Sa table ko na kung saan ako nakapwesto kanina ay roon kamin pumunta. Agad kaming naupo sa silya. Pagkatapos ay tumingin sa babae. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Sapagkat may nababanaag pa rin akong lungkot sa mga mata nito. Labis tuloy akong nahahabag sa aking kaibigan. Mahal pa rin nito ang lintik na lalaking iyon. Kaya ayaw ko talagang mag boyfriend. Dahil puro kamalasan lang ang dulot niyan. Mas nanaisin ko pang maging matandang dalaga, kaysa naman magdusa lamang ako sa bandang huli. Siguro'y mag-aampon na lamang ako ng dalawang bata. Para mayroon akong matatawag na anak. Mas okay pa ang aking plano. "Tam, natutuwa ako dahil talagang sumunod ka rito sa Isla Katalina," anas ni Tine sa akin. "Natutuwa ka? Pero bakit ganyan ang mukha mo? Parang hinampas ng sampung langka. Ganiyan