"Hala, may bisita pala si Dravis. Pasensya na sa abala," sabi ni Ashia sa akin. Tipid na ngumiti na lang ako at tumango, hindi na ako nagsalita. Iginiya naman ni Vianne si Ashia papasok sa loob. Ngumiti si Ashia sa amin saka nilibot ang tingin n'ya sa paligid. "Hindi pa rin nagbabago," bulong n'ya na narinig ko naman. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin... Nanatili rin yata siya noon dito sa bahay ni Dravis. Napailing na lang ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Wala namang masama ro'n. Si Xceron din naman tumuloy sa unit ko noon... Tama, wala rin naman akong dahilan para mag-isip ng kung ano-ano. Napatingin ako sa kanila, tumingin sa'kin si Vianne at hindi ko gusto ang tingin na pinupukaw n'ya sa'kin. Nanatili na lang akong kalmado at walang reaksyon. Ayoko rin