LLAT-10

2081 Words
Faith's Pov Pumasok ako sa trabaho makaraan ang isang linggong bakasyon. Madalas man sumama ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan ay mas pinili kong bumalik sa trabaho dahil madalas akong bisitahin ni Tita Marites sa bahay, at sermonan. Huwag raw ako mag-buhay reyna dahil hindi daw bagay sa akin. Ayoko ng gulo kaya pinipili kong umiwas na lang kay Tita. Hindi ko rin ugaling magsumbong kay Bryan tungkol kay Tita dahil ayoko naman na silang mag-ina ang mag-away. Kilala ko si Bryan, hindi ito papayag na pagsalitaan ako ng hindi maganda ng nanay niya. Pinagtanggol niya nga ako noon kay Tita Marites nang hindi ito pumayag na magpakasal kami ni Bryan. Tutol na tutol si Tita sa relasyon namin ni Bryan noon pa man, pero kalaunan ay wala rin itong nagawa lalo na nang matuloy ang kasal namin. Akala ko nga ay matutunan niya rin akong tanggapin sa huli, pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya sa akin. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na dadating ang araw na matatanggap niya rin ako, lalo na kapag nabigyan ko siya ng apo. Mapait akong napangiti sa kaisipang iyon. Wala rin sa sariling nasapo ko ang aking tiyan. "Sana nga magkaroon na ng laman ito." mahinang sambit ko. Napahikab rin ako. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses na akong humikab simula kanina nang pumasok ako sa trabaho. Para rin akong dinuduyan, pero pilit kong nilalabanan ang antok dahil may mga pasyente pa akong dapat tutukan. Lalo na ngayon na uso ang dengue kaya ilan sa mga pasyente namin mapabata man o matanda ay nakakaranas nito. Abala ako sa pagtingin ng vital signs ng isang pasyente nang maramdaman ko ang brasong umakbay sa balikat ko. Napangiti ako nang mapasino ang may ari niyon. Hindi ko siya nilingon, pero nagsalita ako, "Tapusin ko lang ito." ani ko. Lunch break na sa mga sandaling ito kaya alam ko na kung bakit siya narito sa kung saan ako naka-assign na room. Hindi kasi kami magkasama ni Yuhan sa kung saan ako naka-assign dahil nasa second floor ako ng Hospital at siya naman ay nasa fourth floor. "Okay," sagot naman niya. Tinapos ko nga ang aking ginagawa bago kami sabay na bumaba sa ground floor at tumungo sa malaking canteen ng Hospital. At dahil hindi ako nakapagluto ng ulam kanina sa bahay dahil nga masama ang pakiramdam ko ay tumingin na lang ako ng mga ulam dito sa canteen. Ang canteen na ito ay sa labas lang ng Hospital. Ang mga pagkain ay naka-display sa loob ng salamin. Pipili ka lang ng gusto mo at ang waiter na mismo ang maghahatid ng order mo sa kung saan kang upuan pupuwesto. Masasarap rin ang mga luto nila dito pero bihira lang talaga ako bumili dahil nakasanayan ko nang magluto ng ibabaon namin ni Bryan. Napabuntonghininga ako. Hindi pala ako nakapagluto kanina kaya walang baon si Bryan, at tiyak kong nag-order nalang siya ng pananghalian niya. Hindi bale, bukas ay sisikapin kong makapagluto kahit na masama ang pakiramdam ko. Dadaan rin ako ng grocery store mamaya dahil wala ng stocks sa bahay. "May napili ka na ba?" untag sa akin ni Yuhan na siyang ikinakurap ko pa. Umiling ako at sumagot, "Wala pa nga eh. Siguro fried chicken na lang ako." "Ayaw mo ba ng ibang putahe? Sa dami ng mga iyan, friend chicken lang talaga ang napili mo?" nakakunot naman ang noo na komento niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero napangiwi ako nang balingan ko ang ibang putaheng naroon. Lalo na ang ma-sauce na ulam. Pakiramdam ko ay biglang nangasim ang sikmura ko, tila naduduwal rin ako. "Ikaw na lang ang um-order ng para sa akin, Yuhan, doon lang ako." paalam ko kay Yuhan sabay talikod ko. "Teka—" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil mabilis ko na siyang iniwan at nagmamadali akong naghanap ng mauupuan dahil pakiramdam ko ay bigla akong nahilo. Nang makaupo ako sa isang silya ay kagaad kong kinuha ang tumbler ko at uminom ng tubig. Ano bang nangyayari sa akin at madalas yata ang paghilo ko? Isa akong nurse pero