Episode 02

3262 Words
"ERICKA BILISAN MO MALALATE NA TAYO SA VENUE!!TUMAWAG NA SA AKIN SINA MAX NAANDUN NA SILA!" Inayos ko lahat ng mga dapat kong dalhin para sa shoot namin ngayon.Gosh!Bakit kasi kailangang magmabilis eh hindi naman ganun kalayo ang venue ng photoshoot namin ngayon.Si Kuya talaga pagdating sa oras strikto. Inilagay ko na sa bag ko lahat ng mga gagamitin ko,mga extra lens,tripod ko at ilan pang gamit ko dahil isa ako sa kukuha ng pictures actually si Dennis ang katandem ko dahil parehas kaming magaling kumuha ng pictures.Sina Kuya at Ate Max sa Editing at ang iba ay sa mga lights at iba pang kailangan. "ERICKA!!!!" "COMING KUYA!!!" balik na sigaw ko kay Kuya.Sumisigaw sya kasi nasa kwarto pa ako at sya ay nasa baba na. Wala na naman siguro akong nakalimutan.Nagcheck pa ulit ako kung nadala ko na lahat at ng ok na ay kinuha ko na ang camera ko at sinakbit ito sa balikat at ganun din sa backpack ko.Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at dali-daling bumaba at agad dumeretso sa kusina. "Morning Ma,Morning Pa." bati ko sa kanilang dalawa na sabay na nag aalmusal. "Nauna na ang Kuya mo sa labas.Dun ka nalang daw hihintayin." ngiting sabi ni Mama sa akin na ikinatango ko.Mabilis akong humigop ng kape at kumuha ng tinapay bago mabilis na hinalikan sina Mama at Papa sa pisngi. "Alis na kami Ma,Pa!!" paalam ko bago mabilis na lumabas ng kusina.Narinig ko pang sinabi ni Mama na sumabay na ako kay Kuya pero syempre malabong sumabay ako. Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Kuya na inaayos ang bike ko.Napangiti nalang ako habang tinitingnan si Kuya,kahit di ko sya tunay na kadugo yung pag aalaga nya sa akin ay parang tunay na kapatid,ganun din sina Mama tinuring nila akong tunay na anak. "Morning Kuya." bati ko kay Kuya pagkalapit ko sabay halik sa pisngi nya na ikinalingon nya sa akin. "Morning Bunso.Ready ka na?" ngiting tanong nya sa akin na ikinatango ko. "Always naman Kuya.Salamat sa pag aayos sa bike ko ha." "Wala yun pero sure ka ba na magbibike ka lang papunta dun?Malayo-layo din yun Ericka." sabi ni Kuya na may pag aalala. Inilagay ko muna ang backpack ko sa basket ng bike ko bago malawak na nginitian si Kuya. "Kaya ko yun Kuya,isa pa alam mo naman na pag nagtatagal akong nakasakay sa isang kotse o sasakyan eh bigla nalang akong naghihesterical diba.Safe naman akong nakakarating sa mga venue ng photoshoot natin eh." Napabuntong hininga si Kuya dahil alam nyang wala syang magagawa at hindi nya ako mapipilit na sumakay sa kanya.Niyakap ako ni kuya at after nun ginulo nya naman ang buhok ko na sobrang tagal kong inayos. "Kuya!!!ang hirap kayang mag ayos ng buhok!" angal ko na bahagya nya lang na ikinatawa. "Sige na!Umalis na tayo para makarating na tayo sa venue ng photoshoot natin.Mag iingat ka sa pagbibike mo Ericka.Sigu----" "Sisiguraduhin kong sa gilid lang ako dadaan at titingin akong mabuti sa dinadaanan ko.I get it Kuya tanda ko ang mga bilin mo." sabi ko habang inaayos ang buhok kong ginulo nya. Ako na ang nagtuloy sa sasabihin ni Kuya dahil tandang-tanda ko naman lahat ng mga bilin nya.Araw-araw ba naman nyang ibilin sa akin yun eh syempre memorize ko na. Ngiting napapailing lang si Kuya sa akin bago ako tinapik sa balikat at naglakad sa kotse nya. "Let's go." sabi ni kuya bago sumakay aa kotse nya. Sinakyan ko na din ang bike ko at bago kami umalis ni Kuya ay nagtinginan pa kami at nag thumbs up sa isa't-isa.Umalis na si Kuya at nagsimula na din akong umalis.Im sure na sa mismong venue na ako hihintayin ni Kuya. Mas masarap talagang magbike kaysa sumakay sa mga sasakyan.Sarap kaya ng simoy ng hangin at enjoy mo pa ang mga nadadaanan kong mga view.Sa kotse kasi pakiramdam ko pag sasakay ako eh bigla nalang kaming bubunggo o maaksidente.Hindi ko alam kung bakit ganun ako katakot sa sasakyan pero sa tingin ko may kinalaman yun sa aksidente ko. Alam kong naaksidente ako pero hindi ko tinatanong kina Kuya kung anong aksidente ang nangyari sa akin.Ayokong magtanong dahil wala din naman akong maaalala.Wala namang naghahanap sa akin dahil loob ng dalawang taon ay walang nagpapakilala sa akin o nagsasabi na kilala nila ako kaya hinayaan ko nalang. Natigil ako sa pag iisip ko ng maramdamang kong nagbi-vibrate ang phone kong nasa bulsa ng pantalon ko.Sino naman kaya ang natawag sa akin?Nagbibike kaya ako.Hindi ko nalang pinansin ang phone ko pero sunod-sunod ang pagvibrate ng phone ko kaya gumilid ako sa kalsada at huminto sa pagmamaneho ng bike ko bago kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at ganun nalang ang pag arko ng kilay ko ng makita ko kung sino ang caller. Aga-aga nasisira ng isang ito ang araw ko.Hindi ba sya makapaghintay na personal akong bwisitin? Inis na sinagot ko ang tawag ng damuhong ito.Abala sa pagbibike ko! "Problema mong talimpadas ka!" agad kong bungad sa kanya na rinig kong ikinareak nya.Tadyakan ko kaya to pag nakita ko mamaya. (Grabe Ms.Minchin ang aga namang pagsusungit yan.) "Sipain kaya kita Dennis?Alam mo bang nagbibike ako tapos tatawag tawag ka dyan!Pag ako nalate sa pagpunta ko sa Photoshoot natin sasapakin talaga kita." inis na banta ko sa kanya na mukhang hindi nya pinansin (Nakabike ka na naman?Bakit hindi ka pa sumabay kay Erick?Paano kung mapahamak ka sa daan?Ayy naku Ms.Minchin anong meron ba sa bike mo at gustong-gusto mong ginagamit.) "Pwede ba Dennis kung tumawag ka para mambwisit pwede ba mamaya nalang pag naandyan na ako sa venue pwede?" sita ko sa kanya bago mabilis syang p*****n ng tawag. Napapailing nalang akong ibinalik ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.Anong meron ngayon sa lalaking yun at kung tumawag at kausapin ako ngayon ay parang nag aalala sa akin.Lakas talaga ng tama ng isang iyon. Papaandarin ko na sana ulit ang bike ko ng mapatingin ako sa may kalsada at mahagilap ng dalawang mata ko ang isang matandang babae na tumatawid sa kalsada.Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa gitna pa sya ng kalsada at dahil sa mabagal itong maglakad ay maaabutan sya ng pag go ng sasakyan. Marami ang nakakita sa matandang babaeng yun pero lahat ng nakakita ay nagulat lang pero wala namang ginagawa.Mabilis akong umalis sa bike ko at patakbong nilapitan si Lola na nasa kalsada at bago pa sya masagasaan ng isang kotse ay agad ko syang naiiwas pero dahil sa pagiwas ko kay Lola ay bahagyang nadanggi naman ang likuran ko kaya hindi ko maiwasang mawalan ng balanse na ikinatumba ko pero hindi ko hinayaan na madagaanan si Lola kaya sa reflexes ko ay nagpailalim ako kaya pagbagsak ko sa kalsada ay nadaganan ako ni Lola na ikinangiwi ko dahil sa pagbagsak ng likod ko sa kalsada at pagtama ng siko ko sa semento. Rinig ko ang sigawan ng mga nakakita sa amin at ng makita ko ang isa pang kotse na dereksyon namin ay agad kong niyakap si Lola at napapikit nalang ako. Katapusan ko na ata!! Hinintay ko na tumama sa katawan ko ang kotse na paparating pero ilang oras ang lumipas ay wala akong nararamdaman na tumama sa akin kaya dahan-dahan akong nagmulat at ganun nalang ang pagkahinga ko ng maluwag ng nakatigil ang kotse ilang inch lapit mula sa amin. Abot-abot na takot at kaba ang naramdaman ko.Akala ko dito na magtatapos ang buhay ko.Pinagpawisan ako sa nangyari. "Nako Miss ok lang ba kayo?" tanong ng isang babaeng lumabas sa kotse na nakatigil sa harapan namin. Tumango-tango ako bago agad nilingon si Lola na yakap-yakap ko na ramdam kong nanginginig sa takot.Paupo akong umupo sa kalsada at tiningnan si Lola kung ayos lang sya. Pansin kong nakapalibot na sa amin ang mga tao na kanina ay tinitingnan lang kami sa mangyayari sa amin.Hindi ko nalang sila pinansin at pinagtuunan ko ng atensyon si Lola na ramdam kong natakot din sa nangyari. Nagkakatraffic na din ata dahil sa amin. "Lola ayos lang po ba kayo?" tanong kay Lola na hindi umiimik dahil natrauma ata sa nangyari. Pinilit kong tumayo at alalayan si Lola,mukhang kailangan kong dalhin sa Ospital si Lola.Ramdam ko ang sakit ng likod ko pero hindi ko nalang ininda dahil mas inaalala ko si Lola. "Naku Miss gusto nyo bang dalhin ko kayo sa Ospital?" alok nung babae na nakasubaybay pala sa amin ni Lola. Hindi ko alam kung oo ako dahil ayokong sumakay sa isang sasakyan.Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim bago nilingon yung babae na nag aalok na tulungan akong dalhin si Lola sa Ospital. "Pwede nyo po bang ihatid si Lola sa malapit na Ospital.Susunod nalang po ako sa inyo." sabi ko sa babae na agad umalalay kay Lola. "Pero paano ka?" tanong ng babae sa akin na ikinangigi ko nalang. Ayoko sa mga sasakyan.Ayoko talaga. . "May dala po akong bike,susunod po ako sa inyo." sabi ko nalang na ikinatango nya. Tinulungan ko yung babae na isakay si Lola sa kotse nya.Nang maayos namin ang pagkakaupo ni Lola ay sinabi nya sa akin kung saang Ospital nya dadalhin si Lola na ikinatango ko at umurong na ako dahil pinaandar na nung babae ang kotse nya. Tumabi na ako sa gilid ng kalsada dahil nagdulot mg traffic ang nangyari sa amin.Yung mga usisero at usisera ay mga nagsi-alisan na.Hindi man lang kami nagawamg tulungan.Mga tao talaga ngayon. Bumalik na ako sa bike ko at sumakay na doon para sundan sina Lola sa Ospital na pagdadalhan sa kanya pero bago ko paandarin ang bike ko eh tiningnan ko muna ang camera ko kung hindi ito nadamage dahil sakbit-sakbit ko ito ng iligtas ko si Lola.Napabuntong hininga nalang ako ng makita kong basag ang lens ng camera ko.Napasama ata ang bagsak sa semento ng kalsada.Inalis ko ang lagayan ng camera na nakasukbit sa balikat ko at inilagay iyon sa basket ng bike ko.Mukhang bibili nalang ako ng bagong bike,isa pa hindi na ata ako makakapunta sa photoshoot namin,pwede naman akong palitan ni Kuya.Mamaya ko na sasabihan si Kuya sa nangyari sa akin. Umupo na ako ng maayos sa bike ko ng mapaigik ako dahil sa