CHAPTER 4
Steph POV:
Panibagong araw na naman ang sumalubong sa akin. Masyadong matulin ang oras kung tumakbo kaya hindi mo namamalayan na mabilis lumipas ang kahapon.
Napahinga ako nang malalim habang tinatahak ko ang daan patungo sa University. Mabigat kasi ang loob ko ngayon. Para bang may problemang sasalubong sa akin sa kalooban ng Campus. Kung sabagay, meron nga pala akong punishment kaya aasahan ko na magiging magulo ang buhay ko ngayon.
Pagkapasok ko pa lang ng gate ay
agad na lumaki ang aking mata dahil sa
maraming basura ang bumungad sa paningin ko. Nakatambak ito at kumpol-kumpol talaga. Halatang sadya ito at plinano nang husto dahil hindi naman ganito ang mga basura sa University.
My Ghad! Isang tao lang ang pwedeng gumawa nito. Alam kong inaasar niya lang ako. Pero napakademonyo talaga ng Mr. Bola na 'yon. Siya ang rason kung bakit ako maglilinis ngayon.
Kung pwede lang sanang mangsakal ng
tao siguro matagal na siyang nalagutan ng hininga.
At kung mamamatay man siya, tiyak na magdidiwang ako. Baka nga buong barangay, ilibre ko pa ng kape. And of course, magpapalagay pa ako ng malaking bandereta sa may gate at may nakasulat na, "HAPPY CONDOLENCE MR.BOLA" sabay lagay pa ng malaking emoticon na HAHA para naman bongga ang pag punta niya sa impyerno noh. Ganyan ako kasupportive na tao pagdating sa lalaking 'yon.
Dahil sa pumasok sa isipan ko ay napangisi ako nang malawak. Kung inaakala ng bola na 'yan na mapapataob niya ako, nagkakamali siya
Pero yung ngiti ko na 'yon ay biglang napawi nang masilayan ko ang lalaking pangiti-ngiti rin na lumalapit sa pwesto ko. Naniniwala na ako sa mga kasabihan ng matanda. Medyo tama nga sila sa parte na kapag iniisip mo ang isang tao ay kusang dumarating ito. And yes, dumating nga si Mr. Bola. Ang baliw na basketball player na feeling pogi.
"Goodmorning ganda... Hayy, grabe ang araw ngayon. Ang daming basurang
nakatambak ohh... Balita ko, day off pa naman ng mga janitor ngayon," wika nito na alam kong pinaparinigan ako.
"Day-off? O baka naman sinabihan mo sila na huwag maglinis dahil gusto mo akong makita na humahakot ng basura," giit kong turan sa kanya.
Imposible naman kasi na magkaroon ng day-off ang guard dito. This is an expensive University. Mahal ang tuition. At isa ito sa pribadong Unibersidad na sikat sa Manila. Kaya walang day-off dito ang bodyguard sapagkat binabayaran sila.
"Well, isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Ang mahalaga ay makakatulong ka sa paglinis," saad niya habang nakangisi.
Dahil ayoko ng madagdagan pa ang punishment ko ay inirapan ko na lanang ang binata. Ayoko na siyang pansinin pa dahil baka humantong sa awayan at bangayan naman ito.
Kaya lang, hahakbang na sana ako kaso bigla siyang nagsalita ulit.
"Nga pala ganda, sabi ni Dean, kamay lang daw ang gagamitin mo sa pag-alis ng mga basurang yan, para sa gano'n ay pulido ang paglilinis mo. Walang matitira na kahit isang kuting na basura," sambit niya habang tinuturo ang nakatambak na basura.
Ewan ko ba pero agad na kumulo ang aking dugo dahil sa pagiging mapang-asar niya.
"Ganon ba? Ayos lang, sanay naman
akong maglinis eh... Pero mukhang may isa pang basura na kulang dyan eh. I think, nakalimutan mo yatang isa ka ring basura. Kaya dapat sayo, nakatambak din dyan!" bulyaw ko at malakas ko siyang itinulak dahilan nang pagkatumba niya sa mga basurang nakatambak.
"Ganda! Ang baho!" baing nito sa akin.
"Buti naman at naamoy mo ang sarili
mo. Dahil 'yang baho na 'yan, ay kasing-baho ng pag-uugali mo! So pa'no Mr.Bola, bonding muna kayo ng mga kamag-anak mo! Bye-bye!" insultong pahayag ko sa kanya na may ngiti sa labi sabay dila ko pa rito.
Agad na akong tumalikod at masayang
nagtungo papasok sa aking classroom.
Nang makatunton ako roon ay nakita ko naman agad ang aking bestfriend na si Tina na nakapamewang habang nagsasalubong ang kanyang dalawang kilay. Kulang na lang ay maging kulubot na ang balat nito sa noo.
"Steph, alam kong maganda ka pero sana naman huwag kang easy to get bestie," wika niya dahilan para maguluhan ako.
Napakunot-noo tuloy ako sa kanyang sinabi.
"So, wala ka bang balak na sabihin 'yon sa akin? Akala ko ba, bestfriend mo ako?" sambit muli nito.
"Huh?" Ayan na lamang ang aking naitutugon. Hindi ko talaga siya magets. I don't know what she's talking about.
"Huh-huh? Bestie naman, huwag ka na nga dyan magmaang-maangan pa... Maraming nakakita sa inyo, so please don't deny it," saad ni Tina na parang naiinis na.
"Tina, ano bang sinasabi mo?" tanong ko na rin sa kanya.
"So ngayon, ikinahihiya mo na ang boyfriend mo?" wika niyang muli.
"Boyfriend? Tina, wala akong boyfriend! Alam mo namang si Mr. Mysterious lang ang gusto ko na maging boyfriend. Kaya ano bang lumalabas sa bibig mo? Nawawala ka na yata sa katinuan mo," inis na sabi ko na rin sa kanya at nilampasan ko siya.
"Kung wala kang boyfriend, sino yung humila sayo kahapon? Sabi kasi ng mga estudyante rito, yung anak daw ni Dean ang humila sayo na parang magka-holding hands pa nga kayong dalawa." pahayag niya sa akin nang masundan ako.
Si Mr.Bola ba ang tinutukoy niya?
"Tina, hindi ko alam kung anak 'yon
ng Dean o kung sinong Pontio Pilato pa siyang magulang. Basta ang alam ko, yung lalaking nanghila sa akin ang dahilan kung bakit ako mag lilinis ngayon." Gigil na sambit ko. Siguro naman ay nagets na ni Tina yun dahil hindi na siya nangulit pang makipagchikahan.
Matapos magdiscussed ng guro ay tumungo na ako sa Gym. Doon kasi ako
magsisimulang maglinis dahil alam kong isa ito sa paboritong lugar ng mga estudyante.
And as usual naman, ang daming
mineral na bote ang nakakalat.
"Ang tatanda na, hindi pa rin marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan," sambit ko habang pinupulot ko ito isa-isa.
Nakakainis kasi ang mga taong ganon. Wala ba silang disiplina sa kanilang sarili at hindi pa rin sila marunong ng tama at mali. Tsk.
Habang patuloy naman ako sa pagpupulot ay naantig ang aking tenga sa dalawang babaeng nag-uusap ngayon.
Masyado silang seryoso kaya hindi ko maiwasan na pakinggan ang kanilang usapan.
Kilala ko yung isang babae. Siya si
Samantha, napakaganda nya. Maramu ring nakapagsabi na mabait daw si Samantha.
"Ang gwapo ng kasama mo kahapon Sam, ha? Boyfriend mo ba yon?" rinig kong tanong ng babaeng may maikling buhok.
"Hindi ko 'yon boyfriend. Kaibigan ko lang yung kasama ko," sambit na sagot naman ni Samantha.
"Ganon ba? Pakilala mo naman ako sa kanya oh. Type ko kasi siya," hirit ng babae na kinikilig pa.
"Hay naku, huwag ka ng umasa, engage na kaya 'yon. Ikakasal na 'yon sa ibang babae," wika muli ni Samantha at tuluyan na silang lumabas ng Gym.
Bigla ko namang natanong sa sarili ko, kung sino ba yung lalaking tinutukoy nila? Dahil katulad ko, ikakasal din ako. Ikakasal ako sa taong hindi ko pa nakikita.