CHAPTER 9 Steph POV: Parang ayaw ko ng bumangon sa aking pagkakahiga dahil sa pangyayari kahapon. Nagawa kong magliban ng klase dahil hindi ko kayang tuunan ng atensyon ang pakikinig sa guro. Malaking epekto ang tumama sa puso ko matapos kong makita si Mr. Mysterious... Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya nagustuhan si Samantha. Kagaya nang sinabi ko noon, almost perfect na ang babae. She has a good heart. Sadyang hindi ko lang matanggap sa ngayon dahil siya yung first love ko. And at the same time, siya yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin na hawak ko. Ang pangit ko na, hindi na ako si Steph na maganda. Namamaga kasi ang aking mata dahil sa pag-iyak ko kagabi. Tapos lumalaki at nangingitim pa itong eyebags ko. Now I know