biglang pagkirot ng likuran ko.Pati yata likuran ko eh napasama ang bagsak sa semento.Huminga ako ng malalim bago tinipa ang pedal ng bike ko at tinungo ang Ospital na pagdadalhan nung babae kay Lola.Gusto ko malaman kung magiging ok lang si Lola. Aaminin ko na natakot ako sa ginawa ko kanina pero siguro dahil sa pag aalala ko kay Lola na baka mabangga sya eh nakalimutan ko yung takot sa ginawa ko.Ewan ko ba pero mas natatakot akong sumakay sa isang sasakyan kaysa mabangga ng sasakyan.Ang gulo ko!!! Mabilis kong tinungo ang Ospital kung saan dinala si Lola at kahit kumikirot ang likuran ko ay hindi ko na ininda para mabilis akong makarating sa Ospital at nang makarating na ako ay agad akong bumaba sa bike ko at iniwan ito sa may gilid ng Ospital at agad pumasok sa Loob,hindi naman ako nahirapan na hanapin si Lola kasi nakasalubong ko yung babaeng nagdala kay Lola sa Ospital.Agad nyang itinuro sa akin ang kwarto na pinagdalhan kay Lola. Nang makita kong nagpapahinga si Lola sa kwarto nya ay doon ako nakahinga ng maayos. Buti naman mukhang ok lang si Lola. "Sabi ng doktor na tumingin sa kanya eh na trauma lang ito sa nangyari at may kaunting gasgas lang si Lola sa braso pero there's no major injury ang natamo nya." sabi nung babae sa akin na ikinatango ko. "Mabuti naman kung ganun." sambit ko ng muli akong mapadaing dahil sa pagkirot ng likuran ko na mukhang napansin ng babaeng katabi ko. "Sa tingin ko Miss kailangan mo ding magpatingin sa doktor.Mukhang ikaw ang napuruhan ng aksidente." sabi nung babae na ikinailing ko nalang "Ayos lang naman ako." "Pero hindi yun ang nakikita ko.May gasgas din ang mga siko mo.Naandito ka lang din naman sa Ospital ay magpatingin ka na at ipagamot ang siko mo." sabi nung babae na ikinatango ko na. Mukhang tama sya. "Salamat sa pagtulong." sabi ko na ikinangiti nya. "Wala yun gusto kong tumulong kasi muntik ko na din kayong masagasaan.Sige mauuna na ako." paalam nya na ikinatango ko bago nya ako iwan. Buti nalang mabait yung babaeng tumulong sa amin ni Lola. Binalingan ko naman ng tingin si Lola at nakaramdam ng awa.Bakit kaya mag isa lang syang tumatawid ng kalsada?Wala ba syang pamilya?Bakit sya pinabayaan nang pamilya nyang lumabas at tumawid sa kalsada mag isa.Naaawa tuloy ako kay Lola. "Aishhh!" napakagat ako ng labi ng kumirot na naman ang likod ko.Mukhang dapat na nga akong magpatingin sa doktor.Baka napasama ang bagsak ng likuran ko kanina. Tiningnan ko ulit ng huling beses si Lola bago naglakad patungo sa opisina ng doktor ng magvibrate ang phone ko na ikinatigil ko sa paglalakad.Kinuha ko ang phone ko at napapikit ako ng makita kong si Kuya ang natawag.Panigurado akong mag aalala ito pag nalaman nya ang nangyari sa akin.Sigurado akong pipilitin ako nitong sumakay na sa kotse nya. Ayoko!! Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Kuya. "Kuya----" (Nasaan ka na Ericka?Kanina pa kita hinihintay sa labas.Dapat naandito ka na ah.) Bungad na tanong ni Kuya sa tawag nya sa akin na ikinakagat ko sa ibabang labi ko. "Kasi Kuya may nangyari kasi eh." panimulang sabi ko sa kanya sa kabilang linya (Nangyare?Tell me what happened?) "Kasi Kuya naandito ako ngayon sa Ospital kasi----" (WHAT??F*CK!ANONG NANGYARE SAYO?SAANG OSPITAL YAN ERICKA TELL ME!!) Sabi ko na hindi magugustuhan ni Kuya ang nangyari sa akin eh.Wala akong naging choice kundi sabihin kay Kuya kung saang Ospital ako ngayon.Pagkasabi ko nga eh agad nya akong pinatayan ng phone nya. Im sure na katakot-takot na sermon ang sasabihin ni Kuya sa akin.Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at naglakad na papuntang opisina ng doktod dito para after kong matingnan ay paghahandaan ko naman ang mga sasabihin ni Kuya sa akin. Nang makarating ako sa opisina ng doktor at sinabi kong magpapatingin ako ng likod ko ay agad naman nya ang chineck up.In x-ray nya ako at habang hinihintay ko ang resulta ay may isang nurse namang inutusan si Doc na idis-infect ang gasgas at maliit na sugat na natamo ko kanina sa may siko ko.Then after na magamot ang siko ko ay hinintay ko ang resulta ng x-ray ko. Isang oras akong naghintay ng bumalik si Doc dala yung resulta. "Wala namang broken bones na natamo ang likuran mo.Sumasakit lang sya dahil sa pagkakabagsak mo.Ipahinga mo muna ang likuran mo at inumin mo itong irereseta ko para mawala ang pagkirot ng muscles sa likuran mo." sabi ni Doc sa akin na ikinatango ko. Ibinigay nya sa akin ang reseta ng gamot para sa likuran ko at nagpasalamat ako bago umalis sa opisina nya. Buti naman at walang buto ang nabali sa akin.Siguro sa labas ko nalang hihintayin ang pagdating ni Kuya. Naglalakad na ako para makalabas ng Ospital ng mapadaan ako sa isang kwarto  na hindi nakaawang ang pinto at dahil doon ay nadinig ko ang usapan na meron sa loob.Hindi naman ako tsismosa pero may sarili atang buhay ang katawan ko dahil tahimik at dahan-dahan akong sumilip sa loob ng kwarto na yun.Nakita ko sa loob ang isang babae na nakahiga sa kama habang may nakaupo sa tabi nito na gwapo na nakahawak sa kamay nito.Gwapo talaga yung lalaki nakikita ko kasi sya kahit gilid lang pero parang pamilyar yung mukha nung lalaking yun sa akin eh. Napadako naman ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa may sofa doon na tanging ulo lang nito ang kita ko. Teka bakit ba ako sumisilip sa kanila?Aalis na sana ako dahil baka makita pa nila ako ng matigilan ako ng magsalita yung lalaking katabi nung babaeng walang malay. "Dude,nakita mo na ba?" rinig kong tanong nito sa lalaking nakaupo sa sofa na ulo lang nito ang kita ko. "No.at wala na akong balak na hanapin sya.She left in our wedding day without any reasons so she doesn't deserve to search for."  malamig na sagot nung lalaki sa may sofa. Teka!Pamilyar din yung malamig na boses ng lalaking yun ah.Parang narinig ko na somewhere?Yung boses na walang buhay,Saan ko nga ba narinig ang boses na yun? Pilit kong sinisilip yung lalakeng nasa sofa pero wala eh!Yung ulo nya lang talaga ang nakikita ko. "Hindi ka makakalimot kung hindi mo sya makikita at malalaman ang dahilan ng di nya pagsipot sa kasal nyo.Malay mo Ford,she had a reason?" sabi nung lalaking katabi nung walang malay na babae na ikinalaki ng mata ko. Teka?Ford?Tama ba ang rinig ko?So it means yung lalaking ulo lang ang nakikita ko ay si Ford Rosales ang owner ng sikat na JEYA'S Bar? Kaya pala pamilyar yung boses eh.Sa kanya yung walang buhay at walang emosyon na boses na yun.Bakit kaya naandito yan sa Ospital?Sino kaya yung lalaki at babaeng kasama nya sa kwartong ito? Isa pa sa nakakuha ng atensyon ko sa usapan nila ay yung sinabi nung kausap nung Ford na tungkol sa kasal nito. Kung ganun ay dapat ikakasal na ito pero Hindi sya sinipot ng bride nya?Kaya ba parang wala syang buhay at emosyon kasi hindi sya sinipot ng bride nya sa kasal nila? Saklap naman nun! "Reason?Two years had passed Balance at hindi man lang sya nagpakita sa akin para magbigay ng p*t*ng i*n*ng reason na yan!Dalawang taon akong nabaliw sa kakahanap sa kanya and i think it's enough!Wala na akong pakielam sa kanya." sabi ni Ford Rosales na nahimigan ko ang galit nya sa mga binitawan nyang salita. Mukhang nagalit ito sa bride nya na hindi nagpakita sa kasal nila.Ramdam ko yung galit nya eh. Bakit naman kaya hindi sya sinipot ng bride nya sa kasal nila at teka bakit bigla akong nagkainteresado dun? Dapat ay umaalis na ako dito eh!Mamaya mahuli nila ako at makitang nakikinig sa pinag uusapan nila mayari pa ako.Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng mapatigil na naman ako dahil sa tanong nung kausap ni Ford Rosales sa kanya. Bakit ba hindi ako makaalis-alis!Naman oh! "What if makita mo sya?" tanong nung lalaki kay Ford Rosales na ewan ko pero parang gusto ko ding malaman ang isasagot nito. Ganito din ang reaksyon ko kagabi sa bar nya ng narinig ko syang tinanong kung naghihintay pa sya.Gusto kong marinig ang isasagot nya sa tanong na yun. Hindi naman kasi imposible yun diba?Malaki nga ang mundo pero may chance na magkita ulit sila. "Wala na akong pakielam sa kanya.I have my own life now,bumalik sya i don't even f*cking care." sabi ni Ford Rosales na hindi ko alam kung bakit parang may kung ano akong naramdaman sa may bandang dibdib ko. Nang makita kong papalabas si Ford ay mabilis akong lumayo dahil baka mahuli nya ako pero ganun nalang ang gulat ko ng biglang may yumakap sa akin. "Damn it!Ms.Minchin ayos ka lang ba?" "De-dennis?" Hindi ako makakilos sa pagkakayakap ni Dennis sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Para kasing nanghina ako nang marinig ko ang huling sinabi ni Ford sa kausap nya.Sana ay hindi ako nahuli ni Ford na nakikinig sa usapan nila. "Tama na ang yakap sa kapatid ko Dennis nakakahalata na ako." rinig ko ang boses ni Kuya na nakita ko sa may likuran ni Dennis kasama si Ate Max Agad namang kumalas si Dennis sa akin at nagkamot ng batok. "Sorry na Erick!Nacarried away lang." sabi ni Dennis bago bahagyang lumayo sa akin. Hindi ko alam pero lumingon ako sa bandang likuran ko at nahagilap pa ng mata ko ang papalayong likuran ni Ford Rosales. Weird!Parang naapektuhan naman ako sa huling sinabi nito sa kausap nya kanina.Ewan ko,hindi ako feelingera pero bakit pakiramdam ko ay ako ang sinasabihan nya ng mga salitang sinabi nya? "Are you alright Ericka?" Nawala ang atensyon ko sa papalayong bulto ni Ford Rosales at nilingon si Kuya na may pag aalala sa mukha. "Kuya. . " Mabilis akong niyakap ni Kuya ng mahigpit. "Sobra akong nagalala sayo ng sabihin mo sa akin sa phone na nasa Ospital ka.Ano bang nangyare sayo?Nasaktan ka ba ha?" sunod sunod na tanong ni Kuya na hindi ko naman nasagot dahil ginugulo parin ng mga narinig kong salita mula kay Ford Rosales ang isipan ko. Bakit ba apektado ako sa mga salitang yun?Ang weird talaga eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD