Naglalakad ako ngayon pauwi. Pero napatigil ako ng may tatlong motor na nagsiparadahan sa harap ko. Napakunot ang noo ko ng pinalibutan ako ng tatlong big bike na mukhang babae ang nagdadrive dahil naka SIS uniform. Nang magtanggal ng helmet yung nasa gitna, napatingin ako sa kaniya. Babaeng may mahabang buhok, chinita, at mukhang---"So you're the one who mess up with Daisy's plan." Naghahanap ng away. Yan ang unang pumasok sa utak ko ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ng babaeng yun. Sinuklay niya ang kaniyang buhok paitaas bago bumaba sa big bike.
"Hey." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Who do you think you are, huh?" Taas kilay niyang tanong. Ano namang ginawa ko rito? Naghahanap ng away ahhh. "Since you ruin Daisy's plan. Ikaw ang kumuha ng mga answer sheets. Name your price." Ahhh. So ito pala ang dahilan kung bakit nila ako tinatarget? "Bakit di ka mag-aral?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya.
"I beg your pardon?" Kunot noong sabi niya. Nagbuntong hininga ako. "Sabi ko, bakit hindi ka mag-aral?" Ulit ko sa sinabi ko. Tinawanan niya ako bago idinura sa gilid ang nguya nguya na bubble gum. Tinapik niya ang balikat ko bago ako tiningnan. "Now I get it why Daisy don't like you." Tumuon siya papalapit sakin. "Mahilig ka manghimasok sa buhay ng ibang tao, noh?" Nakangisi niyang saad.
"Tatanungin kita, Nerd. Gagawin mo ba ang inuutos ko o gagawin kong impyerno ang buhay mo dahil sa pangingialam mo sa mga plano ko." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Hindi mo ko katulong kagaya ni Daisy. Ibahin mo ako." Iniwan ko sila sa gitna ng kalsada bago nagpatuloy sa pag lalakad.
Pagkarating ko sa bahay agad kong sinalubong si Mama. "Ma, andito na'ko." Nakita ko siyang naggagayat ng lettuce sa kusina. Napatigil siya saglit bago ako nilingon. "Brielle, anak. Salamat, nakauwi ka na. Halika dali." Nagtanggal ako ng sapatos bago nilapitan siya. "Ohh" Inaruhan niya ako ng isang mangkok na may laman na sinigang. "Dalhin mo 'to kila Angelo, pasalamat na rin yan sa pag hatid niya sayo kahapon." Saad niya. Tumango ako.
Astang tatalikod na ako at dadalhin ang mangkok pero pinigilan ako ni mama. Hindi niya tinanggal ang pagkakahawak sa mangkok, kaya napatingin ako sa kaniya. "Nga pala, ayos lang ba kayo ng pamangkin ko, Brielle? Bakit hindi siya bumibisita ngayon?" Tukoy ni Mama kay Liam. Napalunok ako. "Ahh ehh, may maliit na bagay kasi kaming pinag-awayan Ma." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nag-iwas ako sa kaniya ng tingin ng kumunot ang noo niya. "Ano pinagawayan niyo?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Nagbuntong hininga siya.
"Sige, sige na, umuna ka na. Alam kong maayos niyo rin yan. Anim na taon ko kayong inalagaan." Sabi niya bago ako itinaboy sa labas. Napakamot na lang ako ng ulo. Pagkalabas ko ng apartment namin. Nagdoorbell ako sa pinto nila Valkyrie. *Ding! Dong!* Maya maya rin ay bumukas ang pinto. "Hey," Bati ni Angelo habang nagtatanggal ng headphone. "Hey." Bati ko rin. Iniaro ko ang dala kong pagkain sa kaniya.
"Thank you sa pagsundo sakin kahapon." Pasasalamat ko. Kinuha niya ang mangkok sa kamay ko bago ako tiningnan. Sh*t... Ang gwapo. Bakit ang gwapo ng lalaking 'to? Pag ipagcocompare sila ni Xyvill halos hindi ko masabi kung sino ang mas lamang ehh. Sabagay depende naman yun sa taste ng babae, kung gusto Manly Handsome Face, si Angelo ang lamang. Kung Beautiful Handsome Face naman mas gusto mo, si Xyvill lamang. Mas baby face at maamo tingnan. Nagbalik ako sa realidad ng magsalita si Angelo.
"Brielle," Tawag niya sakin, tiningan ko siya at tinanong. "Bakit?" Tanong ko. "Can I ask a favor?" Tanong niya. "Sure." Sure, of course. No one can reject that handsome face of yours. Uyyy! Joke. Kakahiya naman dito kay Angelo kung irereject ko siya. Halos 2 AM na kami dumating sa bahay ehh. Binuksan niya ng malawak ang pinto bago ako pinapasok. Pumasok ako, napatingin ako sa kaniya ng siya ay magsalita. "Could you help me deal with Kyrie? She's in her room." Saad ni Angelo sakin. Kahit nagtataka, agad akong tumango. Tatanungin ko sana kung ano ang problema pero biglang may tumawag sa cellphone niya. "Wait a sec."
Pinanood kong lumabas si Vaughn Angelo. Nang mawala siya sa paningin ko nagtungo ako sa kwarto ni Valkyrie. "... uyaa. Kuyaa!" Rinig kong tawag niya mula sa loob. Astang bubuksan ko ang doorknob ng marinig ko siyang nagsalita. "Kuyaaa huhuhu! Asan ka ba? Di pa'ko tapos magemote ehh!! Napakawalang kwenta kong tao. Ginusto lang naman niya akong tulungan pero siya naman ngayon ang napag-iinitan. Tapos kahapon muntik na siyang mawala, kasalanan ko rin yun huhuhu! Now I get it kung bakit ayaw niya akong maging kaibigan huhuhu. Ano gagawin ko Kuyaaaa!" Rinig kong humihikbi na sabi ni Valkyrie sa loob ng kwarto niya. Medyo natigilan ako. She's talking about me.
"Brielle," Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Vaughn Angelo.
"What happened to Valkyrie?" Tanong ko. Tiningan niya ako. "She's drunk." Napaawang ang labi ko. Kinunutan ko si Angelo. "Bakit mo naman hinayaan? Exam natin bukas ahh." Tanong ko sa kaniya. Ibinigay niya sakin ang glass na hawak niya bago ito sinalinan ng tubig. "Wala na akong nagawa, it's her stress reliever." Minsan ang sarap din topakan nitong si Angelo. "Ehh anong dahilan kung bakit mo ko sinama rito?" Pagtatanong ko kahit may clue na ako sa sasabihin niya. "I won't force you to be friends with my sister. But I want to ask a favor. Could you please open your heart to my sister in the same way she opens her heart to you?"
"...." I can see Valkyrie's sincerity. Maybe... she was different from them. She's different. Nilingon ko si Angelo. Huminga ako ng malalim. "Try kong subukan, Angelo." Sa pinakaunang pagkakataon, nakita kong sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi niya.
***
"Class, cheating is prohibited, Okay?" Naglalaro ako ng ballpen habang nakaubob sa mesa. Hiwahiwalay ngayon ang mga silya namin. Exam na. First day. "Ayokong may mababalitaan na may issue ng cheating sa room na 'to. Lalo na't STEM kayo." Seryosong sabi ng adviser namin. "Yes Ma'am." Respond nila. Habang kinakalikot ko ang ballpen ko, napatingin ako sa gilid ng maramdaman kong parang may nakamasid sakin.
Did I just caught Xyvill staring at me? Tsk. Baka nagdedelulu lang ako. Imposible yun.
***
Break na. Katatapos lang namin magsagot ng dalawang subject. Kumakain ako ng fries habang si Valkyrie review na ng review. Ngangayon lang siguro nagrereview ang babaeng 'to. Kakaguilty naman, ako ang dahilan kung bakit hindi siya ganon nakapagfocus kahapon ehh. Idinutdot ko ang fries sa ketchup bago ito ibinigay sa kaniya. "Ahh." Saad ko. Halos malaglag na sa kinauupuan si Valkyrie sa biglaan kong pagsubo sa kaniya. Pero maya maya rin sinubo na ito. "Thanks!" Nakangiti niyang wagas na sabi bago nagpatuloy sa pagbabasa.
Napatingin ako sa harap ng mahagip ng mata ko si Liam. May akbay akbay siyang babae habang nakikipagtawanan rito. Paano ko kaya kakausapin ang mokong na yun. Pagkatapos na lang siguro ng exam. Para parehas kaming focus muna sa pag-aaral. "Valkyrie" Napatingin kami sa gilid ng makita namin si Dash. Nakatayo siya sa tabi ng table namin habang nakatuon ang dalawang kamay sa lamesa. "Bakit?" Tanong ni Valkyrie habang tumitingala. "Pwedeng tulungan mo ko rito? Di ko magets yung formula eh." Nang mapatingin si Dash sa direksyon ko, nginitian niya ako.
"Sorry busy ako. Kay Brielle. Alam yan ni Brielle." Napaturo ako sa sarili ko. "Ako?" Anong ako, nananahimik ako rito ehh. Wala na akong nagawa ng tumabi sa kabilang side ko si Dash. Nagbuntong hininga na lang ako. "Anong subject?" Tanong ko. "Pre-Cal. Conic Sections. Parabola." Nagnodd ako bago tiningan yung equations niya. Kinuha ko ang papel at sinuri ito. Lumapit ako sa kaniya bago binilugan yung negative sign. "Tama equations mo pero nagkamali ka rito. Be careful with the signs." Sabi ko bago siya tiningan. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko ng makita siyang nakatingin sakin.
"Dash?" Tawag ko dahil nakatulala siya sakin. "Ahh! Yeah, different signs... It should be subtract?" Tiningnan niya yung kaniyang papel. "Oo," Kahit elementary alam yun. "Try mo ulit." Ibinigay ko sa kaniya yung ballpen ko. Kinuha naman niya ito at tinanggalan ng taklob. Inunat ko ang leeg ko. Habang naguunat sa upuan napatingin ako sa gilid ko ng may tumawag sakin.
"Old-Fashioned Nerd." Napatingin ako sa harap ng tawagin ako ni Caspian. Porket Maluwag at mahaba lang ang damit at skirt ko. Aasarin na ako ng lalaking 'to. "Bakit?" Taas kong kilay na tanong. Nakaupo ngayon siya sa harap namin habang may hawak na reviewer. "Come here, explain this to me." Utos niya habang niyayakag akong tumabi katabi niya. Lalong napataas ang kilay ko.
"At bakit sa tingin mo tutulungan kita?" Saad ko. Sinakyan ni Valkyrie ang sinabi ko. "Kaya nga, yaan mo siyang bumagsak." Bulong niya pero rinig parin namin. Pft. Gusto kong matawa sa reaction ni Caspian. Hindi kasi ito maipinta. Tiningnan niya ako. "You will be responsible if I failed the next sem, Old-Fashioned Nerd." Aba, sakin pa isinisi. Sinuklay ko ang aking buhok bago siya tiningnan, nakangisi siya sakin. Tumayo ako sa pagkakaupo. Inang lalaking 'to.
Nilapitan ko siya. "Anong problema?" Tanong ko. Binigay niya sakin yung reviewer niya. Meron na itong mga highlight at mukhang nagaral talaga siya o pinagtripan lang ihighlight ang textbooks niya. "Yung inductive at deductive reasoning. Explain it further to me." Utos niya. Wow ha. Nagbuntong hininga na lang ako. "Ang tandaan mo dito. Kapag Deductive, general to specific. Tas pag Inductive, specific to general. Example---" Napatigil ako sa pagsasalita ng tawagin ako ni Dash.
"Brielle!" Tawag niya habang nakatingin sa notebook niya. "Bakit?" Sagot ko. "Nastuck ako rito, Patulong nga." Huh? Pero signs lang naman siya nagkamali kanina. Ayos naman yung compute niya. Tumayo ako at nilapitan si Dash. Humawak ako sa dulo ng mesa bago yumuko papalapit sa kaniya, "Alin jan?" Tanong ko, "Eto." Kumunot ang noo ko. "-5(-7)? 35. Ba't 50 sagot mo?" Napakamot ang ulo niya. "Pano naging 35 lang yun?" Tanong niya. Napatampal ako sa noo ko. Ibalik ko kaya 'to sa Elem. Nanggigigil ako sa lalaking 'to. Pinagmasdan ko ang computations niya. Tama naman yung pag-gamit niya ng times, subtract at addition sa first given bakit nalito siya bigla.
Tiningnan ko si Dash na inosenteng nakatingin sakin. Sinadya ba ng lalaking 'to na gawing mali? Pero imposible wala naman siyang dahilan para gawin yun. "Old-Fashioned Nerd. Give examples." Napatingin ako kay Caspian. Sinenyasan ko siya ng wait. "Dash, ganto. Same signs add and keep. Then different sign subtract." Nagnodd siya sakin. Pinuntahan ko ulit si Caspian. "Kapag deductive. General to Specific hanggang makacreate ka ng conclusion. For examaple, All humans are mortal. Socrates is a human. Therefore, Socrates is mortal. Nagsimula muna sa General bago Specific." Nagnodd siya habang nakatingin sakin. Naiintindihan ba ko ng lalaking 'to. "You too. Try mo gumawa ng example," Sabi ko. Saglit siyang nagisip bago tumingin sakin."Okay. Uh, Beautiful things belong together. You are undeniably beautiful. Therefore, we belong together." Huh? Ano daw? Tama ba yun---dinodog show ba ako ng lalaking 'to? Kahapon pa siya ahh.
"Brielle!" Tawag ulit sakin ni Dash.. Pinuntahan ko siya. "Ano? Nagets mo?" Nagnodd siya bago ipinakita sakin yung sagot niya. Tama na nga. "Thank you sa pag turo ha. Ang galing mo magturo!" Nakangiti niyang sabi. Binigyan ko lang siya ng half smile. "Alam mo, Brielle. May narealize ako nung nasolve ko na yung equation." Tiningnan ko siya. "Ano?" Tanong ko sa kaniya. Sumandal siya sa lamesa bago ako tiningan.
"Yung equation, parang buhay din, may positive at negative. Ang importante, alamin kung paano balansehin para hindi maging zero sa pag-ibig." Nakangiti niyang sabi. Ha? Ramdam kong napatingin sila Valkyrie sa direksyon namin. Gets ko naman na baliw sadya si Caspian kaya niya ako hinugutan pero si Dash? Ano kaya ang nakain neto. I can't imagine it.