CHAPTER 10 Steph POV: "Ok. That's all for today, goodbye class." Ayan ang huling litanyang narinig ko sa aming Professor matapos ang mahabang pagsasalita niya sa unahan. Blangko ang isip ko ngayon at kahit ni isang sagot sa mga tanong niya ay hindi ko nagawang sagutan. Tila ba lutang na lutang ang utak ko sa mga oras na ito. Yung aking sarili ay wala sa katinuan. "Ah Steph, pwedeng pakitulungan mo akong dalhin ito sa music room, ang bibigat kasi." Paghihinging tulong naman sa akin ni Jessa na siyang kaklase ko. Itinuro niya ang dalawang gitara na hindi niya na kayang buhatin. Dahil sa mabait naman ako at matulungin ay tinulungan ko naman ang dalaga. "Steph, ano palang nangyari sayo kanina? Bakit zero lang ang score mo? Lahat kami nagulat ha? Hindi namin akalain na gano'n ang magigi