Ang Makulit Na Babae 40

1973 Words

Nang tumama ang mga kamao namin ng babaeng kalaban ko'y parihas kaming nagkatinginan sa isa't isa. At walang gustong magpatalo sa aming dalawa. Hanggang sabay rin kaming lumayo sa isa't isa. "May ibubuga ka rin naman pala. Sige nga, tingnan natin kung hanggang saan ang lakas ng iyong katawan," mayabang na anas ng babae sa akin. Ako naman ay napapailing na lamang. Hanggang sa mapansin kong muli na naman sumugod ang babaeng kalaban ko. Hinintay ko ang paglapit niya sa aking tapat. At nang alam kong nandiyan na siya'y agad kong itinataas ang aking kamao papunta sa panga ng babae. Alam kong nagulat ang aking laban sa aking pag-ataki. Agad naman akong tumuko upang hindi nito masuntok ang aking ulo. Saka, napapansin ko'y parang biglang bumagal ang mga pag-galaw ng babaeng kalaban ko. Mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD