Napangisi ako sa sinabi n'ya. Nanatili akong kalmado habang nakatitig sa kan'ya, hindi ko ipinahalata na nanggigigil ako sa inis sa kan'ya ngayon. I crossed my arms as my eyebrow arched. "Ano naman ang pakialam ko kay Ashia at sa iniisip mo tungkol sa'kin?" Lumapit ako sa kan'ya saka nakipagtagisan ng tingin sa kan'ya. Naningkit ang mga mata n'ya. Napangisi na lang ako dahil nagustuhan ko ang naging reaksyon n'ya. Kung painitan lang din naman ng dugo ang labanan namin ngayon, pakukuluin ko nang maigi ang dugo n'ya hanggang sa sumabog siya. "Walang wala ako sa kalingkingan ni Ashia?" Umangat ang kilay ko. "Wala akong pakialam, Vianne. Hindi ko kinikumpara ang sarili ko sa kahit kanino. Hindi ko gawain 'yon, e. Baka ikaw gano'n ka, masyado ka bang insecure?" Napangisi siya, pero nararamd