LLAT-5

1180 Words
Saktong katatapos ko lang magluto nang tumunog ang buzzer. Alam kong si Bryan na iyon kaya naman kaagad kong tinungo ang maindoor upang pagbuksan siya. "Bryan," aniya ko. Kaagad kong kinuha ang attached case niyang bitbit at hinalikan siya sa pisngi. "Hi, sweetheart," sabay sapo niya sa bewang ko at hinalikan ako ng mapusok sa mga labi. Napaungol ako at napakapit sa leeg niya. Naisandal niya ako sa hamba ng pintoan habang patuloy siya sa paghahalik sa akin. Gumanti rin ako at mahigpit siyang niyakap. Nang magsawa ang mga labi namin ay magkahawak kamay kaming tumungo sa dining. "Ang sasarap na naman ng mga pagkain! Tiyak mabubusog na naman ako nito." komento ni Bryan nang makita ang mga nakahain sa mesa, na ikinangiti ko naman. Mga paborito niyang ulam kasi ang mga inihanda ko. "Syempre naman! O, sige kumain ka na," wika ko. Pinagsilbihan ko siya. Pinagsandok ng kanin at ulam. Pagkatapos ako naman ang pinagsilbihan niya. Gano'n kaming dalawa ni Bryan. Nasa kalagitnaan kami ng paghahapunan nang magtanong siya sa akin. "Anong oras ka pala nakauwi? Saka bakit hindi mo ako hinintay?" seryusong tanong niya. Bumuntonghininga ako. "Mga alas singko na ako nakauwi, Bryan. Hinintay kita sa canteen. Tawag nga ako ng tawag sayo pero out of coverage naman ang phone mo. Mabuti na lang pauwi na rin si Yuhan kaya nakisabay na lang ako," sagot ko. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Tumango-tango lang ito. "Pasensya ka na, sweetheart. Low bat kasi ang phone ko kanina. Naki-hiram ako kay Paolo ng phone para sana tawagan ka pero tumawag naman si Mom sa phone niya para kausapin ako. At nang pumunta ako sa Hospital wala ka na doon." Nangunot ang noo ko. Ang sabi kasi ni Tita Marites si Bryan ang tumawag sa kan'ya. Iyon pala ay siya ang tumawag sa asawa ko. Pero bakit naman nag-sinungaling si Tita? Napailing na lang ako. Hindi ko na lang binanggit kay Bryan ang tungkol sa sinabi ni Tita kanina. "Akala ko kasi hindi ka na dadating, Bryan. Pasensya ka na." ani ko. Ngumiti naman siya sa akin. "It's okay, sweetheart." Hindi naman niya binanggit ang tungkol sa pagdaan namin ni Yuhan sa Mall kanina kaya hindi ko na rin iyon pinaalam sa kaniya. Total wala namang masama doon. Si Tita Marites lang naman ang marumi ang isipan. Nang matapos kami sa paghahapunan ay tinulungan niya ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Nag-presinta siyang tulungan rin ako sa paghuhugas ng mga plato ngunit mariin ko siyang tinanggihan. "Magpalit ka na doon, mahal. Ako na ang bahala rito." utos ko sa kaniya. He kissed me before leaving the dining area. Nang matapos rin ako sa ginagawa ay umakyat na rin ako sa pangalawang palapag ng bahay namin. Pagkapasok ko sa silid ay wala si Bryan. Sa tingin ko ay nasa banyo pa rin siya at nakompirma ko iyon nang bigla siyang lumabas mula roon. Napatitig ako sa kaniya. Partikyular sa macho niyang katawan. Nakatapis lamang siya at tumutulo pa ang butil-butil na tubig sa dibdib at tiyan nito. Para naman akong kinilig sa asawa ko. Hindi nakakasawang tingnan ang kaguwapohan niya. Lalo lamang akong nai-inlove. "Sweetheart," napakurap-kurap ako nang mapansin na nasa harapan ko na pala siya ngayon. "Bryan..." He softly caressed my cheek down to my neck. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. He smiled. "Tara na, sweetheart. I need to rest early dahil bukas maaga akong gigising." malambing niyang sabi sabay buhat niya sa akin. Dinala niya ako sa higaan namin. "Gusto mo ng masahe?" tanong ko sa kaniya. Kaagad siyang tumango at ngumiti. "As always, sweetheart." sabi niya. Dumapa siya sa higaan. At ako naman ay kinuha ko ang oil na ginagamit ko sa tuwing imamasahe ko siya. Nang umpisahan ko ang ginagawa ay narinig ko ang pag-ungol niya. Napangiti ako. Palagi ko itong ginagawa kay Bryan, para kahit doon man lang ay mapawi ko ang pagod niya. Nang marinig ko ang paghilik ni Bryan ay alam kong tulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha niya, alam kong pagod siya kaya nakatulog ito kaagad. Ang sipag naman kasi ng asawa kong ito. Minsan nga kahit nasa bahay ito ay palaging nakaharap sa laptop niya. Gano'n siya ka tutok sa kaniyang trabaho. Pero gayunpaman ay hindi siya nawawalan ng oras para sa akin. Napabaling pa ako sa bedside table nang marinig ang pag-beep ng cellphone ni Bryan. Walang pag-alinlangan ko iyong kinuha. Mom sent a message... Na curious ako kung ano ang mensahe ni Tita kaya nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Siguro wala namang masama kung mababasa ko 'diba? Hindi naman ako ibang tao. Pero talagang hindi ko ugali ang mangialam ng gamit ng iba, kahit pa gamit ni Bryan. Kahit sabihin na asawa niya ako. Kaya kalaunan ay binalik ko na lang ang cellphone niya sa bedside table. Nahiga ako sa tabi ni Bryan. Nang maramdaman niya iyon ay kaagad siyang tumagilid ng higa paharap sa akin saka ako niyakap. Napangiti ako. Muli ko pang narinig ang pag-beep ng phone niya pero imbes na pansinin iyon ay pinikit ko na lang ang aking mga mata. ... Kinabukasan ay abala ako sa pagluluto ng almusal ni Bryan nang marinig ko ang boses ni Tita Marites sa sala. At mukhang kausap nito si Bryan. Medyo may kalakasan pa ang pag-uusap ng mga ito, iyong tipo na parang nagtatalo ang dalawa. Matapos ang paghahanda ko ng pagkain ay naglakad ako patungo sa sala para sana ayain silang mag-almusal. Pero natigil ako sa paglalakad nang marinig ang kanilang pinag-uusapan. "I told you, son! Bakit ba ayaw mong maniwala? Ako ang nakakita na nag-date silang dalawa sa Mall!" "Mom, hindi naman porke na sumama ang asawa ko sa kaibigan niya ay nag-date na kaagad sila? Stop this nonsense, mom. Pumunta ka lang talaga dito para lang sabihin sa akin iyan." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa narinig kong sinabi ni Tita. Date? Kami ni Yuhan nag-date? Ano kaya ang almusal ni Tita at ganoon na lang ang mga pinagsasabi niya ngayon? Baka nag-almusal ito ng bagoong kaya mabaho ang chismis na dala. Chismis na walang namang katotohanan. At saka bakit ba sinisiraan niya ako kay Bryan? Narinig ko pa muli ang sinabi ni Tita kay Bryan. "Ang sabihin mo, malandi lang iyang asawa mo! Kakampihan mo pa kasi!" galit pa nitong sabi sa asawa ko. Nagpantig ang tenga ko. Hindi ko na natiis pa kaya tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila. Gulat namang tumingin sila sa akin. Lalo na si Tita Marites. "Breakfast is ready," ani ko. "Sweetheart..." Kaagad akong nilapitan ni Bryan. "I'm sorry about... what you heard." hinging paumanhin niya. "It's okay. Tara na," binalingan ko rin si Tita na nakatayo. Nakataas ang kilay nito sa akin. Nginitian ko pa rin siya."Tara na po sa hapag, Tita." magalang kong aya ko rito. Nakita ko ang pag-ismid niya sa akin pero sumunod rin naman ito sa dining. Pagkaupo nga nito ay nauna pa itong sumandok ng niluto ko. Siguro kung masama lang ang ugali ko ay kanina pa bumula ang bibig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD