LLAT-11

3034 Words
Faith’s Pov Nang umalis si Tita Marites ay hindi naman nagtagal nagpaalam na rin si Yuhan sa’kin na uuwi na rin ito. Tumatawag na rin kasi ang Mommy Alisha niya, nagpapasama sa kaniya mag-grocery. Mabait ang Mommy ni Yuhan, palakuwento at palangiti. Retirong doctor si Tita Alisha, habang si Tito Gab naman ay isang magiting na pulis. Nag-iisang anak lang din si Yuhan kaya mahal na mahal ito ng Daddy niya. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko maiwasang mainggit sa kaibigan ko dahil siya may Tatay. Kung sana may tatay rin ako. Kung sana ay nakilala ko siya o nakita man lang. Gusto ko rin kasi maranasang mahalin ng isang ama. Pinahid ko ang luhang namuo sa gilid ng mga mata ko. Humugot rin ako ng malalim na buntonghininga dahil nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib samantalang hindi naman kalakihan itong hinaharap ko. Hay! Kung bakit kasi wala man lang naitabi na larawan si Nanay sa Tatay ko. Hindi ko man lang tuloy nakita ang itsura niya. Kung kamukha ko ba siya o mas kamukha ko talaga si Nanay Dels? "Magluluto na nga lang ng dinner ni Bryan." Kumuha ako ng rekado na para sa lulutuin kong bulalo. Paborito kasing ulam ni Bryan ito. Nang maisalang ko ang karne ay sinimulan kong gayatin ang mga gulay. Nasa ganoon akong tanawin nang biglang may mga yabag akong narinig na papasok sa kusina. Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makita ko si Tita Marites na nakatayo, nakapamewang at masama ang mukha habang titig na titig ito sa’kin. "Tita?" gulat kong sambit. Itong si Tita Marites talaga kung minsan may pagkatungaw. Bigla nalang kasi sumusulpot. "Nasaan na ang lalaki mo?" Huh? Nangunot ang noo ko sa tanong ni Tita. Hindi pa man ako nakasagot ay bigla na naman sumulpot sa likuran ni Tita si Bryan. "Ma, stop it." anito. Halata ko ang pagod sa itsura at boses nito. Nang magtama ang mga mata namin ay matamis ko siyang nginitian, pero hindi siya gumanti ng ngiti, sa halip ay umiwas ito ng tingin. "Bryan—" "Tanongin mo ngayon ang asawa mo," baling ni Tita kay Bryan. Pagkatapos ay binalingan niya ako. "Oh, 'di ba kasama mo kanina ang kaibigan mo?" nakataas ang kilay niyang tanong sa'kin habang diniinan ang pagbigkas ng salitang kaibigan. Sumagot naman ako dahil totoo naman na nandito si Yuhan kanina. "Oo, Bryan. Kasama ko siya kanina. Hinatid niya ako pau—" "I know." pagputol ni Bryan sa sinasabi ko. "Oh, 'di ba, anak? Ano ibig sabihin no'n? Maliwanag na may relasyon silang dalawa, tama?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Tita. Binalingan ko si Bryan at umiling ako ng sunod-sunod. "Hindi iyon totoo, Bryan. Alam mo," binalingan ko si Tita, "at alam mo po Tita na matalik kaming magkaibigan ni Yuhan. Sinamahan niya lang ako mag-grocery at hinatid pauwi dahil hindi mo rin naman ako masusundo, Bryan. Iyon lang 'yon." paliwanag ko sa kanila dahil iyon naman talaga ang totoo. "I know. Don't worry hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ni Mama." saad ni Bryan sabay baling nito sa ina. Napaawang ang bibig ni Tita. Sumama rin ang tabas ng mukha nito at sinamaan ako ng tingin. Pagkatapos ay bigla na lamang ito humagulhol ng iyak. "Ma," wika ni Bryan sa Ina. "How could you do this to me, anak? Bakit hindi mo ako paniwalaan at mas pinaniniwalaan mo pa ang babaeng iyan?" sumbat nito kay Bryan. Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko. Pinigil ang sariling huwag maiyak. Ganoon ba talaga ka ayaw ni Tita sa akin para paratangan niya ako na lalaki ko si Yuhan? Napayuko ako upang maikubli ang malungkot kong mukha. "Ma, ang babaeng tinutukoy mo ay asawa ko po. At bilang asawa niya ay alam kong hindi niya ako magagawang lokohin. So, stop it." Napaangat ako ng mukha sa narinig kong salita mula kay Bryan. Nakatingin siya sa akin. Kapagkuwan ay tinawid niya ang pagitan namin. Nilapitan ako at niyakap. "Bryan…" "Sshh. Ituloy mo na ang paggayat ng mga iyan at ako'y nagugutom na." nakangiti niyang utos sa’kin habang inginuso ang naudlot kong ginagawa kanina. Gumanti ako ng ngiti, at niyakap siya ng mahigpit. Pagkatapos hindi ko na pinansin si Tita sa halip binalingan ko nalang ang ginagawa ko at pinagpatuloy. Subalit hindi ko pa man nailalapit ang talim ng kutsilyo sa gulay ay bigla naman ngumawngaw ang matalim na boses ni Tita, dahilan upang sabay kaming mapabaling ni Bryan sa kaniya. "So, ako ang masama?" Sunod-sunod akong umiling, si Bryan naman ay napapailing rin. "Wala akong sinasabing ganoon, Ma." Hindi nagpaawat si Tita at halos pumutok ang ugat sa leeg nito sa paghistreykal. "Ako ang masama, huh? Sa lagay na iyan ako ang masama?!" ngumawngaw ito na parang baka. "Ako ang masama!" nagdabog-dabog si Tita at napapalakopak sa sobrang inis habang umiiyak ito. Pero napansin ko, umiiyak si Tita pero walang luha na lumalabas sa mga mata niya? Puwede palang umiyak na hindi lumuluha? "Ma, tama na po." Nilapitan ni Bryan ang Ina nito at niyakap. At doon lamang tumahimik si Tita. Sumenyas rin si Bryan sa akin na ihahatid nito ang ina sa kotse nito sa labas. Bago tuluyang makalabas ng kusina si Tita ay iniwanan pa ako nito ng isang masamang tingin. At tila pinapahiwatig nito sa akin na hindi ako nito titigilan. Sinundan ko sila, at napatigil nalang ako sa paglalakad nang marinig ko ang ibinilin ni Tita kay Bryan at marinig ko naman ang naging sagot ni Bryan sa kaniya. "Bantayan mo iyang asawa mo at kaibigan niya kuno. Wala akong tiwala sa kanila at alam mo naman ang instinct ng isang Ina, Bryan. Mama knows best." "Okay. I will, Ma." tugon ni Bryan. Napabalik ako sa kusina at hindi na napigilan umiyak habang hinihiwa ko ang mga gulay. Hindi naman masama ang loob ko kay Tita o kay Bryan. Gusto ko lang umiyak para maibsan ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko rin hawak ang isip nila, lalo na ang isipan ng asawa ko. Pero ako, alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa ang binibintang ni Tita sa akin. Hindi ako perpektong tao at hindi ko ugaling manghusga ng iba. Kaya kung ano man ang iniisip ni Bryan sa akin ngayon ay hindi ako magagalit. Ang mahalaga ay alam ko at ni Yuhan ang totoo. Hindi ko alam kung bakit matagal bago nakabalik si Bryan. Naluto ko na ang bulalo at nakahain na rin ako pero hindi pa rin ito nakabalik. Naupo nalang ako sa isang silya habang hinihintay ito. At habang hinihintay ko siya ay nakaramdam ako ng pagkaantok kaya nagpasya ako na i-unan ang braso ko habang nakapatong ito sa lamesa at ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulog, pero nagising nalang ako nang maramdaman ko ang mabibining mga halik sa aking leeg. Nang imulat ko ang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Bryan ang nabunggaran ko. "I’m so sorry kung ngayon lang ako, baby. Nagpahatid pa kasi si Mama sa mansiyon. Ayaw niya tumigil sa kakaiyak, eh." paliwanag niya. Naupo ako ng tuwid at sinapo naman ang pisngi niya. "Okay lang. Gutom ka na ba? Maupo ka na at kakain na tayo." "Hindi ka galit sa akin?" ani pa niya. Hinalikan ko siya sa labi bago ako sumagot. "Bakit naman ako magagalit?" Masuyo kong hinaplos ang pisngi niya at napapikit naman ito. "Ikaw ba, Bryan, galit sa akin?" balik-tanong ko sa kaniya. "I'm not, baby. At bakit naman ako magagalit?" "Sa sinabi ni Tita…" lumungkot ang mukha ko at napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya. Pero hinuli niya ang magkabilang pisngi ko at siya naman ang masuyong humaplos niyon. "Hindi ako naniniwala kay Mama. Alam mo kung bakit? Dahil alam ko na mahal na mahal mo ako at mahal na mahal rin kita. Ngayon kalimutan na natin ang nangyari kanina at ako'y nagugutom na." Napangiti ako at kaagad siyang niyakap. "Salamat, Bryan. Mahal na mahal kita at kailanman hindi ko magagawang lokohin ka." masuyo kong sabi. "I know, baby." paanas niyang sambit. Nagulat pa ako nang hawakan nito ang palad ko at hilahin akon patayo. "Saan tayo pupunta? Hindi ba’t nagugutom ka na?" kunot ang noo na tanong ko sa kaniya. "Nagugutom nga. Pero iba ang gusto kong kainin." wika niya na may sinusupil na ngiti sa labi. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pinamulahan na rin ng mukha dahil nakuha ko ang ibig niyang sabihin. "Bryan!" hiyaw ko nang bigla na lamang niya ako buhatin at dalhin sa kuwarto naming dalawa. Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay maingat niya akong inihiga sa malambot na higaan. Kinaubabawaan at siniil ng mapusok na halik. Ramdam ko sa mga halik ni Bryan ang pananabik nito sa akin, lihim akong napangiti at mainit na gumanti sa halik niya. Sa isang iglap ay namalayan ko na lamang na wala na ang mga saplot ko at kumalat na iyon sa sahig. Lumayo si Bryan sa akin, tumayo ito sa harapan ko at unti-unting naghubad habang ang mga mata ay puno ng pagnanasa na nakatingin sa mga mata ko. "Nice view, baby." paanas niyang sambit. Pinamulahan naman ako ng pisngi. Kitang-kita sa mga mata niya ang lagkit ng pagkakatitig niya sa akin. Bryan removed all of his clothes, walang itinira. At ang tanging makikita na lamang ngayon ng naglalakihang mga mata ko ay ang guwapo niyang mukha, ang pandesal niya sa tiyan at higit sa lahat, ang nakasaludo niyang p*********i na handa nang sumabak sa digmaan. "Enjoying the view too, baby?" Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at wala sa sariling tumango ng sunod-sunod. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, namewang pa na nakatingin sa akin na tila ba pinag-iisipan pa kung saan niya ako unang kakagatin o didilaan dahil pakiramdam ko ngayon ay isa akong masarap na pagkain na nakahain sa kaniyang harapan. "Bryan!" napasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ang dalawang binti ko at itaas iyon sa ere, pagkatapos ay walang babala na sumubsob siya sa p********e ko. "Oh my god!" Nawawala ako sa sarili na napakapit sa buhok niya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung babangon ba ako o hihiga na lang dahil sa kiliti na namuo sa buong katawan ko. Mahigit isang taon na kami mag-asawa ni Bryan at sa loob ng taon na iyon ay hindi nawawala itong ginagawa niya sa akin ngayon sa tuwing magtatalik kami. Hindi siya nagsasawa, at mas lalo na ako dahil sa lahat ng eksena namin pagdating sa p********k ay ito ang pinakagusto ko. "More Bryan! Oh…god!" nahihirapan kong sambit. Bryan continue licking my wet core so I can't stop myself from shouting his name over and over again. Paulit-ulit ko siyang nasasabunutan. Habang abala ang dila niya sa p********e ko ay inabot naman ng dalawang palad niya ang dalawang bundok ko at minasahe ito. Lalo pa itong nagpadagdag sa kiliti na nararamdaman ko. Hanggang sa ang kiliting iyon ay namuo sa puson ko. Malapit na ako, konti pa. "Bryan, hindi ko na kaya. Oh…m-malapit na ako!" Bryan thrusted his two long fingers into my core that made me gasp in so much pleasure. Wala na, hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nilabasan. Halos mawalan ako ng ulirat sa ginawa niya. And when he finally withdrew his fingers, his long shaft penetrated my wet core. Hindi pa man ako makahinga ng maayos pagkatapos niyang hugutin ang daliri niya ay sumunod naman pumasok ang mala-patola niyang pag-aari. Hindi pa naman siguro ako mamamatay nito, ano? Umabot nga kami ng mahigit isang taon, eh. "Oh, baby! I love you! Love you!" anas ni Bryan sa tenga ko habang lumalabas-masok ito sa p********e ko. Kumakapit ako sa matitipuno niyang braso at nakalingkis naman ang mga binti ko sa bewang niya. Pareho rin kami pinagpapawisan kahit na may aircon naman sa silid namin. "I love you too, Bryan! Oh…more… Bryan!" Napupuno ng mga ingay namin ang silid. Maging ang kama ay nag-iingay rin sa bawat bilis ng paggalaw ni Bryan. Sinapo ni Bryan ang mukha ko habang patuloy siya sa paggalaw. "Baby, I'm coming. Malapit na." Hindi ko magawang sumagot, napapaawang na lamang ang bibig ko dahil sa paghahagupit niya sa akin. Hinalikan niya ang bibig ko at kasunod niyon ay namalayan ko na lamang na nakatalikod na ako sa kaniya at nakadapa sa kama, habang siya ay binabayo ako mula sa likuran. "Bryan!" sigaw ko sa pangalan niya. Mula sa likuran ay ramdam ko ang p*********i niya na binabangga ang sensitibong bahagi ng p********e ko. Sa haba niyon ay kulang nalang abutin nito ang bahay-bata ko. "Baby, please come with me." hinihingal niyang bulong sa tenga ko. Tumango ako ng sunod-sunod. "Malapit na rin ako, Bryan. More please!" ani ko na habol na ang paghinga. Nai-enganyo ako sa pagkilos niya kaya hindi ko mapigilan ang sariling katawan na sabayan rin ito sa paggalaw. I heard Bryan sweetly moaning. "Yes, baby, that's it!" Ilang mabibilis na ulos pa ang ginawa ni Bryan hanggang sa sumabog ang p********e ko at sumunod naman siya. Naghalo ang pulo't gata naming dalawa at ang ilan doon ay dumaloy sa hita ko. Pareho kaming hiningal at nanlambot habang pinakikinggan ang bilis ng t***k ng aming mga puso. "That's awesome. I love it, baby. I love you." malambing niyang bulong sa tenga ko. Umalis siya sa likuran ko at tinulungan akong makahiga ng maayos dahil hindi ko na nagawa pang gumalaw dahil sa nanginginig ang mga binti ko. "Gusto ko rin ang ginawa natin, Bryan. Palagi kong nagugustuhan." pag-amin ko sa kaniya. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Hindi ka pa ba kakain? Baka lumamig na iyong pagkain sa lamesa." paalala ko rito. "Kaya mo na bang maglakad?" nag-aalala ang boses na tanong niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam. Nanginginig pa kasi ang mga tuhod ko. Pero alalayan mo na lang ako papunta sa kusina para mainit ko iyong bulalo. Mukhang kailangan kasi natin pareho ang mainit na sabaw ngayon." pilya kong tugon sa sinabi niya. Tumawa siya sa sinabi ko, at inalalayan nga akong makabangon mula sa higaan. Pero hindi niya ako inalalayan papunta sa kusina, kundi binuhat niya ako at dinala sa banyo. Ibinabad niya muna ako sa maligamgam na tubig. Makakatulong daw kasi iyon upang mawala ang panginginig ng mga tuhod ko, at epektibo nga. Syempre iyon ang madalas niyang gawin sa akin. Saka na kami sabay na pumunta sa kusina nang matapos kami sa paliligo. Ininit ko ang ulam at habang hinihintay kong kumulo iyon ay kinuha ko muna ang cellphone ko sa aking bag. Baka kasi may tawag o mensahe ako mula kay Nanay Dels o kaya'y galing sa Hospital. Pero nang mabuksan ko ang cellphone ko ay hindi mensahe mula kay Nanay o sa Hospital ang dumating. Kundi mensahe na galing kay Tita Marites. Binalingan ko muna si Bryan bago ko buksan ang mensahe na galing sa Mama nito. Nakaupo siya sa silya habang hawak niya ang newspaper. Binalik ko ang atensyon sa cellphone at walang pag-aatubiling binasa ang mensahe na pinadala ni Tita Marites. Mensahe na ikinasakit na naman ng puso ko. I will do everything to make your life miserable, Faith Isidro! I will make sure of that, b***h! "Baby, okay ka lang? May problema ba?" Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napabaling kay Bryan. Kaagad ko rin pinatay ang cellphone ko at ipinatong iyon sa isang istante. "O-okay lang ako. Teka, sandali lang at kumukulo na pala ang sabaw. Ihahain ko lang, mahal, at kakain na tayo." Sa pagtalikod ko ay sabay rin na nahulog ang butil ng luha ko. Come on, Faith, parang hindi ka naman sanay kay Tita Marites. Kaya nga Marites ang pangalan niya dahil ganoon ang ugali niya. Nevermind her! Payo sa akin ng isipan ko. Malalim akong napabuntonghininga. Kinumbinsi ang sarili na ganoon lang talaga si Tita sa akin kahit may bahagi ng puso ko na kinakabahan ako sa salitang binitawan niya sa akin. Inayos ko ang itsura ko, inalis ko ang lungkot sa mga mata at pinaskil ko ang ngiti sa aking labi bago ako humarap kay Bryan na hawak ang malaking bowl na may bulalo na umuusok-usok pa. "Tsaran!" nakangiti kong sabi. Ipinatong ko ang bowl sa lamesa. Nagningning naman ang mga mata niya sa paborito niyang ulam. "Kain na tayo, mahal." paanyaya ko sa kaniya. Tumango siya at kaagad na sumandok ng pagkain. At bago niya lagyan ang sariling plato ay inuna niyang lagyan ang akin. Napaka-sweet ng asawa ko, sana ay hindi siya magbabago. At ang plastik mo, Faith. Kunwari ka pang nakangiti riyan samantalang nadudurog ang puso mo dahil sa nanay niya! Asik ng isang bahagi ng isipan ko. Bakit hindi mo sabihin o ipabasa kay Bryan ang babala ng hari ng mga marites? Dagdag pa ng kabilang bahagi niyon. Ipinilig ko ang ulo upang iwaksi ang mga iyon sa isipan ko. Hangga't maaari ay ayokong maging dahilan ng away nila mag-ina kaya hindi ko ito ipapaalam kay Bryan. "Salamat, mahal." baling ko kay Bryan para sa ginawa niyang pagsandok ng pagkain para sa akin. "Salamat rin sa pagluluto ng paborito ko, baby." ganti niya. Pinagsaluhan namin ang mga pagkain na inihain ko. Pinilit ko rin iwaksi sa isipan ang sinabi ni Tita Marites mula sa mensahe na pinadala niya sa akin. Halimbawa ng bulalo na nakahain sa lamesa namin, hindi makokompleto ang lasa nito kapag walang mais. Isa ang mais sa nagpapadagdag ng lasa sa sabaw nito, at nagbibigay ng kakaibang aroma sa amoy nito, kung kaya kapag kulang ang sahog, kulang rin ang lasa ng bulalo. Katulad ko, hindi ako makokompleto hangga't may kulang sa akin. At iyon ay ang pagtanggap sa akin ni Tita Marites bilang asawa ng anak niya. Hindi rin sasarap ang buhay ko kung habang buhay na galit sa akin si Tita Marites. Dahil kapag ang tao ay galit, makakagawa ito ng mga bagay na hindi kanais-nais. Sinabi ko na hindi ako nanghuhusga agad ng isang tao, pero ano nga ba ang iisipin ko sa mensahe na pinadala sa akin ni Tita? Idagdag pa ang pagkaba ng dibdib ko habang binabasa ko ito. Ano nga ba ang kayang gawin ni Tita Marites para maging miserable ang buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD