Chapter 1

1525 Words
CHAPTER ONE Steph POV: Dalawang oras na akong nakababad sa aking laptop. Halos ito na ang aking nakasanayan sa tuwing bakante ako. Ginagawa ko ito araw-araw dahil nagbabakasakali kasi akong makita muli ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Until now, hindi ako napapagod sa kakahanap sa kanya. I want to search him on social media. Kung kailangan isa-isahin ko ang maraming social medias ay gagawin ko. Kaya kahit nangangalay na ang aking kamay sa pagpipindot ay binabalewala ko lang. Nakaupo ako ngayon sa isang malalim na malaking puno at sa hindi kalayuan, tanaw na tanaw ko ang mga varsity players na naglalaro ng basketball sa field. Sa isang buwan na pag-aaral ko sa Agustin Academy, ang filed ang naging paborito kong tambayan. Nakakawala kasi ng stress dito ang masarap na simoy ng hangin. Isabay mo pa na ako lang ang tumatambay dito tuwing umaga. "Hayy, sana talaga makita ko na sya," sambit ko sa sarili habang nakatingin ako sa kawalan. Nagawa kong huminto sa pag-type dahil muling sumagi sa isipan ko ang itsura ng taong hinahanap ko. Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na may bola na palang papalapit sa aking gawi dahilan para matamaan ako. "Aray!" impit na sigaw ko nang maramdaman kong nabato pala ako ng bola sa aking magandang mukha. "Haisst! Kainis! Ang layo ko na nga, natamaan pa ako! Putcha!" gigil na turan ko sa isipan. Nawala tuloy yung moment ko sa aking ini-imagine. Tarantado talaga ang mga varsity players dito. Hindi man lang nagdahan-dahan sa paglalaro. Masyado naman akong malayo sa court para matamaan ako. Dahil sa sakit na naramdaman ko ay dinampot ko naman ang bola at agad na lumapit sa mga lalaking naglalaro ng basketball. I don't care kung sino sila. Dapat lang na bigyan ko sila ng pangaral nang sa gano'n ay hindi na maulit ang pagiging lampa nila sa paglalaro. "Kung maglalaro kayo ng basketabll, siguraduhin niyo naman na wala kayong matatamaan na tao! Napakalayo ko na nga, nagawa niyo pa akong saktan!" sigaw ko sa mga varsity players at sabay bato na rin ng bola sa isang lalaki na siyang inaakala kong bumato sa akin. Kita ko kasi ang pagkangisi ng labi niya dahilan para maasar ako. "Miss kung hindi ka naman kasi tanga, alam mong matatamaan ka ng bola hindi ka pa umilag. Alangan bola ang mag-adjust na umilag sa'yo diba?" pilosopong saad ng binata dahilan para lalo tuloy na kumulo ang aking dugo dahil sa kanyang tinuran. "Excuse me?! Ang kapal naman yata ng mukha mo! Huwag mo nga akong sabihang tanga! Nando'n ako nakapwesto at nandito yung court... Hindi naman pashootan ang mukha ko para ako ang tapunan mo! Wala ka yatang modo! Dapat nga magsorry ka!" inis na bulyaw ko ulit sabay duro ko sa mata ng binata. "Oh, edi sorry miss. Ayan, pwede ka na bang umalis?" tanging wika ng lalaki na may halong pang-iinsulto. Halatang napipilitan lamang siya na humingi ng tawad sa akin. "Salamat!" tanging sambit ko sabay talikod ko sa kanila. Feeling ko kasi ay wala akong panalo sa lalaking ito, daming putak, parang bakla. Kaya minabuti kong talikuran na sila at bumalik na lamang sa aking pwesto para kunin ang aking bag. Pero habang naglalakad ako palayo sa kanila ay narinig ko naman na sumigaw ang walang modong lalaki na 'yon. At alam nyo kung ano ang isinigaw? "YOU'RE WELCOME" Diba, ang kapal ng apogs niya. Matapos kong kunin ang aking gamit ay dumiretso na ako sa may classroom. Ang lalaking 'yon, sinira niya ang araw ko. Inis na inis naman akong umupo sa aking upuan na tila nahalata ng kaibigan ko ang pagdadabog ko. "Oh Steph, december pa lang ngayon pero ang mukha mo ay pang-byernes santo na agad... Anyare ba? Hulaan ko, wala kang nahanap na impormasyon tungkol sa love-love mong si Mr. Msyterious noh?" sulpot na wika ng aking bestfriend na si Tina na siyang kaklase ko sa taon na ito. "Tangek! Hindi si Mr. Mysterious ang dahilan. Never naman siya naging sakit sa ulo ko... Yung lalaki kanina ang dahilan. Nakakabwisit siya! Akalain mo ba naman, ako na nga itong nabato niya ng bola at nasaktan, sinabihan pa akong tanga! Hindi ba't nakakahiya iyon? Parang pinahiya niya ako sa mga kasamahan niya!" pikon na saad ko kay Tina. Pero isa rin 'tong kupal kong kaibigan, sa halip na kampihan ako ay tinawanan lang niya ako. "Ano ba kasi ang ginawa mo roon at nabato ka ng bola?" tanong nito na alam kong nagpipigil lang ng tawa. Biglang sumagi sa utal ko si Mr. Mysterious. Oo, Mr. Mysterious na ang tawag ko sa lalaking matagal ko nang hinahanap dahil napaka-misteryoso niya. To the point na wala akong alam sa kanyang pangalan o any information about him. Na-ikwento ko na ito kay Tina kaya alam niya kung gaano ako kasipag at katiyaga sa paghahanap sa lalaking 'yon. I feel like he's the one for me. Higit sa lahat, umaasa ako sa sinabi niya sa akin noon. He told me na babalik siya, babalikan niya ako. "Nagtatambay lang ako sa may puno. And as usual, tama ka. Hinahanap ko si Mr. Mysterious... Ramdam ko kasi na nandito lang siya at malapit sa akin," pahayag ko rito. Narinig ko na lamang ang malalim na paghinga ni Tina na animo'y na-stress sa pagiging loyal ko. "Steph, hindi ka ba napapagod sa kakahanap sa kanya? I mean, you're just wasting your time. Marami naman dyan na ibang lalaki eh. Bakit hindi na lang sila ang bigyan mo ng atensyon?" tanong nito sa akin. Mariin naman akong umiling... Hindi... Hindi ako mapapagod sa kanya. Habang maaga pa, kailangan ko siyang mahanap. Siya lang kasi ang makatutulong sa akin para hindi matuloy ang kasal ko. Yes, I'm getting married. Ikakasal ako. Engage na ako sa taong hindi ko pa nakita at nakilala. Pwede naman sanang umurong sa kasal na 'yon basta't may maiharap lang ako kay dad ng lalaking ipapakilala ko. At gusto ko sanang ipakilala si Mr. Mysterious, dahil siya ang mahal ko. "Payong kaibigan lang steph ha? Kung ako sayo, huwag mo na siyang hanapin, malay mo darating na lang 'yan bigla diba? Kasi kapag hinahanap ang isang tao, lalong lumalayo ito sa'yo," matalinhagang wika ng kaibigan ko. Kung sabagay, tama si Tina. Kapag hinahanap mo kasi ang isang tao, hindi sya nag papakita. Pero sana, sana talaga magkita na kami. MABILIS namang tumakbo ang oras kaya sa puntong ito ay lunch time na. Dahil sa kumakalam na ang aking sikmura ay nauna na akong pumunta ng cafeteria. May ginagawa at tinatapos pa kasi si Tina sa last subject namin kaya hindi ko na siya nagawang hintayin pa. "Ate, one coke, one rice and friend chicken nga ho, tapos pasabay naman po ng fries na barbeque flavor," magalang na sambit ko sa tindera kasabay nang paglahad ko sa kanya ng pera. Hindi talaga mawawala ang fries sa tuwing kakain ako dahil paborito ko itong kainin since I was in high school. "Thank you ate," ani ko nang ibigay sa akin ang coke. Kaya lang nang kunin ko ito ay naramdaman kong may humawak din sa coke na binili ko. Pagtingin ko sa taong nakikipag-agawan ay nagulat ako nang masilayan ko ang lalaking antipatikong nagpahighblood sa akin sa field. And that is no other than the varsity player na feeling entitled. Si Mr. Bola! I decided to call him as Mr. Bola dahil siya ang lalaking bumato sa akin ng bola. Isabay mo pa na yung ulo niyo, hugis bola na. Kinalma ko naman ang aking sarili bago ako nagsalita. "Akin to," saad ko sa kanya sa mahinahon na boses. Ayokong magkaroon ng kaguluhan dito kaya hangga't kaya kong magpasensya ay magpapasensya talaga ako. "Akin na lang to ganda, babayaran na lang kita," pacute na sambit niya at talagang tinawag pa akong ganda na akala niya yata ay madadala niya ako sa ganyang callsign. I know that I am pretty kaya sanay na akong tawaging ganyan. "Please..." he continue again while blinking his eyes. Tsk. Lokong 'to! Masyadong confident sa sarili! Hindi yata siya marunong umintindi ng LADIES FIRST! Konti na lang talaga at kukulo na ang dugo ko sa kanya. "Nabayaran ko na 'to kaya pwede bumili ka ng sayo," inis na sambit ko. Nagtitimpi na lang ako sa kanya noh. May atraso pa kaya siya sa akin. At ang atraso niyang 'yon ay hinding-hindi ko makakalimutan. "Ganda, wala na raw na available na coke. Pero sige, ganito na lang, dahil sa mabait naman ako, share na lang tayo," wika nito sabay kindat pa sa akin. Dahil hindi ko na kayang habaan pa ang pasensya ko ay umapaw na ang inis at kulo ng dugo ko sa kanya. Kaya mapwersa kong inagaw yung coke at ibinuhos ito sa mukha ng lalaki na walang pagdadalawang-isip. "Oh ayan. Kung mabait ka, mas mabait ako sayo. Solong-solo mo na yung coke, Mr. Bola," ngiting saad ko sa kanya. Natatawa na lamang akong lumabas ng canteen at bilang pang-iinsulto sa binata ay dinilaan ko pa siya. Akala niya yata madadala niya ako sa mga pa-pogi action niya. Hindi tatalab sa akin ang gano'n. Para siyang may sinto-sinto sa lagay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD