"Bebe girl Denise. Parang ang lalim yata ng iniisip mo today," sabi ng makeup artist ko.
"Pagod lang ako, teh."
Napatitig na lang ako sa sarili ko sa salamin. Mukhang halata nga na malalim ang iniisip ko... pero ang ganda ko pa rin.
Napailing ako at tumingin sa phone ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatitig sa text ni Dravis sa akin five days ago na hindi ko ni-reply-an. Hindi na siya nag-text ulit pagkatapos no'n. Five days na rin kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam, kung tutuusin dapat wala naman akong pakialam pero hindi ko siya maalis sa isip ko.
Dravis: Good morning, Audrina.
Napakagat ako sa kuko ko habang nakatitig sa message n'ya. Five days ago na ito pero iniisip ko pa rin kung dapat ko bang reply-an. Pero ang weird naman kung bigla na lang akong magre-reply sa message n'ya kahit five days na ang nakalipas. Hindi na rin naman siya nag-text ulit.
"He doesn't remember that I'm Xceron's ex-girlfriend... He's weird," bulong ko na lang habang tinatapik-tapik ng daliri ko ang steering wheel.
Hindi ko na siya matingnan nang ayos simula nang malaman kong hindi n'ya pala naaalalang ex ako ni Xceron. Hindi ko alam kung bakit awkward para sa akin. Akala ko aware siya ro'n. Ngayon hindi ko na alam kung bakit hindi ako mapalagay. Baka ano pa ang isipin n'ya tungkol sa'kin, na tinuhog ko silang magkaibigan... Kahit pa hindi sila close, nasa iisang organisasyon pa rin sila.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Bakit naman ngayon ko lang naisip 'yon? Bakit ba inuna ko ang kalandian?
Kampante rin naman kasi ako na hindi na mauulit ang one night stand namin ni Dravis. Naisip ko na hindi na kami magpapansinan ulit pagkatapos may mangyari sa amin... Akala ko kakalimutan na rin namin ang nangyari pagkatapos no'n.
Pero ako naman ang hindi makalimot dito.
Napailing na lang ako at nagsuot ng shades. Tiningnan ko ang sarili ko muna sa rearview mirror ng kotse ko saka inayos ang buhok ko. I'm just wearing a black sleeveless square neck crop top and fitted jeans, paired with red pumps. Napaismid na lang ako bago lumabas ng kotse ko at pumasok sa Elygant clothing line para mamili ng mga damit. Nagpatahi rin ako ng designs doon.
Nagtingin-tingin muna ako ng mga damit bago ko puntahan ang may ari na kakilala ko lang din. Ang kaibigan kong si Faith talaga ang pinakapaborito kong designer, kaso bet ko rin naman dito sa Elygant CL kaya minsan namimili rin ako ng mga damit dito kahit punong puno na ang drawer ko. Minsan isinasalang ko rin sa auction ang iba kong mamahaling damit saka dino-donate sa mga charity ang pera.
"Wow, ang ganda nito, ah," sabi ko na lang saka napatingin sa beige dress na nasa mannequin.
Natigilan lang ako nang mapatingin sa lalaking nasa counter. Kausap nito ang may ari ng clothing line. Pinakita ng babae ang uniporme rito na tila pang-piloto. Napakurap ako nang mapagtanto kung sino 'yon.
Si Dravis Laurent na naman?!
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nanatili akong nakatingin sa kan'ya at hindi naman nakakilos para magtago. Napailing na lang ako at inayos ang shades ko... Saka bakit naman ako magtatago? Sino ba siya para pagtaguan ko? Duh.
Napapitlag ako nang tumingin siya sa direksyon ko. Nawala sa uniporme ang focus n'ya at napatitig sa akin. Napaangat na lang ang isang kilay ko saka inalis ang shades ko. Akmang iiwas na lang sana ako ng tingin pero agad siyang ngumiti sa akin nang makita ako.
Napasinghap ako at humawak nang mahigpit sa sling bag ko. Bakit siya ngumiti nang ganoon?! My goodness! Aaminin kong medyo cute siya ro'n!
Agad n'yang kinuha ang paper bag mula sa may ari ng clothing line at agad na naglakad palapit sa akin. Napatikhim na lang ako at napakamot sa kilay ko. Kalmadong tumingin na lang ako sa ibang mga damit at nagkunwaring walang pakialam sa presensya n'ya.
"Audrina, you're here," sabi nito.
"Ay hindi, wala ako rito. Multo lang ako," sarkastikong sabi ko.
