Uminom ako ng kape saka napatingin kay Dravis na mahimbing pa rin na natutulog sa couch. Napailing na lang ako at tahimik na pinagmasdan siya... Hindi ako nakatulog nang ayos dahil sa lalaking 'to.
"Kawawang lalaki," napapailing na sabi ko.
Mahirap talaga kalimutan ang first love, lalo kung sa kalagayan n'ya. Mukha pa namang inosente ang lalaking 'to, talagang maho-hooked siya kung ang Ashia na 'yon ang unang babaeng minahal n'ya sa edad n'yang 'yan.
Ano kaya ang meron kay Ashia na nagawang mahulog ng lalaking tulad ni Dravis sa kan'ya?
Tumingin ako sa phone ko at nagbasa na lang ng messages mula sa fans ko, ni-reply-an ko na rin ang iba sa kanila.
"Hmm..."
Natigilan ako at napatingin kay Dravis. Kinusot nito ang mga mata nito saka dahan-dahang idinilat ang mga mata. Napabuga ako ng hangin saka kumagat sa tinapay ko.
"Rise and shine, mahal na prinsipe," sabi ko na lang.
Natigilan si Dravis at napabalikwas ng bangon. Gulat na napatingin ito sa akin, tila hindi makapaniwala na makita ako. Ipinatong ko ang tasa ko sa mini table saka tinaasan siya ng kilay. Napaawang ang labi ni Dravis. Gusto kong matawa sa hitsura n'ya ngayon. Magulo ang buhok at damit n'ya, idagdag pa na namumula ang mukha nito.
"W-What am I doing here?" naitanong n'ya.
Nagkibit-balikat ako. "Malay ko. 'Yan nga rin ang gusto kong itanong sa'yo, e. Bigla kang sumulpot sa unit ko. Alangan namang iwan at hayaan kita roon sa labas. Baka kung ano pang mangyari sa'yo," sabi ko at napaismid.
Mas lalong namula ang mukha ni Dravis, tila hiyang hiya ito. Napahawak siya sa batok n'ya at napaiwas ng tingin sa akin. Natulala pa siya at napatitig sa sahig.
"W-What have I done?" tanong na lang nito.
"Ewan ko rin. Lasing na lasing ka kagabi, hindi kita makausap nang ayos." Nagkibit-balikat pa ako.
Nakita kong napalunok si Dravis saka tumingin sa akin. "I-I'm sorry. I was so drunk, I don't know what I'm doing," hinging paumanhin n'ya.
Tumango na lang ako saka tumayo. "Ayos lang. Hindi naman ako gaanong naabala."
Napahawak si Dravis sa buhok n'ya saka bumuga ng hangin. Hindi siya makatingin sa akin, tila hiyang hiya sa nangyari kahit na sinabi kong ayos lang 'yon.
"I-I'm f*****g embarrassed," bulong n'ya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mukhang nakonsensya talaga siya sa nangyari kahit wala lang naman 'yon sa'kin.
"Ayos nga lang. Umuwi ka na lang at magpahinga. Walang kaso sa'kin 'yon," sabi ko na lang saka nagtungo sa kusina at hinugasan ang basong ginamit ko.
Muli akong lumingon sa kan'ya. Nakatulala pa rin siya at tila hindi maka-move on sa nangyari. Natatawang napailing ako at umupo ulit sa sofa na malapit sa kan'ya.
"You look f****d up. Maligo ka na muna siguro bago ka umalis. May damit akong maipapahiram sa'yo," sabi ko na lang saka napabuga ng hangin.
Natigilan si Dravis at napatingin sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay dahil titig na titig siya sa akin... Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip n'ya?
"You're so kind, Audrina," sabi nito, parang tuta.
Napairap ako at napailing. "Oo na, mabait na. Sige na, maligo ka na ro'n."
Tumayo si Dravis saka lumapit sa akin. Napataas na lang ang kilay ko at nag-angat ng tingin sa kan'ya. Bakit ba kasi ang tangkad n'ya?
"P-Pwede ba akong bumawi sa'yo?" tanong n'ya pa.
Napabuga ako ng hangin. "Diba sabi ko naman na okay lang 'yon?"
Napatungo si Dravis, mas lalong namula ang tainga. "Hayaan mo 'kong bumawi... Please," tila nakikiusap na sabi n'ya.
"Saang paraan ka naman babawi?" tanong ko.
