Chapter Seven

2743 Words
"Damn, Denise Audrina." Napabuga ako ng hangin at napasabunot sa sarili kong buhok. Kanina pa ako nakauwi rito sa unit ko pero pakiramdam ko hinihingal pa rin ako. Kainis. Basta ko na lang tuloy naiwan si Dravis sa mall. Dahil ang cute na ni Dravis sa paningin ko, pakiramdam ko may bata akong naiwan sa mall. Bakit naman kasi biglang sumulpot doon sina Xceron? Alam kong tapos na kami ni Xceron, wala na kami, pero kahit na. Ano na lang ang iisipin nila kapag nakita nila akong kasama si Dravis? Baka isipin pa nila na pagkatapos ko kay Xceron, si Dravis naman ang sinunod ko na nasa iisang organisasyon lang. I know I'm overthinking too much. Pero hindi maganda na makita nila kaming magkasama ni Dravis. I don't want complications. Being with him is not good for me and my image... Bakit kasi nagyaya pa ako lumabas kasama siya? Minsan para din akong ewan, e. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa phone ko. Ang daming text sa akin ni Dravis pero hindi ko magawang reply-an. Nakokonsensya rin naman ako... Ako ang nagyaya sa kan'ya lumabas tapos ako itong nang-iwan. Napabuga na lang ako ng hangin saka nag-type ng reply kay Dravis. Sorry kung biglaan akong umalis, Dravis. May emergency lang kasi. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at tinapik-tapik ang mesa habang hinihintay ang reply n'ya. Napakunot na lang ako at humiga sa couch habang naghihinta... Bakit ang tagal n'yang mag-reply? Nagtampo na ba siya? Nagpaikot-ikot na lang muna ako sa unit. Nakapaglinis na ako at lahat lahat, hindi pa rin siya nagre-reply. Naiinis na napapadyak na lang ako sa sahig saka bumagsak ulit sa couch. "Bakit ba ayaw mong mag-reply? Lalo akong nakokonsensya!" asik ko saka napasipa na lang sa hangin. Natigilan lang ako nang marinig na tumunog ang doorbell. Napakunot ang noo ko at agad na napabangon... Sino naman kaya 'yon? Agad kong binuksan ang pinto, bahagya akong napaatras nang makitang si Dravis 'yon. Napakurap pa ako at tila hindi makapaniwalang tumingin sa kan'ya. "W-What are you doing here? Lasing ka na naman ba?" nakakunot-noong tanong ko. Umiling si Dravis saka napahawak sa batok. "I-I'm here... with my puppy," bulong n'ya. Napakurap ako saka bumaba ang tingin sa hawak n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang tuta. Kinusot ko pa ang mga mata ko para siguruhing tama ang nakita ko. "You really adopted a dog?" naitanong ko na lang. Tumango siya, namumula ang tainga. "G-Galit ka ba sa'kin?" tanong n'ya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kan'ya. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?" "B-Bigla kang umalis kanina. I thought you were mad because I kept on hesitating about having a furbaby. I'm sorry. I promise, I won't say no to you this time," hinging paumanhin n'ya, tila nakokonsensya. Napatingin ako sa tuta na hawak n'ya. Napangiti ako habang nakatingin sa aso... It was cool of him to choose aspin puppy. Kulay brown ito at mukhang puppy pa pero hindi naman na maliit, mukha ring makulit dahil pilit nitong gusto bumaba mula sa pagkakahawak ni Dravis. Hindi ko in-expect na aspin ang breed ng aso na ia-adopt n'ya. He really surprises me in a lot of ways. "Why did you choose aspin? I was expecting you to adopt foreign breed dogs," nakangiting sabi ko na lang saka tumingin sa kan'ya. "I like all dogs, kahit ano pa'ng breed. I chose to adopt this puppy in particular because it feels like we have a connection." He smiled and gently caressed the puppy's head. He looked at me again, he seems worried. "Aren't you mad at me anymore?" tanong pa n'ya. Natawa na lang ako at napailing. "Hindi naman ako galit sa'yo. May emergency lang talaga na nangyari," sabi ko na lang saka napahawak sa batok ko... Sina Xceron at Patrice, emergency talaga 'yon. Napangiti si Dravis. Napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin sa cute n'yang ngiti... Why is he always smiling innocently like that? Gusto ko na naman siyang ibulsa. "Ahm, wala ka bang nakasalubong sa mall na kakilala mo?" tanong ko na lang... Sana naman hindi siya nakita nina Xceron. "Umalis agad ako noong umalis ka. Nag-asikaso agad ako sa pag-adopt ng furbaby," paliwanag n'ya saka marahang hinaplos ang ulo ng puppy. "Paano mo pala naipasok ang puppy rito? Bawal ang pets dito sa condominium," nagtatakang tanong ko. "Ah, yeah. They are not allowing pets here, so I just bought this condominium," paliwanag nito, parang wala lang. Napakurap ako sa sinabi n'ya. Nakipagtitigan ako sa kan'ya, hinihintay na sundan n'ya ng "joke" ang sinabi n'ya, pero nanatili lang din siya na nakatitig sa akin nang seryoso. "H-Huh?!" gulat na tanong ko nang tuluyang mag-sink in sa akin ang sinabi n'ya. Dravis blinked twice and touched his nape. "Why?" tanong pa n'ya. "S-Seryoso bang binili mo 'tong condominium? Itong buong 'to? Buong building na 'to?!" gulat na tanong ko pa. Tumango si Dravis. "Y-Yeah, pets are not allowed here but I want to show you my furbaby, so I just bought this whole building, though, hindi pa tapos ang pag-process." Napakurap ako. "Binili mo 'tong buong building na 'to para lang maipasok dito ang furbaby mo at maipakita sa'kin?" tila hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Napahawak ako sa batok ko dahil pakiramdam babagsak ako ano mang oras. Napaawang ang labi ko at gulat na nakatingin pa rin kay Dravis. He just awkwardly smiled at me and scratched his nape. "Why? Is there something wrong?" tanong n'ya pa. "My goodness, Dravis Laurent... Alam kong mayaman ka pero hindi ka ba nanghihinayang sa winaldas mong pera?" "Hindi naman. Mura lang naman ang nagastos ko para sa puppy, bibili pa lang ako ng—" "Hindi 'yon ang tinutukoy ko! Itong condominium! It's not necessary for you to buy this whole building. Dapat nag-text ka na lang sa akin para napuntahan kita!" asik ko. Napakurap si Dravis. "A-Ayos lang naman." Napabuga ako ng hangin at napalunok... Why is he like this? Hindi ko rin naman magawang mainis nang matagal dahil para siyang bata na nakatingin sa akin, parang pinapagalitan ng nanay. "Whatever, pera mo naman 'yan," pagsuko ko na lang. "Come in," sabi ko saka mas ibinuka ang pinto. Pumasok na lang si Dravis dala ang tuta. Agad naman n'yang ibinaba ang tuta sa sahig. Nagpatakbo takbo naman ito sa unit ko. Napangiti na lang ako habang nakatitig do'n. I really want to have a pet ever since, but just like Dravis, hindi rin ako sure kung maaalagaan ko ito nang ayos. Umupo ako sa carpet, agad namang sumugod sa akin ang puppy saka dinilaan ang kamay ko. Napahagikhik na lang ako at binuhat ito saka pinaupo sa lap ko. "So cute," bulong ko. Napatingin ako kay Dravis na nakangiti lang habang nakatitig sa amin ng tuta. Umupo rin siya sa carpet at nag-Indian sit. "Lalaki 'to, diba?" tanong ko. Tumango si Dravis. "May pangalan na ba siya?" tanong ko ulit. "Hindi pa ako nakakaisip... Maybe I'll just name him Brown," sabi nito. Napaismid ako. "Ano ba 'yan? Parang hindi man lang pinag-isipan," reklamo ko. "Iba naman, 'yung hindi kulay. Ano ka ba?" Napahawak si Dravis sa batok n'ya. "W-Wala akong maisip." "Tutulungan kitang mag-isip, gusto mo?" tanong ko. Napaupo nang tuwid si Dravis at tumango, tila na-excite. Napangiti na lang ako at muling tumingin sa puppy. "Hmm... Ano ba'ng maganda?" Tumahol ang aso saka dinilaan ang kamay ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka tumingin ulit kay Dravis. He looks like a cute puppy too. Napangisi na lang ako nang may ideyang pumasok sa isip ko. "What about Dravy? Galing sa name mo, tutal mukha ka namang puppy—este para same kayo ng name. Diba? Baby Dravy and Daddy Dravis," nakangiting sabi ko. Napangiti ako nang bahagyang namula si Dravis sa sinabi ko, tila ba nagustuhan n'ya ang pangalan na naisip ko. Tumango na lang siya saka ngumiti sa akin. "That's a cute name. Thank you, Audrina." Tumikhim na lang ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Mahirap din pala magpanggap na hindi ako affected sa tuwing tinatawag n'ya ako sa second name ko... Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya pinipigilan. Nasasanay na rin ako na tinatawag n'ya ako sa second name ko. I don't know if it's a good thing or not. "Come here, Dravy..." sabi ni Dravis saka pinalapit sa kan'ya ang tuta. Lumapit naman sa kan'ya si Dravy pero imbis na dilaan, kinagat nito ang kamay ni Dravis. Natawa na lang ako nang harutin ni Dravy ang kamay ni Dravis saka kinagat-kagat. Imbis na mainis, napangiti si Dravis sa ginawa nito. "It seems like you love your Mommy Audrina more than me," bulong nito na narinig ko naman. "Huh?" naitanong ko. "M-Mommy Audrina?" tanong ko saka itinuro ang sarili ko. Dravis looked innocently at me and nodded. "Dravy needs Mommy too," sabi naman n'ya. "Mommy Audrina, Daddy Dravis, and baby Dravy," dagdag pa n'ya. "Bakit naging Mommy n'ya ako nang hindi ko alam?" naitanong ko na lang. Dapat naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit natatawa ako. "You named him. You're his Mommy now," katwiran na lang ni Dravis. Tumakbo ulit sa akin si Dravy saka tumahol. Hindi ko na nagawang makipagtalo kay Dravis at nilaro na lang furbaby. Binuhat ko ito saka marahang niyakap. Pakiramdam ko tuloy meron na rin akong pet. "Na-injection na ba si Dravy, 'yung mga anti-rabbies, mga gano'n?" tanong ko na lang. I'm not that familiar with those stuff. Tumango si Dravis. Napatango na lang din ako. Kaya naman pala hindi na n'ya ako nareply-an, nainis ako sa wala. Natatawang napailing na lang ako. Nagbonding na lang kami ni Dravis with his new furbaby. Hindi ko alam, masyado rin akong nag-enjoy na halos nawala na sa isip ko ang oras. Pagsapit ng gabi, kinuha na ni Dravis si Dravy at uuwi na raw sila. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko dahil sumama pa ako sa kanila pauwi. Napatingin ako kay Dravis na tahimik na nagmamaneho, si Dravy naman ay nasa kandungan ko. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Dravis looks happy with his furbaby. Ano ba ang pumipigil sa kan'ya at ngayon n'ya lang naisipan mag-alaga ng aso? Mukha naman siyang mabuting furparent. Dumating na kami sa bahay ni Dravis. Ito ang pangalawang beses na nakatungtong ako rito pero nawiwindang pa rin ako. Curious tuloy ako kung gaano siya kayaman. Nagtungo na kami sa living room. Ibinaba na n'ya si Dravy at hinayaan ang puppy na magpatakbo takbo. Napangiti na lang si Dravis habang pinapanood ang puppy. "Dravis, dalhin mo si Dravy sa akin minsan. Okay?" sabi ko saka pinaningkitan siya ng mga mata. Dravis smiled at me and nodded. "Of course, you're his Mommy." Napairap na lang ako. "Hindi pa rin ba tayo tapos sa Mommy thingy na 'yan?" Tumango si Dravis. "You're his Mommy." "Oo na," sabi ko na lang saka napairap. "Audrina, Have you eaten? Do you want me to cook for you?" biglang tanong ni Dravis. "Marunong ka magluto?" tanong ko. Dravis nodded. "Of course." Nagtungo kami sa kusina. Pinanood ko na lang si Dravis na maghanda para sa pagluluto. Tinapik tapik ko ng daliri ko ang table. Napangisi na lang ako habang pinapanood ang likod n'ya... I find his back entertaining too, there must be something wrong with me. Nilaro ko na lang si Dravy habang hinihintay kong matapos magluto si Dravis. Ilang saglit lang, naghain na ito para sa aming dalawa. Naglagay na rin siya ng dog food para kay Dravy. "Marunong ka pala magluto ng adobo?" nasabi ko na lang matapos tikman ang niluto n'ya... I admit, his adobo tastes good. Tila nahihiyang ngumiti si Dravis at tumango, namula pa ang tainga. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi napigilan ang sarili ko. Agad kong inilapit ang kamay sa pisngi n'ya saka kinurot 'yon. Napakurap si Dravis saka nagtatakang napatingin sa'kin. "A-Audrina?" tanong na lang n'ya. Napabuga ako ng hangin at agad na inilayo ang kamay ko. "Wala, nanggigil lang," sabi ko na lang at nagkibit-balikat saka muling kumain. Napahawak si Dravis sa pisngi n'ya, tila naguluhan siya sa nangyari. Natatawang napatingin ako sa kan'ya... Why is he always like that? Nanggigigil ako sa kan'ya. "Audrina, are you mad at me?" tila kinakabahang tanong n'ya Napahagalpak ako ng tawa saka pabirong hinampas ang matigas na braso n'ya. "Hindi ako galit. Ano ka ba?" Napailing na lang ako at bumalik sa pagkain. Kahit naguguluhan pa rin, kumain na lang din si Dravis. Pinigil ko na lang na tumingin sa kan'ya dahil baka makurot ko na naman siya. Pagkatapos naming kumain, naghugas na ng plato si Dravis. Binuhat ko na lang si Dravy at pinanood namin si Dravis na maghugas ng plato. Lagi namang napapalingon sa amin si Dravis at napapangiti. Lumapit pa ito kay Dravy saka marahang hinalikan ang ulo nito... Hindi naman ako 'yung hinalikan pero napangiti ako. Hindi gaanong malikot si Dravy kapag ako ang may hawak sa kan'ya. Kapag si Dravis kasi, palagi n'yang kinakagat. Pero nakikipaglaro naman ito kay Dravis lagi. Hindi ko maiwasang pansinin ang ginagawa ni Dravis. Pati sa paghuhugas ng plato, metikuloso rin siya. Gusto n'ya, talagang malinis. Napangiti na lang ako at tahimik na pinanood siya. Si Dravy naman ay lumilikot, tila gusto nitong lumapit kay Dravis. Saglit na tumigil si Dravis saka tumingin sa amin saka napangiti. Natigilan lang ako nang bigla ako nitong dinampian ng halik sa noo. Napakurap na lang ako at nagtatakang napatingin sa kan'ya. Napawi lang ang ngiti ni Dravis nang ma-realize n'ya ang ginawa n'ya. Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya, namula rin ang mukha n'ya dahil sa hiya. "I-I'm sorry. That kiss was meant for Dravy. I-I'm really sorry, I-I was... a little..." Nagkakanda-utal na siya, halos hindi na makapagsalita nang ayos. Napakurap na lang siya at muling lumapit, sa pagkakataong 'to, kay Dravy naman siya humalik. Napaiwas siya ng tingin sa akin saka muling bumalik sa paghuhugas ng plato. Napangisi na lang ako at pinigil na matawa. Hanggang sa matapos maghugas si Dravis, namumula pa rin ang mukha n'ya. Nagtungo na kami sa living room pagkatapos, hindi siya makatingin sa akin. "Ahm... G-Gusto mo na bang umuwi? I'll take you home," sabi ni Dravis saka napahawak sa batok, mukhang nahihiya pa rin siya sa nangyari. Umupo na lang ako sa couch saka pinaupo si Dravy sa kandungan ko. "Maya-maya na 'ko uuwi. Kahit ako na lang mag-isa. Ako naman ang sumama rito, e." Tumingin sa'kin si Dravis. "Okay lang, ihahatid na kita," pagpupumilit pa n'ya. Natahimik na lang ulit kaming pareho. Hinaplos ko ang balahibo ni Dravy na ngayon ay natutulog na sa kandungan ko. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kan'ya. Napatingin ako kay Dravis. Natigilan ako nang mapansing sa akin siya nakatitig. Natigilan din siya at napaiwas agad ng tingin, ibinaling n'ya na lang ang tingin kay Dravy. "B-Baka nabibigatan ka na," sabi na lang n'ya. Kinuha n'ya sa akin si Dravy saka pinahiga ito sa couch. Hinaplos n'ya ang likod ni Dravy na tulog na tulog pa rin. Tumingin naman siya sa akin. "Thank you, Audrina." Tipid na napangiti na lang ako. "You're welcome... and please, just call me Denise. Masyado rin namang mahaba ang Audrina." Napatitig sa akin si Dravis bago nagsalita. "No. I want to be the only one who calls you Audrina." Natigilan ako sa sinabi n'ya. May naramdaman akong nakakakiliting pakiramdam sa kalamnan ko. Dravis just smiled at me, as if he didn't caused a ruckus to my whole system. I sighed while staring at him. Even his eyes are smiling... Napakagat ako sa ibabang labi ko at napabuga ng hangin. Tumayo na lang ako at kinuha ang sling bag ko. Lumapit ako sa kan'ya saka yumuko. Natigagal si Dravis nang dampian ko ng halik ang labi n'ya. "Bye, Dravis. Uuwi na ako," anas ko na lang saka tumayo na. Napahawak ako sa sentido ko... Tangina, Denise Audrina! Akmang aalis ako pero agad na nahawakan ni Dravis ang kamay ko. Hinila ako nito dahilan para mapaupo ako sa kandungan n'ya. Bumigat ang paghinga ko nang mapatitig sa kulay abo nitong mga mata... Tumitig din siya sa akin, namumula ang mukha. Napakapit na lang ako sa balikat n'ya nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko. "A-Are you really planning to leave after kissing me like that?" tanong nito... Pagkasabi no'n ay agad n'yang hinawakan ang batok ko at siniil ng halik ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD