Kinabukasan maaga akong nagising. Inayos ko muna ang lahat ng mga gamit ko na aking gagamitin para sa aking pag-alis. Bigla rin akong napatingin sa kutsilyong nasa ibabaw ng kama. Agad ko itong kinuha. Pagkatapos ay pinisil ko lamang ang gilid hanggang sa lumabas ang mahabang patalim na katulad ng katana. Isa ito sa mga imbento ng mga kawpa ko Agent. At lahat ng mga ginagamit namin sa aming misyon ay gawa ng organization kinabibilangan ko. Walang puwedeng pumantay sa mga kagamitan na ginagawa ng mga kasamahan kong agent. Hanggang sa nagdesisyon na akong itago ang katana. Paalis na sana ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag ang isa sa mga tauhan ko. "Miss, Tamara. Okay na po ang barkong sasakyan mo papuntang Isla Katalina," pagbibigay alam niya sa akin. "