Natahimik siya sa tanong ko, mas lalong namula ang mukha n'ya. Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa reaksyon n'ya.
No, Denise. Stop. Hindi mo na siya lalandiin.
Tumayo ako at nakipagtagisan ng tingin sa kan'ya. Humawak ako sa dibdib n'ya saka marahang pinagpag 'yon. "Hmm, paano ka makakabawi, Dravis?" tanong ko, tila nang-aakit ang boses.
Mas lalong namula ang mukha ni Dravis. "T-That's not what I mean, Audrina," bulong pa n'ya.
Natawa na lang ako saka lumayo na sa kan'ya at muling umupo. "Joke lang. Masyado kang seryoso... So, ano nga? Paano ka makakabawi sa akin?"
Napahawak si Dravis sa batok n'ya. "Ahm... I'll do everything you want for this day. I'll treat you, I'll buy everything you want," sabi n'ya saka tumitig sa akin.
Natigilan ako. "Seryoso?"
He nodded like a kid. "I'll do everything you want... I won't say no. Kahit ano ang ipagawa mo sa'kin, gagawin ko ngayong araw," seryosong sabi n'ya.
Pinigil kong mapahagalpak ng tawa sa hitsura n'ya. Mukhang desidido talaga siya na makabawi sa akin... Hindi ako makapaniwala na mabilis makonsensya ang katulad n'ya na member ng feroci. It doesn't make sense. Gumagawa nga sila ng krimen, e.
"What if magpabili ako sa'yo ng house and lot at kotse?" nanghahamong tanong ko.
"I don't mind," mabilis na sagot ni Dravis.
Nasamid naman ako sa sagot n'ya. Napahawak pa ako sa lalamunan ko. Alam kong mayaman sila pero hindi ko inaasahan na papayag agad siya sa trip ko.
"Joke lang, tange. Hindi ko naman kailangan no'n," natatawang sabi ko. "Pero seryoso ba na gagawin mo ang lahat ng gusto ko ngayong araw? Hindi ka talaga tatanggi?" tanong ko pa.
Tumango si Dravis... para siyang bata. Gusto ko tuloy siyang ibulsa.
"Hmm, okay. Kung paninindigan mo talaga 'yan, bahala ka. Sige na, maligo ka na." Pagtataboy ko na lang sa kan'ya.
Tumango ulit si Dravis at agad na nagpunta sa bathroom. Napangisi ako at napailing dahil kabisado na n'ya agad dito sa unit ko... H'wag sana siya maging komportable rito.
Napailing na lang ako at nagtungo sa kwarto ko para kumuha ng damit na ipapahiram ko sa kan'ya. Actually, damit ni Xceron ang mga 'to. Hindi ko na lang isinauli dahil siguradong hindi na naman n'ya kailangan 'to. Ido-donate ko na lang sana.
Nanood na lang muna ako ng TV habang naghihintay kay Dravis. Matagal pala talaga siyang maligo. Pakiramdam ko mas matagal siyang maligo kaysa sa akin.
Lumabas na siya ng bathroom pagkatapos. Nakatapi lang ng towel sa bandang baywang nito. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at hinagod siya ng tingin. Ang effortless n'ya talaga na magmukhang model. Bakit gano'n?
"Oh, ito muna ang suotin mo," sabi ko na lang saka inabot sa kan'ya ang long sleeve shirt ni Xceron at pants nito. Sa tingin ko kasya naman sa kan'ya 'yon dahil hindi naman nagkakalayo ang built nilang dalawa.
"Kanino 'to?" tanong n'ya.
"Ahm... sa ex ko." Kay Xceron.
Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkunot ng noo ni Dravis. "No, thanks."
"H'wag ka nang maarte. Wala namang body odor ang ex ko 'no. Mabango kaya 'yon," sabi ko na lang saka inabot sa kan'ya ang damit.
Hindi ko napigilang matawa nang makitang napaismid siya. Kahit napipilitan, kinuha na lang n'ya 'yon.
"P-Please, get out," sabi na lang n'ya.
Napataas ang kilay ko. "Bakit?"
"M-Magbibihis ako," sabi naman n'ya.
Napakurap ako saka napatitig sa kan'ya. Pinamulahan lang naman siya ng mukha at napaiwas ng tingin sa akin... Seryoso ba siya?
"Okay, fine. Lalabas na 'ko, bilisan mo ha," sabi ko at lumabas na lang gaya ng gusto n'ya.
My goodness. Nag-s*x na kami, naligo nang sabay, at lahat lahat, nahihiya pa rin siyang magbihis nang makikita ko. Ano'ng klaseng tao ba siya at bakit ang cute n'ya? I mean, bakit kakaiba siya?
Tumambay na lang ako sa living room. Ilang saglit lang, lumabas na rin si Dravis matapos magbihis. Pasimpleng sinuri ko siya ng tingin. Ang gwapo n'ya sa suot n'ya. Kahit magulo ang basa n'yang buhok, ang gwapo pa rin n'ya... Nakakunot ang noo n'ya, tila nagrereklamo pa rin sa suot n'yang damit.
"Nagugutom ka ba?" tanong ko saka tumayo at lumapit sa kan'ya.
Sinuklay n'ya ang buhok gamit ang mga daliri n'ya saka tumango. "A little," tila nahihiyang sagot n'ya, napaiwas pa ng tingin sa akin.
"Hmm... I don't have anything to eat here. Kumain na lang tayo sa labas, siyempre, libre mo."
Tumingin sa'kin sa'kin si Dravis at tumango. "Sure, I don't mind."
Nag-ayos na lang din ako. Simpleng pink off-shoulder dress na lang ang isinuot ko. I wore minimal makeup. Hinayaan ko na lang din na nakabagsak ang buhok ko saka agad na lumabas. Tumayo agad si Dravis at lumapit sa akin.
"Let's go?" tanong nito.
Tumango na lang ako. Tahimik kaming pareho palabas ng unit. Walang dalang kotse si Dravis kaya ako na lang ang magdadala ng kotse, pero siya ang magd-drive.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Dravis habang nagmamaneho.
"Hmm..." Napaisip ako. Dapat sa private place, para walang makakita sa amin gaya last time.
Natigilan ako nang maalala ko ang isa sa paborito kong kainan noong college ako. Napangiti ako saka tumingin kay Dravis na abala sa pagmamaneho.
"Nakain ka ba sa karinderya, Dravis?"
Natigilan siya sa tanong ko. "Karinderya?"
Napahagalpak ako ng tawa sa tanong n'ya. Tangina, may accent pa talaga 'yung pagkakasabi n'ya ng karinderya.
"Oo, karinderya."
"Hmm, I'll give it a try if you want," sabi na lang nito saka bahagyang ngumiti.
Itinuro ko na lang sa kan'ya ang papunta sa karinderyang kinakainan ko noon. Sa pagkakaalam ko, bukas pa rin 'yon ngayon at maraming kumakain.
Ilang saglit lang, nakarating na kami sa karinderya na malapit sa university na pinasukan ko noong college. Agad akong bumaba ng kotse ni Dravis, sumunod naman siya sa akin.
"Ito 'yon?" tanong ni Dravis saka itinuro ang maliit na karinderya ni Aling Merina.
Ngumiti ako at tumango. "H'wag mong husgahan agad. Masasarap ang mga pagkain dito, baka balik-balikan mo pa." Tinapik ko ang braso n'ya.
Pumasok na ako sa loob, tahimik na sumunod na lang sa akin si Dravis. Buti na lang walang gaanong customer ngayon, medyo maaga pa kasi.
"Aba! Denise, ineng! Ikaw na ba 'yan?! Ka'y gandang dalaga naman talaga nito!" hiyaw ni Aling Merina nang makita ako.
Napangiti ako at agad na sinugod ng yakap ang ginang. Mabait talaga ito. May mga pagkakataon noon na libre ako nitong pinapakain sa karinderya n'ya.
"Aba'y nakita ko ang mukha mo sa magasin! Aba'y ang ganda ganda mo na lalo ngayon! Proud na proud ako!" nakangiting sabi nito.
Napangiti ako at yumakap lalo sa kan'ya. Ang bait talaga ni Aling Merina, halos ito na ang tumayong nanay ko. Naalala ko siya pa ang um-attend noong graduation ko nu'ng college. Gano'n siya kabait.
"Maganda po talaga ako, 'no," sabi ko na lang saka naghawi pa ng buhok.
Napahagalpak ng tawa ang ginang. "Wala ka pa ring pagbabago, ineng. Kalog at mabait ka pa rin."
Natigilan ang ginang nang mapatingin kay Dravis na nasa likod ko. "Aba, bago na pala ang nobyo mo? Hindi na si Michael?" tanong pa nito.
Si Michael ang una kong naging boyfriend bago ko naging boyfriend si Xceron. Mabait ang ex ko na 'yon, naghiwalay lang talaga kami dahil kinailangan n'yang magtrabaho at tumira sa ibang bansa.
"So, Michael is the name of your ex?" bulong ni Dravis sa tainga ko. Napapitlag pa ako nang maramdaman ang pagtama ng hininga n'ya ro'n.
Awkward na tumawa na lang ako saka tumango. "Ano'ng gusto mong kainin, Dravis?" tanong ko saka itinuro ang mga ulam na tinda ni Aling Merina.
Tumingin si Dravis doon. Natawa na lang ako dahil mukha siyang kinakabahan at pressured sa pagpili ng ulam. Ano ba namang tao 'to?
"Hindi ka ba makapili? Ako na lang ba ang pipili para sa'yo?" tanong ko.
Tumango si Dravis na parang bata. Mas lalo akong natawa dahil mukha siyang nakahinga nang maluwag. Pati ba naman pagpili ng ulam, kinakabahan siya.
"Umupo ka na ro'n. Ako na ang pipili." Tinuro ko na lang ang table na malapit.
Tumango si Dravis at nagtungo ro'n saka umupo. Tumingin siya sa'kin, parang batang naghihintay sa nanay na um-order sa Jollibee. Napatakip na lang ako sa bibig ko para magpigil ng tawa... Bakit ba hindi ako ma-turn off sa lalaking 'to?
"Mukhang gustong gusto mo siya, ineng ha. Namumula ka pa," bulong ni Aling Merina sa akin, pabirong kumurot pa sa tagiliran ko.
"Issue ka po, Aling Merina. Wala po kaming relasyon n'yan... Kayo po talaga."
"Sus... Oh siya, ano ba ang gusto mo riyan? Libre na lang para sa'yo," nakangiting sabi nito.
Napailing ako at kumuha ng pera sa wallet ko. Inabutan ko si Aling Merina ng ilang libo saka ngumiti sa kan'ya. "Iyan po ang bayad, keep the change po."
Nanlaki ang mga mata ng mabait na ginang. "Nako, ano ba 'yan, ineng? Aba'y hindi mo naman ako kailangang bigyan ng ganito kalaking pera."
"Nako po, bawal n'yo pong tanggihan 'yan. Magtatampo po talaga ako," kunwaring sinabi ko saka pinaningkitan siya ng mga mata. "Bumili po kayo ng mga gusto n'yo o kaya naman po magpaganda kayo at mag-relax."
Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Aling Merina, um-order na ako dahil mukhang kanina pa naghihintay si Dravis. Tahimik na nakatitig lang ito sa akin. Um-order na lang ako ng paborito kong afritada para sa aming dalawa ni Dravis.
"Iyan na, kain na," sabi ko na lang saka sinenyasan siya. Nauna na akong kumain. "Hmm... The best talaga luto ni Aling Merina," nasabi ko na lang saka muling sumubo.
Napatingin sa akin si Dravis. Kinuha na n'ya ang kutsara at nagsimula na ring kumain. Napataas ang kilay ko at pasimpleng tiningnan ang reaksyon n'ya. Napangisi ako nang makitang tila nagustuhan n'ya iyon. Muli siyang sumubo, hanggang sa naging sunod sunod na.
"Ano? Masarap 'no?" nakangising tanong ko.
Tumingin sa'kin si Dravis saka tumango. Natigilan pa ako nang ngumiti ito sa akin. Napakurap ako dahil ang ganda ng ngiti n'yang 'yon. It doesn't look forced and awkward. Halos mapapikit pa ang mga mata n'ya... Ang cute ng ngiti n'yang 'yon.
Napailing na lang ako at muling kumain... Don't look at him, Denise Audrina.
"Ilang taon ka na, Dravis?" tanong ko na lang.
"36," agad na sagot nito. "How about you?" tanong pa n'ya.
"32," tipid na sagot ko.
Natigilan si Dravis sa sagot ko. Napakurap siya at tila hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. "Really?"
Tumango ako. "Oo nga... Bakit? Ano ba'ng akala mo?"
"I thought you're just 25 or something."
Napakagat ako sa ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. Binato ko pa siya ng tissue sa mukha. "Lah, gago ka ba? Akala mo kikiligin ako diyan? Oo, yes, kinikilig ako." Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. "Gano'n pala ako kaganda? OMG."
Napatitig sa akin si Dravis saka napangiti. Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka tumuloy sa pagkain. Epal siya ha. Bumabanat lang yata siya ng gano'n para kiligin ako!
Pagkatapos naming kumain. Nakipagchikahan muna ako kay Aling Merina bago kami tuluyang umalis.
"Pwede ba tayo sumaglit sa mall?" tanong n'ya.
Natigilan ako at tumingin kay Dravis abala sa pagmamaneho. "Okay lang naman. Bakit?"
"I want to buy new clothes," sabi na lang nito.
Naningkit ang mga mata ko. "Ang sama ng ugali mo ha. Ikaw na nga ang pinahiram ng damit diyan eh."
"Hindi lang ako comfortable," sabi na lang nito.
Hindi na ako nagsalita at sinamahan na lang din siya sa mall. Hindi naman siya natagalan dahil simpleng black t-shirt at pants lang ang binili n'ya. Ni hindi nga yata siya inabot ng one minute sa pamimili. Agad n'ya ring sinuot 'yon pagkatapos saka isinauli sa akin ang damit na pinahiram ko sa kan'ya, nilagay n'ya pa sa paper bag.
"Thank you for that," sabi n'ya na lang, mukhang napilitan pa.
Nag-ikot ikot muna kami sa mall pagkatapos no'n. Baka may mahanap din ako na gusto ko ipabili kay Dravis. Sasamantalahin ko hangga't willing siya sundin ang lahat gusto ko.
Natigilan ako nang mapansing hindi ko na kasabay si Dravis maglakad. Napatingin ako sa kan'ya, naiwan ito sa mga home appliances na store. Agad akong lumapit sa kan'ya at tumingin sa tinitingnan n'ya mula sa TV... Aso?
Tumingin ako kay Dravis. Kulang na lang mag-heart shape ang mga mata nito habang nakatingin sa TV. Napangisi ako saka tinapik ang braso n'ya.
"Huy, gusto mo ng aso?" tanong ko.
Napatingin sa'kin si Dravis. Namula nang bahagya ang mukha n'ya. "N-Not really."
"Not really daw, kulang na lang mag-heart shape 'yang mga mata mo, e... Bakit hindi ka mag-adopt ng furbaby kung gusto mo naman pala?"
Umiling si Dravis. "B-Baka hindi ko maalagaan nang ayos," tila nahihiyang sabi n'ya.
"Ahh... Try mo mag-alaga ng furbaby," sabi ko na lang.
Umiling si Dravis saka napahawak sa batok. "I-I don't deserve to be a furparent though."
"Utos 'yon," nakataas-kilay na sabi ko.
Natigilan si Dravis at nagtatakang tumingin sa akin. "H-Huh?"
Napangisi ako. "Diba sabi mo susundin mo ang lahat utos ko ngayong araw?"
Natigagal si Dravis sa sinabi ko. Napakurap siya. It feels like he realized, he's in danger. I just smirked and crossed my arms. Para sa kan'ya rin naman 'to... Mukhang gusto n'ya talagang mag-alaga ng aso.
"Ang utos ko sa'yo, mag-alaga ka ng aso."
Napalunok si Dravis, mukha siyang kinakabahan. Pati ba naman sa pag-aalaga ng aso, kinakabahan siya. Lalo tuloy siya naging cute, para na rin siyang tuta sa paningin ko.
"I-I wouldn't dare, Audrina," nauutal na sabi n'ya. Mas lalong namula ang mukha n'ya.
"Sabi mo hindi ka tatanggi sa'kin ngayong araw? Diba? Nangako ka?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Natigilan lang ako nang mapatingin sa bandang likod ni Dravis. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita si Patrice, kasama si Xceron. Agad na nanlaki ang mga mata ko.
"C-Can I think about it first? I'm—"
Hindi ko na hinintay na matapos si Dravis. "D-Dravis, may emergency! A-Aalis na 'ko, bye!"
"Audrina, why—"
Hindi ko na siya hinintay na matapos at agad na tumakbo paalis do'n. Narinig ko pang tinawag ako ni Dravis pero hindi ko siya nilingon.
Sa lahat, sila ang pinaka-ayaw kong makakita sa amin ni Dravis nang magkasama!