CHAPTER TWO
STEPH POV:
AFTER that scenario, I just decided to go home. Hindi na ako kumain pa sa cafeteria dahil napunta sa amin ni Mr. Bola ang atensyon ng mga estudyante. Kaya syempre, kahit papaano ay nakaramdam din ako nang hiya.
Saka ko lang na-realize na malaking epekto 'yon kapag nalaman ito ng Dean. Pero bahala na, pangangatawanan ko ang ginawa ko. I need to face the consequences.
Pero sa ngayon ay kakain muna ako sa boarding house na tinutuluyan ko. I want to be an independent woman kaya napagdesisyunan kong lumayo muna kay dad para kahit papaano ay matuto na ako sa mga bagay-bagay.
Nang makauwi ako sa boarding ay humilata muna ako sa kama dahil na rin sa pagod na aking nadarama.
At sa pagkakataong ito ay muli kong inalala ang una at huling pagsasama namin ni Mr. Mysterious.
Actually, hindi lang siya basta misteryoso na tao. He is also my saviour and my forver hero.
FLASHBACK...
"Dad please, payagan niyo naman po akong mag-outing, together with my friends. I promise that I will take care of myself po," pangungulit ko sa aking ama habang nakataas-kamay pa bilang pagpapangako.
Kung nagtataka kayo, sa Paris ako nakatira pero gaganapin ang outing namin sa Pilipinas.
Balita kasi namin ay magaganda ang beach doon. By the way, I am Stephanie Gab. Half-filipino ako kaya marunong ako magsalita ng tagalog.
"But Princess, napakalayo ng Pilipinas. Ayoko lang na mapahamak ka. Alam mong ikaw ang nag-iisa kong anak," wika nito sa akin na may pag-aalala sa boses.
Ang totoo nyan, naiintindihan ko si dad. Ayaw niya lang maulit muli ang nangyari kay mom. Ang mom ko kasi nakidnap dahilan ng pagkamatay niya. Mayaman kasi kami kaya lapitin kami ng disgrasya at hindi na sa amin bago ito.
"Dad, I know and I do understand you. But please, kahit ngayon lang, payagan niyo naman ako. Ayoko na palagi na lang ako
nandito sa mansion. I also want to enjoy being a teen ager. And don't worry,
kasama ko ang mga kaibigan ko dad. So please, please dad," pangungulit ko muli at may pagmamakaawa sa aking mukha.
Hindi naglaon pinayagan nga ako ni dad na mag-outing kaya tuwang-tuwa talaga. Dahil first time kong makabisita sa Pilipinas. At hindi ako nadisappoint dahil maganda talaga ang tanawin at mga dagat dito.
Kaya naging masaya ang outing namin sa Pilipinas hanggang sa dumating yung punto na hindi ko inaasahan ang lahat. Matapos kasi ang outing namin ay napalitan ito nang masalimoot na karanasan. Yung kasiyahan sa aking dibdib ay napalitan ng takot. Takot dahil sa mga armadong lalaki na siyang dumakip sa akin. Napalayo ako sa mga kasamahan ko at tanging ako lang yung nakatakas. Nagawa kaming dukutan at kunin lahat ng aming mga pera na at alahas na dala. Pero hindi naging sapat sa kanila ang mga nakuha, dahil ninais pa nila kaming kidnapin matapos nilang mapagtanto na mayamang pamilya ang pinanggalingan namin.
Kaya sa halip na magandang memorya ang aking naranasan sa Pilipinas, isang bangungot ito para sa akin. Dahil ang akala ko ay ayon na mismo ang magiging huling hininga ko. But I was wrong. Someone saved me. Someone fight for me. At ang lalaking 'yon ang naging parte ng buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.
"Huwag kang matakot Steph, hindi ako masamang tao, ligtas ka na... Kaya hindi mo na kailangan pang matakot, nandito na ako," sambit nito habang hinahaplos ang aking pisngi.
Namumutla ako at nanginginig ang aking braso't legs na tila dala ng takot kaya ako naging ganito.
Tiningnan ko naman siya nang maigi, para malaman ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Hirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon. But when I saw his innocent face, saka lang ako naging kalmado nang makompirma kong isa siyang mabuting tao.
Pero teka, tama ba ang pagkakarinig ko? He call by my name? So ibig sabihin, kilala niya ako?
Napakunot-noo naman ang aking noo. Yung kaninang takot ay napalitan ng pagtataka dahil sa lalaking nagligtas sa akin.
Marami akong katanungan sa kanya na agad kong itinanong dito.
"Kilala mo ako? Bakit mo ako kilala? Taga-saan ka ba? At bakit parang ang dami mong alam sa akin? Do I know you? Are you my stalker?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kaso sa halip na sagutin niya ang
tanong ko ay bigla siyang ngumiti. At narealize ko na sobrang gwapo niya pala lalo na sa malapitan. Yung kagwapuhang taglay niya parang Pilipinong-pilino ang dating. Yung tipong hindi nakakasawang panoorin ang kanyang mukha.
Ewan ko ba, pero hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngayon nang magtitigan ang mata namin sa isat-isa.
At sa pagkakataong iyon, ramdam kong ligtas ako sa kanya.
"Kumain ka na muna, alam kong nagugutom ka na. Hayaan mo pakatapos mong kumain ay ipapasyal kita para maibsan ang takot sa puso mo," saad niya sa akin na alam kong iniiwasan niyang sagutin ang mga tanong ko. Kaya't hindi ko na muna siya kinulit pa sa halip ay kumain na nga ako, gaya ng kanyang sinabi.
Nang makita ko ang nakahain na pagkain at ulam sa mesa ay napangiti naman ako sapagkat parang alam ko ang ulam na niluto niya.
Ginisang pechay yata ang tawag dito sa ulam ko? Tama ba? Pero hmmm, masarap nga. Ang sarap ng lasa. Hindi tinipid sa rekado ang pagkakagisa.
Matapos kong kumain ay pumasyal na nga kaming dalawa. Halos minu-minuto rin akong tawa nang tawa dahil sa mga biro
niyang dala. Hindi ko tuloy namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa binatang ito.
Kahit sino naman siguro ay ma-iinlove dahil sa katapangan niya.
Nakakatawa mang isipin na kahit isang araw ko lang siyang nakilala, minahal ko na ang tulad niya.
Habang naglalakad naman kami ay ramdam ko ang malamig ng simoy ng hangin.
Ang lamig din pala ng panahon dito, siguro dahil sa gabi na. Kaya naisipan naming umupo sa buhangin para makapagpahinga.
Naramdaman ko naman ang pag-akbay ng binata sa akin para hindi ako lamigin.
Syempre hindi na ako umangal noh, ang gwapo niya kaya.
Feeling ko nga ay matutunaw ako sa mga titig at ngiti niya kaya marahan kong ibinaling ang aking tingin sa mga tanawin na nakikita ko rito sa harapan ng dagat.
"Ang ganda pala talaga dito noh?" pag-oopen ko ng topic sa pagitan namin.
Masyado na kasing tahimik kaya binasag ko
muna saglit ang katahimikan.
"Yeah, maganda talaga dito. At lalong gumanda dahil nandito ka, Steph," wika nito na alam kong nakangiti na naman.
Sus maryosep! Pumula yata ang mag kabila kong pisngi dahil sa banat na binitawan niya.
"Nambola ka pa dyan. But seriously, thank you for saving my life," ngiting wika ko na rin sa kanya.
"Wala 'yon. Tungkulin ko naman talagang iligtas ka Steph," saad nito sa akin na parang may alam nga siya sa pagkatao ko.
"Tungkulin? Para saan at bakit?" muli kong pagtatanong na tila nabuhayan naman ang aking mga katanungan sa isipan.
"May dahilan kung bakit kita kilala Steph, at sa mga tanong mong 'yan, may tamang panahon para sagutin kita. Sa ngayon, we just need to enjoy this moment..." wika nito na sobrang weird pakinggan sa aking tenga.
Pero sa oras na iyon, sinabi ko sa sarili ko na dapat ko na siyang kilalanin.
Dahil napaka-misteryoso niyang tao.
Hanggang sa napagdesisyunan kong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. I want to know his life and family background para mas makilala ko siya. Kaso ganon na lamang ang aking pangungulila nang iwan niya ako.
Dahil nung magising ako, wala na siya sa tabi ko. Wala na yung binatang nagligtas ng buhay ko. Hindi ko na siya nasilayan pa.
Ayon ang una at huling beses na nakita ko siya. At wala na akong naging balita pa sa kanya.
And that's the reason why I'm still looking for him. I'm still finding him because I have so many questions in my mind. Kaya hinding-hindi ako titigil na hanapin si Mr. Mysterious.
I just only have two weeks to find him.
Dahil sa sunod na buwan, birthday ko na. At hindi lang isang celebrasyon ang mangyayari dahil next month ko rin malalaman kung sino ang lalaking pakakasalan ko. My dad will introduce him to me. Kaya hindi ako pwedeng sumuko, ngayon na nalalapit na ang pagpapakasal ko sa ibang lalaki.
Napabuntong-hininga naman ako at wala akong nagawa kundi ang mapabangon sa kama. At kumain na ng lunch. Ang ulam ko ngayon ay walang iba kundi ang ginisang pechay na siyang naging paborito ko dahil kay Mr. Mysterious. Kahit papaano ay meron akong na-adopt sa kanya dahil sa ulam na kanyang ipinakain sa akin.