CHAPTER 5
Steph POV:
Natapos ko na ring linisin ang gym. Halos isang oras mahigit din ang aking itinagal sa paglilinis. At isa lang ang masasabi ko, nakakapagod. Halos maubos ang lakas ko sa kakapulot ng basura at kakawalis ng sahig.
Wala kasing mga sariling disiplina ang mga estudyante rito sa Agustin Academy. Tapon dito, tapon doon ang kanilang ginagawa. Pero sino ba naman ako para pagsabihan sila? Eh hamak na estudyante rin ako rito. At malaking tuition ang binabayaran nila sa University, so they can do whatever they want.
Naiinis tuloy ako. Wala akong ibang sinisisi ngayon kundi si Mr. Bola. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko to nararanasan. Bwisit talaga siya! May araw din sa akin ang gung-gong na iyan!
But anyway, isasantabi ko muna ang galit ko sa lalaking 'yon dahil kailangan ko ng kumain.
Nandito na kasi ako sa bahay kung saan hindi ito kalakihan at simple lamang. Maituturing kong bahay itong boarding house dahil dito na yata ako tumagal.
Mayaman kami pero gusto kong maging normal lang ang buhay ko.
Ang daddy ko kasi, nasa Paris at inaasikaso ang bussiness namin.
Meron din naman kaming mansion dito sa Pilipinas, pero bihira lang akong pumunta do'n. Kapag trip ko lang mag-unwind.
Napatingin naman ako sa aking ulam which is ginisang pechay ang nasa lamesa.
Napangiti ako nang maalala ko si
Mr. Mysterious. Yung mukha niya at yung pag-aasikaso niya sa akin ay sariwa pa rin sa isipan ko. Eto rin kasi ang pinakain niya sa akin noong niligtas niya ako sa kamay ng mga kidnappers.
Natanong ko tuloy sa sarili ko kung kailan ko ulit siya makikita? Sana dumating ang araw na pagtagpuin ulit kami ni Tadhana.
Ramdam ko kasi na nandito lang siya at
malapit sa akin. Ayon nga lang, masyadong mailap si Kupido at ang tagal niyang mapana ang puso ng taong hinahanap ko.
Napagawi naman ang aking paningin
sa kalendaryo.
December 3 na pala at malapit na ang
birthday ko. Pero bakit parang nalulungkot ako?
Siguro dahil sa hindi pa ako handa na makita ang magiging asawa ko.
Oo, sa araw kasi ng kaarawan ko nakatakda ang pagkikita namin ng aking fiance.
December 19 ang kaarawan ko na kung saan debut ko iyon. Debut na dapat masaya ako kaso hindi eh, hindi ko alam kung paano sumaya. Gusto ko kasi na si Mr. Mysterious ang siyang mapangasawa ko. Alam kong imposible, pero umaasa pa rin ako.
Kahit may pangangamba ay pilit ko itong iniwasan. Tinuon ko na lamang ang aking pansin sa mismong pagkain.
And after kong kumain ay bumalik na ulit ako ng Campus para maglinis ng C.R ng mga boys sa gym.
Nang makarating ako roon ay halos lumabas naman ang aking mata dahil sa mga abs na nakikita ko.
Marami kasing lalaki ang hindi man lang nakasuot na t-shirt.
Pero dahil good girl ako, minabuti kong maghintay na muna sa labas. Ayoko
namang isipin nila na namboboso ako dahil hindi ko ugali iyon.
Almost half-hour rin akong nakatayo bago may lumabas na tao. Sa tingin ko, kakatapos lang nito maligo. Sumilip naman ako ng konti para tingnan kung marami pa ba ang naliligo.
And guess what? Ngayon ko lang napagtanto na mga Varsity player pala ang nasa loob mismo ng c.r.
"Hi Tisay! Hinihintay mo ba si Lance?" tanong ng isang lalaki dahilan para mapataas ang kabila kong kilay.
"Lance? Wala akong kilalang Lance. Pinagsasabi mo d'yan," nakangusong bigkas ko.
Hindi ko naman kasi kilala ang pangalan ng taong binanggit niya kaya dapat lang na maging honest ako.
"Asus, si Lance hindi mo kilala? Huwag mong sabihin na dini-deny mo siya ngayon? Hindi ba't ikaw itong hila-hila niya papunta sa Dean's office?" bigkas niya hudyat para malinawan ang aking utak.
So all this time, Lance pala ang pangalan ng hinayupak ng Bola na 'yon.
Infairness, mabangong pangalan. Kaya lang, masyadong mabantot ang ugali niya.
Hinarap ko naman ang binata at gumuhit ang ngiti ko sa labi.
"Ahh, si Lance... Sorry ha? Akala ko ibang Lance ang tinutukoy mo. Besides, hindi naman Lance ang tawag ko sa kanya... Pero nasaan ba siya? Nandyan ba siya sa loob?" turan ko naman na may kaplastikan sa aking boses.
"Oo, nandyan siya sa loob. Naliligo pa kaya hintayin mo na lang Tisay. Sige una na ako," sagot niya kasabay ng pagpapaalam nito.
Nagpasalamat naman ako sa kanyang
sinabi. Pero hindi ko na inatubling itanong ang pangalan niya dahil ayokong sayangin ang pagkakataon na ito.
Mukhang hindi ko na kasi kailangan pang humintay ng ilang araw para makaganti. Dahil yung utak ko, nadedemonyo na naman. May naisip kasi ako na tiyak na ikakasatisfied ng kalooban ko.
Kaya heto ako, pumasok na sa loob ng
C.R nang tuluyan ng lumabas ang mga lalaki.
And this is it! Taste my sweet revenge Mr. Bola.
Iginawi ng aking mata ang buong
sulok. At ganon na lamang ang aking ngiti na may makita akong pintura sa may gilid. Pinipinturahan kasi ang isang C.R kaya sa tingin ko, may natira pang pintura na siyang naiwan ng mga construction worker.
Nagdasal muna ako bago ko gawin ang
aking binabalak. Alam kong mali ito, pero kailangan kong turuan ng leksyon ang bola na 'yon para hindi niya na ako apihin pa.
Huminga na ako ng malalim at sinimulan na ang aking plano.
Isinabit ko ang pintura sa may itaas
gamit ang mop na hawak ko. And now, ready na ako sa mangyayari.
Lumapit na ako sa may pinto ng C.R kung saan naliligo ang binata. Balak ko kasing takutin siya at kapag nakaramdam siya ng pananakot ay tiyak na magmamadali siyang lumabas.
"Lance...laaannceeeeee..." Pananakot ko sa kanya ngunit parang hindi niya iyon
narinig dahil sa lakas na tunog ng shower.
So okay, take two naman tayo.
Kakantahin ko naman ngayon ang theme song ng white lady na siyang napanood ko noon.
"Ili-ili, tulog anay, wala ili, nimong nanay. Takudajenda, tubay papay. Ili-ili, tulog anay." Pagkakanta ko rito.
Paulit-ulit ko 'yon na kinanta para talagang matakot sya.
Hanggang sa nagulat na lamang ako
nang------TUMAKBO SI MR. BOLA NA
NAKABOXER LANG.
Putek! Ang macho pala ni Mr. Bola!
At boom! Sapul! Kawawang Bola, nabuhusan ng pintura sa kanyang buhok at katawan.
Dahil sa naging itsura nito ay hindi ko napigilan na di tumawa.
"HAHAHAHAHAHA." Malakas na tawa ang aking pinakawalan na halos mawalan na ako ng hininga.
"Grabe! Ang ganda ng view para akong nakakita ng estatwa sa Luneta park," natatawang saad ko na halos mautot na nga ako dahil sa tuwa.
"Ganda..." Gigil na sambit nya.
"Yes, Mr. Bola? May sasabihin ka ba?" mapang-asar kong sagot.
Pero isang malagkit na titig lamang ang kanyang ipinukol sa akin.
"Hmmm ngayon ko lang nalaman na ang taong tulad mo ay takot pala sa multo. Sayang, dapat nirecord ko ang reaksyon mo kanina," pamimikon ko sa lalaki.
At sa pangalawang beses ay kinanta ko muli ito sa harapan niya.
"Ba-bye Mr. Bola. See you bukas. Mag-ingat ka ha, kasi balita ko totoong
may multo dito. Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na sa inyo," wika ko sa kanya at lumabas na agad ako ng C.R.
Sa wakas, nakaganti rin ako!
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nagagantihan mo yung taong umaapi at nangbubully sa'yo.