Episode 03

2861 Words
"That's it Ericka.sasabay ka na sa akin sa pagpunta sa mga naka line up pa na photoshoots natin.Hindi na ako papayag na maulit ang nangyari sayo kanina." Ayan ang panimulang sermon ni Kuya Erick sa akin pagkalabas namin ng Ospital.Nasa may labas lang kami ng Ospital kung saan ko inilagay ang bike ko.Alam kong hindi nya na ako papayagang magbike dahil sa nangyare pero choice ko naman kasi yung ginawa ko.Alangan naman na tingnan ko lang si Lola na mabangga ng mga sasakyan edi konsensya ko pa. "Pero Kuya alam mo ang dahilan kung bakit ayokong sumakay sa mga sasakyan eh.Tsaka wala naman masyadong nangyari sa akin." sabi ko kay Kuya na ikinatalim ng tingin sa akin. Okey first time nyang gawin yan. "So maghihintay ako na maulit sayo yan at mapahamak ka?Dahil sa pagtulong mo Ericka muntik ka nang mapahamak." pagalit nyang sermon sa akin. Nakikinig lang sa may likuran ni Kuya sina Dennis at Ate Max. "Alangan naman Kuya na panoorin ko lang si Lola na mabangga ng mga sasak---" "So ikaw okay lang na masagasaan?Damn it Ericka! alam mo bang kulang nalang ay paliparin ko ang sasakyan ko nung tumawag ka sa akin at sabihin mong nasa Ospital ka ha?" Napayuko ako sa kinatatayuan ko dahil ramdam kong seryoso si Kuya sa nangyari sa akin.Masama bang tumulong? "Masasanay ka din naman sa pagsakay sa kotse ko Ericka,besides ako naman ang nagmamaneho at----" "Ayoko!Kahit kailan Kuya hindi ako sasakay sa kahit anong sasakyan na yan." putol ko sa sasabihin ni Kuya. Sa nangyari sa akin alam kong ipipilit ni Kuya na sa kanya na ako sumabay sa bawat trabaho namin pero isipin ko palang na sasakay ako sa kotse nya ay nanginginig na ang mga tuhod ko.Hindi ko alam kung bakit ganitong takot ang nararamdaman ko sa mga sasakyan pero kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Natatakot na nilingon ko ang kotse ni Kuya na nakaparada di kalayuan sa amin.Hindi ko alam pero nang titigan ko ang sasakyan nya ay parang may imahe akong nakita na mas nakapagdagdag ng takot sa akin.Mabilis akong umiwas ng tingin sa kotse ni Kuya at ramdam kong nagsisimulang manginig ang buong katawan ko. "Ericka----" "Ayoko sa sasakyan Kuya. .a-ayoko!Please Kuya,ayoko talaga!" naiiyak na pagsusumamo ko kay Kuya pero hindi ako makatingin sa kanya dahil parang nanigas ang buong katawan ko ng pagkatitigan ko ang kotse ni Kuya kanina. "Hey!Ericka." Sunod-sunod akong umiiling kay Kuya at dahan-dahang umaatras palayo sa kanila.Naramdaman kong nadanggi ko ang  bike ko pero parang wala ako sa sarili ko dahil dererso lang ako sa pag atras palayo kina Kuya.Natigil lang ako ng bigla kong maramdaman ang pagyakap sa akin ni Kuya at paghaplos sa likuran ko. "Sshhh. .it's okay Bunso.Sige na hindi na kita pipilitin but please ikalma mo ang sarili mo.Namumutla ka na kasi." rinig kong sabi ni Kuya sa akin na may himig na nag aalala. "A-anong nangyayari kay Ericka?Okey lang ba sya Erick?" rinig kong tanong ni Dennis na hindi sinagot ni Kuya. "Ayoko sa sasakyan Kuya. ." iling na sabi ko kay Kuya "I know i know." Bumitaw si Kuya sa pagkakayakap sa akin at pilit hinuhuli ang mga mata ko. "Bunso look at Kuya." malambing na sabi ni Kuya na dahan-dahang kong ikinalingon sa kanya. Pinunasan ni Kuya ang mga luha ko na kumawala sa mga mata ko bago ako tingnan at nginitian. "Hindi na kita pipilitin sa ayaw mo but please take good care of yourself hmmmm." paalala ni Kuya na ikinatango ko nalang. "Wala na ba talagang masakit sayo ha Ericka?" tanong ni Ate Max na ngiting ikinailing kong tingin sa kanya. "Okey lang ako Ate Max.Kaunting galos lang sa mga siko ko." sagot ko ng maramdaman kong naging kalmado na ang pakiramdam ko. "I think you should go back home muna Ericka ng makapagpahinga ka.Kami nalang ng Ate Max mo ang babalik sa photoshoot na iniwan namin kina Roger." Sumang ayon nalang ako sa gusto ni Kuya dahil sa tingin ko kailangan kong ipahinga ang likuran ko dahil kahit papaano ay nararamdaman ko parin ang pagkirot nito hindi ko lang pinapakita kay Kuya. "Mag ingat ka sa pagbalik mo sa bahay.And please bunso,huwag mo na ulit akong pag-alalahanin ng ganito." dagdag na sabi pa ni Kuya na ikinatango ko. "Ahmmm susundan ko sya pauwi para sure na safe syang makakarating sa bahay nyo.Okey lang ba Erick?" sabat ni Dennis sa usapan namin ni Kuya. "Mabuti pa nga." pag sang ayon ni Kuya na ikinanguso ko. Hindi nalang muna ako kokontra sa suhestiyon ni Dennis para ma assure ko si Kuya na makakauwi ako ng walang madadagdag na gasgas sa akin. "Babalik na kami doon,hindi kakayanin nina Roger kung sila lang.Kami na muna ni Max ang papalit bilang photograher.ikaw na ang bahala sa kapatid ko Dennis." habilin ni Kuya na ikinatango ni Dennis. Muli akong niyakap ni Kuya at hinalikan sa noo bago sila umalis ni Ate Max kaya kami nalang ni Dennis ang naiwan sa may labas ng Ospital. Kumaway pa ako kina Kuya at ng mawala na ang sasakyan ni Kuya sa paningin ko ay ibinaba ko na ang kamay ko at bumuntong hininga. Naramdaman ko na naman ang takot sa sasakyan kanina.Hindi ko alam kung bakit trauma ako sa sasakyan,minsan iniisip ko na baka sa loob ng isang kotse ako naaksidente kaya ganito ako katakot sumakay sa kahit anong kotse o sasakyan. Dalawang taon na akong ganito,dapat ko bang alamin ang dahilan kung bakit ganito ako katakot sumakay sa mga sasakyan? "Okey ka lang ba talaga Ms.Minchin?" Nawala ang pag iisip ko at napalingon kay Dennis na seryoso lang na nakatingin sa akin.Hindi ako sanay na makitang seryoso ang isang ito. "Nakakalakad pa naman ako ng ayos at buhay sa harapan mo kaya oo naman ayos lang ako." sabi ko na ikinabuntong hininga nya at bahagya nyang ikinalapit sa akin. Seryoso parin ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Okey?!anong meron kay Dennis ngayon? "Pinag alala mo din ako alam mo ba yun!Nang sabihin ni Erick na nasa Ospital ka kinabahan ako Ericka." seryosong sabi nya na hindi ko magawang barahin. "Huwag ka ngang seryoso ng ganyan Dennis hindi ako sanay." sita ko nalang sa kanya na ikinailing nya.May sinabi pa sya kaya lang hindi maintindihan kasi pabulong lang yung sinabi nya. "Anong binubulong-bulong mo dyan?" "Wala!Minsan na nga lang magseryoso sinusungitan mo pa.Aish Ms.Minchin bakit ba ang sungit mo sa akin." angal nya na ikinangisi ko sa kanya. "Dahil bwisit ako sayo.Tsaka pwede ba tigil-tigilan mo ko sa pagtawag mo ng Ms.Minchin sisipain na talaga kita." banta ko sa kanya. "Nakakasakit ka ng damdamin alam mo ba yun Ericka?Pasalamat ka ********" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko narinig masyado ang huli nyang sinabi.Inirapan ko nalang sya at inayos ang bike ko para makauwi na ako at makahiga sa kwarto ko. "Ms.Minchin a----" "Sasapakin na talaga kita Dennis.Mukha ba akong si Ms.Minchin ha!" inis na sita ko sa kanya na ikinatawa nya. Kainis talaga ang isang ito. "Kasing sungit mo kasi si Ms.Minchin pero wag kang mag alala mas maganda ka naman sa paningin ko." sabi nya akmang sisipain ko na tawa-tawa nyang ikinalayo sa akin. Lakas ng tama ng isang ito aba! "Namumuro ka na sa akin Dennis masasaktan ka na talaga!" banta ko tinawanan lang nya. Baliw! Hindi ko nalang sya pinansin at inalis sa pagkaka stand ang bike ko at sumakay na doon.Aalis na sana ako ng matigilan ako ng mapatingin ako sa kamay ni Dennis na nakahawak sa braso ko na takang ikinalingon ko sa kanya. Problema nito? "Ericka alam ko na puro kalokohan lang ang mga sinasabi ko sayo pero minsan seryoso ako kaya pag may sinabi ako sayo na akala mo pagbibiro ko lang,pwede bang tingnan mo ang mga mata ko para malaman mo na seryoso ako at hindi na nagbibiro." makahulugang sabi nya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Anong sinasabi ng lalaking ito? Lalo pa akong nawirduhan sa isang ito ng bigla syang tumawa at alisin ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Baliw ka na ba?" kumento ko sa kanya "Siguro nga baliw na ako." sagot nya na ikinailing ko. "Ewan ko sayo." huling sabi ko sa kanya bago sya iwan.Narinig ko pang sinasabi nya na hintayin ko sya na hindi ko pinansin. Nakabike ako tapos sya nakakotse tapos hihintayin ko pa sya eh mas mabilis tumakbo ang kotse nya sa bike ko.Baliw na talaga ang isang iyon. Nagbibike lang ako at kahit di ko lingunin ay alam kong nakasunod si Dennis sa akin.Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.Malayo-layo pa ang pauwi sa amin,lumingon ako sa paligid at naghanap ng makakainan ng mahagip ng mata ko ang isang restaurant na sa tingin ko ay kilala dahil nakikita ko sa glass window nito na marami itong costumer.Tinungo ko ang restaurant na yun at ng makarating ako sa tapat nun ay agad kong nilingon ang pangalan ng restaurant na nasa harapan ko. La Cuisine Russiano? Tingin ko mukhang expensive restaurant ang isang ito,marami itong katabing ibang restaurant pero mas marami ang napunta dito.Siguro masarap ang pagkain dito kahit mahal.Afford ko naman kumain dito tsaka nagugutom narin ako. Bumaba ako sa bike ko at inistand ito sa may gilid.Sinukbit ko ang camera ko sa balikat ko at sinunod ko ang backpack ko na may pagkabigat kaya biglang kumirot ang likod ko na hindi ko na sana papansinin ng biglang may umagaw sa backpack ko na agad kong ikinalingon. Oo nga pala.Kasunod ko lang pala ang isang ito. "Nagugutom ka?" tanong nya sa akin na ikinasimangot ko sa kanya. "Obvious ba?Pupunta ba ako sa harapan ng restaurant na ito kung hindi ako nagugutom." pagsusungit ko na ikinailing nya. "Aishh!Kailan mo ba ako hindi susungitan ha Ericka!Lagi nalang mainit dugo mo sa akin eh!" reklamo nya. "Tara na sa loob,my treat." sabi nya bago naunang pumasok sa loob ng restaurant dala-dala ang back pack ko. Masisisi nya ba ako kung hindi ko maiwasan na masungitan sya.Inumpisahan nya noon eh kaya hanggang ngayon nasanay ako na sungitan sya. Iwasan ko nalang siguro ngayon tutal naman sagot nya ang kakainin ko ngayon.At dahil treat nya sisiguraduhin ko na mapapalaban ang wallet nya sa akin.Nakangisi akong pumasok na rin sa loob at hinanap kung saan umupo si Kumag. Andami talagang nakain dito sa restaurant na ito,mapuno-puno na ang loob eh buti nalang malawak ito at isa pa maganda ang ambiance sa loob kaya siguro dinadayo. Inikot ko ang paningin ko ng makita ko si Dennis na kinakawayan ako.Nakahanap sya ng pwesto namin malapit sa may glass wall ng resto.Pinuntahan ko na sya at agad umupo sa harapan nya. Pinatong ko sa lamesa ang camera ko at inilabas ito sa lagayan nya at tiningnan ang lens na nabasag dahil sa nangyari kanina.Kakapalit ko lang ng lens nito nung nakaraang araw at dahil sa nasira ito ay magpapalit na naman ako. "Nasira ang camera mo?" tanong ni Dennis na ikinatango ko "Nabasag ang lens eh!Sa bahay ko nalang papalitan." sagot ko sa kanya. "That was the first." Napalingon ako Dennis dahil sa sinabi nya actually naguluhan din ako.Ano sinasabi nya? "Anong sabi mo?" takang tanong ko na ngiting ikinailing nya. "Nothing.Mas ok nang wag kong ulitin kaysa masungitan pa." sabi nya na mas lalo kong hindi naintindihan. "Alam mo minsan Dennis hindi kita magets.Hindi ka lang nakakainis,wierdo ka pa." kumento ko na ikinangiti nya "Sana dinagdag mo na gwapo din ako." sabi nya na ikinairap ko. Not in my entire existing life na sasabihin ko sa kanya na gwapo sya.Lalaki lang ang ulo ng isang ito eh. "Asa ka!" "Hanggang Asa nalang ba ako?" makahulugang sabi nya na tatanungin ko sana ang ibig sabihin ng sinabi nya ng itaas nya ang kamay nya para tumawag ng waiter na agad namang ikinalapit sa amin ng isang waiter na nakapansin kay Dennis "Yes sir." "Anong specialties ang meron kayo dito?" tanong ni Dennis sa babaeng waiter na ngiting sinagot nito. "Our restaurant is a Russian cuisine,so we served foods that has Russian spicies and ingredients.Lahat po ng inihahain na luto ng aming mga chef ay binabalikbalikan ng mga costumers namin.So im proud to say that all of our dishes we served here is our specialties." ngiting sagot ng waitress kay Dennis na ikinamangha ko. So talagang hindi isang simpleng restaurant ang La Cuisine Russiano.Kahit mga employee dito ay magaling makitungo sa mga costumers.Nakakamangha! "Here's the menu of the foods we served." ngiting sabi nung waitress at ibinigay sa amin ang isang menu na nakakaingganyo ding tingnan. Grabe!Ang daming pagkain na sa tingin ko ay super sarap.Mukhang worth it na dito nagkainteresado ang mata at tiyan ko. "Anong gusto mong kainin Ericka?" tanong sa akin ni Dennis na sinagot ko naman pero sa menu parin ako nakatingin. "Treat mo ito diba Dennis?" paniniguradong tanong ko na ikinalingon ko sa kanya na nakangiti sa akin. "Yeah!Libre ko basta kahit ngayong araw lang mag suplada off-mode ka muna pagdating sa akin Deal?" sabi nya na agad kong sinang ayunan. Isang araw lang naman,hindi ako mapapagastos at mabubusog pa ako. Malawak na may ngiting binalingan ko yung waitress na naghihintay sa order namin kaya sinimulan ko nang mag order ng pagkaing magpapabusog sa tummy ko. "Bigyan mo ko ng Beef Sroganov,2 order of Pelmeni,tsaka Potato Zrazy bigyan mo din ako ng Olivie Salad and i want to try din ng Vinegret at please isama mo na rin ang Kalich sa order ko." sunod sunod na order ko na mukhang nakuha naman ni Ateng waitress bago lumingon kay Dennis na ikinalingon ko din. Nawala yung ngiti ko ng makita ang mukha ni Dennis na parang gulat na gulat. "Oh?Anong mukha yan?" takang tanong ko kay Dennis na parang gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Tell me Ericka?Ilang araw kang hindi pinakain ng Kuya Erick mo ha?" tanong nya na ikinapoker face ko. "Pinagsasasabi mo?Hindi ba pwedeng gutom lang talaga ako?Ikaw anong order mo?" sabi ko na hindi parin nawawala ang pagkagulat sa mukha ni Dennis habang nakatingin sa akin. "Ahmmm. . tamang tubig nalang kaya ang akin." sabi nya na rinig kong bahagyang ikinatawa ni Ateng waitress. "Kung ano nalang ang order ko yun na din ang sa kasama ko Miss." sabi ko kay Ateng waitress na ikinatango nito. "Most of our costumers ay ang Beef Sroganov ang inoorder,we serve Beef Sroganov in sour cream sauce.Hindi po basta-basta chef ang nagluluto nito kundi po si Sir Yo ang owner chef ng La Cuisine Russiano." paliwanag ni Ateng waitress "Talaga. .  " Lalo akong namangha dahil mismong ang may ari ng restaurant na ito ang isa sa nagluluto sa specialties nila. "Please wait for your order Sir,Ma'am." sabi nito bago umalis sa harapan namin. Naeexcite na akong matikman ang pagkain nila dito. "Mukhang maghihirap ako ngayong araw na ito ah." rinig kong sabi ni Dennis na ikinalingon ko sa kanya. "Ikaw ang nagsabi na treat mo ito ah.Umaangal ka ba?" "Hindi naman,hindi ko lang inaasahan na malakas kang kumain.Mukhang kailangang sipagan ko pa sa pagtatrabaho ah." sabi nya na hindi ko nalang pinansin. Minsan talaga may oras na ang gulo ng mga sinasabi nya. Ibinalik ko sa lagayan ang camera ko at ipinatong sa gilid ng lamesa.Hinihintay ko nalang ang pagdating ng order ko para happy tummy na ako. Wala na kaming imikan ni Dennis ng ilang minuto at miya-miya ay dumating na ang mga order ko.Parang nagkislapan ang mga mata ko habang inihahain ang mga pagkain sa harapan ko. "Enjoy eating Sir and Ma'am." sabi ng waiter na nagdala sa pagkain namin na ikinalingon ko dito. "Alin dito yung Beef Sroganov?" tanong ko na malawak na ikinangiti nito. "Coming up po. Ang mismong chef owner ng restaurant na ito ang magseserve po ng Beef Sroganov." sabi nya bago umalis. Wow!So yung may ari ang nagseserve sa kada costumer na pinipiling orderin ang Beef Sroganov?Kaya pala talagang dinadayo ang reataurant na ito dahil marunong pang makisama ang may ari. Nagkibit balikat nalang ako at habang sinimulan ko ng kainin ang naunang pagkain na inorder ko ay di ko maiwasang mapangiti ng malawak. "Ang sarap!!" bulaslas ko "Dahan dahan sa pagkain Ms.Minchin sa ginagawa mo lalo kang nagiging cute sa akin eh." kumento ni Dennis na ikinatingin ko sa kanya. "Alam mo ikaw ang dami mong alam.Kumain ka nalang kaya dyan." sita ko sa kanya na ngiting ikinailing nya nalang bago magsimulang kumain na din. Nagpatuloy ako sa pagkain ko ng mapatigil ako ng may isang plato na may lamang nakakatakam na pagkain ang bumaba sa harapan ko. "Here's the Beef Sroganov that you ordered. Enjoy." sabi ng isang baritinong boses na agad kong ikinalingon at ng magtama ang mata namin ay napansin ko ang pag arko ng kilay nito. Shemss.Ito ba ang may ari ng La Cuisine Russiano?Bakit ang gwapo nya??At teka bakit parang pamilyar sa akin ang gwapong lalaking ito? "You." mahinang sambit nung gwapong lalaki na ikinataka ko. Teka?ako ba yung 'You' na tinutukoy nya? Bahagya pa itong lumingon kay Dennis na nakatingin din sa kanya bago muling bumaling ng tingin sa akin. "Happily eating with someone else while the other one is miserable huh!" seryoso at makahulugang sabi nito na sa tingin ko ay parehas naming di naintindihan ni Dennis. Anong sinasabi nito? "Enjoy eating." huling sabi nito bago naglakad palayo sa amin. Ako lang ba o napansin din ni Dennis na parang may laman yung sinabi nito sa amin. "I find that man weird." kumento ni Dennis na isinawalang bahala ko nalang. "Or you found him more handsome than you Dennis.Kumain ka na nga lang dyan para makauwi na ako." sita ko sa kanya na ikinaimik pa nya. "Gwapo din ako Ericka hirap kasi sayo ayaw mong titigan." sabi nya na ikinairap ko nalang at nagpatuloy sa pagkain ko. At dahil aksidenteng napalingon ako sa may side kung nasaan ang kitchen ay nakita ko yung gwapong lalaki na seryosong nakatingin sa akin at hindi nagtagal ay umalis na ito sa kinatatayuan nya. Mukhang tama si Dennis,gwapo ang isang iyon pero weird. Makakain na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD