Chapter 3
Steph POV:
It's another day again... Kasalukuyan naman akong nasa classroom dahil masyadong maaga ang pagpasok ko sa University. Nakasanayan ko na yata ang maging early bird dahil masyado kong ginagalingan ang pagpasok dito. Madalas nga ay nakakasabay ko pa ang mismong guard kung kaya't kilalang-kilala na ako ng guard dito sa University na pinapasukan ko.
I'm trying my best naman nang tamang oras para sa klase, kaya lang, masyado talaga akong napapaaga. And yes, ako pa lang ang nag-iisa dito sa room. Kaya nakakabagot din para sa akin ang maghintay sa mga kaklase ko. Kaya naisipan kong manood na lamang ng k-pop video para kahit papaano ay hindi ako makaramdam ng pagkabagot.
I love k-pop. Sa tuwing pinapanood ko sila ay parang nasisiyahan ako at nababawasan ang init ng aking ulo. So for me, they are also my happy pill. Pero syempre, wala pa ring tatalo sa Mr. Mysterious ng buhay ko.
"Ang gagwapo talaga nila. Wala na yata akong masasabi pang negatibo sa mga ito. Dahil nakakalaglag panty ang kagwapuhang taglay nilang lahat," mahinang sambit ko sa aking sarili na tila kinakausap ko sa hangin ang mga k-pop na siyang pinapanood ko ngayon.
"Hanggang pangarap ka na lang Ganda. Huwag ka ng umasa. Hindi ka mapapansin ng mga 'yan," sulpot na saad ng isang lalaki mula mismo sa aking likuran.
Dahil sa boses na iyon ay muntik ko pang mahulog ang phone ko dala ng aking pagkagulat. Kung hindi niyo naitatanong ay magulatin talaga akong tao. Kaya kahit mahina o sigaw pa 'yan ay talagang tunay ang gulat ko.
Inis tuloy ako napalingon sa lalaking nanggulat sa akin para sana pagsabihan siya. Pero nang makilala ko ito ay naningkit ang aking mata kasabay nang pagtayo ko.
"Ikaw?! Ikaw na naman?! Hindi ka ba nadala sa pag buhos ko sayo ng coke Mr. Bola?! O baka naman, gusto mo pang sirain ko 'yang buhay mo para matigil ka lang!" paninigaw ko rito kaso tumawa lang siya.
"Ah, alam ko na... Stalker yata kita dahil alam mo kung saang room ako matatagpuan. Sinasabi ko na nga, nagagandahan ka sa akin at ginagawa mo pang dahilan ang pamimikon mo para lang mapansin kita. Tama ba ako?" patuloy kong sabi sa kanya.
Masyadong mataas ngayon ang paningin ko sa sarili ko. Paano, hindi malabong magustuhan ako ng lalaking ito dahil na rin sa angkin kong kagandahan.
Hindi ko na rin maiwasan na pag-isipan siya ng masama dahil para siyang kabute na bigla na lang susulpot sa likod ko.
Yes, si Mr. Bola ang tinutukoy ko at wala nang iba. Siya ang unang lalaking nagpapagulo at nagpapainit ng ulo ko. At siya lang ang nag-iisang taong kinaiinisan ko!
"Ganda, mga pangit lang ang stalker. Sa gwapo kong ito ay hindi ako nababagay maging stalker mo... Siguro isang taga-hanga mo ay pwede pa," confident na wika niya na hindi man lang nabulol.
Kung mayabang ako, mas mayabang yata ang lalaking ito.
"Tsk. Gwapo na ba ang tingin mo sa mukha mong 'yan? Hindi kasi halata Mr. Bola." wika ko sa kanya na may halong pang- iinsulto.
Poging-pogi kasi siya sa kanyang sarili na tila ang taas ng tingin niya.
"Aray naman ganda. Below to the belt na 'yang salita mong 'yan. Hindi mo ba alam na tao lang din ako at nasasaktan? Sabagay, hindi mo pala mahalata 'yon dahil yung kagwapuhan ko ay parang Mayong Volcano, napaka-perfect kung titingnan," ani niya ulit.
"Talagang magiging bulkan ka talaga dahil handa akong pasabugin ka Mr. Bola kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko. Nakakabwisit 'yang mukha mo. Makita lang kita ay parang gusto na kitang tirisin," gigil kong sambit.
"Ganda naman, kung laitin mo ako parang wala kang atraso sa akin. Saka teka nga, hindi mo ba ako kilala?" tanong nito na parang di makapaniwala.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima at anim na segundo ako natigilan sa tanong niya, pakatapos nito ay bigla akong tumawa.
Seriously, tinatanong pa ba yan? Syempre hindi ko siya kilala noh... Ngayon ko nga lang nakita ang pagmumukha niyang 'yan. Dahil sa totoo lang, wala akong panahon para kilalanin ang ibang lalaki.
Si Mr. Mysterious lang ang gusto kong makilala.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ng mukha niya na ngayon ay sobra yatang nagulat si Mr. Bola dahil sa pagtawa ko.
Parang pinapahiwatig niya sa kanyang mata na, "Are you serious that you don't know me?" ganern. Kaya tinaasan ko siya nang kilay at napaayos nang pagkakatayo.
Nagawa ko na rin siyang tingnan mula ulo hanggang paa.
"Oi Mr. Bola, wala akong atraso sayo! At simula't una pa lang, ikaw itong nanguna sa ating dalawa. Baka nakakalimutan mong binato mo ako ng bola sa mukha. Na hindi ko alam kung ano bang dahilan mo ba't mo nagawa sa akin 'yon... At kung hindi mo sana ako ininis kahapon edi sana hidi kita bubuhusan ng coke! And lastly, hindi talaga kita kilala dahil hindi ka naman famous! Bakit, celebrity ka ba?" mataray na sambit ko muli sa kanya.
"Maganda ka sana, kaso napakadaldal mo naman," saad nito sa akin.
"Alam ko naman na maganda ako. I'm aware of it, kaya hindi mo na kailangang ulitin pa.
So please lang ha, umalis ka na dito! Shoo
shooo! Hindi ka naman siguro ang may-ari ng University na ito. Kaya alis!" pantataboy ko rito na parang isa siyang manok kung bugawin ko ang lalaki.
Pero gaya nang ginawa kong pagtawa sa kanya ay siya na rin itong tumawa sa akin na tila ba ginagantihan niya ako.
"You know what ganda, para kang alien. Hindi mo kilala yung kaharap mo!" natatawang saad nya.
"OYY BOLA, wala akong oras na kilalanin ka! Umalis ka na nga! Para kang tanga dyan!" bulyaw ko ulit rito dahilan para ako na itong maasar sa binata.
"Don't worry ganda, aalis naman talaga ako pero dapat kasama ka," sambit ng binata at wala pasakalyeng hinila ako palabas ng room.
"Bitiwan mo nga ako! Kidnapping na ang ginagawa mo ha! Saan mo ba ako dadalhin?! Tarantado ka! Rapist ka yata eh! Gusto mo bang kasuhan kita!" Pagsisigaw ko habang hila-hila ako ng lalaking ito.
Kung titingnan ay para kaming magkaholding-hands dahil sa hila-hila niya ako.
"Ayaw mo no'n, gwapo ang nagkikidnap sayo. Saka malabo ako maging rapist dahil hindi ko pinangarap iyan. Kaya huwag mo akong ihahalintulad sa kanila, Ganda... Dahil para sabihin ko sayo, isa akong blessing para sa mga babae. At swerte mo dahil ikaw itong nagustuhan kong pamahagian ng blessing," pakindat na sambit niya.
Like ewww. Nakakakilabot ang Mr.Bola
na to!
Maya-maya ay nahinto kami sa office ng DEAN.
Ayan agad ang nabasa ko kaya awtomatikong lumaki ang mga kong mata.
singkit
"Ba't mo ako dinala dito?!" sigaw na tanong ko sa kanya.
"Pumasok ka, para malaman mo ganda," wika nito sa akin.
Tinarayan ko muna siya bago ako pumasok sa loob ng Dean's office.
Nakita ko naman agad ang Dean na siyang nakaupo.
"So you must be Ms. Stephanie Gab? Am I right?" tanong niya na aking ikinatango.
"Yes Maa'm," pagsasagot ko.
Tinuro niya naman ang chair para ipahiwatig na umupo ako.
"Siguro naman ay alam mo na kung bakit kita pinatawag," paninimula nito. Na kaagad akong umiling bilang tugon. Dahil wala naman akong ideya kung bakit ako hinila ni Mr. Bola dito sa Dean's office.
"Hindi ko po alam Ma'am kung bakit niyo ako pinatawag," pagsasabi ko ng totoo.
"Ganon ba? Well, it is just about your punishment. Kahapon kasi ay nabalitaan kong may isang estudyante ka raw na binuhusan ng coke... Siya mismo ang pumunta dito sa akin sa office para ireklamo ka... Sa tingin ko naman ay alam mo ang mga regulations ko dito sa University. Tama ba?" ani nito.
Patango-tango na lamang ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Baka kasi mabigat na punishment ang ibigay sa akin ni Dean.
Ito kasing si Mr. Bola, masyadong sipsip. Parang bakla!
"So I decided to give you a punishment for a week. Maglilinis ka ng buong campus ng isang linggo, Ms. Gab," wika niya dahilan para mapatayo ako.
"Maa'm naman! Hindi naman talaga ako ang may kasalanan ng lahat eh! Binully po kasi ako ng lalaking 'yon. Siya po talaga yung nanguna. Alam niyo ho ba na binato niya ako ng bola dito sa mukha ko," sigaw na maktol ko rito upang ipaglaban ang aking karapatan. Kaya lang tinaasan ako ng kilay ni Dean.
"Sinisigawan mo ba ako Ms.Gab? Kasi kung oo ay baka gusto mong dagdagan ko ang parusa mo... Nawawalan ka ng respeto sa taong kaharap mo," pahayag niya kung kaya't napayuko na lamang ako.
"Hindi po Ma'am, nagpapaliwanag lang," tipid na sagot ko.
"Then good... You can start tomorrow. Tapos na ang usapan. Pwede ka nang lumabas," ani niya bilang pagtatapos ng aming diskusyon.
Wala na akong nagawa kundi ang umalis na sa opisina ng Dean.
Akalain mo ba naman ay bibigyan niya ako ng parusa na halos isang linggo. And take note, lilinisan ko ang buong Campus dahil lang sa pagbuhos ko ng coke kay Mr. Bola.
Bwisit talaga ang taong 'yon. Puro kamalasan na lang ang binibigay niya sa akin.
Nang makalabas naman ako, bumungad sa akin ang mukha ng demonyong ngising-ngisi na tila tuwang-tuwa siya ngayon.
"Gagantihan kita Mr.Bola! Tandaan mo 'yan! Hindi dito nagtatapos ang laban natin!" pagduduro ko sa mismong pagmumukha niya habang sinisigawan siya.
"Ok ganda. I will wait for that.", smirk na tugon niya na hindi man lang natinag. Sa halip ay nagustuhan niya pa.
Ang Bolang ito, hindi ko alam kung bakit binibigyan niya ako ng oras. Masyado niyang tinutuon sa akin ang atensyon niya.
Siguro may gusto ang lakaking 'yon sa akin, hindi naman malabong mangyari ito dahil kagandahan naman ako.