iba klase ng isda. His simplicity makes him the most attractive man in my eyes. "Iyong bra mo, Deim. Magpalit ka," bungad ng kaibigan ko. "Nakaiinis ka na talaga!" Pero bigla akong napangiti. "Sa dibdib ko ikaw una tumitig, noh? Gusto mo ito hawakan, friend?" Yumuko ako nang kunti at pinakita ang hiwa sa dibdib ko. "Deimos Carnelian Xiantiago!" sigaw niya sabay talikod. Buong pangalan talaga? Hindi ko mapigilang tumawa habang pabalik ng kuwarto. Nang dumating na ako, agad akong nagbihis ng T-shirt. Nag-iinarte naman kasi ang inosente kong kaibigan. May suntok na talaga iyon sa akin kapag may reklamo pa siya sa suot kong ito. Pagbaba ko, nawala iyong kaibigan ko. "Phobos, saan ka?" sigaw ko. "Nandito ako sa banyo," sagot nito. Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay ang kaibigan ko. Paglabas nito sa banyo, pinagpawisan ito. Mukhang kagagaling lang sa pagsasayaw. Sumayaw ba siya roon? O iba iyong sinasayaw niya? Lalaki nga talaga. "Tara na," nakangiting anito. Mukhang masaya ito. Kinuha na niya ang dalawang balde at lumabas na kami ng bahay. Paglabas namin ng gate ay agad itong sumigaw. "Isda! Isda! Isda! Bili na po kayo." "Ate, isda po," sabi ko sa ale na dumaan. "Magkano ang kilo ng isda niyo?" tanong nito. Sa tono ng pananalita niya, mukhang interesado siyang bumili. "180 po ang bangus, 130 ang tilapya, tapos itong galunggong ay 120 po," sagot ko. "Ang mura pala. Presko ba 'yan?" Tumikhim ako. "Kasing presko po namin ng best friend ko." Ngumiti ito. "Sige, dalawang kilo ng galunggong at isang kilo ng bangus." "Salamat po, Ate..." Pagkatapos bumili ni Ate. Mga sampung bahay lang ang nilakad namin ay agad nang naubos ang paninda namin. Marami kasing nag-aabang dahil si Phobos ang nagtitinda. Iyon talaga ang kalamangan ng may magandang mukha. Pagkauwi namin, dumiretso na ako sa bahay at nagpahinga muna dahil mamayang 7 P.M may tutorial pa si Phobos sa akin. Umidlip na ako. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong kuwarto, ang relos na may alarma. Agad akong napabangon dahil magluluto pa ako. Pagdating ko sa kusina, agad akong napatalikod dahil nakasalawal lang ang kapatid ko. Sa palagay ko, gumagawa ito ng Vlog habang nagluluto na ang tanging suot ay salawal. Walang hiya talaga. Lumabas na lang ako ng bahay at pumunta sa lungga ni Phobos. Pagdating ko roon, may ginagawa itong school papers gamit ang laptop niya. Napakasipag talaga ng nilalang na ito. Tinabihan ko ito at hindi man lang nagpatinang sa presensya ko. Ganoon siyang klaseng lalaki, kapag may ginagawa siyang isang bagay ay hindi mo siya basta-basta maaabala. Maliban na lang kung maghubad ako sa harapan niya at ipakita itong pulang hiyas ko. "Done," sabi niya matapos ang labin-limang minuto kong paghihintay. Ang maganda kapag kaibigan mo ang isang Phobos ay marami kang mararanasan na kakaiba. Katulad ng pagiging isang hangin na hindi makita kapag may ginagawa siya. "Kakausapin mo na ba ako?" tanong ko. Hindi siya sumagot at niyakap lang ako. "I love you," sabi niya. Nakalimutan kong may gusto pala sa akin ang nilalang na ito. Kumalas ako sa pagyakap sa kanya dahil baka matigasan siya. Mahirap na, baka manghihina siya at bibigay rin ako. Joke! "Iidlip muna ako," sabi niya sabay higa sa hita ko. "Ang bigat mo, Phobos..." "Sssshhhhh. Ang ingay mo." "Phobos..." "Hahalikan kita," sabi nito. Ibinuka nito ang mga mata niya at ngumuso. "Hindi mo iyon kaya without my permission." Ngumiti ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Hinaplos ko na lang ang mukha niya at nilalaro ang buto ng ilong niya. Ang tangos kasi talaga. Puwede na nga yata maglaro ng pag-iiskiting dito. "Anyway, binasa ko na iyong bagong kabanata sa story mo, napansin ko roon, ginawa mong isang salita ang na lang, pa lang, at best friend. Two words iyon, na space lang, pa space lang, tapos best space friend. Dapat ganoon. Mag-ingat ka next time." "Salamat." Pinisil ko ang pisngi nito. "I love you." Umidlip muli ito. "Walang ka bang sasabihin?" "Wala," mabilisan kong sagot. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa matigas niyang dibdib. Ano ang gusto niyang mangyari? Maramdaman ko ang pagpintig ng puso niya? Marinig ko ang sinisigaw nito? Bakit ba kasi ako, Phobos? Humanap ka na lang ng iba. Minuto ang lumipas, nakatulog na ang kaibigan ko sa hita ko. Nahulog naman ang telepono niya mula sa kanyang bulsa kaya kinuha ko ito. Sa isang buwan na pagkakaibigan namin, hindi ko pa nasubukan tingnan ang laman ng telepono nito. Kaya ngayon na tulog siya, gagawin ko na. Pagbukas ko, larawan ko agad ang bumungad sa akin, locked screen. "Ano ba 'yan! Kailangan pa pala ng fingerprints!" inis kong sabi. Nang makita ko ang kamay niya sa tiyan niya ay naisipan kong idikit ko ang hintuturo niya sa telepono niya para mabuksan ito. Nang papalapit na ang kamay ko rito, nanlaki ang mga mata ko sa nakita. May lumabas sa salawal niya. Mapula-pula, mataba, at may butas. Kung hindi ako nagkakamali, ulo ito ng ahas niya. "Wahhhhhhhh!" sigaw ko. Agad naman nagising si Phobos at nataranta. "Deim, ano ang nangyari?" pag-aalalang tanong nito. "Iyong malaki mong puso kusang lumabas..." Napahawak naman si Phobos sa dibdib niya at tiningnan ito. "Wala naman, ah," sagot nito. Ipinikit ko na ang mga mata ko kasi napakatanga niyang hindi iyon mapansin. Napabuntong hininga na lang ako. Ganoon ba talaga iyon? Kusang gumagalaw? Nakatatakot naman. "Deim, ano ang meron?" "Phobos, iyong ulo ng alaga mo!" sigaw ko. Para naman mapansin na niya. "A-ano?" nauutal nitong sabi. "Wahhhhhhhhhhhhh!" sigaw nito sabay takbo. Maaaring nakita na rin niya ang tinutukoy ko. "Sorry, Deim!" Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan ko sa kawalan. "Rest in peace, virgin eyes," bulong ko sa hangin. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD