"Audrina..." "U-Umalis ka na, Dravis," muling sinabi ko saka itinuro ang pinto ng unit ko. Napalunok si Dravis. "C-Can we think about it first?" tanong nito, tila nakikiusap. "W-Wala na tayong dapat pag-isipan o pag-usapan, Dravis. Umalis ka na!" kahit nanginginig ang boses ko, nagtaas na ako ng boses... Para makinig siya, para maramdaman n'ya na gusto ko na siyang umalis. "Audrina..." anas n'ya. "Stop calling me that! Kapag nagkita tayo ulit, magpanggap ka na hindi tayo magkakilala, na walang nangyari sa pagitan nating dalawa... Hindi ka ba nakikinig? Tinatapos ko na, Dravis. Umalis ka na. H'wag ka nang bumalik!" Hinawakan ko ang braso n'ya at buong lakas siyang hinila palabas ng unit ko. Nang akmang itutulak ko na siya palabas, humawak siya sa pintuan, nakatitig sa akin. Humaw