Napatingin ako kay Dravis nang mapansing natahimik siya. Tinaasan ko na lang siya ng kilay bago muling binaling ang atensyon ko sa mga damit, nagkunwaring abala.
"Are you mad at me again? Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" tanong pa nito.
"Hindi, ah. Wala naman akong dapat sabihin sa'yo, e."
"Bakit lagi kang galit sa'kin?" dagdag na tanong pa n'ya.
Napakunot ang noo ko saka agad na tumingin sa kan'ya. "Huy, hindi, ah. Saka ikaw kaya 'yung laging galit sa'kin. Hindi mo na ba naaalala? Lagi ka kayang galit sa'kin noon. Palaging masama 'yung tingin mo tapos nagw-walkout ka pa, obvious na dahil sa'kin 'yon." Napaismid ako.
Hindi ko alam kung bakit ko na lang biglang naalala 'yung mga panahon na masungit siya sa akin. Ngayon na lang ako magrereklamo sa kan'ya tungkol do'n.
"I don't like you before. You're always loud. Laging nakasigaw kahit malapit lang ang kausap," diretsang sabi n'ya.
Napaubo na lang ako at napasapo sa dibdib ko sa diretsahang sinabi n'ya. Nanlaki ang mga mata ko at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kan'ya. "Gago, seryoso bang iyan ang iniisip mo tungkol sa'kin noon?"
Tumango na lang siya.
"Wow ha. Eh bakit ngayon mabait ka na? Dahil nag-s*x tayo?" pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"I'm not like that," sabi n'ya, humina ang boses. Mukhang nagtampo.
Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko dahil medyo nakonsensya ako. "Sorry," bulong ko. "Eh bakit nga bumait ka na sa'kin?"
"Wala lang. I don't dislike you anymore. You're still irritating and loud though," dagdag n'ya pa.
Naiinis na hinampas ko ang dibdib n'ya. "Thank you ha, nakagaan ng loob," sarkastikong sabi ko.
Natahimik na lang ulit kami. Nag-abala na lang ako sa pagtingin ng mga damit, hindi naman umalis si Dravis sa tabi ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka pasimpleng tumingin sa kan'ya mula sa peripheral vision ko.
"Hindi ka ba talaga close saa feroci?" tanong ko.
"Yeah. I only see them as my co-workers," sagot naman n'ya.
Napatango ako at hindi na lang nag-react. "Hmm, how about Xceron? Ano'ng tingin mo kay Xceron?"
"Xceron Archante?" naitanong n'ya. "Wala, I don't care about him... I honestly don't care about them at all."
Napatango na lang ulit ako. Mukhang totoo nga ang nasabi sa akin ni Xceron noon na walang pakialam si Dravis sa paligid n'ya.
Tumingin ako sa kan'ya. "Kilala mo ba si Patrice?" tanong ko.
Umiling siya. "Sino 'yon?" tanong pa n'ya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Napatikhim ako. "How about Angel? Nathalie? Kiara? Kilala mo ba sila?" tanong ko pa.
"Those names don't ring a bell. Why are you asking that? Sino ba sila?" nakakunot-noong tanong pa n'ya.
Napakurap ako. "H-How about me? Kung hindi mo ba nakita ang pangalan ko sa magazine noong nakaraang gabi, hindi mo pa maaalala ang pangalan ko?" tanong ko.
Napaiwas siya ng tingin sa akin saka napahawak sa batok n'ya. "W-Well..." nauutal na sabi n'ya.
Natawa ako nang mapakla. "Wow, Dravis Laurent. You're so rude. Ni hindi mo man lang pala naaalala ang mga pangalan namin, pati pangalan ng mga girlfriend at asawa ng ka-miyembro mo sa feroci kahit ilang beses mo na silang nakasalamuha," hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.
"I-I'm sorry. It's just... I don't find it necessary. They're too many. Hindi ko na inabalang alalahanin, Naaalala ko naman ang mga mukha nila, e," bulong n'ya.
"Wow," nasabi ko na lang saka napahawak sa sentido ko.
Siguradong magwawala sila, lalo na si Angel, kapag nalaman na hindi man lang pala naaalala ng lalaking 'to ang mga pangalan nila. Ano'ng klaseng tao ba ang lalaking 'to? Ganoon ba siya ka-walang pakialam sa paligid n'ya?
"Oy! Dravis!"
Natigilan ako at napatayo nang tuwid nang marinig ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong tumalikod at nagkunwaring nagtitingin ng mga damit... Hindi ako pwedeng magkamali!
"Cadence," sabi na lang ni Dravis.
"Uy, Denise! Nandito ka rin, girl! Magkasama pala kayo ni Dravis," sabi ni Cad.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka humarap sa kanila. Alanganing ngumiti ako saka napakamot sa batok ko. "Ah, hindi. Nagkataon lang na nagkita kami rito." Awkward na tumawa ako.
"Ninang Denise!"
Natigilan ako at napatingin sa batang tumawag sa akin. Napasinghap ako nang makitang kasama pala ni Cad ang anak n'ya na si Cadiah. Agad itong lumapit sa'kin saka yumakap sa hita ko. Agad naman akong napangiti saka marahang hinaplos ang buhok n'ya.
"Hello, baby girl. I missed you," nanggigigil na sabi ko saka marahang kinurot ang matabang pisngi nito. "Nasaan ang Mommy mo?" tanong ko. Napansin ko kasi na hindi nila kasama si Liah.
"Kami lang po ni Daddy ang magkasama kasi po busy si Mommy sa work. Nasa mall po kami then nakita po namin ikaw!" sabi nito saka mas yumakap sa hita ko.
"Kumain ka na ba, Denise pangit? Pupunta kami sa Amianna Delights, kakain kami ro'n," pagyayaya ni Cad.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Libre mo ba?"
"Kuripot talaga," bulong ni Cad na narinig ko naman. "Oo na. Ililibre ka na. Ano? Sama ka?"
Tumango ako saka muling tumingin kay Cadiah na nakayakap pa rin sa'kin. Na-miss ko rin naman ang cutie na 'to kahit spoiled brat.
Tumingin si Cad kay Dravis. "Yayayain pa ba kita? Sure naman na 'di ka sasama," napapailing na sabi ni Cad.
"Sasama ako," sabi naman ni Dravis.
Halatang natigilan si Cad sa sinabi nito. "Ay? Talaga? End of the world na ba?"
"Nagugutom ako, bakit?" masungit na tanong ni Dravis.
Pasimpleng napataas ang kilay ko. Ang sungit pala talaga n'ya sa feroci members. Alam man lang ba ng feroci ang soft sides ng Dravis na 'to?
Nagpunta na kami sa Amianna Delights pagkatapos no'n, mabilis lang kami nakarating doon dahil malapit lang naman. Um-order na kami ng pagkain. Gaya ng pangako ni Cad, nilibre n'ya na lang ako. Hindi rin naman ako magbabayad 'no. Ang dami n'yang nahihitang pera araw-araw, hindi na n'ya kailangan 'yon.
"Daddy, I want ice cream naman po," nakangusong sabi ni Cadiah matapos kumain.
"Ice cream naman ngayon?" nakakunot-noong tanong ni Cad.
"Sige na po, Daddy. Ibili mo po ako para po i-kiss kita," pangungulit pa ni Cadiah.
"Hay nako... Parehas na parehas kayo ng Mommy mo ha. Alam n'yong marupok ako sa inyong dalawa." Tumayo na lang si Cad saka humalik sa sentido ni Cadiah. "Denise, pakibantay muna ha. Bibili ko lang siya ng ice cream."
"Go ahead. Ako'ng bahala kay Cadiah," sabi ko na lang saka hinaplos ang buhok ng anak n'ya.
Naiwan kaming tatlo nang umalis si Cad. Napangiti na lang ako nang tumingin sa akin si Cadiah saka humalik sa pisngi ko. Napatingin naman siya kay Dravis na kanina pa tahimik. Tumingin din sa kan'ya si Dravis.
"Ninong Dravis, are you mad at me po?" tanong ni Cadiah.
Napakurap si Dravis. "N-No. Of course not."
"Hindi mo po ako nikakausap lagi. Tapos you always look masungit po. May nigawa po ba ako sa'yong bad?" nakasimangot na tanong ni Cadiah.
Napalunok si Dravis, tila na-tensed ito. "N-No, I'm not mad at you. H-Hindi lang ako mahilig magsalita," sabi na lang ni Dravis.
Napanguso si Cadiah, maya maya ay bahagyang namula ang ilong at pisngi nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may luhang namumuo sa mga mata ng bata. "M-Maybe you don't like me po, Ninong Dravis," sabi ni Cadiah saka napahikbi.
Halatang nataranta si Dravis, maski ako rin. "C-Cadiah, that's not true," sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang likod nito para pakalmahin.
Tumingin ako kay Dravis. Tiningnan ko siya nang masama saka sinenyasan siya na lumapit kay Cadiah. Napakurap si Dravis at napatayo, napahawak pa sa batok at tila hindi alam ang gagawin. Kahit nag-aalangan, lumapit siya kay Cadiah.
"I-I'm not mad at you, Cadiah," nauutal na sabi ni Dravis.
"Buhatin mo siya. Lambingin mo," mariing bulong ko kay Dravis.
Baka dumating na si Cad at maabutan na umiiyak ang anak n'ya. Baka maghalo pa ang balat sa tinalupan. Mahal na mahal pa naman ng gunggong na 'yon ang prinsesa n'ya.
Kahit nag-aalangan, binuhat ni Dravis si Cadiah saka hinaplos-haplos ang likod nito. "D-Don't cry, baby. I'm not mad at you... I don't dislike you either. Shh shh," sabi ni Dravis sa malambing na boses habang hinahaplos haplos ang likod ni Cadiah.
Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan sila. Tumahan naman si Cadiah saka yumakap sa batok ni Dravis. "Ninong Dravis," sabi ni Cadiah saka ngumiti kay Dravis. "Okay na po. I approve!"
Napakunot ang noo namin ni Dravis sa sinabi nito. Ano naman kayang trip ng batang 'to? Bakit ba manang mana siya kay Cadence?
"Approve na po ako na maging girlfriend mo si Ninang Denise. You're kind naman po pala," nakangiting sabi pa ng bata.
Napakurap si Dravis saka napahawak sa batok. "S-So, you were just testing me?"
Napahagikhik si Cadiah saka tumango. Bumaba na ito sa pagkakabuhat ni Dravis saka lumapit na ulit sa akin. Kahit ako napakurap na lang sa nangyari... Ano'ng klaseng bata ba 'to?
Ngumiti si Cadiah saka kinuha ang kamay ni Dravis at ipinatong sa kamay ko. "Diba po magboyfriend girlfriend kayo? I can feel it po kasi, e!"
"B-Baby, hindi gano'n," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
Napatingin ako kay Dravis na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit natigilan ako... Tumitig din siya sa akin, hindi maalis ang tingin.
Agad ko na lang inilayo ang kamay ko nang may hindi maipaliwanag na kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Inilayo na lang din ni Dravis ang kamay n'ya at napaiwas ng tingin.
Napakunot ang noo ko... Ano 'yon? Ano'ng pakiramdam 'yon?
WALA AKONG GINAWA kundi tumambay sa unit ko at manood ng movies. Kaysa mag-isip ng kung ano-ano, pinili ko na lang magrelax sa unit ko buong araw... Kung ano-ano na lang ang naiisip ko.
Tanginang Dravis Laurent 'yon. May sumpa yata ang lalaking 'yon!
Natigilan ako sa panonood nang makarinig ng doorbell. Agad akong napatayo at pinagbuksan 'yon. Napakunot na lang ang noo ko nang makitang wala namang tao. Akmang isasara ko na ang pinto pero natigilan ako nang makitang may nakaupo sa gilid, mukhang lasing na lasing.
"Dravis?" naitanong ko na lang nang makita ko siyang nakaupo ro'n.
Tangina naman. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?
"Huy! Ano'ng ginagawa mo diyan?!"
Hindi naman siya sumagot, siguro dahil sa matinding kalasingan. Napabuga ako ng hangin at pinilit siyang hilahin patayo. Mukhang gising pa naman siya dahil nagawa n'ya pang tumayo. Pilit ko siyang inalalayan papasok sa unit ko. Nahirapan talaga ako dahil ang bigat n'ya. Basta ko na lang siya inihagis sa couch dahil ayaw ko siyang dalhin sa kwarto ko.
Nagpamaywang ako saka tumitig sa kan'ya. Ano ba'ng nakain ng lalaking 'to at nagpakalasing na naman?
Kumuha na lang ako ng extra kumot at unan sa kwarto ko saka bumalik ulit sa living room kung nasaan siya. Nilagyan ko siya ng unan sa ulo saka kinumutan... Natigilan pa ako nang mapatitig sa maamong mukha nito. Mas lalo siyang nagmukhang inosente kapag natutulog.
"Ashia..."
Natigilan ako nang marinig ang ibinulong n'ya... Ashia?
Mapait na napangiti ako at napahawak sa sentido ko... Naaalala ko na. Siya ang first love ni Dravis. Ang pangalan na meaning ng tattoo ni Dravis sa braso... Si Ashia.
Napatitig na lang ako kay Dravis saka napabuga ng hangin nang marinig ko ang sunod nitong sinabi.
"D-Don't leave me, Ashia... Please," bulong pa nito.