LLAT-9

1424 Words
Marites' Pov Galit kong inihagis ang bag sa dingding. Tumalsik ang mga laman no'n sa kung saang sulok ng silid ko. "Buwesit! Buwesit kang babae ka!" pinagtatadyakan ko ang silyang naroon. Ngunit napa-igik pa ako nang tumama sa isang matigas na bagay ang paa ko. "Aray! Putangina!" Napaupo ako sa kama at sinuri ang paa kong namumula. Inis na hinubad ko ang sapatos na suot at hinilot ang paa ko. Kapag ako nakakuha ng pagkakataon, tapos ang maliligayang araw ng babaeng iyon. Buwesit siya. Ingrata, diputa! Lalo pa akong nainis kay Joel. Ang kapal ng mukha niyang pahiyain ako sa harapan ng babaeng iyon. Ako na asawa niya? Buwesit! Galit kong naikuyom ang mga kamao. Sukdulan na talaga ang pagtitimpi ko. Ubos na ubos na ako! "I will kill you, Joel. Tingnan lang natin kung may kakampi pa ang babaeng iyon. Sisiguraduhin kong wala siyang makukuha ni singkong duling mula sayo!" galit kong wika. Tumayo ako at kinuha ang bag. Naroon sa loob no'n ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at kinuha ito. Dinayal ko ang numero ng kakilala ko na siyang kailangan ko ngayon para sa maitim kong plano. Napangisi ako. Nang sagutin nito ang tawag ay kaagad kong sinabi ang kailangan ko mula sa kaniya. "Give me one bottle, asap." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Tumayo na ako at nagpalit ng bag na dadalhin. Magkikita kami ngayon sa Cafe, doon ko kukunin ang in-order ko mula rito. Kahit paika-ika ay nagawa kong makalabas ng bahay. "Mom, where are you going? Kakarating mo lang aalis ka na naman?" tanong sa akin ng anak kong si Amy. Tinaasan ko ito ng kilay at pinamewangan. "Mind your own buisness, b***h!" sabay martsa ko palabas ng bahay. Pakilamera siya! "Mom!" pahabol na tawag ni Amy pero wala akong panahon na pansinin ito. Pumasok ako sa kotse ko at kaagad iyon pinaandar. Hindi kalayuan sa bahay ang cafe na pupuntahan ko kaya naman wala pang ilang minuto ay narating ko na ito. Mula sa loob ng kotse ko ay nakita ko kaagad ang taong kikitain ko ngayon. Kitang-kita ito dahil salamin ang paligid ng cafe. Nang makalabas ako sa kotse ko ay kaagad ko itong nilapitan. "Good morning, madam." nakangiti niyang bati sa akin. Inismiran ko naman ito bago ako nagsalita, "Dala mo ba?" walang gatol kong tanong saka naupo ako sa silyang kaharap niya. Ngumisi siya sa akin. Lalo ko siyang natitipuhan sa paraan ng pag-ngisi niya. Lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko. "Excited? Take it easy. Baka puwedeng maka-i-score muna?" lalo pa itong ngumisi sa akin. Syempre gusto ko iyon. Ang maka-i-score siya, pero kailangan ko munang magpakipot ng kaonti. "Ayaw ko nga..." pabebe kong tugon rito. Gumalaw ang palad niya. Mula sa ilalim ng lamesa ay gumapang iyon papunta sa hita ko. Hinimas-himas nito ang hita ko na siyang ikinaungol ko naman. Ngunit nang makita ko na may mga tao sa paligid ay hinampas ko ang kamay nito. "Huwag dito," ani ko sa kaniya sa malanding tinig. "Edi, tara na sa gusto mong lugar." aniya. Tumayo ito at nauna nang lumabas ng cafe. Wala namang pag-aatubili na sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa sarili niyang kotse. Bahala na muna ang kotse ko na maiiwan. Pinaandar na niya ang kotse at kaagad iyon pinasibad. Sa isang malapit na motel niya ako dinala. At doon ay nangyari ang madalas mangyari sa aming dalawa. Pumasok kami sa Motel nang alas-otso ng umaga, at nakalabas kami roon ng pasado alas-dyes na. "Akin na ang order ko." untag ko rito nang tumigil na ang kotse sa harapan ng cafe kung saan kami kanina nagkita. Kinuha nito iyon sa bulsa ng pantalon na suot at inabot sa akin. Mabilis ko iyong tinanggap at tinago sa loob ng bag ko na dala. Umurong naman siya palapit sa akin at inilapit ang mukha sa mukha ko. "Pa-kiss nga ulit," Tsk! Kahit kailan ang bolero niya talaga. Pero nagugustuhan ko naman ang pagiging bolero niya. Walang pag-aalinlangan ko siyang kinintalan ng halik sa mga labi bago ako lumabas sa kotse niya. Ngunit sa paglabas ko ng kotse ay bumungad sa akin si Joel. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siyang nakasandal sa kotse kong nakaparada, at nakapamewang ito habang nakatingin sa akin. "J-Joel?" "Saan kayo nanggaling ni Felix at kinailangan mo pang iwan ang kotse mo rito?" kunot ang noo niyang tanong sa akin. Kaagad naman akong humagilap ng aking isasagot kay Joel. Pinigil ko rin ang sarili na huwag mautal sa harapan niya. Inalis ko muna ang bara sa aking lalamunan bago ako nagpatuloy sa pagsasalita, "A-Ano kasi... may pinuntahan lang kami ni Felix. Nagpasama ako sa kaniya, saka iniwan ko na lang ang kotse para sa kaniya nalang ako sasakay." katwiran ko. Sana lang ang may maniwala siya sa sinabi ko. Ngunit kinilabutan ako nang makita ko ang pagsilay ng makahulugang ngiti sa labi ni Joel at napailing-iling rin ito. "Sigurado ka?" aniya. Napalunok ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hindi ko na sinagot ang tanong ni Joel. Mabilis na akong humakbang at nilagpasan siya. Pumasok ako sa loob ng kotse ko. Pero akmang isasara ko ang pintoan ng kotse nang harangin iyon ni Joel gamit ang braso nito, at binigyan niya ako ng isang masamang tingin. "Ano ang ginagawa niyo ni Felix sa motel?" Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Bigla rin akong pinawisan ng malapot. Hindi ko magawang tumitig sa matalim niyang mga mata. "I'm asking you again, Marites, and don't fool me dahil alam ko ang nakita ko kanina." Rumambol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ito maaari. Sinusundan niya ba ako? Lalo akong kinabahan. Pumeke ako ng isang ngiti. Inabot ko rin ang braso niya upang haplusin ito ngunit tila nandidiri niyang inilayo ang sarili sa akin. "Don't touch me lalo na kung nanggaling sa marumi ang kamay mo," Nakagat ko ang pang-ibabang labi at umaktong naiiyak. Ngunit mapanuyang tingin ang ibinato sa akin ni Joel. "I'm tired of you, Marites. Tama na ang paga-acting." "Hindi ako uma-acting, Joel. Wala talaga kaming ginagawa ni Felix. Nag-usap lang kami—" Pinutol niya ang sasabihin ko, "Nag-usap at sa loob pa mismo ng motel? For god's sake, Marites, hindi ako tanga!" sininghalan niya ako kaya napa-iyak na ako ng makatotohanan. Sinadya kong panginigin ang boses ko para mapaniwala ko siya. Humagulhol rin ako ng iyak at isinubsob ko ang mukha ko sa palad ko. "Alam ko naman na hindi mo ako minahal, Joel, pero sana naman huwag mo akong pagbintangan. Hindi ako maruming babae, alam mo iyan." Muli ay humagulhol ako ng iyak. Katahimikan ang narinig ko. Walang sagot na natanggap mula sa kaniya. Kaya nag-angat ako ng tingin. Akala ay umalis na siya pero naroon pa rin siya't nakatitig sa akin ng mariin. "J-Joel, believe me—" Ngunit hindi ko natapos ang sasabihin nang may diin siyang nagsalita. "Enough of your lies, Marites. I know what I saw at kahit lumuha ka pa ng dugo riyan ay hinding-hindi ako maniniwala sayo. Look at yourself in the mirror. Hindi ka ba nahihiya sa mga anak natin? Uuwi ka ng may chikinini sa leeg?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Joel. Wala sa sariling kinapa ko ang aking leeg. Pagkasabi niyang iyon ay mabilis na siyang umalis. Samantalang natataranta naman akong tumingin sa salamin upang salatin ang aking leeg. "f**k!" angil ko nang makita ko ang pulang marka sa leeg ko. Sa galit at inis na nararamdaman ko ay bumaba ako sa kotse ko at tinungo ang kotse ni Felix na ngayon ay nakaparada pa rin. Kumatok ako sa pintoan ng kotse niya at nang buksan niya iyon ay isang malakas na sampal ang iginawad ko sa pisngi niya. "Babe, what's wrong?" gulat niyang turan sa akin. "Gago ka ba? Bakit mo nilagyan ng marka ang leeg ko? Buwesit!" singhal ko sa mukha niya sabay martsang naglakad pabalik sa kotse ko. Kailangan kong makauwi ng mansiyon at maisagawa ang plano ko kay Joel. Kailangan maunahan ko siya. Lalo na ngayong may alam na siya tungkol sa akin at kay Felix. Wala kaming relasyon ni Felix. Gusto ko lang siya dahil nabibigay niya sa akin ang bagay na hindi naibibigay ni Joel. At iyon ay ang p********k. Ilang taon na rin namin itong ginagawa ng patago. At hindi ko aakalain na sa pagkakataon na ito ay mabibisto ako ni Joel. Pero wala na akong pakialam. Mamamatay na rin naman siya. At ako ang tatapos ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD