Nanatili ako sa kwarto ni Dravis... Hindi ako makalabas. Ayokong makita nila ako. Ayokong malaman nila na narinig ko ang usapan nila. Ayokong kaawaan nila ako... Hindi ko naman kailangan no'n. Napatitig ako kay Dravy na ngayon ay nakatitig din sa akin. Lumapit siya sa'kin saka dinilaan ang kamay ko, umupo pa siya sa kandungan ko... para bang alam n'ya na mabigat ang dibdib ko ngayon, para bang pinapakalma n'ya ako sa paraan na alam n'ya. "Dravy... All this time, I'm not your Mommy pala," bulong ko saka hinaplos ang balahibo n'ya. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong malungkot. Nilinaw ko rin naman kay Dravis noon na ayaw ko siyang mahalin... Kahit pa sinabi n'ya na nagugustuhan na rin n'ya ako, nilinaw n'ya rin sa'kin na ayaw n'ya 'kong mahalin. Alam ko na ngayon ang dahilan.