"Baka nagkakamali ka lang. I never seen you before." Pagsisinungaling ko. Inang yan kasi, kaklase ko siya gamit ang pangalan na Brielle, tapos nakasayawan ko siya sa Masquarade Party sa pangalang Gabrielle, tapos ngayon naging partner ko siya sa modeling sa pangalang Azalea Gabrielle?! Tanginang yan, tadhanang tadhana talaga pagkikita namin ni Xyvill ehh. Magugulat na lang akong bigla siyang sumusulpot na parang kabote.
Tinitigan niya ako. Medyo nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. "Maybe," Maikli niyang sabi bago humarap na ulit sa una. Tumingin ulit ako sa gilid, nakahinga ako ng malalim. Hoooohh! Halos magkakalhating oras, may sasakyan na tumigil sa harap namin. Napatingin kami sa isang red Ferrari na kotse, pumarada ito sa unahan. Nang makita kong bumukas ang pinto ng driver's seat. Bumaba ang isang lalaki bago nagbukas ng itim na payong. Si Vaughn Angelo.
"Your boyfriend?" Biglaang pagtatanong ni Xyvill sakin habang tinitingnan si Vaughn Angelo na lumapit samin. How I wish---joke. "No, kapatid ng kaibigan ko." Paliwag ko, teka bakit ba ako nagpapaliwanag. Tumango siya sa sinabi ko bago inunlock ang pinto ng kotse. Nang mabuksan ko ang pinto, agad na iniaro saakin ni Angelo ang payong.
Nilingon ko si Xyvill. "I'm going, Xyvill. Thank you sa ride." Medyo sensiro na sabi ko, bago ko maisarado ang sasakyan, rinig ko siyang nagsalita. "Hmm. Goodnight." Malalim na boses niyang saad. Medyo na tigilan ako. Did he just say goodnight? Anong nakain ng lalaking yun. Pinanood kong makaalis ang sasakyan niya hanggang mawala ito sa paningin ko. "Let's go?" Saad ni Angelo. Tumango ako.
***
Back to normal na ulit. Dalawang araw na yung lumipas simula ng mangyari yung shooting. Naglalakad ako ngayon sa corridor. Hindi ko alam kung bakit ang ingay ng mga studyante.
"Nakita mo ba yung billboard ng R'monte Entertainment?"
"Oo! Viral na viral ehh!"
"Kabog ibang entertainment! Brinreak ba naman ni Xyvill ang record!"
Anong pinaguusapan ng mga 'to? Exam na bukas, ba't di sila nagrereview kesa chismisan na ng chismisan? Tsk. "Pero sino kaya yung female model niya, ang ganda ehh!! Ang lakas ng chemistry nila!!" Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ako, nagulat ako at napahinto ng may kung sino na umakbay sakin.
"Oyy! Wag ka ngang parang kabote! Bigla na lang nasulpot." Tinanggal ko ang kamay ni Liam. "Alam mo ba ang pinaguusapan ng buong school ngayon?" Biglaan niyang tanong, bakit parang ang seryoso niya. Anong problema ng mokong na 'to. Kinunutan ko siya ng noo bago nagpatuloy sa paglalakad, sinabayan niya ako ng paglalakad. "Ano?" Pagsakay ko sa tanong niya. May kinuha siya sa kaniyang bag, cellphone. Binuksan niya ang cellphone niya bago ibinigay sakin. "Eto ohh." Aro niya. Kinuha ko ito.
Kunot noo kong tiningnan yung picture na ipinakita niya. Building ng R'monte Entertainment, napaawang ang labi ko ng makita nakadisplay yung pictures namin ni Xyvill sa billboard nila. "A.. Ano to?!" Hiyaw ko kay Liam. Tinakluban ko ang bibig ko ng unti unting nagtinginan samin ang mga tao. Hinila ko si Liam palayo. Habang hila hila ko siya, agad siyang nagsalita. "Sabi na nga ba ehh! Ikaw yun noh?!" Sinenyasan ko siyang tumahimik. Nang makarating kami lab na walang katao tao, agad kong sinarado ang pinto bago siya tiningnan at kinausap.
"Bakit nakabillboard 'to??" Tanong ko sa kaniya habang tinuturo yung cellphone kung nasaan ang picture. Nakapamewang niya akong tiningnan. "Aba, kamalayan ko. Ako dapat nagtatanong niyan sayo! Ano ba kasing nangyari? Hindi mo alam? Na nakabillboard yang mukha mo sa kumpanyang pagmamay-ari ng bagong pamilya ng tatay mo?!" Sinuklay ko ang buhok ko pataas. Talagang pinamukha na nga ehh, para namang ginusto ko rin yun. Huminga ako ng malalim bago siya tiningan.
Ilang segundo kaming natahimik bago siya muling nagsalita. "Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong niya. Isinandal ko ang likuran ko sa pader. Saglit akong nag-isip bago tuluyang sumagot. "... Hayaan mo na lang." Panimula ko habang nakatingin sa kawalan. "Anong hayaan?" React ni Liam. "Hindi naman nila malalaman na ako yun. 10 years na naman ang lumipas simula ng makita ako ni Dad. Hindi niya makikilala na ako yun." Sinakbit ko ng maayos ang bag ko sa balikat ko bago nagsimula ng maglakad.
Bakas sa ekspresyon niya na kinakaawaan niya ako. "Bri... Aza." Nagdadalawang isip na sabi ni Liam sakin. "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." Maikli kong sabi. Sinabayan ako ni Liam sa paglalakad, parehas kaming walang imik sa isa't isa. Eto rason kung bakit ayaw kong sumali sa R'monte Entertainment, ano naman kung sikat at maimpluwensya sila? Nung nagdivorce ang parents ko mga around 8 or 7 years old ako nun. Nag-asawa ng bagong babae ang tatay ko, at yung R'Monte Entertainment? Pagmamay-ari yun ng bagong pamilya niya.
***
Break na namin.
Nasa may locker area ako. Tahimik na naglalagay ng libro. "Brielle!" Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Valkyrie sakin at nagpatuloy saking ginagawa. "Brielle, tara gala mamaya. Bigla kang napahiwalay sakin sa mall ehh!" Nakangiti niyang sabi habang pumupunta sa gilid ko. Masama pa ang loob ko, tsaka na lang siguro. Malalim akong nagbuntong hininga. "Not now, Valkyrie." Maikli kong sabi bago isinarado ang locker. Ramdam kong natigilan siya saglit. "Then kelan mo gusto? Bukas? O baka sa isang araw? Available ka ba sa Sabado? Linggo? or Next week. Next next week?" Valkyrie. Hindi ko siya sinagot.
"Ohhh, look what we have here, guys! Mukhang nagsasama na yung dalawang losers oh!" Napatingin ako sa gilid ng magsalita si Daisy. Astang aalis na ako pero tinulak ni Daisy ang balikat ko kaya napasandal ako sa locker. Ramdam kong pinapanood na kami ng mga estudyante. "Daisy, enough!" Sinubukang itulak ni Valkyrie si Daisy pero kinawakan siya ng dalawang alipores na kasama pa ng babaeng 'to. Sinubukan niyang manlaban pero hindi niya magawa dahil dalawa silang nakahawak sa kaniya. Tiningnan ko si Daisy. "Bakit ang sama mo makatingin, ha?" Hinawakan ni Daisy ang panga ko ng mahigpit.
"Siguro, pinapatay mo na ako sa isipan mo noh?" Mataray niyang sabi. Napairap ako wala sa oras. Wow, manghuhula ka ba, paano mo nalaman. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa panga ko. "Wala akong time sayo, Alis. Sinasayang mo oras ko." Malamig na boses kong saad. Tinulak ko siya sa gilid, at astang aalis na ako ng marinig ko siyang tumawa bago hinablot ang buhok ko. "Wala kang time? Pwes ako, meron! Hindi ba alam na kamuntikan na akong mapahamak dahil lagi kang nakikisawsaw sa mga plano ko?!" Sigaw niya ng matinis na boses. Aba, talagang naghahanap ng gulo. Ang sakit ng ganot niya ha! Kahit sinasaktan na niya ako, walang mga estudyanteng natinag, at nanatili lang na nagvivideo at nanonood.
"Sabi ng wala akong time ngayon para sayo ehh!" Galit kong hiyaw. Hinablot ko ang braso niyang nakahawak saking ulo bago ito pinilipit paikot. *Tudd!!* Tinulak ko siya sa locker. Kumiskis ang kaniyang mukha sa malamig na metal, napadaing siya sa sakit. Pinilipit ko pa lalo ang kaniyang kamay. "Ahhh! Ouch! Enough, enough! It hurts!!" Daing niya habang namimilipit sa sakit. Itinulak ko siya sa sahig. Hinipan ko ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko.
Banas na banas na ako sa presensya ng babaeng 'to. Napatingin ako sa gilid ng makitang nagpupumiglas parin si Valkyrie dun sa dalawang alipores ni Daisy. Masama kong tiningnan yung dalawa. Nag-iwas sila ng tingin bago unti unting pinakawalan si Valkyrie na nakatingin sakin, at para bang hindi mapakaniwala sa ginawa ko. Bago ako umalis, tiningnan ko si Daisy na masamang masama ang tingin sakin habang nagpapagpag ng skirt dahil sa pagkakalupagi niya sa sahig kanina. "Try to mess up with me again. Hindi lang yan ang aabutin mo sakin." Isinakbit ko ang bag kong nahulog sa sahig bago naglakad na paalis. Ramdam nag-ingay ng mga tao ang paligid pero hindi ko na lang ito tinuunan ng pansin at nagdaretso sa cafeteria.
***
Nasa library ako ngayon. Nakaheadset habang nagbabasa. Habang nagbabasa ako ng notes, napatingin ako sa lamesa ng may nagbaba ng bote ng banana milk. "Here." Tinanggal ko ang headset at hinarap si Liam. Umupo siya sa tabi ko bago ininom yung chocolate drink niya. Halos tahimik lang kami hindi kagaya ng dati na pinangungunahan niya ang pagiingay. "Sorry kanina." Panimula niya. Tiningnan ko lang siya bago kinuha ang banana milk na dala niya. "Nabadtrip kasi ako. I don't get why you're with Xyvill that time. Kala ko, iiwasan mo sila?" Tanong niya. He's talking about the billboard. Kala ko talaga pang magazine lang yun, kaya nagulat din ako nung nakabillboard.
"Hindi ba't ikaw ang gustong makipagkaibigan ako sa kanila. Bakit badtrip ka?" Balik ko sa tanong niya bago nilagok ang bote. Nabuntong hininga lang siya sa akin bago ulit tiningnan ako. "Si Valkyrie ang tinutukoy ko, Brielle. Si Valkyrie!" Pagdiin niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ba gusto mo siyang maging kaibigan ko? Atsaka bakit ba lagi na lang sa kaniya napapapunta sa conversation natin? Don't tell me gusto mo siya?" Sarkastik kong tanong.
Inis na tumayo si Liam bago ginulo ang kaniyang buhok. "It's not like that! I'm jealous okay!?" Nabigla ako sa pag sigaw niya. Laging kalmado 'tong lalaking 'to. Never pa niya akong sinigawan before. Tila naestatwa din siya sa kaniyang sinabi, saglit kaming nagtitigan hanggang binasag na niya ang katahimikan. "Aza, buag na ba talaga tayong tatlo?" Mahina pero ramdam ang sakit sa boses niya. Binanggit na niya ang pangalan na talagang itinatawag niya sakin, mukhang seryso nga siya ngayon.
Nung sinabi niyang nagseselos siya---Hindi selos na may gusto siya sakin yung nararamdaman niya. Siguro ng maramdaman niyang unti unti ko ng inoopen ang sarili ko sa ibang tao, nakaramdam siya ng selos. Hindi ko naman siya masisisi, halos kaming tatlo, nakadepende lang kami sa isa't isa. Napatingin ako sa kaniya ng magsalita ulit siya. "Kayo ni Noah. Hindi ko na kayo kilala. Feeling ko ang layo layo niyo na... Ang layo layo na natin sa isa't isa." Binitawan ko ang ballpen sa table at napayuko sa notes ko. Pagak siyang tumawa bago kinuha ang kaniyang bag sa table.
"I'm sorry, Brielle. Don't take my words to heart. Medyo naninibago lang talaga ako ngayon." Hinayaan ko na lang na umalis si Liam. Bakit ang selfish ko? Lagi ko na lang na iniisip na ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon namin pero hindi ko man lang napapansin na nahihirapan rin pati ang mga taong nasa tabi ko.
"Ugh. Why so noisy." Napatingin sa kabilang table ng may marinig akong boses. May lalaking nakahiga sa tatlong pinagsunod sunod na upuan. Kinusot ko ang luhang nagbabadyang tumulo bago ibinalik ang tingin sa notes ko. "Hey," Tawag sakin ni Vladimir pero hindi ko siya pinansin at inilipat ang pahina ng notebook.
"I didn't mean to listen but...." Nilingon ko si Vladimir gamit ang aking mga mata. Naguunat siya sa upuan habang itinataas sa table ang isang paa. "From what I know, Francis Liam Mendoza was a playboy at Liberty International School..." Umayos siya sa pag-upo.
"The two of you seems close. Are you also from that school?" Tanong niya habang titig na titig sakin, habang nakacross arms ang dalawang braso. Tiningan ko lang siya bago ibinalik ang tingin sa notes ko. Ramdam ko siyang tumayo kaya inakala kong umalis na siya, isasalpak ko pa sana ang headset ko sa tainga pero biglang may kumuha nito at sinarado ang notebook na binabasa ko.
"And If my hearings are correct, he called you Aza, right?" Nagdududa niyang tanong sakin. Tinanggal ko ang pagkakapatong ng kamay niya sa notebook ko bago siya tiningnan ng masama. "You heard it wrong. My name is Brielle Samaniego.... Saan relate ang Aza sa Brielle Samaniego?" Pabalang kong sabi habang siya ay tinitingnan. Vladimir is smart. My answer won't stop him from doubting me.
Ngumisi siya sakin bago yumuko sa harap ko. "If you say so." Pinanood ko siyang mawala sa paningin ko, ibang klase 'tong si Vladimir. Hindi siya madaling maloko. Tskk. Ipinasok ko na ang gamit ko sa bag bago tumayo na rin. Magsisimula na mamaya ang next class.