-THIRD PERSON P.O.V-
Sa hide out ng Phantom's kung saan naging tambayan na nila ito pag may time silang magsama-sama ay magkakaharap sila sa isang malaking lamesa na may mga alak na inumin at pulutan.
Nagka ayaan sila na mag relax dahil sa masyado silang naging busy sa mga trabaho nila at para mai-celebrate nila ang pagiging ama ni Balance sa kanyang bagong panganak na baby.Isa pa,nakaugalian na nilang magkita-kita sa hide out lalo na pag may humahamon sa kanila ng laban.Pag may humahamon kasi sa kanila ay ilan na lang silang nakikipaglaban dahil tatlo sa kanila ay happily married na sa kanilang mga asawa at ang isa ay nagbabalak nang putulin ang pagiging single.
"Sinong mag aakala na madadagdagan ang team ni Boss Taz.Biruin nyo si Amadeus na lintek kung tanggihan ang pag-ibig ay muntik nang mabaliw noon at ngayon ay nagbabalak ng magpakasal." sabi ni Tad na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na ang isa nyang kaibigan na wagas kung tanggihan na magmamahal na hindi mahahawa ng Westaria's Virus ay magpapakasal na
"Puro salita lang naman ang tamad na yan eh!Hindi kayang panindigan ang salita nya." sabi ni Demon bago nagsalin ng alak sa baso nya at inumin iyon.
"Grabe ka Demon!Mapapanindigan ko pa ba yun kung tinamaan na ako?" pagtatanggol ni Lancellot sa sarili nya
"Tanggapin nyo na kasi na lahat kayo ay magmamahal.Hindi palang dumarating ngayon ang babaeng magpapatibok sa puso nyo." ngiting kumento ni Balance sa mga kaibigan na kanya-kanyang nagsalin ng alak sa baso nila at sabay iyon inumin maliban kay Ford na tahimik lang sa kinauupuan nya.
"The word Love is never exist on my vocabulary." sambit ni Lu na ikinasang ayon ni Sergio.
"Sang ayon ako dun.Walang puwang sa akin ang pag ibig na yan,ang grupo lang natin at ang Yakult lang ang mamahalin ko."
"Kahit kailan talaga adik ka sa Yakult.Magabago ka na Sergio para kang bata." sita naman ni Blue kay Sergio na nagtaas lang ng Yakult nya.
"All important to me is my case.No time for finding that love." sabi ToV
"Basta ako car racing lang masaya na ako kahit walang lovelife diba kambal?" sabi naman ni Demon sabay tapik sa kambal nyang si Devil na sinimangutan lang sya.
"Shut up Demon!" sabi lang ni Devil na ikinatahimik ng kambal nya.
"Stop giving comments about all of you in not accepting loved." sita ni Taz sa mga kaibigan nya na ikinatawa ni Lancellot
"Guys!Sinabi ko din yang mga sinabi nyo eh!Tinanggi ko din yan pero look at me now!Muntik na akong mabaliw dahil sa pagmamahal ko kay Maria dahil akala ko mawawala sya sa akin.Tumanggi kayo ngayon pero hindi kayo makakatanggi pag tinamaan na kayo." pahayag ni Lancellot na ikinaangal ng ilan.
"I love being single!Hindi na masaya pag magseseryoso ka sa iisang babae." sabi ni Blue na sinalungat naman ni Balance.
"Nagkakamali ka Blue.Mas masarap magmahal ng isa lang.Maiintindihan mo din ang sinasabi ko pag nagmahal ka na." sabi ni Balance na ikinailing lang ni Blue
"Teka!Bakit ba yung mga single dyan ang sinasabon nyo.Magkakasama tayo ngayon para magcelebrate dahil ninong na naman tayo sa anak ni Kiosk.Congrats dude,ama ka na din tulad ni Westaria." pag iiba ni Paxton sa usapan nila na ikinangiti ni Balance.
"Yeah!Im so f*cking happy right now.Kaya kayo damihan nyo ang regalong ibibigay nyo sa anak ko sa binyag nya.Huwag kayong magkuripot si Shawn lang ang ganun sa grupo." paalala ni Balance na ikinasang ayon ng lahat.
"Naka ready na ang regalo ko sa anak mo Lance.Kukunin ko nalang sa Knights Mansion." sabi ni LAY na ikinataas ng baso ni Balance sa kanya .
"Thank's dude."
"Teka!Pansin ko lang ha,Alam kong si YoRi lang ang tahimik sa grupo pero bakit sinasabayan ata ngayon ni Ford?" puna ni Sergio kay Ford na ikinatingin nilang lahat sa kaibigan nilang walang kaimik-imik sa pwesto nya.
"Are you alright Rosales?" tanong ni Taz kay Fors na ikinatango nito
"Im good Taz don't mind me." maikling sabi lang nito na ikinatingin ng lahat sa bawat isa.
Alam nila ang nangyari kay Ford dalawang taon na ang nakakaraan,nagbago ito simula ng hindi ito siputin ni Sora sa kasal na sobra nyang pinaghandaan.Walang mapalagyan ng saya si Ford noon dahil sa wakas ay magiging asawa nya na ang babaeng sobra nyan mahal pero ang sayang naramdaman nito ay bigla nalang nawasak ng hindi ito dumating sa kasal nila at hindi man lang nagpakita kay Ford.
Dalawang taon itong hindi nagpakita kay Ford para sabihin ang dahilan ng hindi nito pagdating sa kasal nila ni Ford kaya ang dating masayahing si Ford ay parang walang buhay ngayon at wala ng makikitang emosyon sa kanyang mga mata.
Nakita ng mga kaibigan ni Ford ang sakit na naramdaman nya,ang dalawang taong pagiging miserable nya dahil sa ginawa ni Sora.Sinasabi nito sa kanila na ayos na sya at wala ng pakielam pa pero alam nila na hanggang ngayon ay sariwa parin ang sugat na ginawa ni Sora sa puso ni Ford at hindi ito maghihilom.
Magsasalita na sana si Lancellot para ibahin ang usapan ng biglang magsalita ang tahimik din na si YoRi.
"I saw her this morning on my restaurant."
Napatingin silang lahat kay YoRi na umiinom ng alak at naguguluhan sa sinabi nito.
"Sino ang nakita mo Yo?" tanong ni Tad na ikinatingin ni YoRi kay Ford na sa baso lang nito nakatuon ang atensyon pero napansin ni Taz na parang bahagya itong natigilan pero mabilis ding nakabawi sa narinig.Alam ni Taz na nauunawaan ni Ford kung sino ang tinutukoy nito.
"Sora. She's in my restaurant this morning happilly eating with someone else." seryosong sabi nito na ikinagulat ni Lancellot at Tad at ikinalingon naman ng iba kay Ford na walang emosyong nakatingin na ngayon kay YoRi.
"Seryoso Yo?Nakita mo nga si Sora?Sa dalawang taon na lumipas nagpakita na sya at sa restaurant mo pa?" di makapaniwalang sabi ni Lancellot na kay Ford nakatingin.
"I said it Amadeus, don't make me repeat what i've been said." masungit na sita nito kay Lancellot na ikinakamot lang nito sa kanyang batok.
Natahimik silang lahat sa binalita ni YoRi at hindi rin makapaniwala dahil sa dalawang taong lumipas na hindi ito nagpakita ay bigla namang susulpot ang babaeng gusto nang kalimutan ni Ford.Wala silang naging balita dito simula ng mawala ito.Sinubukan pa itong hanapin ni Ford pero kahit anino ni Sora ay hindi nya pinakita kay Ford kaya hindi sila makapaniwala na matapos ang dalawang taon ay magpapakita ito.
"Anong masasabi mo Rosales?" seryosong tanong ni Taz na walang emosyong sinagot ni Ford.
"I don't care.Matagal na akong walang pakielam sa kanya.Gawin nya na ang gusto nyang gawin dahil dalawang taon na akong moved on sa kanya."
Tumayo si Ford sa pagkakaupo nito at walang imik na lumabas ng hide out nila.
"Moved on pero ng marinig na may kasamang iba si Sora kulang nalang mabasag sa kamay nya ang hawak nyang baso." kumento ni Blue sa kinilos ni Ford
"Two years nya ng sinasabing wala na syang pakielam pero nakikita naman natin na hanggang ngayon ay apektado parin sya." sabi naman Balance na ikinasang ayon ni Paxton.
"Defense mechanism lang ni Ford ang salitang wala na syang pakielam pero the truth is----"
"He still affected and still in pain from what happened two years ago." pagpapatuloy ni Taz sa sasabihin ni Paxton na hindi na ikinaimik ng iba.
Kilala nila si Ford,sabihin man nitong wala na itong pakielam,nararamdaman at nakikita nila kay Ford na nasasaktan parin ito hanggang ngayon.
Ang nasa isip nila ngayon ay anong mangyayari pagsilang dalawa na ang magkita?
"There was so weird i noticed about that woman." biglang salita ni YoRi na ikinabaling ng lahat sa kanya.
"Weird?Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Lancellot kay YoRi
"She saw me,she knew that i am one of Rosales friend but she looked at me like she does'nt know me." sagot ni YoRi sa tanong ni Lancellot na ikinalito ng ilan sa kanila.
"Imposible naman yun Yo!Paano ka nya di makikilala eh lagi naman nya tayo nakikita noon pag kasama sya ni Ford." pahayag ni Sergio na ikinibit balikat lamang ni YoRi
Tahimik lang si Taz at napaisip din sa sinabi ni YoRi tungkol kay Sora.Kaibigan ito ng asawa nya at alam nyang matagal nang gustong mahanap ng asawa nya ang kaibigan nya.
Hindi alam ni Taz kung ibabalita nya kay Gail ang nakita ni YoRi dahil sa oras na malaman ng asawa nya na nakita ito ni YoRi ay ipapahanap nya ito.
Nanahimik na silang lahat at iisa lang ang nasa isip nilang lahat.
Si Ford.
-ERICKA/SORA P.O.V-
Nagpapahinga ako ngayon sa kwarto ko at gumaan na ang pakiramdam ko dahil hindi na kumikirot ang likod ko.Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hihintay ang pag uwi ni Kuya Erick para kamustahin ang photoshoot nila.
Pagkatapos naming kumain ni Dennis kanina sa La Cuisine Russiano ay umuwi na din ako.Hindi ko na pinasunod si Dennis at pinagtabuyan syang bumalik na sa photoshoot dahil kailangan sya dun.Umaangal pa nga,buti nalang nadala sa banta ko.
Natawagan pala ni Kuya sina Mama at Papa sa nangyari sa akin kaya pala nung pagpasok ko palang sa bahay kanina ay may pag aalala silang sinalubong ako at kinamusta.Pinilit pa nga nila akong huwag ng magbike at lagi ng sumabay kay Kuya sa mga lakad namin pero hindi din nila ako napilit.Pinagpahinga nalang nila ako kaya heto at maghapon akong nakahiga sa kama ko.
Ang boring sa totoo lang.Hindi ako sanay na walang ginagawa.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at biglang pumasok sa isip ko yung gwapong lalaki na nagmamay ari ng La Cuisine Russiano.Yung tingin nya sa akin ng makita nya ako ay kakaiba,napansin ko yun.Yung tingin nya sa akin ay parang kilala nya ako.Imposible namang nakita ko na sya dahil nasisiguro ako na kanina ko lang sya nakita.
Napailing nalang ako sa sarili ko.Bakit ko ba iniisip yun eh im sure naman na hindi ako kilala nun.Baka ganun lang talaga siguro tumingin ang gwapong chef na yun.
Tumayo ako sa kama ko at kinuha ang jacket sa closet ko.Sumilip ako sa bintana at nakita ko na padilim na.Mukhang maraming trabaho sina Kuya sa photoshoot nila ngayon dahil wala pa sya hanggan ngayon.
Bumuntong hininga ako bago lumabas sa kwarto ko at bumaba sa sala at nagderetso palabas ng bahay.May malapit na 7/11 lang dito at dahil wala akong magawa sa kwarto ko at mukhang wala sina Mama ay bibili na muna at tatambay ng kaunting oras doon.Namimiss ko na kayang kumain dun at tumambay na kasama si Kuya.Doon kasi kami lagi natambay ni Kuya kasama si Dennis noong hindi pa masyadong hectic ang schedule namin.
Padilim na naglakad na ako papuntang 7/11.Ilang oras lang ang nilakad ko nang makarating ako doon at bumili ng pagkaing kinakain namin nina Kuya pagtumatambay kami dito.Umupo ako malapit sa may glass wall habang umiinom ng softdrinks at inaalala ang mga moment namin ni Kuya dito at ang kabaliwan ni Dennis sa 7/11 ng biglang may pumasok sa isip ko na isang malawak pero magandang lugar at may mga ilaw na lumalabas sa kalangitan.
Napakunot ang noo ko sa naisip ko.Bakit bigla ko nalang naisip ang lugar na ganun?wala naman akong natatandaan na may napuntahan kami ni Kuya na ganun ah.Weird.Napatingin naman ako sa kalangitan at doon nakita ko ang kalalabas lang na buwan.Ito ang unang pagkakataon na may bigla nalang may pumapasok sa isip ko.
"Babe punta tayo sa Sky Garden magpapa fireworks display sila ngayon dun."
Nawala ang pagtitig ko sa kalangitan at napalingon ako sa likuran ko kung saan nakita ko ang isang babaeng nakahawak sa braso ng isang lalaki na sa tingin ko ay boyfriend nito.
Sky Garden?Malayo-layo yun dito ah pero bakit pakiramdam ko nakapunta na ako doon?Ano bang nangyayare sa akin?
"Sige babe kung saan mo gusto sasamahan kita." sagot nung lalaki sa nobya nya na mas ikinakunot ng noo.
Yung sinabi nung lalaki sa nobya nya,parang narinig ko na at may nakapag sabi nun sa akin.
Tumayo yung dalawa at magkahawak na kamay na lumabas ng 7/11 at sumakay sa dala nilang sasakyan at umalis na.
Hindi ko alam pero gusto ko ding pumunta sa Sky Garden na yun.Parang may bumubulong sa akin na pumunta doon kaya parang may sariling buhay ang katawan ko na tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng 7/11 at agad umuwi sa bahay para kunin ang bike ko at agad umalis patungo sa Sky Garden.
Tahimik lang ako sa pagbibike ko at napapailing sa ginagawa ko.Bakit naisipan kong pumunta sa Sky Garden?Isa pa,pag umuwi na si Kuya at hindi ako nakita sa bahay im sure mag aalala na naman yun sa akin.Ano ba itong ginagawa ko?
Ilang oras na pagbibike ko ay nakarating na ako sa lugar na hindi ko alam kung bakit naisipan kong puntahan.Tumigil ako sa pagbibike at nakita ang ilang mga tao na papunta sa pinakaloob ng Sky Garden.
Aishhh!Hindi naman siguro ako nagpunta dito para manuod ng Fireworks display diba?Ericka!!Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpunta ka dito.
Makauwi na nga lang dahil baka pauwi na si Kuya galing Photoshoot pagalitan pa ako dahil kung saan-saan ako napunta.Ipinaliko ko ang bike ko at akmang aalis na ng may makasalubong akong isamg kotse na ikinagulat ko at ikinawala ng balanse ko kaya natumba ako.
*SRCREEECH*
*BLAAAAG*
"ARAY!!!" angal ko dahil napalakas ata ang pagkakaupo ko sa lupa.
Naman oh!Kanina yung likod ko ang nadisgrasya tapos ngayon yung pwetan ko naman.Araw ba ng kamalasan ko ngayon.
Isa pa itong nagmamaneho ng kotse na ito!Hindi ba nya ako napansin?Muntik na rin ako dun ha!
Mabilis akong tumayo sa pagkakasalampak ko sa lupa para sugurin at singhalan ang muntik ng makabunggo sa akin ng mapatigil ako ng bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang nagmamaneho nito na ikinasimangot ko.
"Hoy ikaw na may ari ng kotse na yan!Alam mo bang muntik mo na akong mabangga ha!Hindi mo ba ako nakita?" bulyaw ko ng matigilan ako ng makaharap ko na ang nagmamaneho ng kotseng muntik na akong mabangga.
Napakurap ako ng tatlong beses dahil nakikilala ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Si Ford Rosales ito na may ari ng JEYA'S Bar diba?
Nakatayo sya sa harapan ko na may gulat sa mukha pero sa ilang minuto na nakatingin sya sa akin ang gulat nya ay napalitan ng walang emosyong tingin at tama bang nakita ko sa mga mata nya na para syang galit?
Nakita ko ang pag igting ng mga bagang nya.Hindi ko alam pero nakakailang ang titig na binibigay nya sa akin.
Diba dapat ako yung magalit kasi ako yung muntik mabangga pero bakit hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.
Nakatingin lang sa akin si Ford Rosales na walang emosyon akong makikita sa kanyang mga mata.
Ang akward ha!
"Uhmmm. .muntik mo na akong mabangga." paalala ko sa kanya pero parang hindi nya pinansin ang sinabi ko at walang buhay na ngumisi lang sya sa akin.
"Two years.Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito." walang emosyong sabi nya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Anong sinasabi nya?
Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko baka kasi hindi naman ako yung sinasabihan nya eh.Pero wala naman akong nakita kaya binalik ko ang tingin sa kanya.
Napaurong ako bigla ng naglakad sya palapit sa akin at huminto ilang dipa mula sa akin.
Ako naman ay naguguluhan sa isang ito.Kilala ba ako nito?
"So naisipan mo nang magpakita matapos ng dalawang taong pagtatago mo sa akin.Bakit?Para makita kung gaano ako naging miserable huh?" sabi pa nya na ramdam ko ang galit sa mga sinasabi nya.
Pero teka!!!Ano bang sinasabi nya?Wala akong maintindihan.
"Teka teka!Okey. .kalma lang.Sa pagkakaalam ko muntik mo lang akong mabunggo pero ano ang sinasabi mo na nagtatago ako ng dalawang taon?Hindi kita maintindihan eh!" sabi ko na ikinagisi muli nito.
Hindi ko akalain na mas gwapo pala sa malapitan si Ford Rosales,sa kagwapuhan nya tingin ko maraming nagkakagusto dito.Pero bakit ang laki ng problema nito sa akin at kung ano-ano ang sinasabi?Galit ba to sa mundo dahil inawan sya ng fiancee nya kaya lahat ng makasalamuha nya eh sinusungitan nya?
"I see,kinakaila mo ang ginawa mo at kunwari wala kang alam.Ganyan ka ba kaayaw sa akin para itanggi ang kung anong nangyari two years ago." walang emosyong sabi nya na mas lalo kong ikinalito.
Kinakaila?kunwari walang alam?Eh hindi ko naman talaga alam ang sinasabi nya eh.
"Sandali lang ha!Nalilito ako sa sinasabi mo eh.Two years ago?What the heck?Maliban lang sa pangalan mo ang alam ko eh Sino ka ba?" sabi ko sa kanya na ikinatigil nya at parang bahagyang nagulat sa sinabi ko.
Ilang minuto syang walang imik bago biglang tumawa pero yung tawa nya ay tulad ng mga mata nya.Walang buhay.
"F*CK!DAMN IT!SO NGAYON HINDI MO NA AKO KILALA HUH?ANO BANG GINAWA KO SAYO PARA GAWIN MO KONG TANGA!" sigaw nya ikinatahimik ko.
Ramdam ko ang galit,sakit at lungkot sa bawat pagkakasabi nya ng mga salitang iyon.
Hindi ko alam pero sa pagkakatitig ko sa kanya ay parang bumigat ang dibdib ko.Naguguluhan ako sinasabi nya pero hindi ko alam kung bakit bothered ako sa kanya.
Kilala ba nya ako?
Napatingin ako sa langit ng marinig ko ang ilang putok mula sa taas.Nagsimula na pala ang fireworks display.Binalik ko ang tingin kay Ford Rosales at dahil hindi ko na gusto ang nararamdaman ko ay agad kong kinuha ang bike ko at sumakay doon at akmang aalis na ako ng muli syang magsalita.
"Running again?Yan na ba ang hilig mo ngayon,ang tumakbo?" sabi nya na ikinasama ko na ng tingin sa kanya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo,baka nagkakamali ka lang ng taong sinasabihan mo.At uulitin ko,Maliban lang sa pangalan mo ang alam ko dahil isa kang kilalang bussiness man,maliban dun ay wala na akong alam.Hindi kita kilala." huling sabi ko bago sya iwan
Umalis ako sa lugar na yun na hindi ko alam kung bakit sa bawat pagtipa ko ng bike ko ay bumibigat ang pakiramdam ko.
Bakit ganito?