Matulin akong tumakbo papalayo kay Stanley. So, kilala na pala niya ako bilang babaeng pusit. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa niya nakikilala ang tunay kung katauhan, bilang Tamara Gally. Subalit bigla akong napahinto nang may humarang sa akin na isang lalaki. Kilala ko ito. Isa ito sa mga tauhan ni Stanley. Talagang pinasundan pa ako ng lalaking iyon, ah. "Miss, sana ay magkasundo tayo ng maayos. Nakikiusap ako sa 'yo. sumama ka na sa akin, dahil balak kang kausapin ng boss ko," nakikiusap na sabi ni Valdo sa akin. Isang masamang tingin naman binigay ko rito. "Subukang mong lumapit sa akin. Sasamain ka sa akin!" pagbabanta ko sa lalaki. Habang nakataas pa ang isamg kilay ko. Kaya lang hindi nakinig sa aking si Valdo at tuoy-tuloy pa ring humakbang. Kaya naman