DEIMOS UMALINGAWNGAW sa buong ispasiyo ng kuwarto ang tunog ng relos na may alarma sa aking telepono. Inabot ko ito habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ang bigat kasi ng katawan ko. Para bang may nakadagan sa akin dahilan para hindi ako gaano makagalaw. Nang maabot ko na ang telepono ay minulat ko ang aking mga mata para makita at patayin na ito. Nang madama ko na ang ipinagdasal kong katahimikan, muli akong umidlip para matulog na sana, pero napamulat muli ang aking mga mata nang bumukas ang pinto ng aking kuwarto. "Phobos," mahina kong sambit. "Bakit ka na naparito? Okay ka na ba? Baka mabinat ka?" pag-aalala ko dahil baka hindi pa siya gumaling. Umupo ito sa tabi ko. Hinawakan niya ang noo at leeg ko. Makikita ko naman ang labis na pag-aalala sa mga mata niya. "Ang ini