hindi ko iyon masagot-sagot. Nagtatrabaho rin ako sa Hospital pero hindi ko magawang ipatingin ang sarili ko sa isa sa mga kasamahan kong Doctor. Napabuntonghininga ako. Dumating si Yuhan na puno ng pagtataka ang itsura nang makita ako na malalim na nag-iisip. "Okay ka lang ba, Faith? Kanina ko pa napapansin na mukhang wala ka sa mood." Naupo siya sa silyang nasa harapan ko at nagulat pa ako nang salatin niya ang noo ko. "May lagnat ka ba?" anito. "W-Wala ah. Okay lang ako," wika ko naman. Mukhang hindi naman siya sang-ayon sa sinabi ko, nakikita ko iyon sa mga mata niya pero hindi na siya nagtanong pa. Dumating ang order namin. Pagkalapag palang ng waiter ng pagkain sa lamesa at nang makita ko ang mga iyon ay nais ko nang masuka. Napatakip rin ako sa bibig ko nang maamoy ko ang mga iyon. Bumadha naman ang pagtataka sa itsura ni Yuhan nang makita ang reaksyon ko. "Seryuso, Faith? Bakit ganiyan ang itsura mo? Ang sasarap ng mga pagkain, paborito mo pa nga ang ilan diyan eh, tapos ganiyan ang reaksyon mo." turan niya sa akin. Imbes na sagutin ko si Yuhan ay kinuha ko nalang ulit ang tumbler at uminom nalang ako ulit ng tubig. Habang nakatitig ako sa mga pagkain na nakahain sa harapan ko ay isa lang ang masasabi ko. Hindi ko gustong kainin ang mga iyon. Ewan ko ba kung bakit. Alam kong masasarap ang mga iyon, lalo na ang paborito kong sisig pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit nasusuka ako kahit na hindi ko pa naman iyon natitikman. Binalingan ko si Yuhan. Pagkadisgusto ay mahahalata sa itsura ko. "A-Ayaw ko ng mga iyan," Nagulat siya sa sinabi ko. Napakamot rin siya sa kaniyang batok. "Bakit? Hindi ba't paborito mo ang mga iyan? Ikaw rin ang nag-order ng fried chicken, remember?" Tumango ako, "Oo nga. Pero ayoko na kainin iyan. Sayo nalang." Napatanga sa akin si Yuhan. "Ano? Eh, ano ang uulamin mo kung ayaw mo sa mga ulam na in-order ko?" Nag-isip naman ako. Hanggang sa bigla akong nag-crave ng cheese burger. Naisipan kong iyon nalang ang kakainin ko ngayon. Nagningning ang mga mata ko. "I want a burger!" masigla kong sabi. "A burger?" ulit ni Yuhan. Ngumiti ako ng ubod ng tamis. "Yes! Tatlo! Kaya kong ubusin ang tatlo!" saad ko pa. Lalong napatanga sa akin si Yuhan. Iniwan ko siya saglit upang um-order ng burger. At dahil mayroon na niyon sa canteen ay doon na rin ako mismo bumili. Bumalik ako sa upuan dala ang tatlong burger na in-order ko. "Kain na tayo," ani ko sa kaniya. Napailing nalang siya sa akin. "Paano ko naman uubusin ang mga ito?" reklamo niya. Hindi ko na siya pinansin dahil abala na ako sa kinakain kong burger. *** Matapos ang duty ko ay tinawagan ko si Bryan na huwag na akong sunduin dahil dadaan pa ako ng grocery store. Sinabi niya rin na hindi niya ako masusundo dahil may meeting pa sila mamayang 5 pm. Saktong paglabas ko ng Hospital ay nakita ko si Yuhan na nakatayo at nakasandal sa unahan ng kotse niya. Sa tingin ko ay ako ang hinihintay niya. Napangiti ako. Tamang-tama dahil sa kaniya nalang ako magpapasama ngayon. Iisang way naman ang dadaanan naming dalawa kaya sa kaniya nalang ako makikisabay ng uwi. "Let's go?" salubong na tanong niya sa akin. "Dadaan ako ng grocery store, samahan mo muna ako?" ani ko. Alam kong hindi niya ako tatanggihan. "Sure," nakangiti niyang tugon sa akin. Hindi nagtagal ay nakarating kami ni Yuhan sa grocery store. Tinulungan niya ako sa paggo-grocery. Siya rin ang tumutulak sa malaking push cart na malapit ng mapuno. Nang mapunta ako sa fruits section ay hindi ko maintindihan ang sarili nang makita ko ang tumpok ng manggang hilaw. Kaagad akong naglaway na lumapit at kumuha ng marami. Sa dinami-dami ng mga prutas na naroon ay iyon lang talaga ang natipuhan ko. "What's with the manggang hilaw, Faith? Buntis ka ba?" Ang tanong na iyon ni Yuhan ang nagpatigil sa akmang paglagay ko ng mangga sa basket. Napabaling ako sa kaniya at sunod-sunod na umiling. "I'm not," tugon ko. Negative ang result ng pregnancy test nang huli akong gumamit kaya alam kong hindi ako buntis. Hindi nga ba? Napailing ako. Kapagkuwan ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. "Hindi ako naniniwala, Faith. Kanina ko pa napapansin ang galaw mo eh. First-time ko nga marinig na inayawan mo ang pagkain eh, ikaw pa naman na walang pinipiling kainin." saad ni Yuhan. Napaisip ako. Oo nga naman. Ngayon lang talaga ako naging mapili sa mga kinakain ko na dati naman ay hindi ko gawain. Plus, nitong nagdaang linggo nakahiligan ko rin na kumain ng mangga. Natigilan ako at napatitig kay Yuhan. "Pero negative ang result ng pregnancy test ko, Yuhan. Ayoko ng mabigo ulit kaya ayoko munang umasa." "Loka ka ba? Bakit hindi ka nagpatingin sa Doctor? Huwag kang umasa sa pregnancy test, sa Doctor ka mismo magpatingin," pagalit na wika niya sa akin. Napayuko ako. Tama nga si Yuhan. Bakit ba ako umasa sa pregnancy test? Bakit hindi ako sa Doctor magpatingin. "Ano, napa-isip ka no?" untag niya sa akin. Napangiti ako, "Tama ka nga. Hayaan mo't bukas na bukas rin ay magpatingin ako kay Doc. Sasha. Hindi na rin kasi normal ang nararamdaman ko nitong nagdaang mga linggo. Baka nga buntis ako." ani ko. Nabuhayan na naman ng bagong pag-asa ang dibdib ko. Sana nga ay buntis ako nang sa ganoon ay matanggap rin ako ni Tita Marites. At speaking of Tita Marites, nang makarating kami ni Yuhan sa bahay ay nandoon na naman siya. Nakataas ang kilay niya sa amin ni Yuhan nang makita niya kaming magkasama na pumasok sa bahay. Si Yuhan kasi ang nagbuhat ng mga pinamili ko at dinala pa ang mga iyon sa kusina. Binati ko si Tita Marites kahit na masama ang tabas ng mukha niya sa akin, "Hi po, Tita." Lalo lamang tumaas ang kilay niya sa akin. "Ang lakas ng loob mong papasokin sa pamamahay na ito ang lalaki mo," Napaawang ang bibig ko sa hindi inaasahang salitang lumabas sa bibig ni Tita. Sakto rin na palabas ng kusina si Yuhan kaya narinig niya rin ang sinabi nito. "Excuse me, Tita, pero alam naman po ninyo at ng lahat na matalik kaming magkaibigan ni Faith noon pa man." may katigasan sa tono ng pananalita na iyon ni Yuhan. Ramdam ko ang pagka-bad trip niya kay Tita. Mabuti nalang at wala si Agatha rito dahil kung narito ang isang iyon ay tiyak na pauulanan nito ng maanghang na salita si Tita Marites. Mainit pa naman ang dugo niyon kay Tita. Hindi rin ako nakapigil at sumagot rin ako kay Tita, "Tama po ang sinabi ni Yuhan, Tita. Don't worry po dahil si Bryan lang talaga ang lalaki sa buhay ko at si Yuhan, best friend ko po siya. Sinamahan niya lang ako mag-grocery at nakisakay na rin ako sa kaniya dahil si Bryan ay may meeting pa." paliwanag ko kay Tita. Pero halatang hindi siya nakontento sa naging dahilan ko. Umasim lang ang mukha niya at lalo lang tumaas ang kilay niya sa akin. Tumayo rin siya at namewang sa amin ni Yuhan. "Hindi ako naniniwala. I smell something fishy between the two of you." aniya saka nagmartsang umalis sa harapan namin ni Yuhan. Nagsalita naman si Yuhan dahil hindi nagustuhan ang sinabi ni Tita Marites, "Wait, Tita." Tumigil naman sa paglalakad si Tita Marites at binalingan si Yuhan na nakataas ang kilay. "Baka po ang naaamoy niyong mabaho ay galing sa bibig mo." Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Tita Marites dahil sa sinabi ni Yuhan. Patago ko rin kinurot si Yuhan pero hindi ito natinag. Si Tita Marites ay pigil ang sariling huwag sugurin si Yuhan. Namumula ang mga mata nito sa galit. "Makakarating ito kay Bryan!" galit niyang sabi. "Go on, Tita. Gusto mo samahan pa kita." saad naman ni Yuhan na tila iniinis pa lalo si Tita Marites. "Argh!" hiyaw ni Tita Marites. Nagdadabog rin itong naglakad palabas ng bahay. Habang naiwan naman ako na hindi makapaniwalang napatingin kay Yuhan. Hinarap niya lang ako at nginitian. "Huwag mong hahayaan na apihin ka lang ng babaeng iyon. Ikaw ang may ari ng bahay na ito at wala siyang karapatan na bastusin ka sa sarili mong pamamahay." Dagdag pang sinabi ni Yuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD