CHAPTER 8 Steph POV: NAWALAN na ako ng ganang maglinis ng music room kaya pumunta na lamang ako sa aking paboritong tambayan. Sa ilalim ng malaking puno ko ninais magpahinga kung saan dito ako natamaan ng bola. Salamat naman at wala ngayong naglalarong basketball. Siguro naman ay wala ng may babato sa akin. Gusto ko kasing mag-emote ngayon at ilabas ang nararamdaman ko. Gusto kong masiyahan pero kaakibat nito ay binabalot ako ng selos at lungkot. Halo-halong emosyon ang aking nadarama. Umupo na ako at isinanday ang aking likod sa may puno. Naalala ko muli yung ekspresyon ng mukha ni Mr. Mysterious. Sa mukha niya pa lang, alam kong hindi niya na ako kilala. Biglang sumagi sa isipan ko kung sino ba si Samantha sa buhay niya? Andaya-daya naman kasi, matagal ko siyang hinanap. Hal