Chapter Four

2648 Words
Ang bigat ng katawan ko nang magising. Napangiwi na lang ako at napadaing... This time, it's real. Talagang nananakit ang buong katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Mukhang totoong totoo na talaga ito. Bukod sa naaalala ko ang lahat nang nangyari kagabi, ramdam na ramdam ko rin sa katawan ko. Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakayakap sa baywang ko at mahimbing na natutulog. Ugali n'ya ba talagang mangyakap ng katabi n'ya?! Napataas na lang ang kilay ko at marahang tinapik ang pisngi n'ya. "Hoy, gago..." bulong ko. Marahang idinilat ni Dravis ang mga mata. Napatitig na lang siya sa akin, napakurap pa bago kumunot ang noo. "W-What?" tanong n'ya, tila paos ang boses dahil bagong gising. Napaismid ako dahil ang hot ng boses n'ya sa umaga. "Bumangon ka na at umalis," nakataas-kilay na sabi ko na lang. Inalis ko ang pagkakayakap n'ya sa baywang ko saka pilit na bumangon kahit medyo masakit ang katawan ko. Talagang sinamantala namin ni Dravis kagabi. First time n'ya pero mabilis siyang natuto. Bibigay na yata ang mga tuhod ko pero game na game pa rin ang p*********i n'ya... Kaya siguro ang sakit ng keps ko ngayon, but well, ginusto ko rin naman. Napatingin ako sa sarili ko, suot ko pala ang shirt ni Dravis, kaya umabot hanggang hita ko ang haba. Bumangon na rin si Dravis saka napasuklay sa buhok n'ya gamit ang mga daliri. Napakagat na lang ako sa kuko ko dahil mukha siyang model... Aaminin kong hot talaga siya at sobrang gwapo. Kung hindi lang ako nangako sa sarili ko na last na 'yung kagabi, malamang niyaya ko ulit siya makipagsex. "C-Can I take a bath first?" tanong n'ya saka napahawak sa batok n'ya. Napabuga ako ng hangin saka tumango. "Okay," sagot ko na lang. "Ahm... Y-You're wearing my shirt," sabi n'ya saka itinuro ang suot ko. "Ah, oo nga pala." Agad ko namang hinubad 'yon at inihagis sa kan'ya. Gusto kong matawa nang makitang namula ang tainga n'ya nang makita ang hubad kong katawan. Agad siyang napaiwas ng tingin, tumalikod pa talaga na parang hindi kami nag-s*x nang ilang ulit kagabi. "I-I'll take a bath now," sabi na lang n'ya saka agad na tumayo at tumakbo papuntang bathroom. Natatawang napailing na lang ako at tumingin sa salamin. Napangiwi ako nang mapatingin sa katawan ko. Bakit ko ba siya tinuruan maglagay ng hickey kagabi? Puro kiss mark tuloy ang katawan ko ngayon. Ipapa-cancel ko na lang muna ang photoshoot ngayon at magdadahilann na masama ang pakiramdam ko. Napabuga ako ng hangin nang mapansin na ang tagal ni Dravis. Sana pala ako na lang ang nauna. Napaismid ako at nagtungo sa bathroom saka basta na lang pumasok doon. Naabutan ko si Dravis na nagsh-shower, halos mapatalon siya sa gulat nang makita akong pumasok. "H-Hey, you didn't even knock," reklamo n'ya. "Why do I have to?" Inismiran ko siya. "Sabay na tayo, hindi na kita mahintay." Napalunok si Dravis at napaiwas ng tingin sa'kin. "You're so shameless." "Ano pa bang ikakahiya ko, eh nagsex pa nga tayo kagabi? Usod nga," sabi ko na lang saka bahagya siyang tinulak palayo sa shower. "Hey, I'm taking a shower," reklamo na naman n'ya. Hinarap ko siya saka nagpamaywang. "Puro ka reklamo, parang hindi ka sarap na sarap kagabi ha!" asik ko. Halos umusok ang mukha ni Dravis sa pamumula. "Y-You're shameless mouth... My goodness." Napahawak siya sa batok n'ya na para bang stress na stress siya sa akin. Napaismid na lang ako saka tumuloy sa pagsh-shower at tinalikuran siya. Kumuha ako ng shampoo saka nagsimulang shampoo-hin ang buhok ko. Naramdaman ko naman na hindi gumagalaw si Dravis sa likod ko. Napataas ang kilay ko at humarap sa kan'ya. "Ano pa'ng hinihintay mo? Mag-shower ka na rin," sabi ko na lang. Mukhang wala siyang balak kumilos kaya humawak ako sa braso n'ya at hinila ko na siya palapit sa akin para masakop din siya ng tubig mula sa shower head. Naramdaman ko pang napasinghap siya nang magdikit ang katawan naming dalawa. Natatawang napailing ako saka hinampas ang matigas na dibdib n'ya. "Why are you like that?" natatawang tanong ko. Dapat magiging cold na 'ko sa kan'ya, e. Kaso natatawa ako sa kan'ya. Ano ba 'yan?! Napaiwas na lang siya ng tingin sa akin, namumula pa rin ang mukha. Napailing ako at inabot sa kan'ya ang shampoo ko. "Oh ito, magshampoo ka na rin." Kinuha n'ya na lang 'yon saka naglagay ng shampoo sa kamay. Napangisi ako at pinanood siya na shampoo-han ang sarili n'ya. He's really amusing. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa kan'ya. Mukhang napansin n'ya na nakatingin ako sa kan'ya kaya tumingin din siya sa akin. "W-Why?" Umiling ako. "Wala naman. Sige, magshampoo ka na lang diyan." Medyo natagalan kami sa pagligo. Pagkatapos, lumabas na agad kami ng bathroom para makapagbihis. Simpleng sleeveless top at shorts na lang ang isinuot ko. Napatingin ako kay Dravis na tahimik lang na nagbibihis sa gilid. "Pst, Dravis," pagtawag ko sa kan'ya. Napalingon siya sa akin matapos n'yang magbihis. "Hmm?" he asked in a soft voice. Napatikhim na lang ako... Bakit ang lambing ng boses n'ya? Nakakakilig nang slight. "You better keep this a secret. Hmm? Kapag pinagkalat mo 'to, susuntukin kita," sabi ko at inangat ang kamao ko. Tumango si Dravis at hindi na lang nagsalita. I sat on the bed and crossed my legs. Napatingin na lang sa akin si Dravis, tila gustong magsalita pero hindi naman masimulan. Mukha siyang teenager na aamin sa crush n'ya pero nahihiya. Napangisi na lang ako sa mga naiisip ko. "May sasabihin ka ba?" tanong ko. Napahawak si Dravis sa batok n'ya saka napaiwas ng tingin sa akin. "C-Can I get your number?" Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Bakit? Ito na ang huli na gagawin natin 'to? There's no reason for us to talk, or even text or call each other." "Why are you so sure?" tanong n'ya saka tumingin sa'kin. "H'wag ka magsalita nang tapos." Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay, nakipagtagisan ako ng tingin sa kan'ya habang siya naman ay hindi makatingin nang ayos sa akin. "Don't tell me gusto mo na magsex tayo ulit?" nakangising tanong ko. Mas lalong namula ang mukha ni Dravis. "H-Hindi sa gano'n." Napailing na lang ako at nilahad ang kamay ko sa kan'ya. "Give me your phone." Napakurap siya at tila natauhan. Kinuha n'ya ang phone mula sa bulsa ng pants n'ya pero natigilan siya nang mapatingin doon. Napakunot ang noo ko nang mapansing namula ang mukha n'ya. Nag-aalangang tumingin pa siya sa akin na parang ayaw ibigay sa akin ang phone n'ya. "Huy, akin na," sabi ko na lang. "W-Wait," nauutal na sabi n'ya at akmang pipindot doon. Napairap ako. "H'wag na lang." Mabilis n'yang inabot sa kamay ko ang phone n'ya. Napangiti na lang ako at agad na tiningnan 'yon... pero natigilan ako nang makita ang lock screen n'ya. Anime character 'yon na baby. Napakunot ang noo ko at napatitig pa roon. Sa pagkakaalala ko si Kotarou ito ng Gakuen Babysitters na anime. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin kay Dravis. Hindi siya nakatingin sa akin pero pulang pula ang tainga n'ya. "D-Don't laugh," bulong na lang n'ya. Napakagat ako lalo sa ibabang labi ko para pigilan na matawa. Napailing na lang ako at inilagay roon ang number ko since wala namang password ang phone n'ya. Imbis na Denise ang pangalan na inilagay ko roon, Audrina ang inilagay ko. Mahirap na, baka mapakialaman ng ibang feroci members ang phone n'ya. Wala naman gaanong nakakakilala sa akin sa Audrina. Binigay ko na sa kan'ya ang phone n'ya. Tiningnan n'ya naman 'yon. Napatango na lang siya saka ibinalik 'yon sa bulsa n'ya. "Do you even know my name, huh, Dravis?" tanong ko saka tinaasan siya ng kilay. Tila batang tumango siya. "Denise Audrina Villamor," agad na sagot n'ya. "Bakit alam mo ang buong pangalan ko?" "I saw it from there," sabi n'ya saka itinuro ang magazine na nasa bedside table. Nakalagay roon ang mukha ko pati ang buong pangalan ko. Napaismid na lang ako at napailing. Dahil lang pala ro'n. "Okay, sige na. Alis na. Baka may makakita pa sa'yo na nanggaling dito," sabi ko na lang saka umupo ulit sa kama. Imbis na umalis, nanatili siyang nakatayo sa gilid. Napakunot ang noo ko. "Something's bothering me, Audrina," sabi n'ya. Gusto ko sanang pansinin ang pagtawag n'ya sa'kin sa second name ko pero hindi ko na lang pinansin. "Ano 'yon?" tanong ko sa kan'ya. "Can I clean your place before I go?" tanong n'ya sa mahinang boses. Natigilan ako at napakurap. "Huh? Seryoso ba?" Tumango na lang siya sa tanong ko. Kagabi pa rin talaga siya bothered sa mga kalat sa unit ko. Kahit bago kami matulog, puro siya reklamo. Dapat daw maglinis ako lagi ng unit para hindi ako magkasakit, tinulugan ko na lang siya dahil pagod na rin ako sa ilang oras naming pagse-s*x. Wala na 'kong maintindihan sa pinagsasabi n'ya. Napabuga ako ng hangin. "Bahala ka, nandoon lang sa cabinet ang cleaning materials." Hindi naman talaga ako burara sa unit ko, pero ilang araw rin kasi akong pagod sa sunod-sunod na photoshoot at commercials kaya hindi ko masyadong maasikaso. Balak ko rin naman maglinis ngayon pero inunahan na ako ni Dravis. Tumingin na lang ako sa phone ko at hinayaan si Dravis na maglinis. Pasimple akong napapatingin sa kan'ya... Halata sa kan'ya na sanay siyang maglinis. Kahit yata kakarampot na alikabok hindi n'ya pinapalagpas... Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinapanood siya habang naglilinis. "Okay, it's done," sabi n'ya nang matapos na maglinis. Napatingin pa siya sa paligid, tila satisfied sa ginawa. Napangiti ako saka tumingin sa kan'ya. "Thanks," sabi ko na lang. Bahagyang ngumiti si Dravis saka napahawak sa batok. "You're welcome." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil gusto ko siyang kagatin. Nakakagigil pala siya, para siyang inosenteng bata kung minsan. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganito ang isa sa kinatatakutan kong miyembro ng feroci noon. Naaalala ko pa kung paano ako kilabutan sa tuwing nakikita ko siya noon. I didn't expect him to be such a softie. He's also a gentleman, his future girlfriend will be so lucky. "Okay, I'll take my leave now," sabi na lang n'ya. Tumalikod na ito at akmang lalabas pero agad akong tumayo saka lumapit sa kan'ya "Wait!" Humawak ako sa braso n'ya dahilan para mapalingon siya sa akin. "Ililibre kita ng lunch, kapalit ng paglilinis mo rito." Napailing si Dravis. "You don't have to do that though." Naiinis na hinablot ko ang leegan ng shirt n'ya. "Nagmamagandang loob na nga ako, e. Bakit ba ang sama ng ugali mo sa'kin?!" Napakunot ang noo ni Dravis. "Ako pa talaga ang masama ang ugali sa'yo?" tanong nito. Napairap na lang ako at binitiwan siya. "Kung ayaw mo, edi h'wag." Akmang babalik na ako sa kama pero humawak naman si Dravis sa kamay ko. "Okay, I'm sorry. Ilibre mo na 'ko," sabi na lang n'ya. Napataas ang kilay ko. "Parang napilitan pa. H'wag na lang, uy. Alis na nga!" "Bakit ba bigla kang nagagalit?" tanong n'ya. "Ewan ko sa'yo. Alis na nga kasi!" "Ilibre mo na 'ko!" asik n'ya rin. "Ayoko na nga, e! Nawalan na 'ko ng gana!" singhal ko pabalik. "Seriously, why the hell are you like that?" tanong n'ya. "Ayaw na nga kitang ilibre kasi napilitan ka na lang. Kaya nga pinapaalis na kita!" nakapamaywang na sabi ko. "Why are we fighting over this, Audrina?" tanong n'ya, umigting pa ang panga sa inis. "H'wag mo nang isipin! Just like what I've said earlier, this will be the last time rin naman. So, just go! Alis na." Inirapan ko pa siya. Napabuga ng hangin si Dravis at napahawak sa batok. Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. "Sige na. I'm tired and hungry... Please, ilibre mo na ako." Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at napatitig sa kan'ya. Nakonsensya tuloy ako bigla. Napaismid na lang ako at kinuha ang wallet ko saka sinenyasan siya na sumunod sa akin. "Okay, fine. Ililibre na kita," sabi ko na lang. NAGTUNGO NA LANG kami sa restaurant na malapit lang dito sa unit ko. Tahimik lang kaming pareho habang naghihintay ng order namin. Natigilan lang ako nang tumunog ang phone ko, agad kong tiningnan, may nag-text na number lang. Unknown number: Audrina Napataas ang kilay ko at napatingin kay Dravis na tahimik lang sa tapat ko at nagt-type sa phone n'ya. Nilagyan ko naman agad ng pangalan ang number n'ya at inilagay sa contacts ko. Me: Ano'ng trip mo? Dravis: ? Natawa ako sa reply n'ya. Bakit naman pusa na emoji ang reply n'ya? Me: ? Dravis: Are you still mad at me? Me: I'm not mad, saka pwede ba wag na tayong magtext dahil magkaharap lang naman tayo? Dravis: Okay. Napatingin ako sa kan'ya. Ibinaba na n'ya ang phone n'ya saka tumingin din sa akin. Parehas kaming tahimik at walang masabi. "You don't have to worry, Dravis. Gaya ng sabi ko kanina, ito na ang huli, diba?" I crossed my legs and stared intently at him. "Unless you want us to be f**k buddies or something." Agad na namula ang tainga n'ya sa sinabi ko. "That's not my intention," bulong n'ya. Napatango na lang ako saka kumagat sa fries na nasa plato. "Then, do you want us to be in a relationship or something?" tanong ko ulit. "N-No, it's not like that either. I just want us to end in good terms," sabi na lang n'ya. Napatango ako. Sabagay, mukha ngang hindi pa siya nakaka-move on sa first love n'ya... Ano ba 'tong pinagsasabi ko? "Well, maganda na tapusin din talaga natin ito, Dravis. Hindi rin naman magandang tingnan kung ipagpapatuloy natin. Alam mo naman kung sino ang ex ko, diba? It will be so awkward," sabi ko saka uminom na lang ng juice. Natigilan si Dravis, nanatiling nakatitig sa akin. "Who's your ex?" Ako naman ang natigilan sa tanong n'ya. Napakurap ako at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kan'ya. Tumitig pa ko sa kulay abong mga mata n'ya para siguruhin kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. "Huh?" naitanong ko na lang. "Hindi mo alam kung sino ang ex ko?" bulong ko pa. Napahawak si Dravis sa batok n'ya. W-Why? Is your ex an actor or a model too?" tila curious na tanong n'ya. Napaawang ang labi ko at napatakip sa bibig. Hindi ko inaasahan na hindi n'ya alam ang tungkol doon... Hindi n'ya ba talaga alam na ex-girlfriend ako ni Xceron? Parang imposible naman yata. Alam kong alam ng lahat ng feroci na ex ako ni Xceron. Bakit hindi n'ya alam? Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang maalalang hindi nga pala interactive si Dravis sa feroci. Naalala ko na nabanggit din sa akin ni Xceron noon na talagang walang pakialam si Dravis sa kanila at wala rin itong tinuturing na kaibigan sa feroci. Kaya rin siguro hindi nito naalala kahit ang pangalan ko man lang. "Audrina... Who's your ex?" tanong pa ni Dravis na nagpatigil sa'kin sa malalim na pag-iisip. Napatikhim na lang ako. "Ahm..." Natigilan lang kaming pareho nang dumating na ang order namin. Hindi na lang ako nagsalita ulit at nagsimula na lang kumain. Napatingin ako kay Dravis na tahimik din na kumakain ng pasta. Napakagat ako sa tinidor ko at napaiwas ng tingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko... Kung ganoon, hindi n'ya alam na ex ko si Xceron na ka-miyembro n'ya sa feroci. Akala ko, all this time, alam n'ya ang tungkol doon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kan'ya na si Xceron ang ex ko. Ano kaya ang iisipin n'ya tungkol sa akin kapag nalaman n'yang ex ako ni Xceron pero inakit ko siya nang gano'n? Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa iisipin n'ya tungkol sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD