LLAT-8

1537 Words
Dumaan ang mga araw na naging madalas ang pagbisita ni Tita Marites sa bahay na dati naman ay hindi niya ginagawa. Minsan pa ay pupunta lang siya roon upang pagsabihan ako ng kung anu-ano. Kung hindi ako ay si Bryan ang kakausapin niya. Kesyo pabibo raw ako at papansin. Kinukuha ko raw ang atensyon ni Daddy Joel na dapat raw ay kaniya. Minsan ay hindi ko nalang pinapansin ang walang kuwenta niyang paratang sa akin, pero may pagkakataon na napupuno rin ako at hindi maiwasang sagutin siya. Isang umaga ay nagulantang na lang ako sa aking mahimbing na pagtulog nang isang hampas sa balikat ang naramdaman ko. Kaagad akong napabalikwas ng bangon at pupungas-pungas. "Hoy, señorita! Bumangon ka na riyan!" isang dumadagundong na boses ang narinig ko. At kay Tita Marites iyon nanggaling. Nandito na naman siya. Sa tuwing papasok sa trabaho si Bryan ay siya namang pagsulpot niya. Madalas niya itong gawin. Minsan magugulat na lang ako na nasa loob na siya ng silid naming mag-asawa, katulad ngayon. Nakatayo siya sa harapan ko at nakapamewang. Naka-arko ang kilay niyang manipis at nakatikwas ang tuktok ng labi niya. Para siyang kontrabida sa kuwento ni Ariel. Isa sa mga paborito kong fairytale story. Ang pinagkaiba lang hindi siya taong pugita, kundi tunay na tao. Hindi kulay violet ang balat kundi maputi. Hindi rin siya mataba, sexy siya kahit may edad na. Pero ang ugali nila ay parehong-pareho. "T-Tita–" "Bumangon ka na! Ano ka donya? Wala na ngang silbi ang matress mo, wala ka pang silbi rito sa bahay!" Bahay namin! Gusto kong itama ngunit isinaloob ko na lang. Masakit ang sinabi niya ngunit sanay na ako. Humingi ako ng leave sa trabaho dahil madalas na masama ang pakiramdam ko nitong nakaraang linggo, pero imbes na makapagpahinga ako ay heto siya. Dakdak nang dakdak sa sariling pamamahay ko. Kung tratuhin ako ay parang siya ang amo sa bahay na ito at ako ay isang katulong. Nang hindi agad ako nakakilos ay bigla na lamang niya hinila ang buhok ko. Nagulat ako at hindi nakahuma. Nalaglag ako sa kama. Napadaing ako sa sakit nang tumama ang pang-upo ko sa malamig na sahig. "Tita, aray! Ano ba!" hiyaw ko. Ngunit hindi siya tumigil. Nagpatuloy siya sa pagsasabunot sa akin. Tinulak ko siya ng malakas kaya natumba siya sa sahig. "Tama na po!" wika ko sa malakas na tono. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Tumayo siya at akmang susugurin ako nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa no'n si Daddy Limuel. "What is happening here? Faith? Marites?" nakakunot ang noo na tanong ni Daddy. Nakita niya akong nakasalampak sa sahig kaya kaagad niya akong nilapitan at tinulungang makatayo. "Ano ang nangyari sayo, Hija?" Hindi kaagad ako nakasagot. Napangiwi ako at napaupo sa kama. "How about me honey? Hindi mo ba ako tutulungan? Natumba ako dahil sa kagagawan ng babaeng iyan!" galit na sabi ni Tita. Nilapitan rin ni Daddy ang asawa niya at tinulungan itong makatayo. Inis na pinagpag ni Tita ang damit niya at muli akong tiningnan ng masama. Akmang susugurin na naman niya ako nang mahigpit siyang hawakan ni Daddy Joel sa braso. "Stop! Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo sa bata? Don't fool me, Marites, I know you!" galit na sabi ni Daddy rito. Nakita kong natigilan si Tita. Biglang umamo ang kaniyang mukha. Kapagkuwan ay sinapo nito at hinaplos ang mukha ni Daddy. "Honey, let me explain, okay? Hindi ko naman sinasadya, eh." pagmamakaawa ni Tita. Ngunit galit na tingin lang ang ibinigay ni Daddy rito. Kapagkuwan ay hinawakan sa braso ang ginang at hinila palabas ng kuwarto ko. Naiwan akong napabuntonghininga na lang. Matagal muna akong naupo sa kama habang iniisip ang nangyari kanina lang. Hindi ko talaga maintindihan si Tita kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa akin. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong hindi maganda sa kaniya. Tumulo ang luha ko. Kailan niya kaya ako matatanggap para sa anak niya? Gano'n ba niya ako ka hindi gusto? Hindi ko na lang sinasabi kay Bryan ang tungkol sa mapangahas na pagtrato ni Tita sa akin. Ayaw kong mag-away silang mag-ina dahil sa akin. Napatayo pa ako nang biglang umikot ang sikmura ko. Napatayo ako at napatakbo sa banyo. Napaduwal ako dahil nangangasim ang aking sikmura. Nang mailabas ko ang lahat ng gusto kong ilabas ay napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ilang araw nang ganito ang pakiramdam ko. Sa tuwing gigising ako sa umaga ay nangangasim lagi ang sikmura ko. Hindi kaya nagdadalantao ako? Ayaw ko mang umasa pero ang nararamdaman ko ngayon ay isang pangunahing nararamdaman ng mga babaeg buntis. "Possible kayang buntis ako?" pagkausap ko sa sarili. Isa lang ang paraan para malaman ko kung totoo ang aking hinala. Ang gumamit ng pregnancy test. Naligo ako at nag-ayos. Pagkatapos ng almusal ay pupunta ako sa malapit na Drugstore. Wala pa man ay na-e-excite na ako. Sana lang ay hindi ako mabigo sa pagkakataong ito. Para hindi na ako matawag na walang kuwenta ni Tita Marites. Baka ikatuwa pa niya kapag magkaroon na siya ng apo sa akin. Malay ko baka maging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Masigla akong bumaba ng hagdan patungo sa kusina. Ngunit naabutan ko roon sina Tita Marites at Daddy Joel na nagtatalo. Nakikita ko ang galit sa kanilang mga mukha habang nagbabatuhan ng masasakit na salita. "Huwag na huwag mo nang uulitin iyon, Marites, dahil hindi ako nangingiming patalsikin ka sa pamamahay ko!" narinig kong sabi ni Daddy kay Tita. Nakita ko pang tumaas ang kanang kamay ni Tita at malakas na sinampal si Tito. "All these years pinakisamahan ko siya Joel! Wala akong ibang ginawa kundi ang sundin ang gusto mong mangyari! Pero gaganituhin mo ako? Papatayin kita, Joel!" Kinilabutan ako sa salitang binitawan ni Tita. Kung nagbibiro siya ay hindi magandang biro iyon. Asawa niya ang pinagsasabihan niya ng malagim na salitang iyon. Nakita kong hindi natinag si Daddy Joel sa sinabi ni Tita. Tumawa lang ito saka hinaplos ang pisnging sinampal ni Tita. "I'm not scared to death, Marites. I will make sure na bago mo iyon magawa ay maililipat ko na ang lahat sa kaniya." wika ni Daddy at tinalikuran si Tita Marites na ngayon ay hilam na ng luha ang mga mata. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinaghuhugutan pero kinakabahan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nila. "F-Faith–" napatingin ako kay Daddy Joel. Nakatayo na pala siya sa harapan ko. Mababakas ang kalungkutan sa mga mata niya. "Daddy, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ninyo ni Tita." napapalunok kong wika. Ngumiti lang siya sa akin saka hinaplos niya ang pisngi ko. Nakita ng gilid ng mga mata ko kung paano nag walk out si Tita. Lumabas ito ng kitchen at iniwan kami ni Daddy. "Take care always, anak. Don't worry, hindi ka na sasaktan ng asawa ko, I'll make sure of it. Kinausap ko na siya." hinalikan ako ni Daddy Joel sa noo. Napapikit ako ng mga mata. Nakakita ako ng isang ama sa katayuan niya. Siya ang palaging nagtatanggol sa akin laban kay Tita at sa dalawang kapatid ni Bryan. Nagmana kasi ang ugali nina Amy at Terrel sa kanilang ina. Hindi katulad ni Bryan na minana naman ang ugali ng ama. Bihira nga lang pumunta rito sina Amy at Terrel dahil nag-aaral palang ang mga ito. Mabuti na rin iyon dahil kung pupunta naman dito ay aawayin lang ako. Sumusunod kasi sila sa utos ni Tita. "Thank you po, Daddy. Salamat po dahil nariyan kayo palagi para sa akin. Para ko na po kayong tunay na ama. Salamat po sa pagtanggap mo sa akin para kay Bryan." naiiyak kong saad. "Sshh. It's okay baby. Mas nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Mahalin niyo palagi ni Bryan ang isa't isa ha. Palagi kayong magtulungan, at kahit anong pagsubok ang dumating sa inyo ay huwag niyong susukuan. Paglabanan niyo itong magkasama, anak." madamdamin niyang pahayag. Hindi ko maintindihan pero lalo akong naluha sa sinabi ni Daddy Joel. Napakabait niya at malawak ang pag-iintindi. Kung bibigyan ako ng panginoon ng pagkakataon na bigyan ng isang ama, siya ang hihilingin ko. "Okay, anak. I'll go ahead. May meeting pa akong pupuntahan ngayon. Take care ha." paalam ni Daddy sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Nang makapasok na siya sa loob ng kotse ay noon lang ako pumasok sa loob ng bahay. Katulad ng sinabi ko kanina ay mag-aalmusal muna ako bago tumungo sa Drugstore. "I can't wait..." nakangiti kong bulong. Sana sa pagkakataon na ito ay mabigyan na kami ng supling ni Bryan. Pero kung hindi man, ay malugod ko pa rin iyong tatanggapin. Nang makabili ako nang pregnancy test ay kaagad na akong umuwi ng bahay. Mabilis akong tumungo sa banyo at nag-urine test. Kinakabahan ako habang hinihintay ko ang resulta. Panay ang paroon at parito ko. Aligaga ako at hindi maintindihan ang nararamdaman. Nang kunin ko ang pregnancy test ba ipinatong ko ay nanginginig ang kamay ko. Nang makita ko ang resulta ay napa-iyak ako. Ilang beses na akong gumamit nito at iisa lang ang naging resulta. "Failed..." Sa isa pang pagkakataon ay nabigo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD